119 Sirain ang Chui Corps sa Pustahan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Galit na pinipilit niya na ang resulta ay dinaya. Ayaw niyang tanggapin na ang kanyang King Kong Internet Security ay mahina kaysa sa X PC Manager.

"Chui Ming, ang resulta ay malinaw tulad ng araw, bakit nakikipagtalo ka pa?" Masungit na komento ni Xiao Mo, "Huwag kang maging pikon na talunan!"

Tumingin sa kanya si Chui Ming, ang titig nito ay kasing lamig ng libingan. . .

Hindi natinag si Chui Ming. Ang totoo, ibinalik din niya ang malamig na titig kay Chui Ming.

Ang pagkasuklam niya kay Xiao Mo ay nag-uumapaw. Ngayong natalo na si Chui Ming, syempre ay hindi niya papalampasin pa ang pagkakataong ito.

"Wala akong ideya na pikon pala kapag natatalo si CEO Chui. Huwag mong kalimutan ang sinumpaan mong pangako kanina dito sa buong silid!"

"Tama, Chui Ming. Hindi namin nalilimutan ang pustahan ninyo. Natalo ka, kaya gawin mo na. O baka naman makikipagtalo ka pa para makalusot dito?"

"Sigurado ako na ang isang tanyag na tao na tulad ni CEO Chui ay hindi kakainin ang mga salita niya, tama?" Panlilibak ni CEO Wang.

"Kung gayon, Chui Ming, bilisan mo nang tanggapin ang iyong pagkatalo!"

"Oo, aminin mo na sa madla na natalo ka!"

Ang mga hiyawan sa kanya na sumuko ay patuloy na umaalingawngaw. Tumingin si Chui Ming sa kanyang paligid at nakita niya na ang bawat mukhang naroroon ay nakangisi sa kanya.

Pakiramdam ni Chui Ming ay papanawan siya ng ulirat.

Hindi niya inaasahan na darating ang araw na ito, ang araw kung saan ang kanyang dangal ay tatapakan at madudurog sa lupa.

Lahat ng ito ay salamat kay Xia Xinghe.

Hindi lamang iyon, kahit ang propesyunal na reputasyon ng Chui Corps ay nawala na sa ere.

Susunod doon ay ang pagkawala ng kanyang mga kinita. . .

Natapos na ang lahat.

At ngayon, ang pinaka nakakainis na bagay ay ang pagpilit sa kanya na aminin ang pagkatalo sa buong madla na nasa loob ng silid!

Madali na lamang sa kanya na ibigay ang buhay niya kaysa gawin ito.

Pero anong pagpipilian ba mayroon siya? Itanggi na nangyari na ito? Pagkatapos nito… ay talagang katapusan na ng Chui Corps!

Walang gustong magtrabaho pa sa isang kumpanya na may masamang reputasyon. Kapag tinanggihan niya ang pustahan, ibababa niya ang kumpanya kasama niya.

At mabilis pa namang kumalat ang masamang balita.

Kapag nakita ng business world na hindi katiwa-tiwala si Chui Ming… maaaring magsira ang Chui Corps sa isang magdamag.

Ito ang plano ni Xinghe sa simula pa lamang. Sisirain niya ang Chui Corps sa isang pustahan!

Biglang tumingin si Chui Ming kay Xinghe at nakasimangot na nagsalita, "Xia Xinghe, sigurado ako na nasisiyahan ka sa mga nangyayaring ito."

Ngumisi si Xinghe bilang sagot.

Nasisiyahan?

Hindi pa, dahil simula pa lamang ito.

Hindi magpapakita ng awa si Xinghe sa mga taong sumagad sa kanya. Si Chui Ming, Wushuang, at Wu Rong. Paulit-ulit na lamang nilang binabantaan ang mga taong mahalaga sa puso ni Xinghe; dudurugin niya ang mga ito tulad ng pagpisat sa insekto.

Nalalapit na din dumating sa kanila ang nararapat sa kanila.

"Chui Ming, kung ayaw mong hayagang aminin ang pagkatalo mo, bakit hindi ka na lang magbigay sa akin ng tatlong malalakas na kowtow?" Mala-reynang suhestiyon ni Xinghe na akala mo ay nasa kanyang mga kamay ang mundo.

Bayolenteng kumibot ang kalamnan sa mukha ni Chui Ming.

Naibalik din sa kanya ang ginawa niya kay Xiao Mo na pagkowtow sa kanya.

Hindi na sana siya tumigil pa doon at mabait na pinalampas si Xiao Mo.

Sinira na sana niya ang CD na iyon noong may pagkakataon siya!

Pinagsisisihan ng husto ni Chui Ming ang pagbibigay ng awa sa kalaban, at ang isipin na may perpektong pagkakataon na sana siya na wasakin si Xia Xinghe at ang angkan nito…

Pinilit niya ang sarili na pigilan ang kanyang galit, pagkamuhi at ego.

Hindi siya pinanganak kahapon. Kapag nasukol na siya, makakaya niyang piliin na mapahiya at makagawa ng pangbawi.

Dahil hindi naman siya tuluyang natalo.

"Sige, Ako, si Chui Ming, ay natalo!" Sabi ni Chui Ming habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin, "Wala ng halaga ang mga salita ngayon. Nasiyahan ka na ba?"

"Mas malakas!" Masungit na utos ni Xinghe, "at tandaan mo, nangako ka sa akin ng tatlong beses!"

Nagdugo ang mga bagang ni Chui Ming sa sobrang pagtatangis ng kanyang mga bagang.

Xia Xinghe, ang bwisit na ito, papatayin kita!

Nilunok ni Chui Ming ang laway niya na may dugo at ubod ng lakas na sumigaw, "Ako, si Chui Ming, ay natalo! Ako, si Chui Ming, ay natalo! Ako, si Chui Ming, ay natalo!"

avataravatar
Next chapter