webnovel

Chapter 10

Kinabukasan ay nangingitim ang gilid ng dalawang mata ni Blessie. Alas tres na siya nang madaling araw nakatulog. Kaya naman ngayon puyat na puyat siya at gusto nang humiga sa kama niya para matulog. Buwisit na buwisit talaga siya. Kasalanan ito ng amo niya. Na walang ginawa kundi guluhin ang buong sistema niya.

Bumaba na siya para mag almusal.

"Blessie, anong nangyari sayo?" tanong ng Mama niya sa kanya na nakatingin sa mukha niya. Napansin nito ang pangingitim ng paligid ng mata ng anak.

"Wala po. Marami po kasing lamok kaya hindi ako nakatulog kagabi" pagsisinungaling na sagot ni Blessie. Sana lang ay hindi napansin ng Mama niya ang pagsisinungaling na sinabi niya.

Napaawang ang labi ni Belinda. Nagtataka na tumingin sa anak.

"Hayaan mo mag ispray ako ng Baygon pagkauwi natin bukas galing Baguio" aniya. Tumango ng ulo si Blessie at pilit na ngumiti.

"Handa na ba ang mga gamit na dadalhin mo?" dugtong na tanong ni Belinda.

"Opo, Ma" umupo siya sa katapat ng Mama niya. At nagsimula nang kumain.

Ilang minuto pa ay may narinig silang kumakatok sa pintuan. Si Luis na sigurado ang dumating. Napatigil sila sa pagkain. Akma nang tatayo si Blessie ng iitaas ng Papa niya ang kamay sa kanya.

"Ako na ang magbubukas ng pinto. Sige na kumain na kayo" prisinta ni Jose. Tumayo na ito para pumunta sa pintuan. Muling itinuloy ng mag ina ang kanilang pagkain. Ang ganang kumain ni Blessie ngayong umaga na ipinagtataka ni Belinda.

Pagkabukas ng pinto ni Jose ay nabugaran niya kaagad si Luis.

"Good morning po" magalang na bati ni Luis. Pagkatapos ay nagmano sa Papa ni Blessie.

"Magandang umaga din sayo. Tamang tama nag aalmusal na kami. Pumasok ka at sumabay kana sa amin mag almusal" masiglang alok ni Mang Jose.

"Kasama ko po ang pinsan kong si Marius. Nasa loob po siya ng kotse" impormang sabi ni Luis.

"Aba'y papuntahin mo dito. At nang makakain din siya. Mas magandang busog tayo habang nasa biyahe"

Ngumiti naman si Luis at sinenyasan ang pinsan na bumaba muna ng sasakyan. Nagpumilit din ito na sumama nang ipaalam niyang hindi papasok si Blessie ngayong Sabado.

Bumaba naman ng sasakyan si Marius. At lumapit kina Luis at Mang Jose.

"Magandang umaga po, Sir" nagmano din ito na bumabati kay Mang Jose.

"Napakapormal mo naman, Sir Marius. Pumasok na kayo sa loob" ayang sabi ni Jose sa dalawang binata.

"Marius na lang po T-Tito" nauutal na pagtatama ni Marius kay Mang Jose. Ngumiti naman at tumango ang Papa ni Blessie.

Nauunang naglalakad si Jose habang kasunod niya sina Luis at Marius. Pagkadating sa kusina at kaagad na nilapitan ni Luis si Blessie.

"Good morning, Babe" nakangiting bati niya kay Blessie at hinalikan pa ito sa pisngi. Para namang panawan ng ulirat si Blessie sa sobrang kahihiyan dahil sa ginawa ni Luis. Sa harapan ng magulang niya.

Tumikhim ang Papa ni Blessie.

"Umupo na kayo at nang makakain na tayo" aya ni Jose sa dalawang binata. Pero bago umupo si Luis ay lumapit muna ito sa Mama ni Blessie at nagmano. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Blessie habang si Marius ay umupo sa tabi ni Luis.

Naihilig ni Blessie ang ulo patingin sa kasama ni Luis.

