webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

CHAPTER 69 – Golden Apple

V4. CHAPTER 10 – Golden Apple

NO ONE'S POV

"Hey, Nat saan ka punta?"

Pagkalingon ni Natalie sa kaniyang likuran ay nadatnan niya ang humahangos na si Noreen. Nakayuko at nakalapat ang mga kamay sa magkabilang tuhod. Namilog ang mga mata ni Natalie dahil sa pagtataka kaya tumigil siya sa paglalakad.

"Bakit pagod na pagod ka?"

Tumingala si Noreen saka hirap na ngumisi, "Hinahabol ka, ang bilis mo maglakad e."

Tinitigan ni Natalie ang mukha ng kaniyang kaibigan bago pagmasdan ang mga binti nito. Hindi man siya magsalita ay batid ni Noreen ang nais niyang iparating.

"Sorry ha, kung maliit ang biyas ko," naka-pout na pagpunto ni Noreen.

"I didn't say anything,"

Nagtitigan ang dalawa. Kasalukuyan silang nasa gitna ng daan papalabas ng Gate 1 ng SNGS. Hapon na ngunit imbes na dumilim ay naging kulay ginto ang paligid dahil sa papalubog na araw. Maraming estudyante ang nagsimulang umalis ng school para maglakwatsa. Masyado kasing maganda ang hapon para hindi ukitan ng magandang alaala.

"Pero Nat, saan ka nga pupunta?"

"Sa Central Mall,"

"Sa Central Mall? Alone? Without inviting Eunice and I?" 

Nakatingkayad na tinutok ni Noreen ang kanyang mukha sa kaibigan. Mas matangkad si Natalie kay Noreen nang 3 inches pero mas nanliit pa siya dahil sa 2 inches na dagdag ng sapatos nito.

"I told Eunice but she needs to attend the meeting. Akala ko ikaw din so I didn't bother asking."

Noreen turned at ease before scratching her nose, "Hmmp! okay... pero ngayon nandito na ako! Wala ka nang magagawa kundi isama ako," saad niya sabay tawa.

Natalie smirked before turning around and walk her way, "I know right basta ikaw magbabayad ng fare mo."

Sumunod si Noreen, "Eh?! Hindi ka magpapahatid?"

"Nope."

"Baliw, magpahatid ka tungak! Nanunuod ka ba ng balita? Paano na lang kung makuha ka ng puting van?! No Nat! Hindi pwede! Sino kukuha ng litrato ng abduction mo? Wala! I will be so sad!"

Hindi mapigil ang bibig ni Noreen. Exaggerated pa siya kung makaarte kaya napalingon sa kanila ang ibang papalabas ng school.

Natalie sighed, "Tigilan mo ako."

"Magsho-short yung allowance ko!"

With squinting eyes, Natalie stops to stare at her friend, "I don't care. Then huwag ka na sumama," pahayag niya. Nagpatuloy na uli siya sa paglalakad.

"Yah! Heartless Natty!" sigaw ni Noreen.

"Yeah I am."

"Hindi mo ako mahal!"

"Ngayon mo lang nalaman?"

Paglabas ng school gate ay tumungo naman ang dalawa sa sakayan ng jeep. Habang naglalakad ay napapalingon kay Natalie ang mga nasa paligid niya. May mga tao na kahit ano ata ang isuot ay nagiging fashion at ganoon si Natalie. Yung simple school uniform nila ay nagawa niyang fashion statement. Sa katunayan ay halos 20% ang itinaas na dami ng mag-aaral ng SNGS ng i-model niya ang kanilang uniporme. Tapos tila may dugo rin siyang trendsetter. Kapag nagsusuot siya ng bagong item ay hindi pa natatapos ang linggo sa loob ng kanilang paaralan ay makikita mo na na suot na rin iyon ng iba. Ngunit inborn man kay Natalie ang pagdadala ng kasuotan ay minimal percentage lang iyon sa kabuoan ng kaniyang appeal. Nauuna parin kasi sa porsyento ang angkin niyang kagandahan tapos bonus ang natural blonde hair niya sa pagitan ng black at brown sea ng mga crowning glory.

"Sasama pa rin ako! Madali lang naman kumita ng pera if gugustuhin ko no. Poof! Pictures!"

"Bahala ka sa buhay mo," natutuwang saad ni Natalie dahil sa totoo ay nage-enjoy siya sa birahan nila. Kahit may questionable na hobby si Noreen ay di naman ito nagkulang sa pagiging kaibigan para itakwil niya.

