webnovel

Pribadong Kasunduan

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 59: Pribadong Kasunduan

"Oo! Hindi ka pa ba nila kinakausap?"

"Hindi."

"Paniguradong malapit ka na rin. Tatlong pamilya na ang nakausap nila, kaya baka pamilya niyo na ang sunod. Sumunod sa babaeng namatay, yung kapatid mo ang pinakamalubhang nasaktan kaya paniguradong mas malaki ang ibabayad nila sa inyo kaysa sa amin," makikita ang inggit sa mga mata ng babae.

"Sobrang daming nasaktan sa aksidenteng ito. Madami rin akong nakalap na impormasyon galing sa iba't ibang source at mukhang lasing ang driver habang nagpapatakbo ng mabilis sa school campus. Ito ay sobrang kakila-kilabot na gawain. Hindi ito mareresolba ng mga bayad o pakiusap; siya ay responsable bilang isang kriminal. Pagkatapos ng ilang araw, makakakuha rin ako ng mga ebidensya at kakasuhan ko sila. Ayoko ng kahit anong kabayaran, ang gusto ko ay hustisya," pagkatapos, tumalikod si Huo Mian at umalis.

"Tanga ba ang babaeng ito?" bulong ng middle-aged woman sa sarili.

Si Huo Mian ba ay nagiging isang tanga? Syempre hindi. Ayaw niya lang ipagpalit ang buhay ng kapatid niya para sa isang walang kwentang bayad.

Ang gusto niya ay panagutin ang imoral na gumawa nito…

Ang pagmamaneho ng mabilis sa loob ng school campus, isa ang namatay at tatlo ang sugatan. Hindi lang siya iresponsable, tinakbuhan pa niya ang ginawa niya. May mas ikakababa pala siya.

Yung babaeng nakaupo sa may passenger seat ay namatay at magkasintahan pa sila.

Nagyong patay na ang girlfriend niya, itong mababang nilalang na ito ay nagtago, pinasa ang pakikipag-usap sa pamilya ng mga biktima sa kanyang attorney.

Nakapagdesisyon na si Huo Mian. Maswerte sila na ayos na si Zhixin. Kung may nangyaring side effects sa kanya, gagawin niya ang lahat para lang makipaglaban sa mga taong iyon.

Katulad nga ng inaasahan, bago pa makaalis sa trabaho si Huo Mian, nakatanggap siya ng tawag galing sa attorney ng suspect, nakikiusap na makipagkita nang pribado.

Pumayag si Huo Mian, dumiretso siya sa kanilang meeting spot, isang cafe malapit sa ospital.

Mukhang nasa forties ang attorney. Pa-square ang mukha nito at naka-salamin. Nakasuot din ito ng black suit at may dalang itim na briefcase.

"Ikaw ba si Miss Huo?"

Tumango si Huo Mian…

"Nice to meet you. Ang pangalan ko ay Luo Qing at ako ang attorney ni Mr. Lu Yiqang. Simple lang ang dahilan ng meeting na ito. Gusto ng Lu Family na makipag-ayos ng pribado, walang gumagawa ng eksena o pagdaan sa legal process. Narinig ko din na ang kapatid mo Miss Huo ay kasalukayang nagpapagaling. Sa pagkakaintindi ko, ang pagpapagamot niya ay kailangan ng malaking pera. Ang maimumungkahi ko sa'yo ay magbigay ka ng halaga at ang client ko na ang bahalang magbayad. Ito ay para sa ikakabuti ng lahat, agree ka ba?"

"So kahit anong ilagay ko, babayaran nila?" naiinis na tanong ni Huo Mian.

"Syempre hindi. Pero kung reasonable naman ang hinihingi mo, papayag na magbayad ang client ko," kitang-kita confident si Luo Qing.

"Ano ba ang kinoconsider niyo na reasonable? Pwede bang paki-paliwanag sa akin? Hindi ko masyadong maintindihan," ngumiti si Huo Mian.

Dahil mukhang nakuha na niya ang interes ni Huo Mian, mabilis na naglabas si Luo Qing ng makapal na tumpok ng mga dokumento sa kanyang briefcase. Pagkatapos, sinabi niya sa kanya na, "Nagresearch ako ng kaunti tungkol sa sitwasyon ng pamilya niyo, Miss Huo. Hindi ganoon kayaman ang iyong pamilya, kaya sa tingin ko kailangan niyo itong pera. Syempre, bibigyan namin kayo ng maayos na amount. Maliban sa surgical fees, magbabayad din kami para sa psychological damages na nangyari sa pamilya niyo. Kung ang surgery fees ay nasa 300,000 at ang follow-up fees ay nasa 70,000 hanggang 80,000, magdadagdag pa kami ng isa pang 300,000, bale ang lahat ay nagkakahalaga ng 700,000 yuan. Okay na ba sayo ang ganitong halaga, Miss Huo?"

"700,000 yuan. Wow, sobrang laki naman," mabagal na pagkasabi ni Huo Mian.