"Kasama pala si Sir Marius sa outing" nagtatakang na sabi ni Blessie sa sarili. Kinakabahan na siya sa mangyayari mamaya. Tiyak na riot ito dahil kasama pala nila ang amo niya. Maigi na lang at papunta na din si Sarah dito. Kasama din kasi si Sarah sa lakad nila ngayong araw.

Pagkatapos ng almusal ay naghanda na silang umalis. Dalawang sasakyan ang dala nila. Kotse ni Luis at kotse ni Sarah ang gamit nila. Hindi niya lang talaga inasahan na kasama pala si Marius.

"Sa akin na sasakay sina Tito at Tita" sabi ni Sarah. Nagugulat ang tingin ni Blessie kay Luis. Napakibit na lamang ng balikat ang nobyo niya sa kanya.

Habang nasa biyahe ay tahimik lamang sina Luis, Blessie at Marius. Napapahikab na din si Marius at mukhang kulang sa tulog ito. Unti unti na niyang ipinipikit ang mga mata dahil sa antok.

"Bakit sumama ang pinsan mo?" mahinang bulong na tanong ni Blessie. Baka kasi marinig siya ni Marius. Saka nilingon si Marius sa likod. Nakahilig ang ulo nito sa sandalan.

"He insist. Anong magagawa ko? Okay na din 'yun para madami tayo"

Pinandilatan ito ni Blessie.

"Tayo lang kasi dapat" nag crossed arm si Blessie na animo'y nagtatampo kay Luis. Napalingon si Luis sa kanya. At umiling ng ulo.

"Babe, hindi tayo makakapunta ng Baguio. Kapag hindi kasama ang parents mo. At tiyak na hindi ka nila papayagan kahit na ipaalam pa kita sa kanila. At alam nilang tayo lamang dalawa ang pupunta ng Baguio" rason ni Luis. Habang tutok ang mga mata sa daan.

"Gusto ko man masolo ka. Pero hindi pa din puwede. I respect your parents. And of course I respect you, Babe. Kaya tiis-tiis na muna tayo. I love you, Babe" sinserong sabi pa ni Luis.

Napangiti si Blessie. Ang suwerte niya talaga sa pagkakaroon ng isang Luis sa buhay niya. Luis is almost a perfect guy. Ngayon niya narealised na kailangan na niyang putulin ang ano mang nararamdaman para sa amo niya. Ayaw niyang makitang masasaktan si Luis. Hindi dapat ganoon sa isang katulad ni Luis. Dahil mahal na mahal siya ni Luis.

"I love you, too" malambing na tugon ni Blessie. Malawak na ngumiti si Luis at sumulyap ng tingin kay Blessie. Kinuha nito ang kamay ng dalaga at dinala sa labi para halikan. Inihilig ni Blessie ang ulo niya.

Isang mata ang bukas kay Marius. Hindi naman niya sinasadya. Pero narinig niya lahat ang pinag uusapan ng dalawa. Hindi niya maiwasan ang mainggit sa pinsan. They really deserve each other. Because they love each other.

Habang siya ay umaasa na papayag si Blessie sa gusto niyang mangyari. Pero sa nakikita niya. Parang malabo. She love Luis. At hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon na totoo ang nararamdaman ni Blessie sa pinsan niya.

Buong biyahe na tulog si Marius. Kailangan niya iyon. Dahil sa wala siyang tulog kaiisip. Sa isang babaeng hindi niya inakala na magpapagulo ng isip niya. Si Blessie.

Dumagdag pa si Tessa na sobrang kulit. Tawag ng tawag at tinatanong kung anong sasabihin niya sa Lolo niya. Nababaliw na siya kaiisip. Paano niya mapapayag si Blessie?

Patingin tingin si Marius sa rearview mirror. Siya ngayon ang nakatokang driver. Nagpalit sila kanina ni Luis. Ginawa talaga siyang driver ng dalawa. Dahil sina Luis at Blessie ay parehong nasa passenger seat. Nakasandal ang likod ni Luis sa sandalan ng upuan at nakahilig naman si Blessie sa dibdib ni Luis. Parehong tulog ang dalawa. Gayunman ay hindi pa din napaghihiwalay ang dalawa.

