webnovel

Chapter 9

Pagkatapos nila Luis at Blessie na kumain ay umalis na din si Luis. May meeting pa daw itong dadaluhan. Kaya inabala na lamang ni Blessie ang sarili sa trabaho. Napaigtad siya ng magring bigla ang intercom.

Mabilis na dinampot ni Blessie ang reciever. "Hello, Sir Marius."

"Come inside my office" may diing utos na sabi ng amo niya sa kanya.

"Okay, Sir" mabilis na sagot ni Blessie. At ibinaba na ang telepono. Tumayo siya kaagad at kumatok sa pinto ng opisina ng amo niya.

"Come in" hudyat na puwede na siyang pumasok sa loob.

Maliliit ang hakbang na pumasok siya sa loob ng opisina ni Marius. Kaagad siya humarap kay Marius na prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

"May kailangan po ba kayo?" seryosong nakatingin si Blessie sa amo.

"Yes. Step forward" sagot ni Marius.

Tumango ng ulo si Blessie. Saka isang hakbang ang ginawa niya palapit kay Marius. Mataman na nakatitig lang si Marius sa kanya. Kinabahan si Blessie sa klase ng tingin ni Marius sa kanya. Animo'y isa siyang masarap na pagkain sa harapan nito.

"Ano po 'yun? Ano pong ipag uutos niyo sa akin?" mga tanong ulit ni Blessie. Nakatitig lang ang amo niya sa kanya. At hindi niya iyon nagugustuhan.

"Lumapit kapa" utos pang muli ni Marius.

Napataas ang isang kilay ni Blessie. Pero hindi siya puwedeng tumanggi sa utos ng amo niya. Kaya napilitan siyang humakbang pa ng isa palapit kay Marius. Bawat hakbang ay sinisigurado niyang hindi masyadong lalapit kay Marius.

Napailing ng ulo si Marius sa ginagawa ni Blessie. "Tssk.." ang sabi ni Marius. Iritado sa ginagawang pa isa isang pag hakbang.

Ang bilis na ng pagtibok ng puso ni Blessie. Ang mga mata niya ay naglulumikot na. Bakit ba ganito ang ikinikilos ng amo niya ngayon? Bakit parang naghuhuremantado ang bilis ng tibok ng puso niya? Hindi niya naramdaman ang ganito kay Luis. Ipinilig ni Blessie ang ulo niya.

Hindi na nakatiis pa si Marius. Napapansin niyang parang ayaw lumapit ni Blessie sa kanya. Tumayo siya para siya na mismo ang lumapit sa dalaga. Pagkalapit ay kinabig niya kaagad ng yakap si Blessie. Ipinulupot ang isang kamay sa beywang ng dalaga. At dahil sa mahabang braso ni Marius ay nagapos niya ang mga kamay ni Blessie sa pag hawak pa lang niya sa beywang ng dalaga.

Nanlalaki ang mga mata ni Blessie. Para siyang timaan ng kidlat dahil sa kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Idagdag pang nagwawala ang mga paro paro sa tiyan niya sa pagkadikit ng katawan nila. Gusto niyang pigilan ang ginagawang iyon ni Marius sa kanya. Ngunit hindi niya magawa. Nawalan siya ng lakas para itulak ang amo.

"S-Sir?" amoy na amoy niya ang hininga ni Marius na tumatama sa pisngi niya. Kaya pilit niyang inilalayo ang mukha sa mukha ni Marius. Itutulak niya na sana ito ng mas hinigpitan pa ni Marius ang yakap sa beywang niya. Hindi na niya maigalaw pa ang mga kamay niya. Nagapos na siya. Mawawalan lang siya ng lakas. Kaya hinayaan na niya.

Ngumisi si Marius sa kanya ng nakakaloko. Pinandilatan lang ni Blessie ng mga mata niya ang amo niyang ngiting ngiti pa din sa kanya.

"Trying to escape, ha?" umiling iling ito ng ulo at ang hinaplos ang pisngi ni Blessie. Inilayo bigla ni Blessie ang mukha niya. Pero nahawakan pa din ni Marius ang mukha ni Blessie at mas inilalapit pa sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay konti na lang. Dadampi na ang labi nilang dalawa.

"Bakit mo ba ito ginagawa?!" singhal ni Blessie sa amo. Pilit niyang gustong kumawala kay Marius. Pero mahigpit pa din ang hawak ni Marius sa kanya. Mukhang walang balak itong pakawalan siya.