Unang nagkakilala ang dalawa noong grade 10 sila. Nasa may wash room si Natalie noon at busy na nagme-make up ng mahuli niya si Noreen na nililitratuhan siya. Kinompronta niya si Noreen at tinakot naman ni Noreen si Natalie. Bago pa lang na estudyante si Noreen noon sa SNGS kaya hindi niya alam kung sino ang binangga niya.

Noreen blackmailed Natalie to become her girlfriend or else scandalous pictures of her will spread throughout the net. Her grin was plastered all over her face that time but Natalie just stared at her. She thought that she'll get what she wanted until a punch landed on her face.

"Aww!"

Nalaman ni Natalie na hindi naman talaga intensyon ni Noreen na i-blackmail siya. Noreen stated that she was just caught at the moment at lumabas lang ang salitang iyon sa bibig niya para makatakas sa sitwasyon.

"So—Sorry, I-I'm just a new student here kasi. I have an eye for beauty that's why I can't stop myself to capture a photo of you."

"Flattery?" ngumisi si Natalie, "Sa tingin mo papalampasin kita sa paliwanag mo?"

"Oo," diretsong sagot ni Noreen habang nakahawak sa nananakit niyang pisngi, "Dapat nga ikaw ang matakot. Pwede kitang ipa-guidance dahil sa pagsuntok mo sa akin."

Natawa si Natalie, "Do you even know who I am?" she asked before closing her arms.

"No syempre, bago nga lang ako dito," nakasimangot na tugon ni Noreen.

"Alright, alright. I am Natalie Reinhart and you're?"

"Why would I even give my name to you? Bitch," pahayag ni Noreen.

Tinitigan siya ni Natalie, "Maybe because I'm the school owners' granddaughter? O kaya pinapahalagahan mo yung reputasyon mo? Pwede rin ayaw mong ma-kick out? Kaya wala kang magagawa kundi sabihin sa akin ang pangalan mo."

"Ha? Hotdog! Haha! You're kidding," natatawang reaksyon ni Noreen na hindi man lang nagpakindat sa mga mata ni Natalie. Napatigil siya sa kaniyang kasiyahan at tumahimik ang paligid. Tinitigan niya si Natalie at na-realize niya na seryoso ito.

"Waaah! For real?"

Napabuntong hininga si Natalie.

"I—I'm really sorry," Noreen cried then hold Natalie's both shoulders, "I will do anything you want basta 'wag mo ako ipa-kick out. This school is the heaven that I'm searching for so please!"

Natawa si Natalie, "Heaven? Tss, what are you? A freak?"

Tumango si Noreen na ikina-flat ng mukha ni Natalie. The girl is acknowledging what she said sa isip-isip niya.

"I'm Noreen Imperial. Grade 10, Section B, 15 years old. I came from Central International School. My favourite colour is green and I currently have a gender crisis. I love beautiful girls. Taking pictures is my passion and I won numerous awards for it. That's my profile, please forgive me. Please, please!"

"Parang mas binigyan mo pa ako ng dahilan para ipa-kick out ka."

"No, don't judge me!"

Napabuntong-hininga na lang si Natalie dahil sa ka-weirdohan na hinaharap niya. Inalis niya ang mga kamay ni Noreen sa kaniyang braso bago tignan si Noreen mula ulo hanggang paa. Shorty, brown complexion, average face, eyeglasses & brown hair.

"Okay, then be my friend so I can forgive you."

Marahang tumango si Noreen at evident ang pagtataka sa mukha niya habang iniintindi ang sinabi sa kaniya. 

"Bina-blackmail mo ako."

Natalie glared at her.

"I am not. I am giving you a proposal here."

Noreen was convinced that Natalie was blackmailing her. Napasingkit siya ng tingin and think for a couple of seconds hanggang sa unti-unting lumapad ang ngiti niya. Maging kaibigan ng sobrang gandang babae tapos apo pa ng may-ari ng school? That's protection. It was a win-win for her.

♦♦♦

"Thank you, Miss Natalie."

Pagkalabas ng boutique ay hindi maalis sa paper bag na hawak ni Natalie ang mga mata ng kasama niya. Halos maluwa ang eyeball ni Noreen at parang konti na lang ay malalaglag na rin ang kaniyang panga. Ayaw niya ng math pero bigla siyang naging mathematician dahil hindi mapigil ang kaniyang utak sa pagco-compute ng mga bagay na maaari pang mabili ni Natalie bukod sa isang piraso ng damit gamit ang malaking halaga.

