webnovel

Chapter 20: Hikaw

               * Sabrina  Pov *

 

Nakaupo Ako Ngayon Dito sa Sala at nanonood ng TV. Sabado Naman kaya Wala akong magawa kundi stambay si Haring  Gideon Hindi ko alam kung nasa Kwarto ba nya o lumayas nanaman Kasama Yung ahas tsk' bat kasi Hindi nya nalang I live in para solo nila Ang isat isa tsk'.

"Mag review ka may exam Ako sa lunes" napalingon Ako ng bumungad sakin Ang mukha ni Gideon na nakatopless at nakasabit lang Ang damit sa balikat bahagya Naman akong natulala at tinitigan lang Ang sexy nitong katawan shit** matigas bayang abs nayan?

" Gusto mong hawakan?" Nabalik lang Ako sa ulirat ng maramdaman Kong nasa harap ko na Pala ito kaya kinunutan ko lang ito ng noo.

" Tsk' mukha Kang tambay sa Kanto" irap ko rito at muling ibinaling sa TV Ang paningin.

" Atlis Ako lang Ang gwapong tambay na babalik balikan" kibit balikat nito sabay upo sa dulo ng sofa.

" Kape mo Po sir Gideon" sabay baba ni ate Sonia ng kape sa mesa.

" Thank you" ngiting Saad nito.

" Tsk' babalik balikan ng bakla kamu" irap ko sabay subo ng tinapay.

" Alam mo kung gusto mong hawakan tong abs ko magsabi kalang papayagan Naman kita eh!!" Ngisi nito.

"Tigilan mo nga ko sa pa abs abs mo nayan ribs Yan eh!! hindi abs duhhh" sabay irap ko rito.

"Edi hawakan mo at tignan kung ribs ba talaga" nagulat Ako ng bigla tong lumapit sakin at hinawakan Ang kamay ko at inilagay sa abs. Nya bahagya Naman Kaming nagkatitigang dalawa ng dahil sa gulat naramdaman ko nalang na unti unti nitong inilapit Ang mukha nya sakin para Naman akong naexcite dahil hahalikan nya Ako.

" Sabby Can you help-" sa gulat naming dalawa ay bigla ko na lamang natulak si Gideon kaya sumalampak ito sa sahig at Ako naman ay napaayos ng upo at hinawakan Ang remote.

"What are you guys doing?" Nilingon ko si tita Marisa at nginisihan.

" O-oh... Hi tita good morning" nauutal na Saad ko.

" Good morning"mababakas sa mukha nito Ang pagtataka lumapit ito sakin at napatingin Kay gideon na nakasalampak sa sahig.

" What are you doing there Gideon?"Saad nito napalingon Naman to at napatingin saming dalawa ni tita Marisa.

" Amh...hi mom. Hi- hinahanap ko Ang nawawalang hikaw ni Sabrina " ngisi nito.

" Anong hikaw?" Mahinang Saad ko habang pinapanindilatan ito ng mata.

" Yung hikaw mo Diba nahulog kaya nagpapatulong ka sakin na hanapin?" Panlalaki nito ng mata sakin. Napatingin Naman Ako sa kanila ni tita Marisa.

" Ah... Oo nga Po Yung hikaw ko nawawala po kasi Kaya nagpapatulong Ako mahanap Yun Po"kamot ulong Turan ko.

" Ah ganun ba?" Nagpipigil tawa na Saad ni tita Marisa.

" Ah.. tita kailangan nyo Po ng tulong? Para Saan Po" pag iiba ko ng usapan.

" Ah... Here paki ayos Naman ng Zipper ko iha" sabay talikod nito sakin." Ah... Sige Po"sabay irap ko Kay gideon at napaluhod sa sofa at inayos Ang Zipper ng damit ni tita Marisa.

" Thank you iha" ngiti nito.

" San Po kayo pupunta? May date Po kayo ni dad?" Takang tanong ko.

"Oo eh!! You know Naman na Minsan lang kami may time ng daddy mo kaya lalabas Kaming dalawa" ngiti nito.

