webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 276

Nang makarating sila Kelly at Patrick sa mismong venue pinag tinginan sila ng mga bisita dahil halos kamag anak lang nila Taquer ang invited at hindi kilala ang KelRick sa kanilang lugar "sino sila?" Ang sabi ng nakararami.

"Sila po ang bago naming business partners ni Taquer sila si Mr. and Mrs. Santos." Ang sabi ni Jikai.

"Santos? Ka ano-ano nila ang may ari ng Santos Mall?" Ang sabi ng isang tita ni Taquer.

"Hindi ko po alam pero sa tingin ko nagkataon lang na ka surname nila ang nga Santos. Well, parang familiar nga si Mr. Patrick sakin parang nakita ko na sya kung san."

"Baka anak sya ay ang taga pag mana."

"Malalaman ko po yan mamaya kakausapin ko sila para sa inyo."

Samantala nakikipag usap naman ang KelRick dun sa anak ni Taquer na si Melice "sana magustuhan mo ang regalo namin sayo."

"Salamat po tita Kelly sa inyo rin po tito Patrick."

"Walang anuman happy birthday uli." Ang sabi naman ni Patrick na bigla nalang naging good mood parang nakakasanayan na niyang maging good mood parati pag ka harap ang mga bata.

"Sandali lang baby ha? Mag enjoy ka muna diyan sasamahan ko lang sila don para makakain na sila."

"Sige po Papa."

"Halikayo, sasamahan ko kayo sa mesa."

At sumunod naman ang KelRick kay Taquer at maayos naman nitong inestima ang mag asawa kahit na medyo di niya bet ang ugali nireng si Patrick "kumain lang kayo marami pa diyan. Mamaya lang mag sisimula na ang party."

"Um. Salamat." Ang sabi ni Kelly.

"Kumuha lang kayo wag kayong mahihiya."

"Uyy... andito pala kayo Mr. and Mrs. Santos." Ang bungad na bati ni Jikai.

Bumati naman ang KelRick sa kaniya at ibinilin muna sa kaniya ni Taquer ang dalawa dahil aasikasuhin niya lang muna ang kaniyang anak na si Melice "sige ako ng bahala sa kanila."

"Okay, balik ako maya."

At pagkaalis nga ni Taquer nag simula naman ng mag interview itong si Jikai "ganyan talaga yang si Taquer spoiled kasi ang anak niya sa kaniya. Nga pala, kayo may anak na ba kayo?"

Nagkatinginan naman ang KelRick at si Patrick na ang sumagot "wala pa." Hinawakan niya ang kamay ni Kelly.

"Ohhh... well, it's okay mga bata pa naman kayo. But I think eventually magkaroon narin kayo ng baby."

"Ha... Ha... Ha... ang ganda dito..." ang sabi naman ni Kelly at gaya ng dati iniiba na naman niya ang usapan she even took off her hands to Patrick.

"Oo maganda nga dito I like the place." Ang pag sangayon naman ni Patrick pero nakatingin lang sya kay Kelly na para bang nag aalala.

"Oo maganda talaga dito alam niyo bang ang buong village na ito ay pag mamayari lang ng Quixote? Buong angkan nila ang nandito."

"Really?" Ang pagulat na sambit ni Kelly.

"Yes, kaya ito ay tinawag na Qui's Village."

"What about you? Dito ka rin ba nakatira?" Ang sabi naman ni Patrick.

"Well, parang ganun na nga cause I'm Taquer's bff so they used to see me here. But technically speaking hindi talaga ako nakatira dito but we owned the other village na neighbor lang nito."

"Ohhh... the El Rosa Village? Sa inyo yon?"

"Yes my parents real estate business."

"So, your family business are real estate?"

"Yep, and we owned 20 branches of flower shop around NCR."

"I see, my mom and my sister want a flower shop too siguro pwede mo silang kausapin minsan."

"Oh sure, just gimme their contacts so I can adjust my schedule to them."

"Okay, I will give their business card to you later."

Naging bad mood namang bigla itong si Kelly dahil bigla siyang na out of place dun sa dalawa kaya pabulong bulong pa ito habang nakuha ng pagkain "tsss! Yan ba ang di titingin sa iba eh kung makapag usap nga sila kala mo matagal na silang close! Ewan!"

"Ahm, Ma'am would you like to try our quesadillas?" Ang sabi nung staff na babae na nag seserve ng mga pagkain.

"Oh sige bigyan mo ako pati na rin nito... nito... nito... lahat ng meron kayo."