"That cloth. Cloth! Not CLOTHES! For P54, 600! May ginto ba 'yan? Hindi ka ba pagpapawisan kapag sinuot mo 'yan? Matic pass ba 'yan sa langit kapag namatay kang suot 'yan?"

Napatitig sa kaniya si Natalie bago sa paper bag na hawak nito, "It's D&G," simpleng sagot niya na nakaani ng facepalm face. Sunod ay kumamot ng matindi si Noreen sa kaniyang ulo.

"Okay, okay, I know that I spent too much money on a single top but you know that this is my favorite. Blame Pristine because she's the reason why my old one got torn out."

Humalukipkip si Noreen saka singkit ng tingin kay Natalie. Humagikgik naman si Natalie saka nagpatuloy sa paglalakad.

"At least treat me for offending my poor wallet!" demand ni Noreen na nagpatigil kay Natalie. Pagkapihit ni Natalie paharap sa kaniya ay nagtaka si Noreen dahil puno ng ekspresyon ang mga mata nito.

"Ba't parang kasalanan ko pa?" biglang sabi ni Natalie with matching lapat ng kanang kamay sa kaliwang dibdib.

Napatanga sa kaibigan si Noreen bago siya mapatawa ng malakas. Naalala niya kasi ang isang meme.

"Haha, bwiset ka Nat!"

Natawa rin si Natalie. Sa sobrang saya nila ay naging kaagaw-agaw pansin sila. Tama ang pasya ng dalawa na sulitin sa paglalakwatsa ang natitirang oras ng gintong hapon.

"Hey, Nat, ang saya mo ngayon a. May maganda bang nangyari?" Naglakad ang dalawa. Madalang lang na mag-joke ng ganoon si Natalie kaya agad ay nahiwagaan si Noreen.

Natalie looked at her with wonder, "Really? Normal lang naman ako."

Umiling si Noreen, "Hindi a."

"You really think so? Pero hindi ba ako pwedeng maging "masaya" like what you're noticing because I'm with my friend?"

"Oh, ang sweet naman. Kaya mahal kita Nat e... Ang sweet mo talaga pero hindi! Norm na ang sungit mo no, both Eunice and I know that the normal Nat is a combi of both happy and masungit. Not a combi of happy and a jester kaya sure ako na may magandang dahilan kung bakit ka good mood ngayon."

"Whatever," nakangiting sabi ni Natalie.

"Whatever blegh! Let's see, kaninang umaga pagpasok mo medyo badtrip ka e, then sa 1st and 2nd subject hindi ka nakikinig... ah sa 3rd gustong-gusto mo na matapos tama! Parang excited ka na kasi sa joint cooking class. Tapos yung group niyo lang nakakuha ng excellente! Is that the reason? Unfair naman kasi, kasama mo si Arianne ba naman! Though I believe in your skills pero kasama mo pa rin si Arianne kaya all kill—"

"Hey, stop," saad ni Natalie. Nagsisimula na siyang magngitngit pero hindi ito napansin ni Noreen.

"Tapos kaninang lunch hindi ka naman namin makausap. Kain ka lang ng kain ng luto niyo... tama! Kain ka ng kain nakatatlong rice ka! Imbes na kumuha pa kami ni Eunice ng stir fry, hinayaan ka na lang namin. Buti na lang pala hindi natin naging kabarkada si Arianne. Siguradong tataba ka Nat."

Tumigil si Natalie sa paglalakad.

"Shut up Noreen, stop spouting nonsense. I'm the reason why we got excellent in that class and that is the reason why I am in a good mood. You're right, I am excited about that cooking activity because that is my chance to prove my superiority to everyone and I did. Di ba gusto mo i-treat kita? Okay, you prevail, just stop so that you won't ruin my mood."

Napatanga si Noreen dahil sa biglaang pagsusungit ni Natalie bago siya napatango rito.

"That's my Nat," nasambit na lamang niya.

Pagdating talaga sa usaping katawan ay sensitive si Natalie. Bubuyuin niya pa sana ito pero naagaw ang atensyon niya ng isang sales lady na tila hirap na makipag-usap sa isang costumer.

"Who's that?"

