webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 70 – Questions & Fries

V4. CHAPTER 11 – Questions & Fries

NO ONE'S POV

"Any questions for the upcoming Linggo ng Wika?"

Agad ay nagtinginan sa isa't isa ang mga nasa meeting table. Sinagot si Pristine ng katahimikan kaya nagdesisyon na siya.

"Okay, then, meeting dismiss," pahayag ng Student Council President. Matapos noon ay isa-isa ng nag-alisan ang mga nasa silid hanggang sa ang mga miyembro na lang ng Student Council ang natira.

Nalalapit na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa SNGS kaya naghahanda na ang mga punong abala nito. Kasama sa mga naging diskusyon sa pagpupulong ang mga plano, programa at mga dapat na gawin sa mismong pagdiriwang.

Pagkalabas ng mga dumalo ay napabuntong hininga si Pristine, isang aksyon na ikinagulat ng mga kasamahan niya.

"Miss Pristine, are you okay?" tanong ni Alona, ang treasurer ng student council. Kumuha siya ng tubig sa water dispenser saka dinala ito sa nakaupong si Pristine. Nilingon ni Pristine si Alona ngunit matagal bago nag-proseso sa utak niya ang tanong.

"Yes, okay lang ako. Bakit?"

"Ngayon lang kasi kita narinig na bumuntong hininga."

Ngumiti si Pristine habang nakatingin sa baso ng tubig na hawak ni Alona. Kinuha niya ito, sabay nagpasalamat bago uminom.

"Really? From meetings dito sa school then preparation para sa debut. Siguro nga I'm stressed out."

Kuminang ang mga mata ni Alona at napatili siya na animo'y dolphin matapos mapagtanto ang dahilan ng pagod ni Pristine, "Oo nga pala! Grabe Miss, nalalapit na nga pala yung debut mo. Nakakapagod talaga 'yan pero nae-excite na ako super. Thank you talaga sa pag-invite sa'min dito sa council a."

"No need to thank me though. Mas ikatutuwa ko naman kung nandoon kayong mga malalapit sa'kin kaya sana makapunta kayo."

"Don't worry Miss. I'm all set na 2 days pa lang after ko ma-received yung invitation mo. Aba'y hinukay ko kagad sa baul namin yung gown na isusuot ko di ba Char?"

Napahagikgik si Pristine habang napaikot naman ng mata si Charlotte.

"Yes Miss, sa sobrang excite niya inistorbo niya pa ako para samahan siyang mag-treasure hunt," tugon ni Charlotte habang dala-dala ang isang suggestion box.

"Anyway, Miss..."

Nagkurap ang mga mata ni Pristine, "What is it Lotty?" nakangiting tanong niya. Sa sobrang ganda ng ngiti niya ay nagawa niyang pamulahin ang mukha ng kaniyang secretary.

"Binasa ko kasi 'tong laman ng box and marami pong humihiling na sana payagan tayo kahit isang araw lang na makapunta ng Linggo ng Wika ng NIA. Magkasabay lang naman daw ang celebration."

"Oh?" Saglit ay tinignan ni Pristine ang desk calendar niya, "I see, okay, I'll try to convince the director later."

Tumango si Charlotte.

"Tapos Miss, may nagre-request din na sana pwede mag-civilian sa last day?"

"No," tugon agad ni Pristine na nagpanguso kay Alona. Masyado kasi talagang istrikto ang paaralan pagdating sa mga kasuotan.

"May nagtatanong din po kung bakit nagmahal yung BJ sa cafeteria?" tanong na nakaani ng pagkurba ng kilay ni Pristine at the same time impit na pagtawa ni Alona.

"Buko Juice," paglilinaw ni Charlotte kaya napa "ah" ang kausap niya.

"Pakisabi nagkakaubusan na kasi ng buko. Pero kung hahayaan akong biyakin yung mga ulo ng mga utak-bukong estudyante baka masolusyunan ko yung concern ng nagtanong." Napakaliwanag man ng aura ni Pristine ay alam naman nina Charlotte at Alona kung gaano kasarkastiko ang naging tugon niya. Naiintindihan nila ang ganoong tugon kaya't medyo nagsisi si Charlotte na ipinarating niya pa ang topic na iyon sa pagod nilang president.

