CHAPTER SEVEN
NAPATINGIN si Cathy sa bulaklak na nakalagay sa mesa ng cashier area. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng mabasa ang sulat na nakalagay doon. Bigay ni Dennis ang mga bulaklak na iyon. Dumaan daw ito kaninang umaga, nagkataon naman na late siyang pumasok dahil kinausap pa niya ang ate niya tungkol sa pagkuha niya ng passport nito. Kung kailan nila gagawin iyon? Sa araw ng engagement dahil doon siya matutulog sa bahay ng ama. Darating din kasi ang anak niya at sigurado siyang sa bahay ng ama niya ito tutuloy. Lagi naman nandoon ang anak niya kapag umuuwi ito galing Australia.
"Ang ganda yata ng ngiti mo?" tanong ni Ary. Napatingin ito sa mga bulaklak na nasa harap niya. "Kaya naman pala."
Napatingin siya sa kaibigan pero agad din nag-iwas ng tingin ng may naramdaman siyang init sa mukha. Hindi pwedeng makita ng mga ito na namumula ang mukha niya dahil siguradong tutuksuhin siya ng mga ito.
"Wala naman ibig sabihin ang pagbibigay niya ng bulaklak sa akin." Sabi niya at pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos ng mga bulaklak.
Wala silang masyadong customer kaya naman inaabala na lang niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak.
"Hindi ko naman tinanong." May bahid ng panunuksong sabi ni Ary. Lumapit ito sa bag nito. "Lalabas lang ako. May meeting ako kasama ang isa nating kliyente."
"Okay. Iyong sa Batanggas event ba ang pupuntahan mo?"
Tumungo si Ary. "Babalik ako before closing. Ako na ang magsasara ng shop mamaya. Bye Fia." Lumabas na ng shop si Ary ng hindi hinihintay ang sagot niya.
Napailing na lang siya sa kaibigan. Alam niyang busy ang kaibigan. Dapat ay sa kanya ang trabaho nito bilang may-ari ng shop pero hindi talaga niya gusto ang makipag-usap sa mga kliyente. Masyadong madulas ang bibig niya at baka hindi magustuhan ng kliyente ang uri ng pananalita niya.
Inibala na lang niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak. Mamaya na niya aayusin ang iba niyang trabaho. Sa kanya pa rin kasi ang accounting job at ibang critical job. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga bulaklak ay sinimulan na niyang harapin ang paper works niya. Nasa gitna siya ng pag-aayos ng expenses ng shop ng tumunog ang phone niya. Nakita niya ang pangalan ng kanyang ama. Nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag nito pero sa huli ay sinagot niya iyon.
"Yes, Dad?" tanong niya pagkasagot sa tawag nito.
"Come to my office tomorrow. May kailangan tayong pag-usapan."
"Tungkol po ba saan, Dad."
"It's about my position as the CEO of DL Group of Corporation."
Nanigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi ng ama. Binundol ng kakaibang kaba ang puso niya. Ito na ba ang panahon na hinihintay niya. "Anong ibig mong sabihin, Dad?"
"I will tell you tomorrow. By the way, uuwi si Mary Ann sa engagement party ni Cathness, sa bahay ka ba matutulog noon?"
Napakurap siya. "Yes Dad. Gusto kong makasama ang anak ko."
"Okay. Ipapahanda ko sa mga katulong ang kwarto mo." Walang paalam na binabaan siya ng ama ng tawag.
Napatingin siya sa kanyang phone ng ibinaba niya iyon. Binubundol pa rin siya ng kaba. Kung ganoon ay nagdesisyon na ang kanyang ama na bitiwan ang posisyon. Balak na ba nitong ibigay sa kanya ang posisyon nito? Handa na ba siyang panghawakan ang negosyo ng pamilya? Napatingin siya sa kanyang flower shop, mukhang mawawalan na siya ng oras sa sariling negosyo niya. Napakuyom siya.
Mukhang hahawakan na siya sa leeg ng kanyang ama. Wala na talaga siyang kawala pa.
"MALAYO yata ang iniisip mo?" tanong ni Dennis na nagpapukaw sa naglalakbay niyang isip.
Napatingin siya sa paligid. Oo nga pala niyaya siya ni Dennis na kumain sa labas. Bandang ala-siete ng gabi siya nito sinundo. Sa tingin niya ay binilang nito ang oras ng trabaho niya. Iniisip pa rin nito na regular staff siya sa kanyang sariling shop.