Sinundan ni Natalie ang direksyon ng tingin ni Noreen. Nadatnan niya ang isang babae na may mahaba at sobrang dilim na buhok. Naka-crop top ito at low rise jeans with matching white sneakers. Sa isang tingin pa lang ay hindi basta-basta ang babae. Malakas ang dating at obvious na may breeding.

"What a hottie... Why I didn't know her? Taga General City ba siya?"

Hindi makapaniwalang nilingon ni Natalie si Noreen, "Kailangan ba kilala mo lahat ng tao dito sa city natin?"

"What a dumb question Nat, syempre hindi no. Pero... PERO someone hot like her. Kailangan alam ko! From North, East, West, South, Central even intercardinal directions may lists ako ng General City hotties!"

Napahawak na lang si Natalie sa kaniyang noo at napailing.

"Uy, in demand kaya 'yon for academic purposes! Anyway, if you're curious pasok ka sa Top 10." 

Ngumiti si Noreen dahilan para agad siyang layuan ni Natalie.

"You're disgusting,"

Tutuloy na sana si Natalie sa paglalakad nang biglang ibang direksyon ang tinahak ng kasama niya. Biglang liko si Noreen patungo sa sales lady at sa kausap nitong babae. Pagkalapit ay balak niya sanang tulungan ang sales lady sa pakikipag-usap pero natameme siya noong makita ang singkit na mga mata ng customer na ine-entertain nito.

Napatingin sa kaniya ang sales lady at customer.

"Ah, ah..." Noreen looked at Natalie for help pero huli na ang lahat. Napa-face palm na lang si Natalie nang marinig ang tinuran ng kaniyang kaibigan.

"Siopao, siomai, suman."

Napalitan ng hindi mapigilang pagtawa ang nagpa-panic na pakiramdam ng sales lady habang nagtaka naman ang customer.

"Sopao, siomao, shuman?"

Natalie looked downward. Hindi rin niya napigil ang sarili sa pagtawa noong marinig ang babaeng customer. Nilapitan niya si Noreen.

"Excuse my friend, she doesn't know what she's doing."

Hinila ni Natalie si Noreen. Paalis na sana sila ng biglang magsalita ang customer.

"Excuse me miss, can you help us?"

Agad ay parehong napalingon ang dalawa sa babae.

"Nag-english siya!" Noreen exclaimed.

"So?" asked Natalie.

"Akala ko Chinese!"

"Tss," Natalie's face went flat because of Noreen's answer. Natigil ang kanilang usapan noong marinig nila ang paghagihik ng babae. Sa mahinhing pagtawa niya ay sumasabay rin na ngumiti ang kaniyang mga mata. Unti-unting iniangat ni Noreen ang kaniyang kamay para hawakan ang kaniyang camera ngunit napigilan siya ni Natalie.

"I'm Chinese but of course, I can speak in English," saad ng babae.

Tumango si Natalie saka tinanong kung ano ang maitutulong nila. After a few exchanges of words, translations and understanding ay nalaman nila na hinahanap pala nito ang uniform section.

"They don't sell uniforms here. Uniforms are exclusively sold at schools," paliwanag ni Noreen habang papalabas sila ng department section.

"Oh, I see. What a shame. So, I will wear civilian clothes on my first day huh..."

"First day? Are you a transferee?" nakangiting tanong ni Noreen na marahang tinanguan ng babae, "Kaya pala... So which school are you enrolled?" Noreen asked curiously engraving all the details she's gathering in her heart, mind, body & soul. Napabuga na lang ng hininga si Natalie habang pinapanuod siyang makipag-usap.

"Yes? I came from the states. I'm going to attend NIA," sagot na nagpaliwanag sa utak ni Noreen. Sa utak niya ay sayang dahil hindi sa school nila pero mabuti na rin sa NIA dahil malapit lang ito.

Nagpatuloy mag-usap ang dalawa. Kausap ng babae si Noreen ngunit nakasunod kay Natalie ang tingin niya. Kanina pa kasi siya naku-curious, "By the way, is that your natural hair color?" she asked.

Tumango si Natalie dahilan para mag- O shape ang bibig ng babae.

"Beautiful. Oh, so are you American or European?"

"I'm half Filipino-half British."

Ngayon ay ang babae naman ang tumango. 

Kahit hindi kinakausap ni Natalie ang babae ay kanina niya pa inoobserbahan ito.

"Nice, nice..."

