webnovel

My Download Boyfriend

Genevie_Zapa · Fantasi
Peringkat tidak cukup
4 Chs

Prologue

P R O L O G U E

A year later...

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko kasabay ng pakiramdam na paulit-ulit ko na lang nararamdaman sa araw-araw. Disappointed. Parang laging mayroon akong inaasahang bubungad sakin. Parang may lagi akong hinhintay tuwing gigising ako. Sa kasamaang palad, ang hinihintay at inaasahan kong iyon ay wala sa pagmulat pa lamang ng mga mata ko.

Paulit-ulit ko na lang itong nararamdamn pero kahit ganon ay hindi pa rin ako masanay-sanay na parang bago pa rin sakin ang lahat.

Sabi nila, ang isang panaginip daw na parang sobrang totoo, mahirap na daw matukoy kung nangyari ba talaga iyon sa totoong buhay o sa panaginip lang. Isang panaginip ang paulit-ulit ko na lang napapanaginipan nitong mga nakaraang buwan ang gumugulo sakin. Pero tuwing imumulat ko na ang mga mata ko, bigla ko na lang iyong nakakalimutan gaya ng ibang mga napanaginipan ko.

Gayon pa man, hindi pa rin nawawala sakin yung pakiramdam na nagsasabing iyon nga ang panaginip na iyon. Na para bang may nakalimutan akong isang bagay na konektado doon.

Ang panaginip na sa sobrang totoo... Ay hindi ko na maalala pa.

Napahawak ako sa dibdib ko, katapat ng puso ko. Dama ko doon ang kakaibang pakiramdam na ultimong umuukit sa puso ko. Pakiramdam na hindi ko maintindihan. Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba iyon.

Hinang-hina akong napabangon mula sa pag-kakahiga at napatingin sa harap ng salamin. Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko kasabay ng pagbigat ng nasa puso ko, kung ano man iyon.

"Bakit ako..." Napatingin akong maigi sa repleksyon ko sa salamin. Sunod-sunod na tumulo ang mga tila tubig mula sa mga mata ko. "...bakit ako umiiyak?" Naging garagal ang boses ko na nag-pabigat pa lalo sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko talaga alam... Hindi ko alam ang dahilan ng bawat luhang tumutulo ngayon mula sa mga mata ko. Pero kahit ganon ay...

Ang sakit.

Ang sakit-sakit.

Para akong papel na pinupunit ng paulit-ulit. Walang tigil, walang awa, at walang katapusan. Pero sana nga, sana nga papel na lang ako. Walang nararamdaman, para na rin hindi na 'ko masaktan.

"Na..." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. "...namimiss na kita." Wala sa sariling bigkas ko na naging dahilan ng pagkatigil ko sa pag-iyak.

Sino?

Sino... Yung tinutukoy ko?

"Sino ka..."

***

"Samantha!"

Napalingon ako kay Haizel na kasalukuyang nasa tapat ng pintuan ng dorm namin.

"Bakit?" Tanong ko matapos kong ayusin ang pagkakasakbit ng bag ko sa balikat ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya tsaka mapang-asar na ngumiti. "Ang ayos mo ngayon ah? May date ka?"

Natawa ako sa sinabi nya. "Sira, wala akong date, 'noh."

Ang ngiti nya ay nauwi sa ngiwi. "Ano yan ah? Hindi ka pa rin ba nakakapag-move-on dyan sa mokong mong ex-boyfriend?"

"I think, medyo naka-move-on na naman ako." Ngumiti ako sa kanya. "Oh siya, una na 'ko ah? Bye-bye, Haizel!"

"Wait, Sammy!"

Napahinto ako at muling napalingon sa kanya.

"Saan ka ba pupunta? Kung sa mall yan, aba, mag-aya ka naman. Kasi hinding-hindi tatanggi dyan si ako." Nagpangewang pa sya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.

"Haizel, alam mo-"

"Hindi pa, Sammy."

Umirap ako. "Huwag kang umarteng mean girl, hindi bagay sa'yo. Mukha kang siga dyan sa kanto."

Humawak sya sa dibdib nya at umaarteng animo'y nasasaktan. "Ouch! Na-hurty naman ako doon. Ang harsh mo talaga kahit kailan, Sammy. Ang galing ko kayang artista kaya kaya magaling akong umarteng mean girl. Duh, inggit ka lang. Ganda ko kasi-*Cough* *Cough*" Bigla syang naumubo sya. "Pero anyway, Sammy. Saan ka nga gogora?"

"Dyan lang."

"Saang dyan lang?"

Tinuro ko ang kanang bahagi ng daan na nakikita ko. "Doon."

"Saan?" Lumapit sya sakin at sinundan ng tingin ang darili ko.

"Doon!" Sabi ko ulit.

"Saan?"

"Doooonn!"

"Saan ulit?"

"Dooooooonnnnnn!"

"Dooooooonnnnnn!"

"Doooooonnnnnnn!"

"Doooooo-Aray ah!" Napatingin ako sa kanya ng bigla nya akong batukan.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Kinakausap ka ng maayos."

"Bakit? Sinasagot din naman kita ng maayos ah?"

"Maayos ba iyon? Eh, kung saan-saan napupunta yang darili mo eh! Para tuloy akong uto-uto!"

"Uto-uto ka naman talaga eh."

"Anong sabi mo?" Mabilis nyang tanong.

"Ah, wala-wala. Sabi ko, sa simbahan ako pupunta." Pag-bawi ko.

Natahimik sya bigla.

"Huh? Diba hindi ka naman nag-sisimba? Palagi ka nga naming sinasama dati eh, pero lagi kang tumatanggi." Pag-tatanong nya at tsaka tiningnan ako ng parang nag-sasabing ang-weird-mo-na-talaga-Sammy look. "Pero bakit mo naisipang mag-simba ngayon?"

Bigla akong natahimik.

Bakit ko nga ba naisipang mag-simba? Anong dahilan? Ano na bang nangyayari sakin?

"H-Hindi ko din alam eh..." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Wala akong maisip na malalim na dahilan kung bakit.

***

Nag-lakad-lakad ako pagkatapos kong mag-simba ngayon. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko kada araw. Pero ni isa doon ay hindi ko makuhanan ng sagot.

Araw-araw parang may hinahanap-hanap ako, ang kaso lang ay hindi ko matukoy kung tao ba, bagay, lugar o kung ano man.

Pakiramdam ko parang nawala ang isnag pagkatao ko dahil doon. Siguro nga, napakahalaga para sakin ang bagay na iyon o kung ano man iyon. Kasi kung hindi, hindi ako naapektuhan ng ganito katindi.

Pero...

Pero ano nga kasi iyon?

Hindi ko talaga alam kung paano ko hahanapin kung ang man iyon, o kung mahahanap ko pa ba. Kasi feeling ko, bawat araw na lumipas ay mas lalo lang bumibigat 'tong nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung kailan matatapos itong pakiramdam na ito. Pero ang alam ko lang ay kung kailan ito nag-simula.

Nag-simula ito...

Noong araw na iyon.

Ang araw na nag-pabago sa buhay ko.

- E N D O F T H E P R O L O G U E -