webnovel

DAISY

Wala akong nagawa, speechless din ako nung time na yun. Di ko kasi alam kung ano ang reaction ko nung binigay niya ang panyo. Magkahalong tuwa at lungkot.

Tuwa, kasi nagkita ulit kami ng first love ko,

Malungkot kasi wala naman akong cellphone para itxt ko siya. At di ko na alam kung paano kumita, di tulad noong elementary na maraming nagpapa-drawing at painting sa akin. Dun ako pinanghinaan ng loob. Ewan ko, naguguluhan ako.

Umuwi ako ng bahay na wala sa sarili, imbes na masaya kasi nanalo kami kahit papano, kaso wala. Iniisip ko kasi kung paano magkaroon ng cellphone, at alam ko din na di yun kaya ng mga magulang ko.

"Paano kaya kung magsanay ulit akong gumuhit at magpinta?" yan ang tanong ko sa sarili ko.

"Oo tama, magsasanay ulit ako". (unti-unting pumipikit ang aking mga mata)

(tumilaok ang mga manok?)

Umaga na pala! Di ko namalayang nakatulog ako sa sala. Nakaramdam ako gutom, di pa pala ako kumain kagabi. Pagbukas ko ng kaldero may natira pang kanin, at ulam. Nakita ako ni nanay na kumakain.

nanay: oh anak, gising kana pala. Di na kita ginising kagabi kasi alam kong napagod ka sa school activities niyo. Pina-palipat ka ng kuya mo sa iyong silid pero di ka parin nagigising. Kaya sabi ko hayaan mo nalang muna siya jan, bigyan mo nalang ng kumot. Oh ano, kamusta? nanalo ba kayo?

(sunud-sunod na tanong ni nanay.)

ako: opo nay, nanalo kami.

nanay: nanalo kayo pero parang biyernes santo yang mukha mo.?

ako: wala po ito. Kagigising ko lang po kasi.

nanay: ah osige, may tinolang manok jan sa kawali, kapapainit ko lang, ulam natin yan kagabi.

(tinolang manok, WOW! paborito ko kasi yun. Dali-dali kong binuksan ang kawali, mainit-init pa.)

ako: salamat po nay!

Pagkatapos kong kumain, nagpahinga muna ako saglit, tapos nagwalis sa loob ng bahay. Tinatanggal ko yung mga sapot-sapot ng gagamba sa loob ng silid ko. Nang may nalag-lag na isang rolyo ng kartolina sa aking harapan galing sa imbakan namin ng mga gamit sa itaas. Pinulot ko, tinignan ko kung ano ito.

Ito pala yung maamong mukha ni Daisy na ipininta ko. Kasabay ang tulang ginawa ko. Kapag nakikita ko ito, naaalala ko ang mga bagay na magkasama kami lagi ni Daisy. Malambing siya, mahinhin at napaka-maalalahanin. Bumalik sa aking ala-ala ang pagsasanay muli sa pagdrawing at pagpinta.

Nanginginig na ang kamay ko, pero kaya ko ito. Pano ako kikita? Pano ko mabibili ang mga kailangan kong bilhin kung di ko ipagpatuloy ang aking mga nasimulan?

Yan ang naging motivation ko sa sarili, kaya ipagpapatuloy ko ang pagpipinta at pagguhit.