webnovel

Chapter 6.1

"COME DOWN, hija."

Tahimik ang boses ng ama ni Chyiarah pero may kasama iyong babala. Nakikita pa niyang nagtiim-bagang ito nang hagurin siya ng tingin. Nakasimpleng bestidang kulay turquoise lang siya at litaw na litaw ang kanyang kaputian. And she doesn't even wear make-up. Napabaling ito sa asawa sa nagtatanong at naninitang mga mata. Nakita ng dalaga na masuyong pinisil lang nito ang braso ng asawa.

Lihim na napangiti sa sarili si Chyiarah. Kahit sa huling sandali ay ipapakita niya ang rebelyon sa gusto nito.

Napilitan siyang bumaba ng matarik na hagdanan nang makitang pumuwesto si Thrace sa ibaba noon. As if like a gentleman waiting for the princess to come down. Hindi malaman ni Chyiarah kung matutuwa o maiinis. Alam naman niyang nagpapakitang-tao lang ang lalaki.

This handsome guy hated her, oh dear! Of all the Bachelor siblings, bakit ito pa?!

But oh well, hindi niya maitatanggi that the man has the most striking, seizing and eye catching face she had ever seen. Parang nililok ng magaling na iskultor ang prominenteng panga nito at ang napakatangos na ilong. Even his lips… those warm beautiful lips.

Nagsala ang isang paa ni Chyiarah kung kailan nasa huling baitang na siya. Hindi niya iyon sinadya at sinong gugustuhing ipahiya ang sarili sa mga bisita?

Pero parang gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa mabilis na pagsalo sa kanya ni Thrace. Mabilis na pumulupot ang mahaba at matigas na bisig nito sa maliit niyang baywang at saka inabot ng isa pa ang kanyang likod. At hindi niya alam kung magagalit sa sarili dahil mabilis na nagtraydor sa kanya ang sariling katawan.

The moment his skin touched hers ay para siyang gasolinang sinindihan at agad na naglagablab. Unaware, she snaked her soft and fine arms to his nape and enjoyed the sweet sensation that easily creeps in her every sense.

His warm breath fanned her face and neck that she wanted to pull him and kissed him.

Oh, dear God!

Kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng ganito katinding pangangailangan na mahalikan ng isang lalaki.

"Mabilis ang binata mo, panyero."

Ang parang nasisiyahang boses ng ama ni Chyiarah ang nagpahiwalay sa kanila ni Thrace sa isa't-isa.

"Oh, well. Kanino pa ba magmamana?"

Nagtawanan ang dalawang may edad na lalaki. Nagbatian naman ang dalawang ginang.

"I think it wasn't a bad idea, anymore. Mukhang madaling magkakasundo ang mga anak natin."

Hindi mapigilan ni Chyiarah ang palihim na maiikot ang mga mata sa ere dahil sa sinabi ng ama.

'If you only knew, Dad.'

At ano kayang matinding pang-akit ang naging dahilan para mapapayag ang lalaking ito na pakasalan siya? Samantalang hindi nga maganda ang tingin nito sa kanya.

Ah. The SFC, what else?

Gusto na naman niyang maghimagsik. Talagang ibinenta siya ng ama sa mga Bachelor? Hindi gusto ni Chyiarah na mas bumaba pa ang tingin sa sarili pero sa ginawa ng ama ay ano pa ang ipagmamalaki niya? Parang gusto niyang magalit lalo rito.

"Not really a bad idea, panyero. Besides, mas maganda na nakaplano na ang buhay ng mga anak natin. Lalo na itong anak mo. Babae pa naman at tagapagmana. It was necessary to find a good catch for a husband. At hindi ka magsisising sa huli, ang anak ko ang magma-manage ng SFC para sa maganda at masaganang future nila."

"I can only agree. Tumatanda na din ako at gusto ko nang mag-retiro. Gusto kong ipasa sa tamang kamay ang negosyong si Chyiarah rin naman ang magmamana."

"Napakaganda talaga ng anak mo, Marianne. Simple, yet elegant." Nakangiti ang mga mata ni Dawn na bumaling sa dalaga."Hindi na ako nagtataka kung bakit madaling napapayag ang anak ko. He was a sucker of simplicity."