"Amo mo ko! Kaya natural lang na ako dapat ang magtatanong o mag uutos sayo! Hindi ka dapat nagrereklamo!" bulyaw din nitong sagot sa kanya.

"Okay. I quit. Para hindi na ako maging sunod sunuran pa sayo! Hindi mo na ako maoobliga na gawin lahat ng mga gusto mo o mga iuutos mo!"

"Hmm. Sa tingin mo ba papayagan ko na magresign ka sa kompanya ko! No! You will remain my secretary and my fake girlfriend" may diing sabi ni Marius.

"Fake girlfriend? Ano bang pinagsasabi mo?! Puwede bang pakawalan mo ako!"

"Pakakawalan kita. Unless papayag ka na maging fake girlfriend ko"

Napatiim bagang si Blessie. "Baliw kana talaga! Paano napasok dito na maging fake girlfriend mo ako? Isa pa may boyfriend ako at si Luis yun!" galit na bulalas ni Blessie.

"So, break up with him. Ikaw ang napipisil ko na maging fake girlfriend ko" mahinahon na sabi ni Marius.

"Ganoon lang kadali para sayo! Aayawan mo ang tao ng ganoon ka bilis. Hindi naman ako magtataka dahil ugali mo ng itapon ang mga pinagsawaan mo na! Puwes, hindi ako katulad mo! Hindi ako magiging kagaya mo!" mga sigaw ni Blessie.

Nagpanting ang tenga ni Marius. At natahimik sandali.

"Tapos ngayon ako naman ang gagamitin mo! Ako naman ang itatapon mo pagkatapos mong pagsawaan! Ang dami d'yang iba sa labas. Mas maganda at mas sexy. Hindi kagaya ko na panget! Bakit ako pa talaga ang ginulo mo?!" dagdag pang mga sigaw ni Blessie.

"Because I know you didn't like me. Hindi ka mahuhulog sa akin. Ayoko ng babaeng habol nang habol sa akin. Iba ka Blessie. And I want you to know that I will owe you this if you will accept to be my fake girlfriend" mababang tono ng boses na rason ni Marius.

"No! Hindi ako papayag! At hindi ako naniniwala sayo. Kahit ano pa ang rason mo!" madiing tanggi ni Blessie. Hindi ba naisip ng amo niya na hindi ganoon 'yun. Hindi kadali ang gusto niya. Na lahat ng gusto niya ang makukuha ng ganoon kabilis. No!

Napakuyom ng kamao si Marius. "Alright. Tatawagan ko si Luis. Ayaw mo din namang pumayag. Sasabihin ko sa kanya na you're seducing me right now. Right here, inside my office" pangba blackmail ni Marius.

Matalim na tumingin si Blessie kay Marius. "Desperado kana ba?" tanong niya sa among mukhang desididong gawin ang banta sa kanya.

"Yes! I am. Dahil hindi ako titigilan ng Lolo ni Tessa. Hangga't hindi kami ikinakasal. I need to show them na may girlfriend na ako and you're my fiance!"

"No! At wala akong pakialam doon. Kaya pakawalan mo na ako!"

"No! Hindi kita pakakawalan! Just accept my offer. Dadagdagan ko ang sweldo mo. I will double your salary. Gagawin ko pang triple ang sahod na natatanggap mo. Basta tanggapin mo lang."

"Hindi ang sahod ang pinag uusapan natin dito, Mr. Marius Martini Centeno. Dangal ko at ang katapan ko sa boyfriend ko. Mahal ko si Luis. Pinsan mo pa siya. At gusto mo lokohin ko si Luis. Hibang kana talaga? Na papayag akong maging fake girlfriend mo!"

May dinukot si Marius sa bulsa niya. At ipinakita ang phone niya. Saka ang numero ng telepono ni Luis.

"Just say YES and I will not call Luis" banta na sabi ni Marius.

Nanlaki ang mga mata ni Blessie. Seryoso ba siya? "No! No! No!" mariing tanggi niya.

Napakibit ng balikat si Marius "Okay madali naman akong kausap." pinindot niya ang call.

Nanlaki ang mga mata ni Blessie nang makitang tinatawagan nga ni Marius si Luis. Nagvideo pa call ang dalawa.

"Yes, Marius" bungad na sabi ni Luis. Tinakpan ni Blessie ang bibig niya. Pigil na pigil siya na huwag magsalita.