"Pasensya ka na. May iniisip lang akong problema."
"Care to share?"
Napakurap siya sa tanong nito. Gusto nitong sabihin niya ang problema niya dito? Kapag ba sinabi niyang siya na ang hahawak ng DL Group of Companies, anong magiging reaksyon nito? Alam niya ang dahilan kung bakit nais ng pamilya Madrigal na makasal ang Ate Cathness niya at si Lorenzo. Their family business is exporting aircraft parts na kailangan sa mga eroplano ng mga ito. May-ari ng airlines ang pamilya Madrigal maliban pa sa mall na hawak ni Dennis. Nagtataka nga siya kung bakit sa Ate Cathness niya ang naisipan ng kanyang ama na ipakasal kay Lorenzo gayong ang hospital nila ang hahawakan ng kanyang Ate. Dahil kung sa kanya ipapahawak ng kanyang ama ang DLGC, hindi ba dapat sa kanya ipakasal si Lorenzo.
"It's nothing." Sagot na lang niya at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Hindi na rin nagsalita si Dennis pa. Mukhang nirespeto naman nito ang kagustuhan niya. Tahimik na din itong kumain. Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa isang lugar na sabi nito ay madalas nitong puntahan kapag may gumugulo sa isipan nito. Hinayaan na lang niya ang binata.
Nagulat siya ng tinahak nila ang daan na papuntang Antipolo. Mas lalo siyang nagulat ng pumasok sila sa isang malaking subdivision na alam niyang mayayaman lang ang nakakapasok. Huminto sila sa isang bahay na parang masyon ang laki. Ipinarada ni Dennis sa malaking gate ang kotse nito.
"Wag ka na munang lalabas. Bubuksan ko lang ang gate." Sabi ni Dennis at lumabas nga ito.
Nakita niyang may inilabas itong susi sa bulsa. Pinagmasdan niya ang bahay. May bahagi ang bahay na halatang luma na, meron ding parte na halatang pina-renovate. Kaninong bahay ba ito? Bumalik sa sasakyan si Dennis pagkatapos nitong buksan ang gate. Ipinasok nito ang kotse at inihinto sa harap ng bahay.
"Let's go." Tumingin sa kanya si Dennis at ngumiti.
"Kaninong bahay ito?" tanong niya.
Lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Dennis. "Bahay ito ng Lolo ko, ipinamana niya sa akin noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo. Tara na sa loob." Lumabas na ng kotse si Dennis.
Sumunod siya dito. Namangha pa siya ng makita ang bahay na iyon sa malapitan. Hindi talaga makakaila ang karangyaan ng may-ari ng bahay na iyon. Sa labas pa lang ay mapapansin na agad na nasa tatlong palapag ang bahay na iyon basi sa mga teresa na nakikita niya. Nasisigurado niya din na malalaki ang kwarto sa loob ng bahay na iyon. Masyado kasing malaki ang mga teresa nakikita niya at malayo pa ang mga pagitan noon.
"Tara na, Cathy. Maghahanda ako ng kape para sa atin dalawa." Hinawakan ni Dennis ang kamay niya at hinila na siya paakyat ng bahay.
Binuksan nito ang front door gamit ang isang kamay. Hindi nito pinakawalan ang kamay niya kahit ng makapasok na sila sa loob ng bahay na iyon. Alam niyang sisigaw ng karangyaan ang bahay na iyon pagpasok nila ngunit nagulat pa rin siya. Mamahalin na sofa, cabinet, chandelier, at painting. Hindi siya makapaniwala na may ganitong bahay ang mga Madrigal. Alam niyang mayaman ang mga ito pero hindi niya alam kung hanggang saan ang yaman ng mga ito.
"Tara sa itaas. May paboritong spot ako sa bahay na ito."
Umakyat sila sa ikalawang palapag. Isang malawak na sala ang bumungad sa kanila. Tatlong pinto lang ang nakita niyang nandoon. Pumasok sila sa isang kwarto at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung anong kwarto iyon. Maraming libro ang kwartong iyon at may malaking sofa kung saan pwede kang magbasa habang kumakain dahil may coffee table sa gitna. Napangiti siya. May ganoon din sa bahay ng kanyang ama ngunit hindi kasing laki ng kwartong iyon. Hinila pa siya ni Dennis sa isang sulok. Sa likod ng dalawang shelf ng mga libro ay isang sliding door na natatakpan ng asul na kurtena. Hinawi ni Dennis ang kurtena at binuksan ang sliding door. Lumabas sila at napasinghap siya ng makita ang paligid. Kitang-kita niya ang lawak ng ilaw ng syudad. Buhay na buhay iyon at ang ganda pagmasdan.
