webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
463 Chs

Kabanata 275

Nung araw ring yon nag video call si Kelly sa mga kuya niya at sinabi niyang kailangan ng mga Santos ng tulong nila. Kaya hindi na siya sumama sa meeting ng mga shareholders hinayaan niya nalang na ang asawa niya ang umattend don.

Umuwi na muna si Kelly sa bahay nila para hanapin ang ilang important papers para makatulong sa kumpanya.

"So, gusto mo na mag invest tayo sa kanila?" Ang sabi ni Kian habang ka video call si Kelly.

"Oo kuya, may malaking halaga naman na kaming naiipon ni Patrick bukod pa ang savings na ibinigay niyo sakin noong bago ako ikasal. Pero kulang parin yun kung ikukumpara sa pera ng mga Santos."

"Pero kung pag sasama samahin naman natin ang pera nating lahat malaking pera na rin ang magagawa nun para maging shareholders sa SM Corp." Ang opinyon ni Kevin.

"Oo kuya, pero hindi ko naman kayo pinipilit na mag invest gusto ko lang na marinig ang mga opinyon niyo."

"Tama ang ginawa mo babysis dapat talaga sa mga ganyang bagay kakausapin mo muna kami bago ka gumawa ng aksyon." Ang opinyon naman ni Keith.

"Oo kuya dahil yun ang tinuro niyo sakin."

"Good girl. Keep it up babysis." Ang sabi naman ni Kim.

"Thankies kuya. Ano agree ba kayo sa suggestion ko?"

"Hinde!" Ang sagot namang agad ni Kian.

"Pero kuya...pamilya na rin naman natin ang mga Santos kaya kailangan natin silang tulungan." Ang sabi ni Kevin.

"Ayos lang kuya kung ayaw ni kuya Kian di ako magagalit o mag tatampo naiintindihan ko dahil malaking pera ang isusugal natin dito."

"Pero kung ako ang tatanungin maganda ngang investment ang ganun walang luge ang mall parating may shoppers at syempre pag may shoppers may money at pag may money, happy." Ang sabi naman ni Keith.

"Suggestion palang naman yun ni Kelly baka meron pa namang ibang paraan para makatulong tayo sa mga Santos." Ang opinyon naman ni Kim.

"Oo kuya kaya nga nag sabi ako sa inyo alam kong makakagawa kayo ng plan a, b, c and so on."

"Good! Mabuti at nag mamatured na ang isipan mo Kelly. Pag patuloy mo yan at parating matutuwa sayo si kuya."

"Thankies kuya Kian."

"At kami rin!" Ang sabi pa nung tatlo pang kuya ni Kelly.

"Haha... Oo syempre kayo din umuwi na nga kayo dito."

"Bukas na ang uwi namin diyan kaya bukas na natin pag usapan kung paano natin tutulungan ang mga Santos pero wag ka munang gagawa ng aksyon hangga't wala kaming sinasabi." Ang sabi ni Kian.

"Oo pag usapan muna namin dito kaya ikaw sabihin mo sa asawa mo chill lang sya Dela Cruz ata tayo." Ang opinyon naman ni Keith.

At sumangayon naman ang lahat sa kaniya "YEAH!!!"

"Sya sige na out na ko may pupuntahan pa kasi kaming birthday party ni Patrick baka pauwi na yun dine mag aayos pa ko."

"Party?" Anila.

"Um. Dun sa bago naming business parters dun sa shop may anak na kasi invited kami."

"Ooohhh..." Ang reaksyon ng mga kuya niya.

"Kaya sige na mauna na ko sa inyo ingat kayo pag uwi ng Manila chat niyo ko ah."

"Okay bye ingat rin kayo ni Patrick."

"Okie."

***

2:30pm na nakarating ang KelRick sa bahay ng mga Quixote.

"Ohhh... anlaki ng bahay nila tapos silang dalawa ng anak niya ang nakatira dito?"

Narinig naman ni Patirck ang sinabing iyon ni Kelly pagkababa ng kotse at bigla nalang itong nawala sa mood "did Taquer told you na sila lang ng anak niya ang nakatira sa bahay na yan?"

"Um. Nag chat kasi ako sakaniya kahapon ."

"Ano?!!!!"

"OA ka na naman ha! May tinanong lang ako sakaniya."