Matalim ang tingin ni Marius sa dalawa. Tumaas ang sulok ng labi niya. Nang makaisip ng kalokohan. Biglang niyang inapakan niyang preno ng sasakyan.

"Ayyy!" malakas na tili ni Blessie. Habang si Luis naman ay ipinulupot ang kamay sa beywang ni Blessie. Para protektahan sa pagkahulog ang dalaga. Nakita iyon ni Marius. Nakasimangot na naman na tumingin sa dalawa. Mali ata ang ginawa niya. Mas lalong napalapit ang dalawa.

"Magdahan dahan ka naman, Marius" nakasimangot na saway ni Luis sa pinsan niya.

"Pasensiya na may biglang tumawid kasi na pusa" pagsisinungaling ni Marius. Nakatingin lang siya sa rearview mirror.

"Are you okay, Babe?" baling na tanong ni Luis kay Blessie. Nag aalala ito para kay Blessie.

"Okay lang ako. Nagulat lang talaga ako" sagot ni Blessie. Hinawakan ni Luis ang kamay ni Blessie. Habang ang isang kamay niya ay nasa beywang pa din ni Blessie.

"F*ck!" mura ni Marius sa isip niya. Matiim na tumingin siyang muli sa daan. Napayukom siya ng kamao. Gusto niya sanang hampasin ng malakas ang busina ng kotse. Para mapaupo ng maayos ang dalawa na nasa likod niya.

Nakarating na sila ng Baguio. Ramdam agad ni Blessie ang malamig na hangin sa Baguio. Nanunuot sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin. Kahit na medyo maaga pa. Napatingin siya sa umakbay sa kanya at binigyan ito nang matamis na ngiti.

"Let's go" nakangiting aya ni Luis sa kanya. Tumango ng ulo si Blessie. Habang si Marius ay dala dala ang dalawang maleta nila.

Masamang tingin ang ipinukol niya sa likuran ng papalayong magkasintahan. Kasunod ni Marius ang parents ni Blessie. Kasama ang bestfriend nitong si Sarah.

Prenteng nakaupo na sa sopa sina Blessie at Luis nang madatnan nila sa loob ng resthouse. Magkaharap pa ang dalawa at nagngingitian. Hawak ni Luis sa dalawang kamay ng dalaga.

"Baka magkapalit na kayo ng mukha" inis na sabi ni Marius. Hindi naman siya pinansin ng dalawa. At dumiretso na siya sa itaas.

Lihim na sumulyap si Blessie sa amo niya. Kitang hirap na hirap itong bitbitin ang dalawang maleta. Napatingin siya nang masama kay Luis. Hinampas niya sa balikat si Luis. Napadaing naman si Luis na animo ay nasaktan.

"Ikaw ha. Bakit mo pinagdala si Sir Marius ng mga maleta natin? Dapat ikaw ang nagdala niyon sa kuwarto. Ni hindi mo man lang tinulungan"

"Nagprisinta siya, Babe. Kaya hinayaan ko nalang. Saka kaya naman niya, eh. Tingnan mo nasa taas na siya diba?" nanlaki naman ang mga mata ni Blessie sa isinagot ni Luis sa kanya.

"Ang sama mo! Nakakahiya naman doon sa tao" nagtatampo na sabi ni Blessie. Tumalikod pa siya kay Luis. Naka crossed armed ito at nakabusangot.

"Sorry na" sambit ni Luis na pilit pinahaharap sa kanya si Blessie.

"Ayoko!"

"Babe, I love you" malambing na sabi ni Luis.

Dahan dahan namang humarap si Blessie sa kanya. Kaya hindi maiwasan ni Luis ang mangiti.

"I love you too" tugon ni Blessie. Inilapit naman ni Luis ang mukha sa mukha ni Blessie.. Bago pa maglapat ang mga labi nila ay may malakas na tumawag sa pangalan ni Blessie sa likuran ni Luis.

