webnovel

Pumunta Ka ng Mag-isa

Editor: LiberReverieGroup

Ang bawat 'Ako, si Chui Ming, ay natalo!' ay mas mariin kaysa sa nauna.

Tila ba hindi niya sinasabi na 'Ako, si Chui Ming, ay natalo!' kung hindi ay 'Papatayin kita, Xinghe!'

Matapos ang nakakahiyang litanya, biglang sinipa ni Chui Ming ang malapit na upuan at ang upuan ay lumipad sa ere—

Bang!

Malakas na bumagsak ito sa sahig. Nararamdaman ng lahat ang galit na bumabalot kay Chui Ming.

Tinitigan niya ng masama si Xinghe bago tumalikod para umalis.

Ang intensyon niyang pumatay ay lalong sumidhi sa bawat hakbang niya.

Sumumpa siyang papatayin si Xia Xinghe at lahat ng mga taong may kinalaman sa kanya!

Lahat ng naroroon ay humanga sa nakakamatay na awra ni Chui Ming. Hindi nila maiwasan na mag-alala para kay Xinghe. Kahit na nanalo siya ngayon, makakaya ba niyang malusutan ang paparating na pagganti ni Chui Ming?

Wala silang ideya na kahit hindi hayagang hinamon ni Xinghe si Chui Ming, magpaplano pa din siya para sa kamatayan nila.

Si Xinghe, sa kanyang parte, ay hindi natatakot sa kanyang paghihiganti!

"Ito ba si Miss Xia? Congratulations…" Matapos umalis ni Chui Ming, may agad na nagsalita para maibsan ang nakakailang na ere sa silid.

Pagkatapos ay marami pa ang naglapitan upang batiin sila.

Dahi lang pagkapanalo sa kumpetisyon na ito ay nangangahulugan ng partnership sa Xi Empire. Matagal ng sinabi ng Xi Empire, na makikipagtulungan sila sa mga nanalo sa Hacker Competition na ito.

At nawalan ng tsansa si Chui Ming. Nakakabilib ang isinulat ng grupo ni Xinghe na X PC Manager kaya ang partnership ay kanila na talaga.

Tulad ng inaasahan ng lahat, lumapit si Chang An kay Xinghe at sinabi, "Miss Xia, gusto ka pong makausap ng aming CEO."

"Miss Xia, congratulations. . ." Pinutakti si Xinghe ng mga pagbati.

Hindi naman likas na sanay sa maraming tao si Xinghe kaya tumango na lamang siya ng may ngiti bilang pagtanggap ng mga pagbati.

"Tara na," sabi niya kina Xia Zhi at Xiao Mo. Narinig siya ni Chang An kaya sumabad ito, "Miss Xia, gusto ka daw pong makausap ng CEO ng mag-isa. Tungkol ito sa partnership ng kumpanya."

"Kung gayon ay dapat na makipag-usap kayo sa legal naming kinatawan, eto si Mr. Xiao," sabi ni Xinghe na ang tinutukoy ay si Xiao Mo na nasa tabi niya.

Magalang na sumagot si Chang An, "Alam po namin, pero mahigpit na ibinilin ng aming CEO na ikaw ho ang gusto niyang makausap."

"Ate, ano sa tingin mo ang binabalak ni Xi Mubai?" Nag-uusisang tanong ni Xia Zhi.

Si Xiao Mo na may malalim na pagkakaunawa sa mga bagay ay nagpaliwanag, "Miss Xia, naniniwala ako na nalaman na ni CEO Xi na ikaw talaga ang lumikha sa X PC Manager. Mabuti pa siguro na pakinggan mo muna ang gusto niyang sabihin."

"Imposible, paano mo hahayaan na pumunta ang ate ko ng mag-isa?" Tutol agad ni Xia Zhi. Mas nalilito si Xiao Mo dahil alam niyang kaya ni Xinghe ang kanyang sarili, kaya bakit hindi siya pwedeng pumunta ng mag-isa?

Walang alam si Xiao Mo sa relasyon nila Xinghe at Mubai, kaya natural lamang na hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Xia Zhi.

Walang pakialam si Xinghe sa nangyari. Diborsyado na sila ni Mubai. Pinakawalan na niya ang parteng iyon ng kanyang nakaraan. Magkakilala na lamang sila ngayon.

Isa pa, kailangan nila ang partnership.

Tumango si XInghe. "Sige, sasama ako sa iyo."

"Ate. . ." Nag-aalalang nakakunot ang noo ni Xia Zhi.

"Ayos lang itp." Pag-alo ni Xinghe. Binigyan pa niya ito ng yakap bago umalis kasama ni Chang An.

Sa oras na umalis si Xinghe, agad na lumapit si Junting para batiin si Xia Zhi. Pero syempre, ito lamang ang pinalalabas niya dahi lang tunay na pakay niya ay malaman ang impormasyon tungkol sa misteryosong Xia Xinghe.

"Zhi, sabihin mo sa iyong senior, ano ang relasyon ninyo ni Miss Xia? Bakit hindi ko narinig sa iyo na may kapatid kang sobrang husay sa paggamit ng mga computer?" Tiningnan ni Junting si Xia Zhi ng may malaking ngiti. Pinalibutan sila ng mga tao dahil gusto nilang marinig ang sagot ni Xia Zhi.

Lahat sila ay sobra ang pag-uusisa tungkol sa tunay na katauhan ni Xia Xinghe!