30 Parangal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 30: Parangal

Sa loob ng head nurse's office-

Pagkapasok ni Huo Mian sa kwarto, nakita niya si Xu Yan, ang head nurse, nakikipagusap sa kanyang phone. Pagkakita niya kay Huo Mian, mabilis na tinapos ng head nurse ang kanyang pakikipag-usap at binaba ang phone. Tumango siya kay Huo Mian at sinabing, "Maupo ka."

"Yes, ma'am."

Si Xu Yan, ang head nurse, ay sikat sa OB/GYN Department bilang isang stone-cold workaholic. Madami siyang pinaiyak na interns.

Ang mga mabilis masaktan na interns ay nag-quit o nagpalipat sa ibang department.

6 months ng intern si Huo Mian ni Xu Yan. Kahit nakakatakot ang head nurse, professional ito at maraming alam. Gusto ni Huo Mian ang ganitong ugali ni Xu Yan, dahil mas okay ito kaysa sa mga katrabaho niya na ang gusto lang ay pera.

"Huo Mian, tinawagan ako ng hospital Director's assistant at pinakiusapan akong sabihin sayo ito. Naging sobrang successful ng surgery para sa government official, at gigising siya in 12 hours."

"Talaga ba? Edi maganda!" ngumiti si Huo Mian.

"Gusto bigyan ng reward ng Director ang mga staff na kasama sa surgery pagkagising ng official. Tatlo dito ang galing sa ating ospital – ang anesthesiologist, ikaw at isa pang lalaking nurse. Gusto malaman ng Director kung anong rewards ang gusto niyo."

"Hindi pa gising ang pasyente, hindi ba masyadong maaga para pag-usapan ang rewards?" nag-aalinlangang tanong ni Huo Mian.

"Sigurado ang Director na gigising ang official. Sabihin mo lang sakin ang gusto mo, at ipapasa ko ito sa nakakataas," kalmadong sabi n Xu Yan.

Nagisip saglit si Huo Mian at nagtanong, "Ma'am, pwede po ba talaga ako magrequest?"

"Syempre naman, basta wag yung sobra."

"Pwede ko po bang makuha ang pay bonus ko?" sinigurado ni Huo Mian na nabigyang diin niya ang bawat salita niya.

"Pay bonus?" nagulat ang head nurse. "Akala ko ang hihingin mo ay isang permanent position."

Kailangan mo magtrabaho ng 3 years para makuha ang permanent position. Maliban pa dito, dadaan ang intern sa masusing testing at grading. Isa itong mahaba at kumplikadong proseso.

"Full-time position? Hindi ko naisip yan. Sabagay, 6 months palang ako dito kaya hindi ako nag-aasam na maging full-timer agad. Mas makakatulong sakin ngayon ang bonus na 1,000 yuan."

Sobrang kailangan niya ng pera. Hindi niya lang basta na-max out ang kanyang credit card, may utang pa siya kay Lingling na 1,000 yuan.

Kaya kahit mabigyan lang siya ng ospital ng 1,000 yuan, makakatulong na ito sa sitwasyon niya ngayon. At kahit papaano, may maipanggagastos ang kapatid niya next month.

"Sige, makakarating ang iyong sinabi. Ngunit, ang Director pa rin ang magdedesisyon sa huli."

"Sige po, ma'am, kung wala na pong iba, babalik na po ako sa trabaho," sabi ni Huo Mian pagkatayo para umalis.

"Oh, Huo Mian."

"Yes, ma'am?" tumalikod si Huo Mian.

"Narinig ko na ang lead surgeon para sa operation na 'to ay isang napakagaling na neurosurgeon, at lahat ng assistant surgeons niya ay mga sikat na mga doktor. Siya… siya ba ay sobrang bata?" nahihiyang tanong ng head nurse.

Wala naman talagang balak maki-usisa ang head nurse, curious lang talaga siya. Narinig niya kasi na ang surgeon na ito ay galing sa Harvard at di niya man lang ito nakilala sa personal. Kaya naman si Huo Mian lang ang pwede niyang tanungin tungkol dito.

Pagkatapos matahimik ng three seconds, napakagat si Huo Mian sa kanyang labi at sumagot, "Yes, sobrang bata niya po."

Sa hindi niya malaman na dahilan, pakiramdam ni Huo Mian ay proud siya sa pagsasalita tungkol kay Qin Chu.

Kahit sobrang maraming beses na siyang inimbitahan ng Director para mag-dinner, hindi ito tinanggap ni Qin Chu pagkatapos ng surgery.

Isang dry at uninteresting na matandang lalaki ang makakasama niya sa dinner? Siguradong sobrang boring nun, iniisip palang niya.

Saka, hindi ang Director ang nagkumbinsi sa kanya para gawin ang operasyon. Kung siya lang ang nag-request, paniguradong hindi ito tatanggapin ni Qin Chu.

Paglabas niya ng ospital, inilabas ni Qin Chu ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang driver para sunduin siya. Nang biglang, may isang black Jaguar ang tumigil sa may harapan niya.

Bumaba ang bintana nito at tinanggal ng taong nakaupo sa loob ang sunglasses nito. Pagulat niyang sinabi, "Qin Chu?!"

avataravatar
Next chapter