webnovel

Background

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 60: Background

Pagkarinig nito, mabilis na itinulak ni Mr. Luo ang mga dokyumento papunta sa kanya nang nakangiti. "Miss Huo, kung okay na sayo ito, paki-sign na po ang ang mga documents para sa pribadong kasunduan. Pagkatapos, sasabihan ko ang client ko na ilipat na ang pera sa inyong account."

"Pero mababalik ba ng 700,000 ang kalagayan ng kapatid ko? Halos hindi na nga maisalba ang utak ng kapatid ko at pwede pang maging sanhi ng pagka-disable niya habang buhay," cold na tanong ni Huo Mian, nanlilisik ang mga mata nito.

Nang maramdaman nito ang pagbabago sa kanyang tono, nagulat si Mr. Luo. Inayos niya ang kanyang salamin at sinabing, "Sobrang nagsisisi kami tungkol sa aksidente. Lasing ang client ko noong time na iyon, at hindi niya ginusto na makasakit ng iba. Sobrang nanlulumo siya sa lahat ng nangyari."

"Sa tingin ko hindi ito ang kaso rito. Hindi lang siya tumakas, hindi niya rin kaming magawang harapin. Siguro kung hindi ganito kalubha ang nangyari, panigurado hindi niya pananagutan ito."

"Hindi yan totoo. Masyado lang natakot ang client ko pagkatapos ng aksidente. Isa lang siyang hamak na university student. Yung babae ring namatay sa aksidente ay girlfriend niya, at sobrang lungkot niya dahil sa pagkamatay nito. Kaya naman ipinagkatiwala sakin ng magulang niya, bilang attorney niya, na ako na ang mag-asikaso sa lahat ng ito. Miss Huo, tutal parehas naman tayong prangka, Magiging totoo ako sa'yo. Yung dalawa pang ibang biktima ay nakatanggap ng 500,000 yuan. Yung isa pa nga sa kanila ay napilay. Narinig ko rin na successful ang naging operasyon ng kapatid mo at ligtas na siya. Kung gusto mo, magdadagdag pa ako ng 100,000 yuan, para 800,000 yuan na lahat-lahat. Mas malaki ang matatanggap mo sa dalawa. Sapat na ba ito?"

"800,000… haha. Kung bibigyan kita ng 800,000 yuan, ibig ba sabihin nito pwede kitang banggain at saktan katulad ng ginawa ng client mo sa kapatid ko?"

Nagdilim ang mukha ni Mr. Luo, "Miss Huo, sobrang sincere namin sa offer na ito. Nangyari na ang aksidente, at kailangan nating harapin ito. 850,000 nga lang ang binayad namin sa pamilya ng babaeng namatay. Kung ikukumpara sa kanila, sobrang laki na ng 800,000 na binabayad sa iyo. Plus, makukuha mo agad ang pera, hindi ka na mag-aantay ng isang araw. Hindi mo ba kailangan ng pera?"

"Wala akong pakialam sa matatanggap kong pera, mas concern ako sa paghahanap ng hustisya para sa kapatid ko."

"Edi, ang ibig mo sabihin ay..."

"Hindi ko tatanggapin ang pribadong kasunduan na ito. Dadalhin ko siya sa korte. Base sa mga traffic laws ngayon, nagdulot ang client mo ng nakakamatay na car crash. Hindi lang siya nagmamaneho ng nakainom, pero tumakas din siya. Naniniwala akong ang judge ay mas pipiliin ang hustisya."

Hindi mapigilang matawa ni Mr. Luo sa mga sinabi niya.

"Anong nakakatawa?" naiinis si Huo Mian sa inaasal niya.

"Miss Huo, natatawa ako sa pagka-inosente mo. Hindi ko inakalang may mga babae pa palang katulad mo."

"Anong ibig mo sabihin?"

"Miss Huo, siguro hindi mo alam kung ano ang pinanggalingan ng client ko. Ang client ko ay si Lu Yigang, isang 21-year-old university student, pero kilala mo ba ang magulang niya?"

Nanatiling tahimik si Huo Mian, inaantay na magpatuloy siya…

"Sige, sasabihin ko sa iyo. Ang mga magulang niya ay parehas government officials sa Ministry of Finance. Idagdag pa rito, ang mga kamag-anak niya ay mga government officials din. Bale, hawak niya ang mundo. Dahil sobrang makapangyarihan ng background niya, sa tingin mo ba mananalo ka sa kanya sa korte? Ang payo ko sa iyo ay kunin mo na ang pera at mag-move on. Kahit nga yung pamilya ng namatay ay hindi na umalma. Huwag mo nang subukan maging Lady Justice. Hayaan mo akong sabihin sayo: walang tunay na hustisya sa mundo. Gamit ang pera at kapangyarihan, ikaw ang diyos. Kapag wala ka nito, wala ka. Alam kong masakit itong mga salitang ito, pero ito ang totoo."

"May makapangyarihang background siya? Ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh~, Nakakatakot," ngumiti si Huo Mian.

"Totoo na may makapangyarihang background siya," tinuloy niya ito kaagad. "Kita naman sa bagal ng pulis na ayusin ang sitwasyon. Pero ano naman? Kahit ano pa background niya, di ba dapat sumunod siya sa batas katulad ng iba? Hindi ako ang nanay niya. Kaya bakit ko siya patatawarin? Ang pagdadala sa kanya sa korte ang dapat kong gawin. Gamitin na nila lahat ng mga koneksyon nila pero… huwag nila kakalimutan na may tinatawag tayong media. Pag naging viral ang tungkol dito at idagdag pa ang pressure galing sa public, paano kaya siya poprotektahan ng magulang niya?"

Pagkarinig sa mga sinabi niya, nagsimulang pagpawisan si Mr. Luo...