" Ganun Po ba Sige Po enjoy Po kayo" ngiti ko rito." Gusto nyo bang sumama ni Gideon?" Saad nito.

" Pwede Po ba?" Tuwang tuwa na Saad ko.

" Wag na mom araw nyo to ni Tito Carlos Dito nalang kami ni Sabrina dahil may exam sa lunes kailangan ko pareviewhin tong little sis ko" ngisi nito sabay patong nito ng braso sa balikat ko.

" Diba little sis?" Ngising baling nito sakin.tinignan ko lang ito ng masama at napatingin din Kay tita Marisa at napangiti.

" Mabuti Naman at magkasundo na kayo Sige na akyat na muna Ako sa taas" paalam nito at umakyat ng hagdan.

" Sige Po" pilit ngiti ko ng tuluyan na itong makaakyat sa hagdan ay sakto Naman na aalisin ko na Ang braso nya sa balikat ko ay tinanggal na rin ito.

Kaya pareho Kaming masama Ang tingin sa isat isa. " May pahikaw hikaw kapang nalalaman tsk'" irap ko rito Hindi Ako nito pinansin at bumalik lang sa kinauupuan nya at ininom Ang kape.

Inirapan ko lang ito at muling bumalik sa kinauupuan at nanonood ng TV.

" Habang nanood ay nabalot ng katahimikan Ang paligid bahagya akong napatikhim at sinulyapan ito.

" Sya nga Pala Ilang taon na Ang relation nyo nung Ahas ay Este ni Celestina?" Basag ko ng katahimikan.

Hindi Ako nito inimik at patuloy lang Ang panonood" ay dedma" ngiwi ko.

"Ayaw Ipa alam edi wag" irap ko rito.

" Dalawang taon na Kaming hiwalay ni Celestina" Saad nito habang sa tV lang Ang atensyon.

" Ah... So ex Girlfriend nalang Pala sya pero makasta akala mo Jowa pa" ngiwi ko at isinubo Ang tinapay.

" We're just Friend eh!!! Kayo ni Asher? Kayo na ba?" Natigilan Naman Ako sa pag nguya at bahagyang napatingin Dito tinitigan lang Ako nito na walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Agad ko namang nilunok Ang kinakain ko inirapan ito." Bat mo Naman naitanong? Wala kana dun kung kami na no!" Irap ko rito.

" I'm just asking Wala Naman talaga akong pakielam sa relasyon nyong dalawa" kibit balikat nito.

" Wala daw pero puro tanong tsk" inirapan  ko ito at sabay tayo at nilagpasan ito dun na ngalang Ako sa kwarto ko kairita kausap Ang Isang to tsk'!.

" Where you going?"baling nito sakin." Sa heaven magpaparty sama ka?" Lingo. Ko rito.

" Sure Basta bat Ikaw Ang sasakyan ko" ngisi nito." Siraulo" irap ko rito sabay talikod at umakyat sabay  pasok ng kwarto.

Pabagsak ko Naman na isinara Ang pinto at ibinagsak sa kama Ang katawan. " Kami ni Asher? " Bat Namang ganong tanong Ang tinanong nya sakin?.

Ting...

Napatingin Ako sa phone ko na nakapatong sa ibabaw ng side table ko agad ko Naman itong kinuha at chineck Kong sino Ang nag chat.

" Sab! Mag review ka para sa exam natin sa lunes ah!! Mangongopya nalag Ako hehe" basa ko sa chat ni Luna tsk! Si bruha lang Pala. Napabuntong hininga nalang Ako at napatayo at umupo sa sofa binuksan ko Ang bintana at kinuha Ang bag ko na nakapatong sa sofa at binuksan ito at kinuha Ang notebook ko sa calculus.

Napaupo Ako at binuklat ito at inumpisahan ng mag review " ex Girlfriend na Pala Ang Ahas nayun makakapit Kay Gideon akala mo Sawa tsk" iling iling na Saad ko habang nakatuon Ang paningin sa notebook.

Walang pumasok sa utak ko ng dahil sa kakaisip ko sa dalawang Yun "arrrgghhhh" sabunot ko sa sarili ko.

Wala akong maintindihan sa nirereview ko.