Tinignan ng babae si Natalie mula ulo hanggang paa. Dahil dito ay na-conscious siya at napalingon sa fast-food chain na kanilang dinaraanan. A small action that somehow manage to affect her whole day because inside is a sight her heart never wants her to see. Nabura lahat ng magandang nangyari simula umaga hanggang sa puntong ito. Agad ay uminit ang tenga ni Natalie, sobrang init na kahit hindi niya tignan ang reflection niya sa salamin ay alam niya kung gaano ito kapula. Nag-tight ang panga niya at may nag-ring na kung ano sa kaniyang tenga. Hindi siya sinasaktan physically pero para siyang binubugbog sa sakit.

"How about the two of you? You're wearing uniforms, right? From what school?" the girl asked directly at Natalie but her head was too cloudy to even process her simple questions. "And wait, that girl in that digital advertising is that you?" she asked, pointing at a monitor on their opposite side.

Nagtaka si Noreen kung bakit biglang parang nawala sa wisyo si Natalie. Tatanungin niya sana ito noong biglang hatakin ni Natalie paalis ang babaeng sinasamahan nila at tumakbo. Nagulat siya pero bago niya sundan ang dalawa ay nilingon niya ang direksyon na kaninang tinitignan ng kaibigan at nakita niya ang dahilan kung bakit ito umakto ng ganoon.

♦♦♦

"I—I'm sorry. I didn't mean— no, I'm sorry. I don't know what I've done. Are you alright?" paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ni Natalie. Malayo rin ang naitakbo nila. Mula sa first floor ay bumaba sila ng hagdan patungo sa may ground floor at kasalukuyang nasa may food court.

Ilang naman na tumawa ang babae, "Don't worry I'm fine. It's just okay, though I thought I will lose both my legs and broke my wrist," ngumiti ang babae.

"I'm really sorry," muling sabi ni Natalie na naabutan ni Noreen. Nakita niya ang naguguluhan na ekspresyon ng kaibigan kaya nag-alala siya kagad para rito.

"Nat, okay ka lang ba?"

Malungkot na tinignan ni Natalie si Noreen.

Nabasa naman ng kasama nilang babae ang atmosphere. Ang awkward sa isip-isip niya. Ayaw niyang mangialam pero gusto niyang maiba ang mood kaya iniba niya ang usapan.

"Nat? Is that a nickname? I guess your name is Natalia or is it Nathalie?"

Napatanga saglit si Noreen at Natalie bago mapahalakhak ang nauna. Ngayon lang niya na-realize na kanina pa sila magkakasama pero di nila alam ang pangalan ng isa't-isa.

"Oh my gosh, we already talk about a bunch of things yet we forgot to formally introduce ourselves. Embarrassing. Okay so allow me first, I am Noreen Imperial, 18 years old, a student of SNGS and this blondie here and also the one you saw at that digi-ad—"

"I'm Natalie Reinhart."

"She's a model and is turning 18 this month," dagdag ni Noreen kaya badtrip siyang nilingon ni Natalie.

"Ah, I see. Nice to meet you Noreen and Natalie without H. I'm Amanda Yaptengco, 18 years old. I'm really new here so thank you very much for accompanying me. As an expression of gratitude, since we are here around the food area, can you let me treat you to something?"

"No need to, sorry but I'm going home," agad na saad ni Natalie bago magsimulang humakbang paalis. Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Noreen.

"Sorry Amanda. I'm hoping we see each other again," sabi na lang niya bago sundan si Natalie.

Ngumiti si Amanda pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang tinatanggihan siya kaya hindi niya hahayaan na umalis lang ng ganon-ganon ang dalawa lalo na't nahuli ni Natalie ang interest niya.

"Hey, sige na. gutom na kasi talaga ako. Ayoko namang kumain ng mag-isa kaya samahan niyo na ako please," pakiusap niya na nagpatigil sa dalawa. Parehong pumihit paharap sa kaniya si Natalie at Noreen. Kung si Noreen ay may gulat na ekspresyon, si Natalie naman ay mas lalong di maipinta ang pagmumukha. All those minutes, simula noong makausap nila ang babae ay akala nila na hindi ito marunong magtagalog. Hindi naman sa nagrereklamo sila na magsalita ng Ingles dahil kaya naman nila. Pakiramdam lang nila ay pinaglololoko sila ni Amanda.

"Ano, Nat?" tanong ni Noreen.

"Bubugbugin," sagot ni Natalie na nagpatawa kay Noreen. At least ay naiba ang mood ng kaibigan niya.