"Nothing. Gusto lang kitang makausap"

"Oh my God, Marius! Inistorbo mo ako. Tapos 'yun lang ang sasabihin mo. Alam mo bang busy ako ngayon. Dahil ang dami kong tambak na trabaho" inis na sabi ni Luis.

"How is Blessie? Hindi na ba masakit ang balakang niya?" dagdag na mga sunod sunod na tanong ni Luis. Mas itinakip pa ni Blessie ang kamay niya sa kanyang bibig.

Nakangiting lumingin si Marius sa dalaga. "I think she is fine. Ang sipag ng girlfriend mo at ang bait. Kahit na may iniindang sakit. Tuloy pa din ang pagtatrabaho" compliment na sagot ni Marius. Ito ata ang puri na hindi nagustuhan ni Blessie.

"What do you mean?" may pagbabanta sa mga mata ni Luis.

"Nothing. Masama bang pinupuri ang girlfriend mo?"

"Masama. Dahil ako lang ang dapat na pumupuri sa kanya. And by the way, ipapaalam ko siya na lalabas siya ng maaga mamaya"

"Hmm. Date?"

"Of course. It's my duty for Blessie. Gusto ko palagi siyang makitang masaya. Hindi ako katulad mo na playboy. Gustong lumamang sa mga babae" pang uuyam na sagot ni Luis.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Marius. "Okay. Do you want to talk to Blessie?" tanong niya. Saka bumaling ng tingin kay Blessie.

Umiling iling ng ulo si Blessie. Ngumisi lamang si Marius sa reaksiyon ng mukha ng dalaga. Itinatago nito ang mukha niya.

"I will just call her later. I'm going back to work, Marius. And stay away to my girlfriend!" paalam ni Luis. Nagbanta pa ito sa pinsan. Napatawa nang malakas si Marius dahil sa tinuran ni Luis.

"Taker care, cousin" ngumiti lamang si Luis sa kanya at pinatay na ni Marius ang tawag.

Naggagalait na si Blessie sa galit. Gusto na niyang magwala. At pagsusuntukin sa mukha si Marius.

"What's your decision, Love?" sarcastic na tanong ni Marius.

"Love mong mukha mo!" galit na sabi ni Blessie. Saka umirap kay Marius.

Nainis si Marius at inihagis ang telepono niya sa sahig. Nagkalasug lasog ang mamahaling phone nito at sirang sira na. Natakot at nagulat si Blessie sa ginawa ni Marius.

"Bakit ba sobrang pakipot mo?! Napakadaming nagkakandarapa sa isang Marius Martini Centeno. Tapos ikaw! Ganyan kalang umakto sa akin! Isa na lang ang paraan para pumayag ka" saka inilalapit ang mukha niya kay Blessie.

Nanlalaki ang mata ni Blessie. "Anong gagawin mo?" natatarantang tanong niya at inilalayo ang mukha sa amo niya.

Mapilit si Marius. Hinawakan niya sa baba si Blessie at siya na mismo ang naglapit ng mukha ng dalaga sa kanya. Dumampi ang labi niya sa labi ni Blessie. Iginalaw niya ang labi niya at inangkin ang buong labi ni Blessie. Walang nagawa si Blessie kundi itikom ang bibig. At napapikit ng madiin.

Ramdam ni Marius ang ginagawa ni Blessie. Kaya kinagat niya ang ibang labi ni Blessie. Dahil doon ay napaawang ito. Doon na sumalakay si Marius. At tuluyan nang ipinakitang ang dila niya sa loob ng bibig ni Blessie. Walang pakialam si Marius. Sinibasib ng halik ang labi ni Blessie. Mapusok at sobrang diin. Inihawak niya ang dalawang kamay sa beywang ni Blessie. Pagkatapos ay iginapang ang isang kamay sa likod ng dalaga.

Napaiyak na lamang si Blessie. "I'm sorry, Luis" nasabi niya sa isip habang umiiyak. Hindi niya gusto na masaktan si Luis. Walang siyang magawa. Mas malakas si Marius sa kanya.

Nalasahan ni Marius ang luha ni Blessie. At bigalng natauhan. Tumigil siya sa pagkahalik kay Blessie. Hinawakan niya ito sa baba at inangat. Nakita ang panay ang pagtulo ng luha ni Blessie sa mga mata nito habang nakapikit. Pinakawalan niya si Blessie. At hinaplos ang mukha nito. Saka pinunasan ang mga luha ng dalaga sa mga mata nito.