Tumikhim si Charlotte bago muling nagsalita, "And lastly Miss, yung pinakamaraming tanong ay kung kailan daw po ba matatapos ang ban sa paguusap tungkol sa JFEvent? Gusto na raw kasi nila mag-post sa social media."

Dahil sa tanong na iyon ay nawala ang ngiti ni Pristine. Matagal siya bago nag-isip hanggang ang kanina pang nakaupo at nananahimik na vice president nila ang nagsalita.

"ASAP?"

Napalingon sina Charlotte at Alona kay Eunice.

"We are already aggravating the freedom of our students especially those who are graduating. Kung tutuusin pansariling dahilan lang naman kaya tayo nagpa-ban at hindi naman para sa school. We are concern with a single person's health but how about the others feelings?"

From their vice president ay napalingon naman si Charlotte at Alona sa kanilang presidente kaya't naabutan nila ang seryoso nitong mukha. Hindi kaagad sumagot si Pristine. All in all kasi ay tama ang katwiran ni Eunice. Alam niya sa kaniyang sarili na selfishness ang pinairal niya pagdating sa paglilihim ng mga pangyayari sa JFEvent. Gusto ni Pristine na i-admit ito sa tatlo pero hindi kaya ng mga kamao niya. Siguro nga stress talaga siya dahil for the first time ay nagawang painitin ni Eunice ang ulo niya. Eunice words? No, because it is the truth. Pristine never gets offended by the truth. It was Eunice's air. The way she talked to her. It's like she's asking for a quarrel.

Pristine inhaled deeply which caught the attention of her subordinates.

"Give me 1 month," seryosong saad ni Pristine.

"Masyado ng matagal iyon," balik ni Eunice.

"I said 1 month that's it. If um-okay ng maaga then I lift the ban immediately."

Nagtitigan ang dalawa bago tumayo si Eunice. Naglakad siya patungo sa harap ng table ni Pristine saka tumigil sa tapat nito. May balak na sabihin si Eunice pero tumunog ang cellphone ni Pristine na nakapatong sa may mesa. Pareho sila ay napalingon sa cellphone at pareho nilang nakita sa screen ang numero lamang ng tumatawag. Numero lamang iyon pero pareho nilang alam kung sino iyon.

"What is it Eunice?" seryosong tanong ni Pristine.

"Won't you answer that call first?" 

Pinatay ni Pristine ang tawag.

"Wala na. So, what is it?" nakangiti ng tanong ni Pristine na tila ba nang-aasar. Dahil dito ay hindi na naitago ni Eunice ang nararamdaman, napangitngit siya na tanging si Pristine lamang ang nakakita.

"Nevermind," galit na lumabas ng silid si Eunice.

Sa gulat ay tanging pagsunod lamang ng tingin kay Eunice ang nagawa nina Alona at Charlotte. Alam nila kung anong nangyari pero hindi nila alam kung bakit iyon nangyari. Nabaling sa biglaang pagtayo ng presidente nila ang kanilang tingin. Bumuga ng hininga si Pristine bago siya mapalingon sa dalawang nakatingin sa kaniya.

"May problema ba kayo ni Miss Eunice?" tanong ni Alona.

Ngumiti si Pristine, isang pagod na ngiti bago sumagot, "I think so... though hindi ko alam kung ano," pagsisinungaling niya dahil alam niya sa kaniyang sarili kung bakit ganoon ang naging pakikitungo nito sa kaniya.

Muli ay nag-ring ang cellphone ni Pristine. The same number na ni-decline niya noong nag-uusap sila ni Eunice. Muli ay pinatay niya ito saka nilingon si Charlotte at Alona. Pinayagan niya na ang mga ito na umuwi. Pagkapaalam at pagkaalis ng dalawa ay muling umupo si Pristine, kinuha ang kaniyang cellphone at binalikan ang kanina pang numero na nangungulit sa kaniya.

"Ano bang problema mo Charles?" nagngingitngit na reaksyon ni Pristine.

ALDRED'S POV

Last week sinamahan ko si Mama mamalengke, naglinis ako ng bahay, nakinig sa mga teachers at kinausap ko yung mga classmates ko...