Tumawa ang ina ni Chyiarah. "My daughter was so lucky to have your gorgeous son, Dawn."

Kumuyom ang mga palad ni Chyiarah. Gusto niyang magwala. Gusto niyang isigaw na sinungaling ang mga ito. Hindi siya gusto ni Thrace kundi ang SFC!

Pero bago pa siya makapagsalita ay kinabig na ni Thrace ang kanyang baywang. Napaigtad siya sa pagkabigla. At sa pagkamangha pa niya ay para siyang pinanulayan ng bolta-boltaheng kuryente. Para siyang napadaiti sa isang live wire.

"It was a pleasure to have your lovely, daughter Ma'am."

'Oh, if I hadn't known better. You, bastard! You are such a fucking liar!'

Puno ng animosity na tiningala niya ang lalaki. Alam naman niya ang totoong tumatakbo sa utak nito. Malinaw na malinaw iyon sa unang araw ng paghaharap nila at kinutya siya nito.

Pero mukhang inaral na ng lalaki ang mga reaksyon patungkol sa kanya. Nakangiti nitong binalingan ang mga may edad at parang tuwang-tuwang nagpadala sa daloy ng usapan hanggang sa magkaayaan na sa hapag.

Thrace didn't let go her hand. Ang ipinagpasalamat nalang niya ay nagkaisa yata sila na magpahuli sa pagpasok sa dining. Nang makatalikod ang mga magulang nila ay paasik na inilayo niya ang sarili rito. Itinulak pa niya ito ng dalawang kamay. Hindi lang para ipakita ang inis niya sa pagpapakitang-tao nito, but also to avoid the direct on fall of his delicious scent. It was assaulting her entire senses that she almost went out of her wit whenever she smelled him.

Sa kabilang bahagi ng kanyang pagkatao ay gusto niyang isiksik ang sarili sa masarap at mainit nitong katawan. May masarap na kilabot na parating nanunulay sa kanyang kabuuan sa tuwing nasa malapit ito, at higit kapag nadidikit ito sa kanya. At ganoon nalang katindi ang pagpipigil ni Chyiarah. It was aching hard, goodness!

Natatakot tuloy siya na pwedeng sa isang sandali ay biglang magbago ang daloy ng kanyang isip at sistema at maging isa nalang ang mga iyon ng gugustuhing mangyari.

Dahil sa likod na bahagi ng isip niya, kahit anong laking poot ang pangibabawin ng dalaga, ay parating kumakaway ang matindi niyang kagustuhan na pumaloob sa mga braso nito, at maramdaman ang matigas na katawan ng lalaki na nakadampi sa kanya.

"You don't have to pretend that you like this fucking agreement!"

He winced at her cursing. At wala siyang pakialam. Sira na ang record niya rito at wala na rin siyang balak na ayusin iyon. Besides, ano pa ba ang magbabago? He will marry her just because her father offered him the company.

And she wanted to hate him all the more. Kaya lang ay katawan niya ang nagtataksil mismo sa kanya. Dahil ngayon ay inuulan na naman siya ng pagnanasa nang bumaba ang mukha nito malapit na malapit sa kanya.

'The devil was going to kiss you, Chyiarah!'

Tumitili ang kanyang isip sa babalang iyon pero ni hindi siya kumilos para makalayo. Sa halip ay sabik na hinintay niyang lumapat ang mga labi nito sa kanya. Kusang namigat ang mga talukap ng dalaga pero hindi niya naramdaman ang mga labi nitong dumikit sa mga labi niya.

Instead, she felt froze the moment he licked her earlobe down her sexy long neck and up again. Heat was exploding her entire body. Pigil niya ang hininga habang sinisibat siya ng masasarap at maiinit na sensasyon sa bawat paghagod ng mga labi nito sa kanyang sensitibong balat.

His one hand curled up to her left breast and he fondled it so passionately that she couldn't help but moan sensually. While his other hand cupped the back of her face. Lumubog ang mga daliri nito sa malambot niyang buhok habang hindi niya mapigil ang sariling katawan sa pangangatog. Nagsimulang maging gulaman ang mga tuhod niya at hindi niya alam kung kakayanin pa siyang itayo ng mga iyon.

