webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 22

Hindi ko alam kung ano ang totoong rason ni Homer kung bakit niya iyon ginawa kay Kenneth, magkaibigan sila tapos nag suntokan,sa anong dahilan?

"Bakit kailangan mo pa siyang suntokin kung pwede namang kausapin?" Tanong ko. Pwede ko naman siyang tanungin kaysa mag-isip pa ako kung bakit niya iyon ginawa.

"Anak ng," natampal niya ang kanyang noo. " Ilang beses ko na siyang kinausap Ri pero hindi siya na kinig sa akin. "

" Tungkol ba ito sa panliligaw niya ulit Adelah? "

" Hindi lang yon Ri, tungkol din ito sayo, " umupo siya sa tabi ko. " Kaibigan ko siya at alam ko kung gaano siya ka g*g* pagdating sa babae. Una palang sinabihan ko na siya na g*g*hin niya ang lahat ng babae huwag lang ikaw. Kapatid ang turing ko sayo e kaya sa ganoong paraan kita pinutriktahan.At hindi ako hihingi ng tawad sa pagsuntok ko sa kanya.At kung ako ang masusunod ayaw na kitang palapitin sa kanya at kung maari ay maghiwalay na kayong dalawa."

Kapag ba hindi na okay ang relasyon ang solusyon mo ay makipaghiwalay kaagad sa kanya? Hindi ba pwedeng pag-usapan at ayosin muna? Alamin kung ano ang pahayag niya at doon ka mag desisyon kung bitaw na o ipag-patuloy pa.

Tiningnan ko si Kenneth sa gilid ng daan kinakausap siya si Analyn at Mabel.Si Adelah,ewan ko kung nasaan.Kinuha ko ang aking cellphone at nag tipa ng mensahe.Walang emosyon na tumingin sa akin si Kenneth pagkatapos basahin ang mensahe ko sa kanya at isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa,hindi man lang ng reply sa text ko.Ako na ang nag sorry kahit siya ang may kasalanan tapos hindi pa ako nireplayan.Napa buntong-hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya.Sakto tapos na silang mag-usap ni Analyn ay dumating si kuya Richard, inunahan na ni Analyn na magpaliwanag kay kuya para hindi ako ma sermoman.Sumulyap ako sa kinaroonan ni Kenneth ngunit umalis na siya,wala man lang siyang pakialam sa akin.

Tatlong araw akong lumiban sa klase dahil nilagnat ako at sa tatlong araw na 'yon walang paramdam si Kenneth sa akin hindi man lang ako kinamusta.Hatid sundo ako ni kuya Wayne ng motor dahil hindi pa talaga maayos ang paa ko at gusto naman ni kuya para ma dalaw niya ang girlfriend niyang si Mitchell.

"Friend,alam mo ba nagsuntokan si Kenneth at Lian noong nakaraang araw."

"Ha? Bakit naman sila nag suntokan?" Nagtataka na tanong ko kay Mae.

" Ewan ko.Uwian na 'yon na abutan ko sila doon sa taas nagsuntokan, walang umawat.Baka dahil sayo friend."

" Bakit naman ako na sali dyan?"

" Baka lang naman.Narinig ko kasi ang pangalan mo na sinambit ni Lian noong nagsuntokan sila."

Bakit naman ako na damay sa gulo nilang dalawa? Hindi kaya dahil ito noong nakaraan?Baka nakita kami ni Kenneth noong nagkabungguan kami ni Lian.Pero bakit magsuntokan,bakit kailangan damayin ang walang kasalanan? Gusto kong maka-usap si Kenneth pero paano? Nandito si kuya Wayne.

Hindi na kami nag-usap ni Kenneth,bihira ko na din siya makita at hindi ko na ma contact ang number niya.Nakaka-lungkot lang isipin na ganoon lang kadali sa kanya na iwasan ako na hindi ako kausapin at wala man lang siyang paliwanag sa kasalanang ginawa niya sa akin.

"T*ng*n* mo Lian tigilan mo iyang pinsan ko," pikon na sabi ni Mabel kay Lian.

Nandito kami ngayon sa videokehan kasama ko si Mabel at mga kaibigan niya.Hindi ko alam kung paano naging magkalapit na kaibigan si Mabel at Lian ayaw kasi tanggapin ni Mabel na kaibigan na sila dahil ginagamit lang daw siya ni Lian para makalapit sa akin bagay na itinatanggi ni Lian.

"Gusto ko lang naman kausapin pinsan mo e."

"Hay nako! Lasing lang 'yan Lian."

Ang lakas ng loob na kausapin ako dahil lasing todo iwas naman ako,parang hindi niya alam na pinsan niya ang boyfriend ko.

"Ri kausapin mo naman ako," nagsusumamo na saad niya.

Hindi ako makatingin sa kanya. "Maingay hindi ko marinig ang mga sinasabi mo," rason ko para matigil na siya na kausapin ako.

Hindi na nga niya ako kinausap pero binabantayan naman ang bawat galaw ko naiilang tuloy ako.Lumayo ako ng kaunti sa kanya nang ako na ang susunod na kakanta.

Gusto kong umiyak habang inaawit ang

kanta,na alala ko ang nangyari sa amin ni Kenneth.Katulad sa mensahe ng kanta,heto ako naghihintay ng pagkakataon,umaasang maintindihan ko ang aming sitwasyon dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay mas malalim kaysa sa dati pero hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para ipakita at iparamdam iyon dahil siya mismo ang unang sumuko sa aming dalawa.

"Akin na nga yang gamit ko!Kanina ka pa naiinis na ako!" Saad ko na nakipag-agawan ng gamit ko na dala ni Lian.

"Ako na nga kasi ang mag dala."

"Kapag na sira yan lagot ka sa akin," pagbabanta ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"Umuwi ka na lasing ka na."

"Naka inom ako pero hindi ako lasing."

" Ano ba Lian ang gamit ko saan mo yan dadalhin," inis na singhal ko ng nagsimula siyang lumakad.

"Lian ano ba!P*t*k ubos na pasensya ko sayo!" Pikon na sambit ko at patakbo na sinundan siya.P*t* tumakbo din ang g*g*.

"Tumigil na kayong dalawa para kayong mga aso at pusa.Nasa daan kayo baka ma bangga kayo niyan," sita sa amin ni Mabel.

Hinarang ko siya pero hindi siya tumigil sa paglakad kaya pa atras na akong lumalakad at pilit na inaagaw ang gamit ko.

"Nahihirapan na ako, pagod na ako, akin na ang gamit ko," malumanay sa sabi ko.

"Kunin mo," saad niya at itinaas ang kamay niya kung saan naroon ang gamit ko.

Sa inis ko ay sinuntok ko ang dibdib niya, ngunit pareho kaming na gulat sa susunod na nangyari, naglapat ang aming labi ng yumuko siya pagkatapos ko siyang suntokin.

"Ay! P*t*ng *n*!" Gulat na sambit ko ng may bumusina.

"Ken!?" Sambit ko ng makilala ko ang lulan ng motor na bumusina sa amin.