"Wow!" hindi niya napagilan na sabihin.
"Ang ganda ano?"
Napatingin siya kay Dennis. Nakatingin din ito sa malawak na tanawin ng syudad. May nakita siyang ningning sa mga mata nito. Hindi makakailang masaya ito ng mga sandaling iyon.
"Oo sobrang ganda."
Tumingin sa kanya si Dennis. "Masaya akong nagustohan mo." Tinuro nito ang isang mahabang sofa na naruruon. "Upo ka na muna doon. Kukuha lang ako ng makakain natin."
Tumungo siya. Binitiwan nito ang kamay niya. Pumasok ulit ito sa loob at iniwan siya doon. Umupo siya sa sofang naruruon. Hindi siya makapaniwala na may ganoong lugar kung saan makikita niya ang buong liwanag ng Manila. Napakaganda niyon pagmasdan.
Hindi nagtagal si Dennis sa loob at bumalik itong may hawak na isang tray na may lamang dalawang tasa ng kape. May dala din itong pagkain, sandwich at chips. Ngumiti siya kay Dennis at pinagpatuloy pagmasdan ang mga ilaw. Naramdaman niyang umupo si Dennis sa tabi niya pagkatapos ilapag ang mga dalang pagkain sa maliit na mesang naruruon.
"Do you feel relax?" basag ni Dennis sa katahimikan sa pagitan nila.
"Oh!" sabi niya sabay tungo kahit na alam niyang hindi ito nakatingin sa kanya.
"Masaya akong malaman na nagustuhan mo ang lugar na ito." Kinuha ni Dennis ang dawalang tasa ng kape at ibinigay sa kanya ang isa.
Tinanggap niya iyon. "Ang swerte mo, may ganitong bahay ka na may magandang tanawin."
May ngiting sumulay sa labi ni Dennis ng tingnan niya ito. "Noong high school ako ay madalas akong nandito. Mas gusto kong umuwi dito dahil mas gusto kong makasama ang Lolo't lola ko. Masyado akong malapit sa kanina na mas tinuring ko pa silang magulang kaysa sa aking ama. Kaya ng mamatay sila ay sobrang nalungkot ako. Muntik ko ng mapabayaan ang pag-aaral ko. Mommy reminds me that Lolo at lola won't be happy if seeing me devastated. Sa akin iniwan ni Lolo ang bahay na ito dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang lugar na ito. May ilang nabago dahil sa may nasira na din pero narito pa rin ang ala-ala nila." Tumingala si Dennis.
Pinagmasdan niya ang binata. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nagugulat siya dahil masyadong bukas si Dennis patungkol sa saloobin nito. Napakadali dito na sabihin sa kanya kung anong nilalaman ng puso nito pero siya, hindi niya kaya. Kahit ang totoo niyang pagkatao ay hindi niya masabi dito.
"Alam mo bang ikaw ang tanging babaeng nakapunta sa bahay na ito."
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya dito. Tumingin din sa kanya si Dennis kaya nagtagpo ang mga mata nito. Akala niya ay nagbibiro lang ang binata ngunit nakikita niya sa mga mata nito kung gaano ito kaseryuso sa mga sinabi nito. "Hindi ba nakakapunta dito si Ashley?"
Umiling si Dennis. "Alam ni Ash ang tungkol sa lugar na ito ngunit hindi ko siya dinadala. Para kasi sa akin ay importante ang lugar na ito at tanging especial lang na tao sa buhay ko ang pwedeng pumunta."
"Especial? Kung ganoon..."
Tumungo si Dennis. Inilapit ni Dennis ang sarili sa kanya, hindi niya naman napigilan ang umatras palayo dito. Nakatitig lang si Dennis sa kanyang mga mata habang lumalapit sa kanya. Nang nasa dulo na siya ay agad niyang itinukod ang isang kamay sa dibdib ni Dennis. May dumaloy na kuryente sa braso niya. Agad niyang naramdaman ang matigas nitong dibdib. Napigil niya ang paghinga ng inilapit ni Dennis ang mukha sa kanya. Halos maduling siya sa sobrang lapit ng binata sa kanya. Magkadikit na ang kanilang ilong sa sobrang lapit. Ipinikit niya ang mga mata ng mas inilapit ni Dennis ang sarili sa kanya. Naiipit siya sa pagitan ng upuan at katawan nito. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang naramdaman na kahit anong galaw sa binata.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Malapit pa din ang mukha nito sa kanya ngunit may naglalarong ngiti sa labi nito. Bigla ay nakaramdam siya ng pang-iinit sa kanyang dalawang pisngi. Nakakahiya!