"Ah... O— Okay po."

To sum up mga 10 dishes na nakahain sa serving table ang nandun at lahat ng yon ay kinuhanan ni Kelly ng tig 2 each of everything.

"Kaya niyang ubusin ang ganoong karami?" Ang sabi nung mga staff.

"Baka gutom si Ma'am."

Pabagsak namang inilapag ni Kelly yung plato niya ng makarating siya sa lamesa nila nagulat naman sa kaniya yung dalawa "woah! I didn't know na malakas palang kumain si Mrs. Santos."

"Ha... Ha... Ha... oo buntis kasi ako."

Nanlaki naman ang mata ni Patrick "BU— BUNTIS? Sino? Ikaw?"

"Hmm? Hindi ba at mag asawa kayo bakit di mo alam na buntis ang misis mo?"

"Ah... Eh... A— Ano kasi..."

Tinitigan ng masama ni Kelly si Patrick "ahhh... nalimutan niya kasi hindi pa kasi halata ang baby bump ko di ba my dear hubby!!!" Yung mukha niya talagang parang nag sasabing umo-oo ka kung ayaw mong masaktan.

"Ha... Ha... Oo ganun na nga sanay kasi akong payatin ang mahal kong asawa. Ha... Ha..."

"Ohhh... now I know."

Pero sa isip-isip ni Patrick "parang gusto niya akong kainin ng buhay yung mata niya nanlilisik lagot na naman ako nito sa bahay pag uwi. Tinotoyo na naman si Kelly."

At pag uwi nga nila sa bahay si Kelly naman ang walang kibo kung nung nakaraan ay si Patrick ngayon naman ang mahal niyang "wifey na toyoin" na binanggit na sya ay buntis kahit wala pa namang kasiguraduhan.

"Wifey, sorry na nga kasi pangako di na ko makikipag usap sa kaniya."

"Kausapin mo lang kahit sino wala naman akong pakialam eh."

"Yan! Ganyan ka eh kapag ako ang mag seselos kay Taquer ni hindi mo man lang ako sinusuyo ngayong ikaw ang tinotoyo kay Jikai ni hindi mo man lang ako pansinin at nasabi mo pang wala kang pakialam sa mga kakausapin ko? Paano pag sinabi kong sige makikipag date pa ko kung gusto mo!"

"Edi gawin mo! Kung hindi na ako importante sayo edi sige gawin mo na ang gusto mo pero wag ka ng umasang susuyuin kita at wag mo kong sumbatan dahil kahit kailan hindi ako nagtaksil sayo. Goodnight!"

Nag walked out si Kelly at naiwan mag isa si Patrick sa sala "ring... ring..."

"Si kuya Kevin? Bakit kaya sya natawag?"

Sinagot naman niyang agad ito at nag video call pa sila "Bakit po kayo napatawag?"

"Si Kelly kasi hindi nasagot kanina pa kami natawag sa kaniya nag aalala lang kami."

"Ahhh... pasensya na po ka uuwi lang po namin dito sa bahay galing po kasi kami ng birthday party."

"Ah, nabanggit nga samin yan ni Kelly nalimutan namin pasensya na sa abala nasan sya ngayon?"

"Ahm... nasa kwarto na po at nag papahinga gusto niyo po ba syang kausapin?"

"Hindi na, ikaw naman talaga ang gusto naming kausapin eh."

"Ho? Ako? May nagawa po ba akong kasalanan?"

"Nako, wala nabanggit kasi samin ni Kelly ang problema ng pamilya mo sa negosyo niyo."

"Ahhh... Opo akala ko di pa niya nabanggit sa inyo nako pasensya na po at pati kayo eh nadamay."

"Walang problema ang kaaway ng ng isa kaaway ng buong angkan yan ang motto naming mga Dela Cruz. Atapang atao ata kami."

"Ahhh... oho pero hindi naman po ako Dela Cruz."

"Sinong may sabi? Asawa ka na ni Kelly at automatic na yon na isa ka na sa angkan namin."

"Maraming salamat po."

"Bago ang lahat kamusta kayo ni Kelly? Uuwi na kami diyan bukas baka hapon pa kami makarating."

"Ah... Opo nabanggit nga po ni Kelly. Ahm... ayos naman po kami medyo may toyo lang po siya ngayon."

"Ohhh... dat sanay ka na 3years na rin kayong kasal kaya dapat pag pasensyahan mo nalang sya. Ganyan naman na sya ng nakilala mo diba?"