"At ano naman ang tinanong mo? At bakit di ko alam ang tungkol sa ganyan? Pag ikaw sinasabi ko sayo kung sino mga ka chat ko tapos ikaw hinde?"

Tinitigan lang sya ni Kelly ng masama at sa isip-isip niya "bakit ko nga ba yun ginagawa? Samantalang wala naman syang pakilam sa mga ka chat ko. Haysss... bakit ba kasi patay na patay ako sa babaeng ito."

"Hoy!"

"Ha?"

"Ang sabi ko yung regalo nasan na?"

"Ah... oo nasa loob kotse sandali lang nakalimutan ko palang kunin."

Habang kinukuha naman ni Patrick yung regalo nila para sa anak ni Taquer may naka kilala naman kay Kelly "Kelly? Ohhh... ikaw nga!"

Pero hindi naman nakilala ni Kelly yung babae "hindi mo na ba ako nakikilala? Ako ito si Aila Rose Dimagiba kaklase mo ako sa online class nung elementary."

"Eh? Yung nerdie na lagi kong ka group sa mga projects?"

"Oo ako nga!"

"Ikaw na yon?"

Tinitigan ni Kelly si Aila na sobrang sexy ng suot at dahil naka backless pa ito "nagulat ka ba sa new transformation ko?"

"Ah... eh... O— Oo kasi sino bang mag alala na ang nerdie na sobrang conservative ay magiging ganyan na ka sexy."

"Talaga?"

"I mean kasi chubby ka nun dati di ba?"

"Eiii... enebi maliit na bagay."

Ang awkward namanng tawa ni Kellh ng biglang sumulpot na itong si Patrick "wifey, eto na yung gift." Ang sambit naman nito na iniabot kay Kelly yung regalo samantala naging slow mo naman ang bawat segundo para kay Aila nung nakita niya si Patrick.

"Eh? Aila? You okay?"

"Ang gwapo..."

Napatingin si Kelly kay Aila at nakita niyang ang sinasabi nitong gwapo ay si Patrick "Ahem... takpan mo nga yang mukha mo." Ang sabi niya kay Patrick.

"Ha? Ba— Bakit?"

Nagulat naman si Patrick na bigla nalang lumapit sa kaniya si Aila at hinawakan ang mga kamay niya "isa ka bang anghel na ipinadala ni Lord para maging asawa ko?"

Ang sama na ng tingin ni Kelly at hindi naman malaan ni Patrick ang gagawin niya "ah... eh... Sino ka? Do we know each other?"

"Ahem... excuse me lang." Ang sabi ni Kelly inalis nga ang kamay ni Aila sa kamay ni Patrick "sya si Patrick ang asawa ko."

"What?" Ang pagulat na sagot Aila na para bang may halong inggit.

"May problema?" Ang sagot naman agad ni Kelly at tinaasan niya pa ng kilay itong si Aila.

"Ah... Ahm... Wala naman di lang ako makapaniwala na mag aasawa ang gaya mo."

"Ano yon?"

"What I mean is buti pinayagan ka ng mga kuya mo na mag asawa. Hindi ba at super protective nila sayo at sino bang mag aakala na ang isang introvert na gaya mo ay..." tinignan niya mula ulo hanggang paa si Kelly na para bang may kasama pang pa ngungutya.

"What did you say? Anong problema mo sa pagiging introvert?" Ang proud na proud namang sagot ni Patrick na hawak ang kamay ni Kelly "buti nga sya introvert at conservative kesa naman sa iba diyan na kulang nalang wag na mag suot ng damit." Tinignan niya si Aila na para bang nandidiri sya dito tapos hinawakan niya ang mukha ni Kelly at sinabing "itong asawa ko maganda inside and out kahit di siya mag make up ng makapal. Ah, no kahit pala di siya mag make up maganda siya. Eh ikaw? Mga ilang patong ng concealer ang inilalagay mo?"

"YOU!!!!"

"At nga pala, natural ang lahat ng nasa asawa ko hindi siya nag memake up lalong lalo na hindi sya..."

Lumapit ng bahagya si Patrick kay Aila at ipinagpatuloy ang sinasabi niya "RE... TO... KA... DA!"

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Kelly at sinabing "Let's go my beautiful wife."

At iniwanan nga nila si Aila na mag isa sa labas "AHHHHHH... KAINIS!!!" Ang sigaw naman nito na inis na inis sa mga sinabi ni Patrick sa kaniya.