"Blessilda!" galit ang anyo na tawag ni Belinda sa anak. Napatayo naman si Blessie sa gulat. Habang si Luis ay hiyang hiya. Dahil pangalawang beses na itong nahuhuli silang naghahalikan ni Blessie.

"Saan dito ang kuwarto namin ng Papa mo? Saka maghiwalay nga kayo ni Luis" mariing tanong ni Belinda.

"Ah, sa pangalawang kuwarto po mula sa hagdan" sagot ni Luis. Pasimple niyang hinawakan ang kamay ni Blessie.

Napabuga ng hangin si Belinda.

"Tayo na nga Jose. Nang makapag pahinga sandali" aya ni Belinda sa asawa. Tumingin muna si Jose sa anak bago sumunod sa asawa na umaakyat na sa hagdan.

"Siguro naman, Blessie. Tayo ang magkasama sa kuwarto" ani Sarah nang tumingin siya sa kaibigan.

"Oo. Iisa lang ang kuwarto natin" pag sang ayon ni Blessie kay Sarah.

"Babe, we will share one room" pagtatama naman ni Luis. Pinandilatan ni Blessie ng mata ang nobyo.

"Gusto mo bang mabad shot ka kay Papa at Mama. Tingnan mo nga kanina. Ilang beses na tayong nahuhuli. Baka mamaya hindi na boto si Papa sayo. Sige ka. Mahihirapan kang kunin ang loob nina Mama at Papa" pananakot ni Blessie kay Luis.

"Alright. But you can come inside my room. Whenever you want. And you're always welcome to sleep beside me" nakangisi na sabi ni Luis.

"Ikaw talaga. Puro ka biro" saka kinurot ni Blessie sa tagiliran si Luis.

"Babe, naman" angal ni Luis. Hawak niya ang tagilirang kinurot ni Blessie.

"Hoy! May kasama kayo dito. Huwag niyo akong inggitin. Napakasama niyo sa akin. Porke't single ako. Nambabastos kayo! Konting respeto naman sa mga single na kagaya ko" saway ni Sarah kina Luis at Blessie. Habang pataas ito sa hagdanan. Hindi napigilan ni Blessie ang bumunghalit ng malakas na tawa dahil sa tinuran ng kaibigan niya.

"Yung kasunod na room nina Tito at Tita ang room niyo ni Babe ko!" malakas na sigaw ni Luis kay Sarah. Umirap lamang ito sa kanila ni Blessie.

Bumaling ng tingin si Luis kay Blessie. "Let's go outside." aya niya kay Blessie. Nakangiting tumango naman ng ulo si Blessie bilang sagot.

"Malamig sa labas"

"Yeah. Wait lang kukuha lang ako ng jacket natin" sabi ni Luis at umalis na ito para pumunta sa kuwarto niya sa taas.

Nang makaalis si Luis ay nilibot ni Blessie ang buong sala. Hanggang sa makarating siya sa kusina.

"What is you decision, Blessie? I'm waiting at parang nakalimutan mo na" saad ni Marius. Habang papalapit kay Blessie.

Napaigtad siya sa taong nagsalita mula sa likuran niya. Naestatwa sa kabang nararamdaman. Nang marinig ang paghakbang nito palapit sa kanya.

Niyakap ni Marius mula sa likuran ang dalaga. At hinalik halikan pa ang batok ni Blessie. Napapikit naman si Blessie sa kilabot nararamdaman sa mga halik at yakap ni Marius sa kanya.

"I really want to do this" anas ni Marius na parang kinakapos ng hininga.

Biglang natauhan at nagmulat ng kanyang mga mata si Blessie. At kaagad na itinulak si Marius.

"Please stop! Boss kita! May boyfriend na ako. At hinding hindi ko tatanggapin ang inaalok mo. Puwede ba lubayan mo na ako?"

"No! Blessie, listen to me. Kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Kapag hindi mo ako tinulungan. It's just a fake. At hindi mangyayari na magkakatotoong maging girlfriend kita. Just pretend to be my fake girlfriend, please"

Umiling umiling ng ulo si Blessie.

