webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
213 Chs

Chapter One Hundred Seventy-Seven

"Alam ko," singit ni Six. "Mag-umpisa ka sa pagta-tagalog. Bro, sa totoo lang, lowblood na ako. Hwag mo nang palalain pa."

"Oo nga, pareho kayong ingles nang ingles ni Samantha. Ano bang nakain ninyong dalawa?" tanong ni Jack na nakuha pang magbiro sa kabila ng seryosong usapan.

Tsk! Napatingin ako bigla sa itaas at napabuntong hininga. Samantha. Samantha. Kailan kaya tayo magkikita? Mamayang gabi na ang dealing. Dapat lang na makalabas kami ng buhay, kakausapin ko pa siya. Okay na kaya siya? Simula nang huli naming pag-uusap pinilit ko nang kalimutan muna siya. Pero hindi talaga maiwasan na may mga taong magpapa-alala ng existence niya. Nasaktan talaga ako sa huli niyang sinabi sa akin. Kahit na alam kong wala siya sa sarili niya non, masakit parin na marinig. Takte, mahal ko talaga.

"Very well," sabi ni TOP. "Uumpisahan ko ang lahat nang makarating ako sa Japan para sa operasyon ko. At kung ano ang nangyari bago ako makabalik dito."

"Heh! I'm not a big fan of story telling so…" Lumapit si GD sa pinto. "Imma buy something to eat."

Tinignan lang namin siyang naglakad palabas ng pinto. Matapos lumabas ni GD muling nabalik kay pinuno ang atensyon namin.

"Ano nga ba ang nangyari sa'yo sa Japan?" tanong ni Seven.

"Hindi ka namin nakausap man lang habang nasa Japan ka. Parang bigla ka nalang naglaho," sabi ni Vin.

"Kung ano man ang nangyari sa Japan, may kinalaman sa kung ano ang nangyayari ngayon?" tanong ni Dos.

"Yes," sagot ni TOP. "Yes it's because of what happened in Japan."

"At alam na 'yon ni GD," sabi ni Kyo. "Kaya umalis siya."

"O baka dahil sa ayaw nyang mabugbog?" tanong ko.

May tumunog na cellphone. Kinuha ni TOP ang cellphone niya sa bulsa at tinignan. Biglang nagbago ang ekspresyon niya nang mabasa ang caller.

Mukhang alam ko na kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Sige na 'tol, sagutin mo na. Ako na ang bahalang mag-kwento," prisinta ko.

Napatingin sa akin ang mga loko.

"ALAM MO?!!" tanong nila.

"Oo, bigla ko lang naalala," kibit balikat ko.

"Sige." Tumayo na si TOP at dumiretso sa labas.

Naiwan ako kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Nakatingin silang lahat sa akin.

"O hwag nyo na akong tignan nang masama, pinilit ko lang talagang alamin ito nang mag-isa kahapon. Hindi rin madali na makakuha ng impormasyon," depensa ko nang tignan nila ako nang masama.

"Sige na, sabihin mo na," naiinip na sabi ng lokong si Jun.

"Katulad nga ng sinabi ni TOP, nag-umpisa ang lahat sa Japan. Alam nyo naman na mainit ang dugo ng mga Ryu kay pinuno, hindi ba? Nawalan sila ng anak at isinisisi nila ang pagkawala ni Ara sa kanya." Nagsindi ulit ako ng sigarilyo bago magpatuloy. "Nang mga panahon na sumasailalim si pinuno sa rehabilitation—"

"Rehabilitation?" tanong ni Mond.

"Pagkatapos ng operasyon niya at habang nagpapagaling siya, pumasok si TOP sa isang rehabilitation program," paliwanag ko.

"Bakit? Nag-drugs ba si TOP?" tanong ni Pip.

"Tang na pomelo, Pip! Hindi 'yun!" sagot ni Seven.

"Ano'ng nangyari sa rehab?" tanong ni Omi.

"Nag-meditate. Ang totoo, ibinabalik lang niya ang dating siya kaya siya kusang nagpapasok doon. Iyon ang paliwanag sa akin ni Sweety. Kusa raw na nagpapasok sa rehab si TOP para mawala ang takot niya at hindi na maging dependent kay Samantha." Napabuntong hininga ako. "Dahil noong mga panahon na bulag siya, masyado siyang naging dependent sa presence ni Sam. Napansin niya na nagbago siya at ayaw niyang maging pabigat."