"Opo, naiintindihan ko naman po kaso nga lang po eh minsan sobra syang toyoin at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Minsan clingy sya pero madalas parati po syang tinotoyo gaya kanina nagalit sya kasi masaya ko raw na kinakausap yung business partner naming babae nag selos po ata."

"Si Kelly? Nag selos? Aba bihira yan madalas kasi gusto niya lang kimkimin ang sama ng loob niya tapos iiyak lang sya ng iyak sa banyo habang naliligo."

"Nagulat nga po ako sa sinabi niyang buntis sya pero..."

"Ano? Sinong buntis?"

"Ho? Ah... eh... sabi lang po yun ni Kelly para tumigil ako sa pakikipag usap ko dun sa babae naming business partner pero sigurado naman po akong di sya buntis dahil isang gabi..."

"Ano? Ano yon? Napuputol ang linya mo."

Nag hang up na si Patrick dahil nahiya siyang sabihin kay Kevin na may nangyare na sakanila ni Kelly "napaka daldal ko talaga kaya ayokong nag sasama kay Dave eh nahahawa na ako sa kaingayan niya. Buti nalang wala dito si Kelly kung hindi baka lagas-lagas na ngipin ko ngayon."

Samantala kausap naman via video call rin ni Kelly sila Mimay at Aliyah "talaga? Sinabi mong buntis ka kahit hindi naman?" Ang pagulat na sambit nung dalawa kay Kelly.

"Oo wala akong maisip na ibang palusot para lubayan ng babaeng yun si Patrick nang gigigil talaga ako kanina sa galit parang gusto kong sumabog sa asar. Kakikilala lang namin dun kila Jikai at Taquer kala mo naman close na close na itong si Patrick kay Jikai maka tawa kala mo walang bukas!"

"Oh kalma lang bawal mastress ang buntis." Ang pabirong sambit ni Mimay.

"Heh! Sinabi ko lang yon para lubayan na kami ng Jikai na yon."

"Eh... naniwala naman ba sayo yung Jikai?" Ang sabi naman ni Aliyah.

"Ewan ko, sakto kasi may tumawag sa kaniya at umalis na sya dun sa party. But anyways wala akong pakialam kung naniwala ba sya o hinde! Ang importante wag syang maharot kung ayaw niyang matanggalan ng matres!"

Tawa naman ng tawa yung dalawa kay Kelly "luka ka! Ano namang gagawin mo para matanggal ang matres ni Ate girl? Ooperahan mo ng gising? Hahahahaha..." Ang sabi ni Mimay.

"Humph! Basta wag siyang aaligid aligid kay Patrick kung ayaw niya talagang masaktan!"

"Ibang klase kahit ako natatakot sa mga sinasabi mong iyan Kelly." Ang opinyon naman ni Aliyah.

"Nako, masanay ka na sakaniya Mars kapag nag salita yan ng tapos gagawin niya talaga. Kaya nga nakakatakot kaway yan kaya kinaibigan ko yan eh para ipagtatanggol niya ako. Di ba baby girl?"

"Ah basta! Kapag ako talaga nagalit lintek lang ang walang ganti!"

"Nga pala, nabanggit sakin ni Dave na may problema ang kumpanya ngayon nila Patrick totoo ba yon?"

"Oo nabanggit rin sa akin yon ni Vince bumababa raw ang sales eh."

"Oo, pero ginagawan naman na ng paraan at humingi na rin ako ng tulong kila kuya para matulungan ko sila Patrick."

"Ohhh... sa bagay magaling naman kayo sa mga ganyang magkakapatid sabihan mo lang ang tropa at handa kaming tumulong kung kinakailangan."

"Oo tama si Mims kahit kami ring mag pipinsan nila Chollo tutulong."

"Salamat girls. Babalitaan ko nalang kayo bukas pa uuwi sila kuya dito eh pag uusapan pa namin kung ano ang gagawin namin."

"Okay sige at ako eh mag paplantsa pa ng damit ni Dave para bukas. Monday na naman kasi bukas."

"Oo nga eh ang bilis ni hindi ko man lang na enjoy ang weekend ang kulit kasi ni Janil nag tatantrums kapag hindi nagbibigay ang gusto."

"Ganyan rin si Meinard ang kulit manang mana sa tatay niya parehas na nga silang nakakairita minsan. Hahaha..."

"Oh, nanahimik ka na Kelly."