"I'm sorry. Pero maghanap ka na lang ng iba na papayag na maging fake girlfriend mo" sagot ni Blessie. Nagmamadali na iniwan niya si Marius sa kusina.

Napahampas ng malakas si Marius sa lamesa.

"Hard to get, huh? Lets see, Blessie!" naggagalaiting nawika ni Marius sa sarili.

Nadatnan ni Blessie si Luis sa sala.

"Babe, saan ka galing?" tanong ni Luis sa kanya.

"Sa kusina. Nauhaw kasi ako kaya uminom muna ako ng tubig" totoong galing siya sa kusina. Pero hindi totoong nauhaw siya. Kaya siya nasa kusina.

"Okay" saka isinuot ni Luis ang jacket kay Blessie. May suot na ding jacket si Luis.

"Tayo na" nakangiting aya ni Luis sa kanya.

Natigilan si Blessie nang mag angat siya ng paningin ay nahagip ng mata niya si Marius. Masama ang timplada ng mukha nitong nakatingin sa kanya.

"Where the two of you going?" biglang tanong ni Marius. Lumingon si Luis sa pinsan niya.

"Ipapasyal ko lang si Blessie dito sa labas ng rest house" nakangiting sagot ni Luis. Hinapit niya si Blessie sa beywang.

Mataman lang na nakatingin si Marius sa magkasintahan.

"Puwede ba akong sumama?" diretsong tanong ni Marius. Napawi ang magandang ngiti ni Luis sa labi. At napangiwi.

"Magiging third wheel ka lang sa amin, Marius. Kung gusto mo talagang sumama. Tawagin mo si Sarah para may kapareha ka. Hindi naman puwedeng nasa gitna ka namin ni Blessie" litanyang sagot ni Luis.

"Nagbibiro lang ako. Sige na. Lumakad na kayo" biglang bawi ni Marius. Tumalikod na sa kanya ang dalawa. Napakuyom si Marius ng kanyang kamao. Tinanaw na lang niya ang dalawang pigura na papalayo sa kanya.

Hawak kamay na naglalakad sina Blessie at Luis. Inihilig pa ni Blessie ang kanyang ulo sa dibdib ni Luis. Ang sarap sa feeling na may malapad na dibdib ang boyfriend niya. Plus pa ang mabagong amoy nito.

Maraming pine trees silang nadaanan. Malawak ang buong area ng lupang kinatitirikan ng resthouse nina Luis. Iginiya ni Luis si Blessie na maupo sandali sa bench na nasa gilid ng daan.

"Babe, gusto ko sanang ipakilala ka sa parents ko as my girlfriend" seryosong sabi ni Luis.

"Huh? Kailan mo ba balak ipakilala ako?" medyo nauutal na tanong ni Blessie. Kinabahan siya. Dahil iba naman ang pakiramdam na ipinakilala siya na kaibigan sa kasintahan.

Humarap si Luis kay Blessie. Inilagay ang takas na buhok niya sa kanyang tenga. At tnititigan niya sa mga mata nito si Blessie.

"Ikaw lang naman ang hinihintay ko. Baka kasi mag alangan ka. Kahit pa kilala kana ni Mommy at saka ni Daddy. At alam ko ding masyadong mabilis ang lahat sa atin. Kaya hahayaan kitang magdecide. Kung kailan ka komportable to face my parents"

Hinawakan ni Blessie si Luis sa pisngi.

"Ready naman ako. Kung para sayo. Parents mo 'yun. Gusto ko nga na ipakilala mo ako sa kanila" tugon ni Blessie. Inihilig ni Luis si Blessie sa kanya.

Ngayon napatunayan ni Blessie na hindi siya nagkamali na sagutin si Luis. Minahal siya ni Luis kahit pa hindi siya maganda. Proud pa na ipinapakita ni Luis sa lahat ng tao na mahal siya ng binata.

Si Luis na yung matagal na niyang hinihintay na dumating sa buhay niya.