webnovel

CHAPTER TEN

Isang linggo na ang nakalipas ng puro iyak lang ang aking ginawa.

Mabuti at laging to the rescue sa akin si Nathan.

"Tara na! " wika nito sa akin.

Narito siya sa bahay para sunduin ako at sabay kaming pumunta ng school.

Isang linggo rin kasi akong absent, hindi ako pumasok dahil hindi pa ako handang makita sila.

Sa loob ng isang linggo sinubukan akong kausapin ni Azia ngunit hindi ko siya hinaharap.

Oo inaamin ko namimiss ko na siya, pero dahil sa nangyari hindi ko pa siya o sila kayang kausapin at harapin.

"Sige, pero bago yan kakain muna tayo! " wika ko rito.

"Anong pagkain? Wait Sam! Okay ka na ba? Kaya mo na bang pumasok? Kung hindi pa kakausapin ko ang guro natin si Ms. April. " tanong nito sa akin.

"Kaya ko na huwag kang mag-alala. Basta lagi kang nandiyan sa tabi ko kakayanin ko ang lahat! " wika ko rito. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Kaya ko naman talaga, pero andoon parin yung pag-alala na alam kong magkikita na kami.

Inaamin ko sa aking sarili na hindi ko pa kayang harapin silang dalawa.

Hindi na ako nakaramdam ng galit kundi panghihinayang.

Panghihinayang dahil ang dalawang taong minahal at pinagkatiwalaan ko.

Sila rin ang nagwasak at nagsira ng tiwala at pagmamahal ko.

"Sam! Kanina pa kita kinakausap, ngunit ang lalim ng iniisip mo. Kaya mo na ba talagang makita silang dalawa? " tanong ni Nathan sa akin.

Tumango lang ako at ningitian siya. Alam kong hindi siya kumbinsido sa mga sagot ko.

Dahil iba ang ibig sabihin ng mga kinikilos ko keysa sa mga sinasabi ko.

Pero bahala siya, maniwala man siya o hindi nasa sa kanya na iyo. Basta ako gusto ko ng pumasok at makita si Ms. April.

Hindi lang naman sa kanila umiikot ang mundo ko, para hindi na ako magpakita sa school.

Alam kong darating din ang araw at panahon. Mapapatawad at matatanggap ko na sila.

Not now but soon.

.

.

.

.

.

.

Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko, hindi ko namalayang nasa school na pala kami.

"Aray! " sabi ng nabangga ko.

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya! " hingi paumanhin ko.

Hindi ko naman talaga sinasadya, itong si Nathan din kasi hindi ako sinabihan may mababangga na ako.

Humarap ako kay Nathan.

"Bakit hindi mo sinabi na may mababangga na ako! " bulong ko sabay kurot sa tagiliran niya.

"So-so--! " hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"S-Sam! " wika nito.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, parang may kung anong luha ang gustong kumawala mula sa mata ko.

Sobrang namiss ko si Azia, namiss ko siya.

Gusto ko siyang yakapin, ngunit ng paglingon ko.

Nakitang ko silang magkasama.

Hawak ni Kurt ang kanyang bag at kamay.

Nakaramdam ako ng sakit at kirot sa puso ko. Napunta ang aking paningin sa mga kamay nila.

Hinawakan bigla ni Nathan ang aking mga kamay at hinila palayo sa kanila.

Alam ko, any moment any time tutulo na ang luha ko.

Buti at kasama ko si Nathan na taga pagligtas ko.

Dinala niya ako sa mini park ng school namin. Bigla niya akong niyakap, doon na nauunahan ang mga luha ko.

"Nate! Akala ko kaya ko na. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko mapapatawad ko na sila kapag magkaharap kami. Akala ko kaya ko na silang makita na magkasama. Lahat ng iyon pala Nate puro akala. " tuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

Naramdaman kong hinagod niya lamang ang mga buhok ko. At laging sinasabi na "Sige iiyak mo lang yan, basta mamaya hindi na. "

Umiiyak lamang ako sa mga oras na iyon.

Nakita ko sa mga mata nila na mahal nila ang isa't-isa.

Bumalik sa isipan ko yung mga oras na nakita ko sila ni Angela na nag uusap.

Si Angela ay isa sa mga kaklase namin, at minsan nakikita ko ring kinakausap si Azia.

--> Flasback <--

"Kurt? " tawag ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus tumingin ito sa akin at pinauna na si Angela.

"Salamat! " huling narinig ko bago umalis si Angela.

"Bakit kayo magkasam? Bakit mo ka nagpasalamat sa kanya? " tanong ko rito.

Ngunit nagulat ako sa mga sagot niya.

"Sino kaba para pagbawalan ako makipag-usap o makipag-kita sa iba? Sino kaba para awayin ak0? Sino kaba para magalit ka sa akin? At mas lalong sino kaba para magselos sa kanya? Tandaan mo May ikaw at ako pero walang tayo."

Sa totoo lang hindi naman ako galit, maayos ang pagtatanong ko. Oo nag seselos ako kasi yung mahal ko may kausap na ibang babae. Atska hindi naman ako nakipag-away sa kanya.

Nasaktan ako sa sagot niya, kaya napatulo ang mga luha ko.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nag sorry siya.

Hindi niya raw sinasadya.

Dahil dakilang tanga ako, at dahil mahal ko siya pinalampas ko iyon. Pinatawad ko siya sa sinabi niya.

--> End of Flashback <--

Ngayon ko lang napagtanto na ako ang sagabal sa relasyon nilang dalawa.

Ako na pina-asa at dakilang tanga na umaasa.

Napagtanto ko ngayon na totoo nga..

"May ako at siya ngunit walang kami! ".