She softly moaned again as her eyes still closed. She couldn't help herself but savor the pleasure he was giving her. Umangat pa ang isang kamay niya at napakapit sa bisig nito ng mahigpit. Her stomach was aching like there were lots of nameless elements inside, that was storming and stirring wild.

Pero bigla rin itong tumigil sa ginagawa. And shocked she was when she saw those glints in his eyes while giving her a reserve smile.

"Tell me, hindi ko pa ba gusto ang nangyayari? It was exactly hitting two birds with one stone…" He stopped and studied heragain. Lust was now glittering in him. "…sultry heiress."

Sukat ay umangat ang depensa ni Chyiarah. Mabilis na tumigas ang magandang mukha at sa nagngangalit na paraan ay hinampas niya ang matigas at malapad na dibdib nito.

"Damn you! I hate you!"

Mabilis na nahawakan ni Thrace ang kamay niya at pinanatili iyon sa tapat ng dibdib nito.

She could feel the hard beating of his heart inside. Napaangat tuloy ang mukha niya sa kaharap. Only to find how handsome he was while the side of his lips was twisting as if in a mock. Nakakabwisit lang na kahit napakaarogante ng lalaking ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na… na…

Na ma-arouse ang makamundo niyang isip at katawan!

Hell, ito na ba ang parusa sa mga pinaggagawa niya?

"Oh, no! You don't mean that, do you? Of course you will like the idea of marrying a perfect man like me." Buong kumpiyansang ngumiti ito. At kahit hindi niya gustong maapektuhan ay naapektuhan siya ng gwapong ngiti na iyon. "Marry me, baby. Make me the happiest man in the world." Words were said in a husky seducing way. Pero pinanguna niya ang katinuan.

Binato niya ito ng halos makamatay na tingin. "Hell will freeze over but I will never like the idea of marrying a fuck ass like you!"

Gustong-gusto niyang tumili sa matinding inis rito. Pero natigil siya nang mapansin ang guhit ng sakit sa mga mata ng lalaki. Saglit na saglit lang iyon na gusto pang mag-alinglangan ni Chyiarah kung talaga bang nakita niya iyon.

"Compose yourself, baby. We should be ready for this show."

Show?

Napatanga nalang si Chyiarah sa walang pakundangan nitong pagsasaksak sa kanya kung ano ba ang mangyayari sa kanila matapos ang agreement na iyon. Paraan ba nito iyon para ibangon ang sarili sa insult na isinampal niya rito?

At nang salubungin niya ang mga mata ni Thrace ay nakuha niya ang sagot sa kanyang tanong..

His eyes were ruthlessly shooting her with his dark gaze. Pero kabaligtaran noon ang naging paraan nito ng paghawak sa kamay niya. He gentle guided her to the dining.

Napilitan siyang ngumiti sa mga naroroon. Ang mga ito nalang ang nagsalita sa buong durasyon ng pagkain. Habang siya ay hindi mapakali sa kinauupuan. Paano ay katabi niya sa mesa si Thrace. At sa tuwing mapapadampi ang braso nito sa kanya ay para siyang parating pinasasabugan ng maiinit na pakiramdam. Palagay pa niya ay sinadya nitong mapapatong ang isang kamay sa hita niya at walang pakundangang pumipisil at humahaplos doon.

At patawarin siya ng kanyang sarili pero nagugustuhan ng dalaga ang bawat pagpisil nito roon. Na gusto niya itong utusang papaglakbayin pa ang kamay nito sa loob ng kanyang bestida at damhin pa siya.

It was tormenting yet delicious that she was gripping her utensils hard just not to let go her moans and gasps. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para huwag bigyan ng kahihiyan ang sariling mapaungol sa masarap at nagliliyab na pakiramdam. At wala ni isa sa mga nasa mesa ang nakakahalata sa ginagawa nila ni Thrace. Abala sa pagkukwentuhan ang mga iyon at sadyang magaling at madiskarte lang talaga ang binata sa kung paano siyang sasalakayin.

Hindi alam ni Chyiarah kung paanong natapos ang dinner na hindi niya nahahablot ang batok ni Thrace at binibigyan ito ng mainit at malalim na halik. He did torture her the whole dinner… a sweet and sensual torture.