* Gideon Pov *
hindi ko alam kung bakit biglaan ko na lamang na itanong sa kanyang ang bagay nayun hindi ko na maintindihan ang nararamdam ko pero paki ramdam ko nagugustuhan ko na sya ayokong nag nakikita na mag kasama sila ni asher nasasaktan ako sa tuwing nakikita kung ang sweet nila sa isat isa
napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang remote sa ibabaw ng lamesa at pinatay ang TV at umakyat pagb akyat ko ay papasok sana ako sa kwarto ko ay bahagya akong napatingin sa pinto ng kwarto ni sabrina anu kayang ginagawa nya sa loob bahagya ak0ng lumapit sa pinto at huminga muna ng malalim bago ito kinatok
tok....
tok..
katok ko sa pinto ng kwarto nito pero wala man lang akong naririnig na ingay mula sa loob binuksan ko na lamang ito at bahagyang inilibot ang paningn sa kabuuan ng kwarto nito.
" sab where are - " nadapuan ng paningin ko si sabrina na nakaupo at nakahiga ang ulo sa mesa nilapitan ko naman ito at bumungad sakin ang mahimbing na natutulog si sabrina
napatingin ako sa mesa nya at nakakalat ang mga notebook nito sa mesa kinuha ko ang isang notebook na nasa tabi nya at tinignan ito.
" kung ganun nag rereview sya para sa exam" ngiting turan ko.
"mmmhhh gideon ang pangit mo" saad nito habang natutulog kung ganun hanggang sa panaginip naaasar ko parin sya?" natatawang saad ko.
bahagya naman akong napangiti at pinagmasdan ang mukha nito mala anghel pag tulog pero pag gising akala mo bulkan na basta basta nalang sasabog.
habang inaaral ko ang mukha nito ay nadapuan ng paningin ko ang mga labi nito hindi ko alam pero ala sa sariling bigla ko nalang itong hinalikan nanlaki ang mata ko ng bigla nitong iminulat ang mata kaya ganun na lamang ang atras ko at nanlalaki ang mata na nakatitig rito bumangon ito at animoy batang kagigising lang.
"tukmol anung ginagawa mo rito sa kwarto ko?" simangot nito.
"amh... wala naisip ko lang na tulungan kang mag review for exam" palusot ko napataas naman ito ng kilay at napatitigb sakin.
"ano tingin mo sakin bobo na kailangan ang tulog mo?" taas kilay nito
" ang arte mo naman magpasalamat kangat may kuya kana may teacher kapang pogi na pag tatyagaan kang tulungan para makapasa sa exam " irap ko rito.
" naku tigil tigilan moko Mr. Valleria baka nilalagnat kalang " irap din nito sakin
" tsk' magpasalamat ka nalang at tutulungan kita " saad ko sabay kuha ng isang notebook nya at binuklat ito napaawang naman ang labi ko ng bumungad sakin ang sinulatan nito.
" what the? babae ba talaga nagsulat nito ampangit" hagalpak ko ng tawa langya angganda gandang babae tapos ang sulat kamay parang dinaanan ng sakuna amp!"HAHAHAHAHA" hagalpak ko ng tawa.
" tang*na mo makalait ka ng sulat ko akala mo perpekto ka abnormal ka" sabay sapok nito sakin.
" panu naman kasi bat ganto ang sulat kamay mo ansagwa HAHAHA" muling hagalpak ko ng tawa. " binigyan ba kita ng permiso para pakelaman mo gamit ko ha!?" inis na hinablot sa kamay ko ang hawak kung notebook
" bwiset ka labas hindi ko kailangan ang tulong mo siraulo ka" sabay tayo nito at hinla ang braso ko at pinipilit akong lumbas ng kwarto nya.
" i' m sorry ok? HAHA totoo naman kasi ansagwa ng sulat kamay mo kahit sino matatawa pagnakita yun" natatawang saad ko
" labas... kung ayaw mong btadtadrin kita ng buhay " galit na turan nito" ok... ok.. easy lang piece tayo eto na lalabas na" nagpipigil tawang turan ko habang papalabas ng kwarto ng makarating kami sa tapat ng pinto ay agad nya akng itinulak palabas at pabagsak na isinara ang pinto." hey! let me help you" natatawa paring katok ko sa pinto ng kwarto nya.
'" lumayo layo ka sakin kung ayaw mong balatan kita ng buhay siraul ka"sigaw na saad nito mula sa lob ng kwarto HAHAHAH ansarap talagang asar asarin parang kamatis sa sobrang pula ang mukha sa tuwing nagagalit sya.
* Sabrina Pov *
tang iragis na lalaking yun matutuwa na sana ako dahil ambait nya dahil nagprisinta na tulungan ako inmis na matuwa ako maslalo lang umusok ang ilong ko ng dahil sa panlalait nya sa sulat kamay ko langya ansarap tirisin ang itlog ay este ilong
" aaarrrgggghhhh sarap sakalin hanggang sa mawalan ng malay" gigil na saad ko habang pinanggigigilan ang unan hysss langya ansarap sarap na ng tulog ko eh! gigisingin lang ako para inisin bwiset...
bahagya akong natigilan at napahawak sa labi ko panaginip ba yun o totoo? parang totoong dumampi ang labi ni gideon sakin" aaarrrgghhhh no..no...no... hndi totoo yun sabrina walang hiya ka marami kang pwedeng mapanaginipan bat ang tukmol nayun pa talaga?" saad ko sa sarili habang parang baliw na sinasabunutan ang sarili
ting...
natigilan naman ako sa kabaliwan ko ng may marinig akong tunog ng messenger agad ko namang sinilip ang ilalip ng mesa ko at may nakita akong isang phone na nasatabi ng paa ng mesa ko inabot ko naman ito at chineck
" hindi naman akin to mukhang kay tukmol to ah!!" kibit balikat ko binuksan ko ito at bumungad sakin ang wallpaper nito na babaeng nakatalikod at nakatali ng pony tale at nakasuot ng panghighschool na uniform
" oy... sino kaya to? first love nya?' natatawang turan ko gusto ko sanang icheck kung sino ang nagmessege sa kanya kaso lang may password napanguso nalang ako na tinitigan ito hanggang sa nakaisip ako ng kalokohan mwehehehehe.... sabrina's revenge lagot ka sakin ngayon tukmol ka mwehehehehe panigurado masosorpresa ka sa kahihinatnan nito hinanda ko na lahat ng mga gagamitin ko para sa aking pag hihiganti sisiguraduhin kung pagbabayaran mo ang panlalait saking sulat kamay bwahahahha...
Author; well anu nanaman kayang kalokohan ang pumasok sa utak ng ating lokarit na bida at sino nga ba ang batang babae na naka highschool uniform sa wallpaper ni Gideon abangan..............