"Ang ganda mo palang pagmasdan kapag nakapikit ka." Narinig niyang bulong ni Dennis.
Umayos ng upo si Dennis at inilayo ang sarili sa kanya. Umiwas siya ng tingin ng maramdaman ang lalong pag-init ng kanyang mukha. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman niya? Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at may nararamdaman siyang kiliti sa kanyang tiyan. May damdamin na binubuhay si Dennis sa loob niya na hindi niya maintindihan. Oo nga at naranasan niya na din ang ilan sa nararamdaman niya ngayon ngunit mas kakaiba ngayon. Dennis making her feel safe and the same time uncomfortable. Para bang nais niya itong laging makasama kahit naiilang siya sa mga bagay na pinapakita nito.
"Drink your coffee. Lalamig na iyan."
Napakurap siya at napatingin kay Dennis. Nakatingin na ito sa malawak na tanawing nasa harap nila. Wala ng ngiting naglalaro sa labi nito kung hindi kaseryusahan. Tumikhim siya para tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan. Ininum niya ang kapeng hawak na pinagpapasalamat niyang hindi natapon kanina.
Tahimik lang silang dalawa ni Dennis ng ilang sandali. Pareho silang nailang dahil sa nangyari kanina. Itinuon na lang din niya ang sarili sa tanawing nakikita. Akala niya ay mawawala na sa isipan niya ang nangyari kanina habang pinagmamasdan ang mga ilaw at bituin ngunit hindi pala, mas lalo lang iyon nagbigay sa kanya ng kakaibang damdaman. Mas nararamdaman niya ang presensya ni Dennis ng mga sandaling iyon. Pinipigilan niya lang ang sarili na lingunin ito dahil baka bigla na naman mamula ang pisngi niya kapag nagtagpo ang kanilang mga mata.
"Did I make you uncomfortable?" basag ni Dennis sa katahimikan.
Napasulyap siya sa binata at nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad siyang nag-iwas ng tignin dito. Muli niyang naramdaman ang pamumula ng mukha. Lumitaw sa balintataw niya ang mukha nito na sobrang lapit sa kanya. Ang puso niyang napakalma na niya kanina ay muling bumalik sa mabilis na pagtibok. Napahawak siya ng mahigpit sa tasa ng kape.
"I'm sorry."
Nanigas siya sa kina-uupuan ng marinig ang mga katagang iyon mula kay Dennis. Para saan ang paghingi nito ng pasensya?
"I'm sorry if I make you uncomfortable with my action. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na ilapit ang sarili ko sa iyo. Mas nais ko kasing pagmasdan ang mukha mo sa malapitan lalo na ang mga mata mo."
Hindi na niya napigilan ang sarili na tumingin kay Dennis. Nakita niya ang serysuso nitong mukha na nakatingala sa langit.
"You make me feel different, Cathy. Pakiramdam ko ay buhay ulit ako simula ng makilala kita. I feel new, happy and complete everytime I see your face and smile. Para bang nakikita ko ang rason ng pagkabuhay ko kapag nakikita ko ang mga ngiti mo."
"Dennis..."
Tumingin sa kanya si Dennis at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Kaya nga especial ka sa akin. Nais pa kitang makilala ng lubusan, Cathy. Gusto ko pang mas makilala ang isang tulad mo."
Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi nito. She went blank because of what he said. Ayaw gumana ng isip niya para iproseso ang mga sinabi nito. Gusto pa nitong makilala ang isang tulad niya. Paano nito makilala ang isang tulad niya kung puno ng kasinungalingan ang pagkatao niya?
Umiwas siya ng tingin kay Dennis. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. Nahihiya siya sa binata. Nagsinungaling siya kahit pa nga walang rason para magsinungaling dito.
"Dennis, salamat." Tanging nasabi niya. 'At sana mapatawad mo pa ang isang tulad ko.' Pakiramdam niya ang nabasag ang puso niya sa huling sinabi dahil alam niya na walang kapatawaran ang pagsisinungaling niya patungkol sa totoong niyang pagkatao.