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo dito sa isang fast food chain. Nakapangalumbaba habang nakatingin sa magandang pigura ni Arianne. Nakapila siya sa may counter at parang tuod na nakayuko. Pilitin niya mang hindi maging tampulan ng tingin ay lalo lang tuloy siyang nagiging agaw-pansin.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon sa magandang tulad niya?

Napapangiti na lamang ako.

Nag-insist ako na ako na ang o-order kaya lang ay nagpumilit siya. As the man, ay ako dapat ang gumawa no'n pero as the man, ay kailangan ko ring hayaan ang mga babae sa mga nais nilang gawin sa buhay. Normally ay tatlong burger, dalawang chicken, isang large fries, isang peach pie at isang sundae ang kinakain ko sa fast food na ito pero dahil nakaramdam ako ng hiya ay dalawang chicken at isang sundae lang ang pinabili ko kay Arianne. Tinignan ko ang naka-display na menu at meron pala silang set ng Hawaiian Deluxe burger. Kung nakita ko lang agad ay iyon na lang sana ang in-order ko. Pagkalingon ko kay Arianne ay naabutan ko siyang nakayuko parin.

"Miss, pwedeng pasuyo, pakibantayan 'tong table. May pupuntahan lang ako saglit," pakiusap ko sa batang estudyante na nakaupo malapit sa akin. Siguro dahil sa pagkagulat kaya napatanga siya bago napatango ng mabilis.

"Ang kulit mo kasi, sabing ako na," saad ko pagkatabi ko kay Arianne. Lumingon siya at hinarap ako ng mga nakakunot niyang kilay.

"W—What?"

Ang cute. Napatanga ako saglit. 

Ang pupula ng mga pisngi niya tipong mochi na ang sarap dukdukin, pisilin saka kagatin. Ngunit kahit nakakahalina ang ekspresyon ng mukha niya ay alam kong hindi ito magandang senyales.

"Sabi ko ako na ang o-order. Maupo ka na roon."

Umiling siya, "Hindi, ako na. Okay lang."

"Pasaway, sige tayong dalawa na. Tutal pinabantay ko naman yung table natin."

"O—Okay."

Gumalaw ang pila at kami na ang sumunod. Sinabi ni Arianne isa-isa ang mga order with ease and confidence. Arianne was smiling the whole time na nagsasalita siya. Napansin ko naman na mas polite pa sa normal siyang tinugunan ng cashier. Mahiyain si Arianne pero she has this authoritative aura. May mga taong hindi mo pa nga nakakausap ay nakakainis na at meron namang mga taong hindi pa nagsasalita ay karespe-respeto na katulad na lang ni Ate Candice sa agency at itong Cotton Candy ko. Hindi ko alam kung aware si Arianne sa characteristics niya. Maganda siya, matangkad, may sense, talented at mabait. Nakakasigurado akong kapag nag break out siya sa kaniyang shell ay napakarami niyang magagawa.

Katulad ng mga baby na ibon na kapag natuto ng lumipad ay titingalain ng lahat at hahangaan...

"May gusto ka pa ba?" tanong na nagpakindat sa akin ng ilang ulit. Nawala ako sa wisyo kakaisip kung ikakatuwa ko ba na marami pa ang magkakagusto kay Arianne kapag nakilala siya.

"Ikaw."

"Huh?"

"I mean, ikaw, kung may gusto ka pa ba?" paglilinaw ko kuno sabay lingon sa cashier. Naabutan ko siyang nangingiti sa amin.

Pagkatapos um-order ay tumungo na kami ni Arianne sa aming table dala ang mga pagkain. Arianne bought the Hawaiian Deluxe together with a peach pie, fries and orange juice. Nakakainggit. Kung hindi lang ako eengot-engot kanina ay may pagkakataon na sana akong magdagdag ng order.

"Thank you, Miss a," sabi ko sa bata na nagbantay ng aming table. Ngumiti siya pero di naalis ang tingin sa akin.

"Di ba po ikaw yung model na si Aldred Cuzon?" 

Napakindat ako saka napalingon kay Arianne dahil sa pag-ngisi niya. Pagkatama ng aming mga mata sa isa't-isa ay nagkibit balikat siya bago nangingiting uminom sa kaniyang juice. Binalik ko ang aking mata sa bata para tumango at napakorteng-o ang bibig niya.

