webnovel

My Download Boyfriend

Genevie_Zapa · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Teaser

T E A S E R

"To see is to believe," ika nga nila. Kapag nakita na ng dalawang mata ng isang tao ang kahit ano ay agad-agad na silang naniniwala. Pero papaano ang hindi mo inaakalang nilalang na mag-eexist sa mundo ay nahahawakan, nakikita, at nakakausap mo...

Maniniwala ka ba?

Sya si Samantha Mhina Lopez, ang babaeng hindi mahilig sa mga fantasy book, movies, o ano mang tungkol sa mga ghost, alien, Un-identified Flying Object o yung mga UFO kung tawagin, at iba pang mga kathang isip lamang. Hindi sya naniniwala sa mga bagay na hindi pa nya nakikita. Pero papaano kung ang un-identified creature ay kitang kita na ng dalawa mong mga mata, walang halong joke, walang halong imagination, at lalong-lalong walang halong droga.

Papaniwalaan mo ba?

"Ano 'to?" Sabay turo-turo sa screen.

May nakita kasi akong app na bago lang sa paningin ko. Inisip ko na lang na wala lang iyon at hindi na lang sana papansin pero mas naunahan ako ng kuryosidad. Kaya sa huli ay naisipan ko iyon pindutin.

Nagulat ako ng bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag kaya agad akong napapikit dahil sa silaw. Nang makalipas ang ilang segundong nakapikit ay naisipan ko na ding idilat ang mga mata ko.

Napakunot ang noo ko nang bumungat sakin ang isang puting background lang. Tinap-tap, sinwipe-swipe, at shinake-shake ko pa pero wala talagang nangyari.

Ano? Ganito lang ang app na 'to? Walangjoke! Pang-frank lang yata to eh!

Pinindutin ko na sana yung home nang biglang may lumabas sa screen na kanina ay puting background lang.

App could not be loaded because:

Net::ERR_INTERNET_DISCONNECTED

"Ano na namang kalokohan ito?" Pinaikot ko ang mata ko tsaka in-on ang data network ng cellphone na ito.

Please, click this:

|Download|

Hindi na ako nag-dalawang isip pa at pinindot na lang ang 'download' na nakalagay doon.

Downloading...

Nag-hintay ako ng ilang minuto. At ang masasabi ko lang ay iyon na yata ang pinaka-ayaw ko sa araw na ito. Ayoko kasi ng mga loading-loading, etc-etc na yan. Mainipin kasi akong tao. Gustong-gusto ko na sanang ibato itong cellphone kaya lang sayang eh.

Installing...

Download completed

dO_ob??

Naghintay ako ng ilang segundo pero pagkatapos lumabas ng 'Download completed' ay wala nang muling nangyari sa app.

"Sabi na eh! Frank yan! Ang lokal naman eh! Local-local yang app na yan! Argh!" Sabi ko tsaka dinutdot yung screen dahil sa inis.

"Argh!" Napabaling na lang ako sa may pinto dahil sa inis. Ang lokal talaga ng app na yun! Made in china-

"Hey."

Napakurap-kurap ako.

"Hey!"

Muli akong napakurap-kurap at hindi agad nakapag-salita.

"Hey?" Napakurap-kurap sya at bahagyang napatagilid ng ulo.

Balitang-balita sa radyong sira, isang babaeng hindi nakapag-salita dahil sa nakita ay napasabi na lang ng 'At doon na nga po ako nakapag-salita'.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

And everything's begin with that. In just one click, her life has change-thank you for the love and-Okay hindi na alam yung next lyrics. Tunghayan ang kwento nila Samantha at Xian, kung saan pareho nilang napabago ang isa't-isa. Nagsimula ang kwentong ito sa katatawanan at hindi maipaliwanag na pangyayari, magtatapos kaya ito sa ganong sistema rin?