"Hey, I didn't mean anything by not speaking Filipino," agad na depensa ni Amanda.

"Didn't mean anything? So yung sa sales lady kanina? Ano 'yon?" galit na tanong ni Natalie.

Natuwa si Noreen kanina dahil nagbago ang timpla ni Natalie ngunit hindi niya akalain na mula sa gloomy ay ang bilis ng pag-transition nito papunta sa pagiging bad trip at hindi lang basta-basta bad trip kundi super bad trip.

Ngumiti si Amanda na tila hindi natinag sa nakaka-intimidate na aura ng blonde na kausap niya, "Ah, okay, I admit nag-enjoy ako noong makita ko siyang nag-panic. But I don't mean any harm," paliwanag ni Amanda.

Nagkatitigan ang dalawa. For Natalie, ay hindi na niya kailangang initindihin pa ang naging paliwanag ni Amanda dahil kahit saan anggulo na tignan ay mali ang ginawa nito. Hindi siya naniniwala sa kasabihang "First impression last" pero naniniwala siyang ang first impression ang guide kung paano mo pakikitunguhan ang isang tao at kung paano mo iingatan ang sarili mo sa harap nila. Sa umpisa pa lang ay alam ni Natalie na may iba sa babae... her smile, pamilyar sa kaniya dahil katulad iyon ng sa kapatid niya.

"Uuwi na ako," muling sabi ni Natalie diretso ng tingin kay Amanda. Agad naman itong lumapit sa kanila.

"Okay, sorry, sorry na talaga. Hindi na mauulit. Samahan niyo na ako o, treat ko, kahit saan niyo na gusto."

Nilingon ni Noreen si Natalie, "Nat, kahit saan daw natin gusto," bulong niya.

"So?"

"KAHIT SAAN DAW!" Kumikinang ang mga mata na pag-uulit ni Noreen.

"I don't care. E di samahan mo siya. Ayokong magka-utang na loob sa babaeng 'yan," sabi ni Natalie straight kay Amanda, "As if I can't afford anything I wanted here," pagtataray pa niya.

"Saka ikaw, kailan ka pa naging patay-gutom? Lahat na ata ng libre sinasanto mo. Wala ka bang pride?" Paglitanya pa ni Natalie. Sa sobrang bad trip niya ay hindi na niya napapag-isipan yung mga sinasabi niya. Huli na nang mapansin niya sa sarili ang masasakit na salitang naibato niya kay Noreen.

"Ang bad naman pala ng friend mo," saad ni Amanda kay Noreen. 

Napakagat sa kaniyang labi si Natalie nang marinig ito. Nahihiya niyang nilingon ang kaibigan na naabutan niyang umiiling.

"Hindi, ganyan lang talaga 'yan. Kapag nakilala mo na siya ng lubos, malalaman mo kagad kung ano sa mga sinasabi niya yung mini-mean niya. Sa haba ng litanya niya, ang totoo lang doon e yung ayaw niya magka-utang na loob sa'yo."

"Eh? So galit talaga siya sa akin? Pero nice a, naiintindihan niyo talaga ng maigi yung isa't-isa."

"Hindi naman ganoon kaigi, may mga bagay pa rin ako na hirap intindihin siya," saad ni Noreen.

Natalie cleared her throat kaya napalingon ang dalawa sa kaniya. Natawa si Noreen nang madatnan niya ang lukot na mukha ni Natalie.

"Nat, nasaktan ako sa sinabi mo ah," suminghot si Noreen, "Huhuhu, to compensate for my aching heart pumayag ka na na samahan si Amanda. Saan tayo kakain?"

Natalie hissed at Noreen. She loves her friend but sometimes she really wants to punch her, "Okay na ako sa Belgian Waffles..." nakasimangot niyang tugon.

"Belgian waffles lang? Hey Nat, mag-isip ka, sabi niya kahit saan."

"Okay na nga ako doon. Di ba sabi mo ang lakas kong kumain kanina? Na baka tumaba ako? Iyan, sige, konti lang kakainin ko."

"Argh! Nat, hindi ka naman tataba sa isang araw lang na pagkain ng marami! Doon tayo, sa 9th Heaven. Oks lang di ba Amanda?"

"9th Heaven?"

"Yea! Popular dessert club 'yon dito sa General City!"

"Really? Sure, para ma-try ko," masayang saad ni Amanda at sa 9th Heaven nga sila pumunta.

♦♦♦