"Wah, akala ko rumor lang. Totoo po pala na girlfriend mo si Arianne Fernandez," saad ng bata na dahilan para biglang lumindol sa table namin. Napalingon ang halos lahat ng katabi naming kumakain kay Arianne. Nahirinan kasi siya kaya napakahol ng ilang ulit. Parang malalagutan na nga siya ng hininga sa pagubo-ubo niya.

"Okay ka lang?" tanong ko habang inaabutan siya ng tissue.

Arianne's bloodshot eyes answered me. Iiwas sana ako ng tingin kaya lang na-distract ako ng likido sa gilid ng labi niya. Arianne can stab me with my fork right now to stop pero hindi niya mapipigilan ang mapagmahal kong puso at utak na utusan ang aking kamay para punasan ng tissue ang matamis na orange juice sa gilid ng kaniyang matamis na labi.

"Yay! Ang sweet! Sana all."

Arianne shoved my hand.

"Let me explain," agad kong sabi.

Arianne removed her eyes off me. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag nang biglang makarinig ako ng malakas na kalabog. I was just about to catch my breath when I heard her smash her burger on the table with her hand.

Anak ng patty! Nangatog ang tuhod ko. Inulit-ulit niya pa iyon na parang nais niyang bugbugin yung burger hanggang sa maging pulp ito.

"A—Arianne," sambit ko na agad nakaani ng masamang tingin.

Sa takot ay ni-divert ko na lang ang aking atensyon sa kaninang bata at kinilala ang suot niyang uniform. Unfamiliar kaya sigurado akong hindi siya taga General City.

Marahan kong kinagat ang aking chicken habang nagpupupukpok si Arianne. Napapikit na lang ako para manamnam ang pagkain. Though may kaba sa aking dibdib ay nananamnam ko naman yung kinakain ko. Crunchy, juicy and tasty. Mas masarap ngayon itong chicken kesa noong nakaraang araw. Pasimple akong dumilat para sumulyap sa anghel na naghandog sa akin ng biyaya. Hindi niya lang pinatunayan na mas masarap ang pagkain kapag libre. Pinatunayan niya rin na mas sasarap pa ito lalo na kung libre ng taong minamahal mo.

Kapag ba may niligtas ako sa kapahamakan ngayon o kaya nagsauli ako ng mahalagang bagay sa kinauukulan ay may mas maganda pa kaya na mangyayari sa akin?

Kung ganito ang reward ng pagiging mabuting bata ko nitong nakaraan ay pinapangako ko na magiging mas mabuting bata na ako simula ngayon. Mali ang maghangad ng kapalit sa bawat mabuting ginagawa pero tama lang naman siguro na may maganda itong reward.

"Di ba po brother Jesus? Thank you po pala Father God for everything..." saad ko habang nakapikit pa rin at ngumunguya. Kahit saan, sa anong pagkakataon, kapag kinausap mo ang Panginoon ay gumagaan ang lahat. Walang specific kung ano ang gumagaan pero alam mo sa sarili mo na parang may katuwang ka sa lahat. 

Pagkatapos kong manalangin at magpasalamat ay dumilat na ako. That feeling after praying, ang surreal, pero mga 3 seconds lang. Pagkalinaw kasi ng aking pakiramdam ay nawala yung anghel at napalitan ng embodiment ni grim reaper. Naglalagay ng ketchup sa tissue paper habang masamang nakatitig sa akin.

"AMEN!" nabulalas ko na ikinamilog ng mata niya.

Arianne has a very pretty pair of eyes. Parang mga mata ng manika tapos ang haba pa ng eyelashes niya. Dahil sa mga mata niya kaya madali rin siyang mabasa. Nangungusap kasi ito kaya maiintindihan mo kagad kapag gusto ka na niyang sakalin.

"A—Are you praying?" gulat niyang tanong. Napanganga ako saglit bago napatango.

"Yes," I answered and her face is unconvinced.

"While munching a chicken?"

Tumango ako.

She glared at me for a couple of seconds before turning her attention at her burger, "You should have said so para sabay tayo," sabi niya sabay pisat sa burger gamit ang palad niya. Pumikit na ako't nagdasal lahat-lahat pero di niya pa rin pala nakakagatan iyon.

