webnovel

Pagpapatuloy

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 29: Pagpapatuloy

Dahil medyo awkward, tumayo si Huo Mian para umalis.

"Mian," tawag niya.

Siguro dahil sa sobrang kaba, pagkatalikod niya, nanginig ang kanyang mga kamay at nahulog ang basong hawak niya na may lamang kumukulong tubig.

Kakasimula lang ng summer kaya naman manipis lang ang suot na sapatos ni Huo Mian. Kapag natapon ang mainit na tubig sa kanyang mga paa, paniguradong mapapaso ang mga ito.

"Ah…" dahil wala siyang oras para mag-react, tinitingnan nalang niya mahulog ang baso.

Nang biglang, may dalawang kamay ang lumabas sa kung saan at sinalo ang baso.

Ngunit, dahil pabagsak ito, medyo madaming mainit na tubig ang natapon. Isang malaking pulang paso ang mabilis makikita sa likod ng kaliwang kamay hanggang sa dulo ng hinlalaki ni Qin Chu.

"Ito na ang baso mo," tumayo ng tuwid si Qin Chu, hindi pa rin nagbabago ang expression nito habang inaabot ang baso sa kanya.

"Kamusta ang kamay mo?" Kabadong tanong ni Huo Mian.

"Ayos lang naman."

"Anong ibig mong sabihin na ayos lang? Ang pula-pula kaya. Bilisan mo, halika at padaanan natin yan ng malamig na tubig," kinuha ni Huo Mian ang baso galing sa kamay ni Qin Chu sabay tapon nito sa basurahan.

Habang hawak niya ito sa kanyang sleeves, hinila niya ito sa may water dispenser. Pagkatapos, hinawakan niya ang napasong kaliwang kamay nito, inilagay sa ilalim ng gripo at pinindot ang cold water button.

Hindi umimik si Qin Chu habang hinahayaan niya si Huo Mian gawin ang lahat ng ito.

Kung hindi siya nagkamili sa nakita niya sa nangyari kanina, noong napaso yung kamay niya, yung nakita niya… nerbiyos… sa mga mata ni Huo Mian?

Habang naiisip niya ito, napangiti ng kaunti si Qin Chu.

"Masakit pa ba?" tumingala at tanong ni Huo Mian.

Umiling si Qin Chu.

Na-realize ni Huo Mian na hawak pa rin niya ang kamay nito. Para hindi na mas maging awkward ang mga pangyayari, binitiwan niya ito.

"Um… dapat pumunta ka sa pharmacy mamaya at kumuha ng isang tube ng burn cream," paalala ni Huo Mian.

"Ayos lang ito," mababa at husky ang boses nito na may kasamang pang-aakit.

"Dahil ayos ka na, aalis na ako," sa totoo lang, takot maiwan si Huo Mian kasama si Qin Chu mag-isa.

Dahil takot siya na yung nararamdaman niya sa dibdib niya ay mas lalo pang lalaki.

Pero mas natatakot siya na baka makita ni Qin Chu kung ano talaga ang nasa isip niya.

"Mian," malumanay niyang sabi.

Napatigil siya sa paglalakad ngunit hindi siya tumalikod. Tahimik lang siyang tumayo doon, naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

"Salamat sa hard work ngayon."

"Sayo din, Doctor Qin," mabilis na naglakad si Huo Mian at lumabas ng kwarto, ayaw na niya magtagal doon kahit isang segundo.

Naiwang walang masabi si Qin Chu sa mga sinabi ni Huo Mian. Doctor Qin? Napaubo ito. Isa itong low blow para sa kanya. Kung hindi niya alam, paniguradong iisipin niya na ang kinakausap niya ay isang matandang lalaki.

Ngunit, deserve niya naman talaga ang matawag na "Doctor."

Salamat din sa kakaibang surgical procedure na ito, mukhang mas napalapit siya kay Huo Mian.

Sobrang natutuwa si Qin Chu. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa at umalis na may mas maayos na expression. Kung titingnan mo siya, makikita mo na ang mga white lab coats na suot ng ibang doktor ay mukhang maaliwalas. Ang point dito ay ang mga gwapong katulad niya, kahit ano pa ang isuot ay gwapo pa rin.

Sa likod niya, ang daming mga batang nurses ang nag-fangirling…

"Woah, saang department kaya galing ang doktor na to? Ang bata niya at hot!" sabi ng isa sa mga nurses.

"Iniisip ko din yan. Ang astig ng poise niya. Pati ang paglalakad niya ay sobrang hot at domineering, pero gusto ko pa rin," sabi pa ng isa pang batang nurse, wala itong balak itago ang paghanga nito.

"Hala ka, sobrang tumitibok ang puso ko. Bilisan mo, ipagtanong mo na kaagad. Saang department galing itong doktor na ito? Kailan ako ang mauna."

Sobrang excited na nag-usap ang mga batang nurses.

Ngunit, hindi nila alam kung gaano ka-special na tao siya, na kahit ang Director ng ospital hindi siya maimbitahan.

Pagkatapos makaalis ni Huo Mian, saka niya lang naalala na may gusto pala siyang itanong sa kanya.

Kailan nakuha ni Qin Chu ang kanyang medical degree sa Harvard? Patuloy naman ang paglago ng pamilya niya sa business world for generations at, dahil businessman siya ngayon, di ba dapat nag-aral siya ng business sa America? Sa halip, ang nakita niya sa operating room ay isang napakagaling na neurosurgeon.

Habang lumilipad ang kanyang isip, may tumapik sa kanyang balikat.

"Ate Huo Mian, hinahanap ka ng head nurse," sabi ni Huang Yue, isang batang nurse na may malaking ngiti.

"Okay. Papunta na."