Naramdaman ni Blessie na lumuwag ang kapit ni Marius sa beywang niya. Saka idinilat ang kanyang mga mata. Nabugaran niya ang among titig na titig sa mukha niya.

"I'm sorry" malamyos na hingi ng tawag ni Marius sa kanya at kinabig siya ulit ng yakap. Mahigpit at mainit na yakap. Inihilig ni Blessie ang mukha sa malapad na dibdib ng amo.

Bumitaw si Marius sa yakap at iniharap ds kanya si Blessie. Tinitigan niya ito sa mga mga nito. Nagsusumamo at humihingi ng tawad.

"I'm really really sorry, Blessie. I didn't mean that. Please, forgive me" puno ng sinseridad na hingi ng paumanhin ni Marius sa dalaga.

Naguguluhan si Blessie. Ultimate crush niya si Marius. Ito ang unang lalaking nagpaiyak sa kanya. Sa lalaking ito una siyang nagmahal at umasa na mahalin. Nangarap. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. May nobyo na siya. At dapat kay Luis niya lang nararamdaman ito. Pero traydor ang puso niya. Mahal pa din niya si Marius. Hindi niya napigilan na yakapin si Marius.

Nagulat man si Marius ay gumanti na din siya ng yakap kay Blessie. Kailangan niyang makuha ang loob ni Blessie para pumayag ito. Blessie is his only chance. Ayaw niyang matali sa babaeng hindi naman niya gusto.

Kumalas si Marius sa yakap ni Blessie at iniharap sa kanya. Hindi maalis ang tingin niya sa mga mata ni Blessie. Tinanggal niya ang salamin ni Blessie. Doon niya natitigan ang mga mata ng dalaga. May kung ano sa kanya para gawin na mas ilapit pa ang mukha niya sa mukha ni Blessie.

"Please, don't make me stop" namamaos na pakiusap ni Marius. Naging malikot ang mga mata ni Blessie. At huli na nang marealised niya na nakadampi na ang labi ni Marius sa labi niya.

Napapikit si Blessie. Tinanggap niya ang mga halik na iyon. Nagtataka siya sa sarili kapag ganito kalapit si Marius sa kanya. Ipinangako na niya sa sarili niya na kakalimutan na niya ang nararamdaman para sa amo. Pero ano itong ginagawa niya ngayon. Ito siya at nagpapahalik. Nagpapatangay sa matamis na halik ng amo niya.

Natauhan si Blessie. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para itulak si Marius.

"Mali po ito" naguguluhang sabi ni Blessie. Nagtatakbo siya palabas ng opisina ni Marius.

"Why did you that? Are you out of your mind, Marius?" tanong ng sarili niyang utak habang nakatingin sa pintuan na nilabasan ni Blessie.

Sakay sina Blessie at Luis ng sasakyan. Ihahatid niya muna si Blessie sa bahay nito. At may pupuntahan pa siya.

Napansin ni Luis ang pagiging tahimik ni Blessie.

"Babe, may problema kaba?" tanong niya. Napaayos naman ng upo si Blessie at Nilingon si Luis.

Umiling ito ng ulo.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung magpapaalam ba ako na hindi muna pumasok sa trabaho bukas" sagot ni Blessie.

"Gusto mo bang mag out of town tayo? Total Saturday tomorrow and two days kang walang pasok" tanong na suggestion ni Luis.

"Puwede din"

"Ako na ang bahalang magpaalam kay Marius para sayo. Tomorrow I will pick you up. And ready your things"

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa Baguio" maikling sagot ni Luis.

Nakaupo si Luis katabi si Blessie. Nakakahiya kanina. Nahuli sila ng Papa ni Blessie na naghahalikan. Hiyang hiya si Blessie na halos manliit. Gusto na niyang lumubog sa kanyang inuupuan.

"I'm sorry, Sir. I know it was my fault. I'm the guy and I should not done this to Blessie in public" sinserong paghingi ng paumanhin ni Luis sa Papa ng dalaga.

Galit na tingin ang ibinigay ni Jose sa binata. Saka bumaling sa anak.

"Kailan niyo pa sasabihin sa amin na kayo na, Blessilda?! Hinintay niyo pa na mahuli ko kayong nagtutukaan. Bago kayo umamin!" tanong ng Papa ni Blessie. Nasa tabi niya ang asawa. Masama ang loob nila na nakatingin kina Blessie at Luis. Hindi ganito ang itinuro nila sa kanilang anak. Kailangan niyang igalang ang sarili niya.