"Mag-pray uli tayo," suhestyon ko at nakanguso siyang tumingin sa akin.

What the...

Napatulala ako at nawalan ng gana sa manok dahil anak ng kalapati na nagliliparan sa kalangitan! Gusto kong ngumasab ng pato ngayon!

This is too much. Kaka-pray ko lang pero feeling blessed nanaman dahil sa reaksyon niya. Kung ano-anong bagay na tuloy ang sumulpot sa likod ng utak ko.

"Huwag na, sige na kumain ka na baka lumipad pa 'yang manok mo."

I climbed out of my love pit at pagkadating ko sa tuktok ay nakanguso pa rin siya. Tahimik ko lang muna sana siyang papagmasdan hanggang sa malaglag nanaman ang kaluluwa ko nang magsalita uli siya.

"Saka baka nakakalimutan mo may ipapaliwanag ka pa sa akin," nakangiting dagdag ni Arianne bago isubo ang kaniyang fries na sinawsaw niya sa kaniyang sundae. I cannot help but to adore how graceful she's eating even though my bones felt the chill of her sundae when she crushed the lumpy fried processed potato stick in her mouth.

"Ehem ehem," 

Kinagat ko muli ang manok pero hirap ko na itong lulunin. Bumabara kasi sa lalamunan ko yung mga ipapalusot ko sa mga magiging tanong niya.

"Ba't mo pala pinipisat yung burger?" Iniba ko ang usapan.

"Para hindi messy," sagot niya , "Para hindi ko kailanganin ngumanga ng malaki pag kumagat," dugtong niya. Hindi ako maka-relate dahil kaya kong kainin ang isang burger sa isang kagatan lang. Kinuha ni Arianne ang kaniyang burger at kinagatan na ito with grace matapos niyang bugbugin.

Now I get what she means.

ARIANNE'S POV

Habang nasa jeep ay tinanong ko kay Aldred kung saan niya gustong kumain. Sabi niya kahit saan kaya niyaya ko siya sa isang high end resto pero tumanggi naman siya. Mas okay daw kung sa isang fast foodchain na lang. Pagkatapos noon ay tahimik na kaming bumyahe. Hindi ako nagsasalita pero ang daming mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. 

I am together with a guy na kahit katiting ay wala akong maalala. Wala akong maalala sa kaniya yet I'm comfortable with him kahit na at the same time ay nakakairita siya.

Ngayon ay nandito kami sa isang sikat na fastfood resto at kumakain. Actually, ayoko sa fastfood restaurant pero hindi dahil sa pagkain kundi sa mga tao. Crowded, maingay at magulo kasi kaya napapagod kagad ako kapag nagi-stay sa ganitong lugar. 

Nilingon ko si Aldred. He is happily eating his chicken na parang wala siyang pakialam sa mundo. Napangiti na lang ako dahil nakakatuwa naman pala siya kahit papaano. I have this urge tuloy to buy him some more foods. Burger, spaghetti, fries? Kahit anong gusto niya dahil napapawi niya yung pagod ko.

"Masarap yung chicken?"

Tumingin siya sa akin saka mabilis na tumango. Ang laking tao ni Aldred kumpara sa mga ka-age range niya, seryoso at cool ang aura pero kapag ganito ay lumalabas ang pagkabata niya.

"Gusto mo ng fries?" alok ko. Hindi siya sumagot pero kumuha siya. Masaya siyang ngumunguya at nag-stick out pa nga yung fries sa bibig niya.

"So yung rumor? Paano 'yon kumalat?" nakangiti kong tanong.

Aldred stared at me. Ngayon lang ako nakapag-focus ng matindi sa mga eyeballs niya at napakadilim pala nito. Kumurap ako dahil parang may kung anong nanghatak sa akin habang nakatingin sa mata niya. Nalipat ang tingin ko sa bibig niyang puno ng fries. Gusto niyang magsalita pero kailangan niya munang lunukin iyon.