"Hayaan mo makakarelate ka rin samin ni Aliyah kapag nagkaroon na kayo ng anak ni Patrick."

"Hindi ko alam girls, baka hindi ako maging responsibleng ina gaya niyo."

"Wag kang mag salita ng ganyan naranasan rin namin yan ni Mims sa una oo mahirap kasi nga yung buhay dalaga ka dati ngayon kahit lipstick ko di na ko makabili kasi pag bibili ako inuna ko yung kay Janil hanggang sa di nako nakakabili ng gamit ko."

"Ganun rin ako kasi nag eenjoy tayo bumili ng gamit ng anak natin."

"Sa tingin niyo ba magiging gaya niyo rin ako? Balang araw."

"Oo naman!" Ang sabay na sagot ng dalawa kay Kelly.

"Ngayon kasi may doubt ka na baka di maging maayos pero eventually matatanggap mo rin at masasabi sa sarili mo na "nanay na talaga ako." Right Aliyah?"

"Um. Masarap sa feeling kapag nakikita mong nalaki na ang anak mo lalo na kapag natututo na syang mag salita tapos ang una niyang sasabihin "mama..." yung pakiramdam na worth it ang lahat ng pagod mo kasi narinig mo na syang mag salita tapos bonus pa kapag tawa sya ng tawa."

","

Nang matapos ang usapan ng tatlo napaisip si Kelly na baka nga naging harsh sya kay Patrick at hindi magandang reason ang sinabi niyang buntis siya kaya lumabas siya ng kwarto kahit alam niyang gabing gabi na at siguradong tulog na ang asawa niya "Hmm? Wala sya sa kwarto niya? Lintek na yon! Umalis talaga?"

"Sino namang may sabi?" Ang bungad na sambit ni Patrick at nagulat sa kaniya si Kelly at na out of balance ito pag lingon niya pero syempre ang dakila niyang "hubby" ay to the rescue naman kaya na salo siya nito.

"Ayos ka lang?"

"Ah... Ahm... O— Oo."

"Bakit kasi napaka magugulatin mo?"

"Eh sa ganito ako eh! Anong gagawin mo? Bitawan mo nga ako!"

Binitawan naman siya agad ni Patrick pero binuhat sya nito "ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!"

"No! Gusto kong mag usap tayo."

"Habang ganito?"

"Oo!"

"Bahala kang mangawit yang kamay mo!"

"Ayos lang iisipin ko nalang na nag eexercise ako at ikaw yung barbel na 50kilos."

"Ano? Anong 50kilos ang pinagsasabi mo? 45kilos lang ako! At tama lang yun sa height kong 5'7 magaan pa nga ako eh!"

"Sus! Sa dami ng kinain mo kanina sa birthday party nadagdagan ka na ng timbang."

"Ano bang paki mo? Dahil yun sayo kasi ininis mo ko!"

"Ininis daw sabihin mo na kasi na nag selos ka! Bakit ba hirap na hirap kang sabihin na nag selos ka samantalang pag ako naman ang nag seselos tuwa ng tuwa ka."

"Malamang! Babae ako at nakaka ganda kapag ang lalaki ay nag seselos lalo na kung asawa mo ito!"

"So, akala mo maganda ka?"

"Baliw ka na ba?"

"Porket alam mong patay na patay ako sayo parati mo nalang akong binabaliwala. Tsaka hindi ka naman talaga maganda!"

Bigla namang umiyak si Kelly "ba— bakit pangit ba ako? Sabi mo maganda ako kasi natural ang beauty ako tapos di ako retokada di ba yun ang sabi mo kanina kay Aila. Bakit ka ganyan?!"

"Pffft... hahahahaha..."

"Anong nakakatawa?! Ibaba mo na nga ako!"

Nag pupumiglas na nga itong si Kelly pero hindi siya binibitawan ni Patrick dahil gusto nitong laging inaasar ang asawa niya "bitawan mo ko!"

"Ayoko! Kapag di ka pumirme diyan hahalikan kita."

"Edi gawin mo!"

"Wag mo kong hinahamon Kelly Ann Marie!"

"Bring it on Patrick Andrei!"

At hinalikan nga sya ni Patrick at bata ameme naman sya but she kissed him back.

Ahhhh... dumadamoves na naman ang KelRick pero bago kayo kiligin ng sobra nabasa niyo na ba ang bago kong new Tagalog short story? “Chasing Her Smile” beke nemen geysh. Hahaha...Salamat po. ^_^

lyniarcreators' thoughts