Kinakabahan ako sa first game ko. Ako kasi ang tekong sa team namin. Tekong ang tawag sa player na nagseserve ng bola papuntang kalaban. Tinatawag din minsang server or setter. Kami ang unang magseserve, nanginginig abg mga paa ko,. Ibang-iba ang tensyon sa loob ng court kumpara sa practice game. May hudyat na ang referee na pwede nang i-serve ang bola. Napapasok ko naman ang bola sa court ng kalaban pero na-set nila ito pabalik samin. Nagulat kami sa pangyayari, kasi times 2 ang bilis ng bola pabalik sa akin. Di ko ito napaghandaan kaya namiss ko ang bola. Score ng kalaban. Rally score ang labanan,.
Hanggang sa mejo malayo na ang score ng kalaban samin kasi power serve ang ginagawa nila. Dun nag-isip ng paraan ang coach namin, nagtawag siya ng time-out. Habang nagbibigay nh instruction si coach, may isang babaeng umagaw sa aking pansin. Si Daisy.
Oo, si Daisy nga, siya ang badminton player ng kabilang school. Pero nawala siya sa paningin ko nung magsabi ang coach ng resume na ang game. Lumakas loob ko, gusto ko matapos na agad ang game para mahanap ko ulit yung babaeng umagaw saking pansin. Malaki kasi ang posibilidad na si Daisy nga yun.
Nagfocus ako sa bola kung saan papunta, matinding ball control para maibigay sa spiker namin. At sa wakas nakakahabol na kami. Nakikita na namin ang kahinaan ng kalaban. Mahilig sila sa fast-ball, pero di nila nahahabol ang placing namin kahit mejo mabagal ang bola.
Naipanalo namin ang game, laking pasasalamat ko sa mga kakampi kong lubos nagtiwala sakin. Sport din naman ang kabilang koponan, nakipagkamayan muna sila samin bago sila umalis.
Nakita ko ulit yung babae, at sa pagkakataong ito, sigurado na akong siya nga si Daisy. Nilapitan ko na may kasamang lakas ng pintig ng puso.
Ako: hi!
Daisy: hello po, do I know you?
ako: (mejo napahiya) didiba iikaw si Ddaisy?
Daisy: pano mo nalaman? Sino po sila?
ako: ako si dhon. naalala mo na?
Daisy: aah! ikaw pala yan? Malaki pinagbago mo kasi eh,
ako: (mejo confident na) so nagdo-drawing ka pa?
Daisy: di na, simula nung namatay lolo ko. Tumigil na ako sa pag-dodrawing, sakanya ko kasi inalay lahat ng ginagawa kong obra, kaso wala na. (mejo napapaluha)
ako: ako din.
Daisy: ha? bakit?
ako: binaon ko nalang din sa limot lahat ng ala-ala ko sa drawing. Simula nung....
(tinawag na siya ng mga ka-team niya)
"Daisy! tara na! tayo na maglalaro!
(sabay bigay niya sakin yung panyo niyang puti at sinulatan niya ng phone number niya sabay umalis)