"May nakakita kasi sa'tin na magkasama dati. Ta's iyon, pinagkalat na tayong dalawa raw," sagot niya matapos lunukin ang pagkaing nasa bibig niya ng hindi ngumunguya. Uminom siya ng softdrinks pagkasalita at nakailang lagok pa bago ibaba ang baso niya.

"Ganoon ba..." I stare out of nowhere.

Dapat ay ma-surprise ako or mapa-isip o mag-worry dahil may ganoon palang nangyari dati pero hindi lumitaw ang mga pakiramdam na iyon. I stared at Aldred. Tinignan ko siya ng maigi at panay ang galaw ng adam's apple niya. Nakadama tuloy ako ng pag-aalala. Okay lang ba yung lalamunan niya?

"Anong reaksyon mo sa rumor?"

Matagal siya bago sumagot, "Wala, hindi naman kasi totoo," sabi niya habang ngumunguya at nakita ko nanaman siya na hirap uli na lumulon.

Sumakit ba lalamunan niya?

Kinuha ko ang inumin ko saka uminom. Habang nalalanghap ko ang amoy ng orange juice ay hindi ko maiwasan ang mapa-isip. Sa lahat ng nakapaligid sa akin ay tanging siya na lang ang hindi ko maalala. Weird lalo na't may memorya ako ng first meeting namin ng kapatid niya pati ng mama niya. Yung paglipat ko rin sa bahay nila ay may alaala ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit.

"May kasalanan ka ba sa akin?" tanong ko pagkababa ko ng baso.

"Wa—Wala no," tugon ni Aldred sabay ubo na tila ba nasamid siya. Ubo siya ng ubo at imbes na mag-alala ako ay nasingkitan ko siya ng tingin.

Suminghot si Aldred saka nagpunas ng ilong bago umayos ng tindig. Pinunasan niya rin ang bibig niya at kamay ng tissue. Matapos ayusin ang sarili ay nakangiti niyang binaling sa akin ang mga kumikinang niyang mga mata.

"Bakit mo naman naisipan 'yan?" malumanay na tanong ni Aldred sabay tawa. Para siyang sinapian ng kung sinong santo dahil bigla siyang gumiliw magsalita. Hindi ko siya sinagot sa halip ay nagniningkit mata ko siyang tinanong.

"May I ask kung paano nga tayo unang nagkakilala?"

Kumindat si Aldred ng ilang ulit sabay alis ng tingin sa akin. Then he did it again a couple of times pa. Yung iwas - tingin, iwas -tingin, kaya medyo nairita ako.

Okay, I'm acknowledging that he's cute but that is annoying.

"Kailan mo ko sasagutin ng maayos?" I rolled my eyes and finally, his eyes settled on me though parang nagtatampong bata na siya kung makatingin. Naka-pout siya tapos naka puppy eyes pa. Nakakaawa. Iyon ang dahilan kaya hindi ako dog person... yung nakakaawa dahil ang hirap i-resist na hindi i-pet ang ulo nila. Hindi ko alam kung sinasadya niyang magpaawa or talagang na-intimidate siya sa akin. Ang alam ko lang ay hindi ko ma-take na tignan siyang ganoon.

"Okay lang ba na sagutin ko yung tanong mo?"

Napatigil ako at napabuntong hininga. Now I understand. So, Aldred is probably considering what my doctor said that's why he is not answering.

"Natikman mo na 'tong Hawaiian Deluxe burger? Masarap," nakangiti kong sabi bago kagat sa burger. Tumango naman siya sabay lunok ng malalim. Hehe.

"Gusto mo bang bilhan kita? Libre uli." 

Like a child, Aldred's mouth watered. Tatango na sana siya ng biglang mapalitan iyon ng pag-iling. Naniningkit niya akong tinignan.

"Niuuto mo ako," he said. Parang bata kaya impit akong natawa bago tumugon.

"Hindi a,"

Masama niya akong tinignan.

"Okay, okay. Gusto ko lang naman sagutin mo yung tanong ko. Promise walang mangyayaring masama sa akin. Sabi ng doctor 'wag ko raw pilitin alalahanin kaya nga nagtatanong na lang ako."

Inalis niya ang tingin sa akin at ini-snob ako.

"No," matigas niyang sabi.