"Kung sa bagay, ang laki nga pala ng ipinagbago niya noong mawala si Samantha. Naging emo siya bigla noon e," kwento ni Jack.

At kasalanan ko 'yon. Hindi ko alam na sobrang lalim pala ng kasalanan ko. Nang kunin ko sa kanya ang babaeng minamahal nya, malaki ang nawala sa kanya. Ang laki kong gago. Pero wala na akong magagawa pa tungkol sa nakaraan, kaya naman kahit anong mangyari, tutulungan ko siya. Tutulungan ko silang dalawa ni Samantha.

"Si Mr. Ryu, ang ama ni Gin o mas kilala natin bilang GD. Nagpakita siya sa rehab center. Nalaman niya ang kondisyon ni TOP. Alam naman natin kung sino siya hindi ba?" pagpapatuloy ko. Tumango sila at parang may malalim na iniisip. "Siya ang Prime Minister ng Japan."

Ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng atmosphere sa loob ng auditorium. Wala ni isa sa amin ang kayang lumimot sa taong iyon.

"Oo, natatandaan ko sya," sabi ni Vin.

"Sino ba ang makakalimot sa kanya?" tanong ni Dos.

"Nakakatakot siya magalit," wika ni Jack.

"Nalaman na may malubha raw siyang sakit. Nagkaroon ng taning ang buhay niya na tatagal na lang ng anim na bwan. Bago siya mawala, gusto niyang makita na magbago si GD. Kung hindi niya makikitang walang direksyon ang pupuntahan ng anak niya, tatanggalan niya ito ng mana. At dahil doon kaya bumalik si GD dito," paliwanag ko. "Lumalala ang drug dealings sa Japan. Dumadami ang mga grupo na nagbebenta nito sa black market. Inutusan ng Prime Minister si GD na hanapin ang Big Boss ng sindikato na nagpapaikot ng droga at nakita niya ito dito sa Pilipinas. Nandito rin ang pinakamalaking factory ng droga na meron ang Boss na 'yon."

"Kung ganon, ano ang kinalaman ni TOP sa lahat ng ito?" usisa ni Omi.

"Kinausap ni Mr Ryu si TOP tungkol dito. Kung hindi papayag si TOP na makipagtulungan sa anak nya, hindi makakalabas ng bansa si Pinuno."

"Sa madaling salita, inipit nila si TOP?" tanong ni Kyo.

"Bullshit! Tuso talaga ang mag-ama na yan. Nakuha pang mandamay. Tsk!" inis na sabi ni Sun.

"Pero nang isipin kong mabuti, naging intsrumento lang si TOP dito," saad ko. "Ang buong gang natin ang talagang balak ng Prime Minister na gamitin para tulungan ang anak niya."

"Pano mo naman nasabi?" tanong ni Pip.

"Dahil malapit sa distrito natin ang factory."

Nakatingin silang lahat sa akin. Nanlaki ang mga mata nila nang makuha ang ibig kong sabihin.

"Kung ganon, umpisa palang ay kasali na tayo dapat sa... lahat?" hindi makapaniwalang tanong ni Seven.

"Oo, inakala siguro ng Prime Minister na hihingi sa atin ng tulong si TOP dahil isang grupo tayo," sabi ko makalipas ang ilang minuto nang pag-iisip. "Pero hindi naman iyon ang nangyari. Kaya siguro sinabi na rin ni GD ang pagkakasangkot ni TOP sa mga dealings."

"Sa madaling salita, lahat ng ito ay planado? Kahit ang pakikipag-usap sa atin ni GD sa bar?" tanong ni Jack.

"Oo ganon na nga, dahil alam niya na hindi tayo papayag na hindi matulungan si TOP. Sabi mo nga Jack," ngumisi ako. "All for one, one for all tayo rito. Isa itong set up ng mag-ama."

Isang set up na sila lang ang makikinabang. Ito na rin siguro ang ganti nila sa nangyari noon. Nag-hari ang katahimikan sa loob ng auditorium. Nagsi-sink in na kung ano ang mga nangyayari. Bumukas ang pinto at pumasok sina GD at TOP. Hmm. Mukhang hindi maganda ang aura ni TOP ah. Ano kayang pinag-usapan nila? Namfufu! Kailan pa ako naging chismoso? Inangat ni GD ang dala niyang kahon ng pizza.

"Say, who's hungry, eh?"