PINAG-AARALAN NI Dennis ang bagong kontrata ng kanilang mga tenant ng bigla na lang pumasok ang Kuya Lorenzo niya. Napa-angat siya ng tingin dito.
"Sir, sinabi ko na po kay Sir Lorenzo na wag po kayong isturbuhin ngunit nagpumilit siya." Natatakot na sabi ng kanyang secretarya.
Sumenyas siya na lumabas na ito at iwan na silang magkapatid. Agad naman tumalina ang sekretarya niya. Tumikhim siya at inilapag ang mga papeles na hawak.
"May kailangan ka, Kuya?" tanong niya dito.
"Oo." Lumapit ito sa kanya at may inilapag na isang envelop.
Agad niya iyong kinuha at binuksan. Para naman siyang binuhusan ng tubig ng makita ang laman noon. Napaangat siya ng tingin.
"Anong ibig nitong sabihin?"
"Kasal na ako kay Ashley. Iyan ang patunay at nais kong ibigay mo mamaya iyan kay Daddy. Alam kong may general meeting kayo mamaya at pupunta siya. Bago pa niya malaman na nagpakasal ako kay Ashley ay sisiguraduhin ko na wala na ako sa poder niya."
Umiling siya sa sinabi nito. "Nababaliw ka na talaga, Kuya. Talagang isasakrepisyo mo ang lahat para lang kay Ashley?" tumayo siya.
"Mahal ko siya Dennis. At handa kong talikuran ang lahat para sa kanya."
"This is bullshit!!! Matagal mo ng pinangarap ang Madrigal Empire kaya paano mo nasasabi sa akin na kaya mong isakrepisyo iyon para sa pag-ibig. Na---"
"Ma-iintindihan mo lang ako kapag nagmahal ka na Dennis." Putol ni Kuya Lorenzo sa iba niya pang sasabihin.
Hindi siya nakapagsalita sa huling sinabi niya. Nagulat siya sa sinabi ng kanyang Kuya. Biglang lumitaw sa isipan niya ang mukha ni Cathy. Ang namumulang mukha nito dahil sa ginawang paglapit niya dito noong isang gabi. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya ng gabing iyon ngunit nagbigay naman iyon ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Sumilay ang isang ngiti sa labi niya pero agad siyang nagseryuso ng maalala na nasa harap niya ang Kuya niya.
"Aalis na ako."
"Saan ka pupunta ngayon? Paano ang position mo bilang President ng Suarez - Madrigal Corporation?" Pigil niya sa Kuya Lorenzo niya.
Tumigil naman ang Kuya niya ngunit hindi siya nito nilingon. "Ashley, planning to go to Europe. Sasama ako sa kanya doon para doon idaos ang kasal namin sa simbahan. I send you and Dad an invitation."
Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon ay ito ang sinasabi nito na plano noong isang araw. Mukhang pinaghandaan talaga nilang dalawa ni Ashley.
"Pumayag ba sa mga plano niyo ang pamilya ni Ashley?"
"Lincoln will help us. Siya nadin bahala sa akin pagbalik ng Pilipinas. He offer me a position in one of his business."
"Nakipag-usap ka kay Lincoln?" nagulat siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na tutulungan ng isang Lincoln Aries ang Kuya niya.
Humarap sa kanya ang Kuya Lorenzo. "Mabait si Lincoln. Oo nga at minsan ay para itong may saltik ngunit maayos naman itong makipag-usap. Ikakasal na din ito sa childhood bestfriend nito kaya mawawalan ito ng oras sa isa nitong negosyo kaya iyon ang ipapahawak nito sa akin. Tanggap nila ako bilang asawa ni Ashley, Dennis. Kaya nga tama lang na ipaglaban ko ang pag-iibigan namin ni Ashley. Sana ganoon din ang gawin mo oras na mangyari sa iyo ang nangyayari sa akin."
Nilisan ng kuya niya ang kanyang opisina ng hindi na siya nakaimik. Bigla ay binundol siya ng kakaibang kaba dahil sa sinabi nito. Kung mangyayari sa kanya ang nangyari dito anong gagawin niya? Muling pumasok sa kanyang isipan ang nakangiting mukha ni Cathy. Napayukom siya. Kung sakali man na ipapakasal siya ng ama sa isang babae, hinihiling niya na sana ay sa isang tulad ni Cathy.
Napa-upo sa kanyang upuan si Dennis at napatingala. Kung sakali ba ay isasakrepisyo niya din kung anong meron siya para dito? Kaya niya bang mabuhay na wala ang karangyaan na meron siya?