"Sorry po, Papa. Sasabihin ko naman po. Naunahan lang po ako ng hiya" si Blessie ang sumagot.

"Sir, mahal ko po ang anak niyo. And I respect Blessie. Huwag po kayong mag alala. Hindi na po mauulit ito" segundang sabi ni Luis. Hinawakan ni Luis ang kamay ni Blessie.

"Hindi naman kami galit ng Mama niyo. Ang sa amin lang ay ilugar niyo ang kung ano man ang gagawin niyo . Isa alang alang ang mga taong makakita o iisipin ng tao. Lalo na si Blessie, Luis. Hindi naman ako naghihigpit sayo, Blessie. Nasa tamang edad kana. At alam ninyong dalawa ang tama at mali" ani pa ni Jose sa anak.

Sabay na tumango ng ulo sina Blessie at Luis.

"I want to make it formal po our relationship. Alagaan ko po si Blessie. Makakaasa po kayong hindi ko na po ito uulitin" seryosong sabi ni Luis.

"Aasahan ko 'yan, Luis. Alam mo naman na boto ako sayo. Ayoko lang na masama ang maging tingin ng mga tao sa anak ko" sabi pa ni Jose. Tumango ng ulo si Luis. Naiintindihan niya iyon.

"Isa pa po. Gusto ko po sanang ipaalam si Blessie. Pupunta po kami ng Baguio bukas" pagpapaalam ni Luis kay Blessie.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Ah, Luis hindi sa ayaw naming payagan si Blessie. Pero dalawa lang ba kayo na pupunta doon?" tanong ni Belinda.

"Pati din po kayo. May rest house po kami sa Baguio at sigurado akong magugustuhan niyo po doon" sagot ni Luis. Pinisil ni Luis ang kamay ni Blessie. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

Pabaling baling ng higa si Blessie. Hindi siya makatulog. Pero masaya siya na pinayagan silang pumunta ng Baguio bukas. Kasama ang Mama at Papa niya.

"Oh, Espiritu ng mga panget.. Magpatulog kana!" orasyon ni Blessie. Hindi siya dalawin ng antok.

"Lintek, kasi na Marius! Ginugulo ang tulog ko patulugin mo na ako!" panay ang sipa niya.

Iniisip niya pa din hanggang ngayon ang nangyari kanina sa opisina. Dapat si Luis ang iniisip niya. Pero si Sir Marius ang paulit ulit na bumabalik balik sa paningin at isipan niya.

Ang matamis na halik nito na mas lalong nagpapagulo sa utak niya. Nagkakasala na siya. Pakiramdam niya cheating ang ginawa niya kanina. Pinayagan niyang halikan siya sa labi ng lalaking hindi niya naman boyfriend.

"Blessie, ang landi mo. May boyfriend kana lumalandi kapa" usal ni Sarah sa kanya. Inistorbo na niya ang tulog ng kaibigan niya.

"Akala ko ba kaibigan kita. Bakit parang pinagagalitan mo ako?" himutok ni Blessie sa kaibigan.

"Tinawag tawagan mo ako ng alas dose ng gabi. Inistorbo mo ang tulog ko para sabihin na hindi ka makatulog dahil sa amo mong playboy!" nasa kasarapan na ng tulog ni Sarah. Napanaginipan niya na hinahalikan siya ni Hyunbin. Tapos nawala dahil sa paulit ulit na pagring ng phone niya.

"Alam mo para hindi ka nahihirapan. Ibigay mo na lang sa akin ang boyfriend mong si Luis. Mamabahagi ka naman! Na sayo na lahat napunta ang mga guwapo. Share your blessings, Blessie" dagdag pang sabi ni Sarah.

"Mini may ni mo.." nausal ni Blessie.

"Ano yan?!"

"Mahirap mamili sinong ibibigay ko sayo. Kasi pareho silang sumisiksik sa puso ko" sagot ni Blessie sa kaibigan.

"Eh di wow! Ikaw na ang maganda. Matutulog na ako. Panira ka sa date namin ni Hyunbin" reklamo ni Sarah at pinatayan ng tawag si Blessie.

Walang nagawa si Blessie. Sinabunatan niya ang kanyang buhok sa sobrang frustration. Hindi pa din siya dalawin ng antok. Mali yata na tinawagan niya ang kaibigan para humingi ng tulong. Lalo lang itong nakadagdag sa isipin niya.

"Gusto ko nang matulog!" ngawa ni Blessie.