Meanwhile Kelly was very speechless sa mga sinabing iyon ni Patrick patungkol sa kaniya "wifey? Why you ain't move? Masakit ba ang paa mo? Wifey?"

"Hmm? Ano yon?"

"Eiii... alam ko na kinikilig ka ba sa mga sinabi ko?"

"Ano? Baliw ka!"

Namula namang bigla ang mukha ni Kelly at alam ni Patrick na kapag ganon ang asawa niya nahihiya ito dahil isa pa sa mga senyales na nahihiya si Kellh ay kapag hindi ito maka tingin ng diresto sa mata."

Patrick's hugged her "totoo ang lahat ng mga sinabi ko maganda ka inside and out walang panama sayo ang mga ganung ganda."

"Talaga? Kahit bababoom sya?"

"Oo kahit sexy pa sya hindi ako magkaka interes sa ganung babae dahil ikaw lang ang gusto ko kahit na..." tinignan niya ang dibdib ni Kelly.

"Hoy! Anong tinitingin tingin mo? Gusto mong masapak?"

"Hahaha... what I mean is kahit ganyan lang ang katawan mo ayos lang sakin kahit mas flat ka pa sa flat iron."

"PATRICK!!!"

Patrick kissed her again sa forehead "kahit si Ivanna pa yan hinding hindi kita ipagpapalit dahil ikaw lang ang nag iisang wifey ko."

"Tsss... ang dami mong sinasabi!"

"I just want to express my love to you my dear wifey."

"Tigilan mo nga ako mahiya ka nga wala tayo sa bahay."

"Edi tara na umuwi na tayo."

"Ha? Katarating nga lang natin uuwi na agad?"

Bumulong si Patrick kay Kelly "umuwi na tayo para masolo na kita."

Bineltukan naman ni Kelly agad itong si Patrick "pinagsasabi mo!!!"

"Hahaha... masyado ka kasing seryoso."

"Makakatikim ka talaga sakin!!!"

"Nang ano? Anong gusto mong tikman ko?"

"Patrick!!!!"

Sasapakin na sana ni Kelly sa inis niya itong si Patrick pero parati itong nakaka iwas ng biglang dumating si Taquer "what are you two doing here?"

Sabay namang lumingon yung KelRick "Oh... sorry kanina ka pa ba diyan? Hindi kasi namin alam kung san ang daan pasensya na." Ang sabi ni Kelly na sumenyas kay Patrick na para bang sinasabing "umayos ka, nakakahiya!"

"Humph!"

"Kanina pa ba kayo?"

"Ah... eh... hindi naman kararating lang din nasan nga pala yung anak mo?"

"Nandun halikayo, pool party kasi likod kasi ito buti nalang pala at nag punta ako dito."

Patrick smirked at di nakibo habang nakikinig lang sa usapan nung dalawa "okay sige susunod na kami."

"Sige."

Siniko naman ni Kelly si Patrick "bakit di ka man lang nag hello dun sa tao?" Ang pa bulong niyang sambit.

"Tsss! Kausap mo na sya okay na yon. Tsaka pwede ba umuwi na agad tayo ayokong mag tagal pa tayo dito."

"Oo na! Alangan namang mag 1, 2, 3 tayo pagka kain takbo na agad. Ikaw talaga umiral na naman yang pagka seloso mo."

"Sus! Parang sya'y hindi dun kay Aila."

"Huh! Ako? Bakit naman ako mag seselos dun?"

"Sus! Kaya pala sabi mo "takpan mo nga yang mukha mo" sige sabihin mo ngayon kung hindi yun way nag pag seselos mo."

"Ewan! Bahala ka diyan!"

Iniwanan ni Kelly si Patrick mag isa at sumunod na agad kay Taquer "wifey wait for me!!!"

"Heh! Bahala ka diyan."

"Ang cute niya talaga kapag nag seselos sya. Kinikilig ako. Pffft..."

Tumigil naman si Kelly at lumingon kay Patrick "bilisan mo!"

"I knew it! Hindi niya talaga akong kayang tiisin."

"Ang bagal!!!"

"Andiyan na po aking reyna."

Read my new tagalog short story “Chasing Her Smile” thankies in advance. (:

lyniarcreators' thoughts