I stared at him before I sighed. Boring though naiintindihan ko naman siya. Akala ko makakapangisda ako sa kaniya pero bumalik lang lahat ng bulate na pinain ko. Sumuko na ako at nagpatuloy na lang sa pagkain ng maalala ko ang phone niya.

Kinuha ko ang phone sa bag ko at nangingiting iniabot ito sa kaniya.

"A—Arianne, pwede ko ba— pwede ko ba malaman kung ano yung nakita mo dito?" nahihiya niyang tanong pagkakuha ng phone. Nagpalipat-lipat pa siya ng tingin sa akin at sa burger na hawak ko.

"Yung naka-edit ng cat ears," sagot ko ng hindi naiwasang humagikhik. Naalala ko kasi yung mukha ni Aldred sa picture, "Ilang taon ka no'n? Parang 13 ka lang kasi doon. Ang cute mo."

"12. Thanks," mahina niyang sabi sabay yuko.

Sinimulang kalikutin ni Aldred ang phone habang ako nama'y kumakain lang at pinapanood siya. Habang nakababad ang mata ko sa kaniya ay napansin ko ang pamumula ng mga pisngi at panginginig ng kamay niya.

"Gusto mo?" tanong ko dahil baka gutom pa talaga siya at nahihiya lang. Umiling naman siya.

Noong nakaraan ay napagalaman ko ang moniker ni Aldred na Boy S. Boy Sungit, Boy Simangot saka Boy Sumpong daw kasi siya pero ngayon habang pinapanuod ko siya ay pwede rin naman nilang idagdag ang Boy Seryoso. Ang seryoso kasi ni Aldred habang binubutingting niya yung phone. Nakasalubong ang makapal niyang kilay at naka-tight lip pa siya. 

Ang lakas ng dating ni Aldred sa totoo lang. Para siyang isang Ikemen o Oppa ng Japanese and Korean Culture. Napa-isip tuloy ako at napalingon sa bata. Fan kaya siya ni Aldred? Kung fan siya dahil kaya iyon sa gwapo, matangkad at manly si Aldred? O dahil sa matalino siya? O both? O pwede ring dahil sa Boy S siya na kung susumahin ay may pagka-equivalent sa cold boy attitude na tipo ng karamihan ng mga babae.

Binalik ko kay Aldred ang mga mata ko at naabutan siyang seryoso pa rin pero nakanguso na. 

Ano naman kaya ang masasabi ng mga fans niya kapag nalaman nila na weird, isip-bata at may pagkabastos ang idol nila?

"A—Arianne, may problema ba?" tanong niya na ikinakurap ng mga mata ko. Masyadong malayo ang narating ng mga katanungan ko kaya hindi ko na napansin ang sarili ko na nakapangalumbaba na't mataimtim na pinagmamasdan siya.

"Hindi ba ako inaway ng mga fans mo noong kumalat yung rumor?"

Huminto siya saglit at tila ba nag-isip, "Hindi ko alam," sagot niya na pumutol ng isang litid sa utak ko. Wala talaga.

"Hindi ba kita makakausap ng matino?" natatamad kong tanong at biglang lumingon sa akin si Aldred na nababalot ng pag-aalala ang mukha.

"I-I'm sorry Arianne," sambit niya na out of nowhere ay naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. I don't know. Siguro dahil sa lalim ng pagkakabanggit niya at affectionate nitong dating?

"As much as I want to tell everything to you, I am also afraid that I cause you trouble. You're right to say that I can't be talked properly. Hindi kasi ako sure sa mga isasagot ko kaya mas pinipili ko na lang 'wag magsalita."

I quit. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko, "Okay," tanging sabi ko bago siya ayain na umalis. Hindi ko siya tinitignan dahil matapos ma-expose ang sarili ko sa charming niyang mukha at gwapo niyang boses ay sumikip ang dibdib ko.

Nakakairita talaga. Delikado ang mababad sa existence niya.

"Saan na tayo pupunta?" tanong niya habang humahabol sa akin.

"Uuwi na," tugon ko saka pumihit para lingunin siya. Humupa na yung emosyon ko kaya safe ko na siyang matitignan. Inabot sa akin ni Aldred ang phone bago niya inikot ng tingin ang paligid.

"Maliwanag pa naman, ikot muna tayo."

"Ayoko. Wala ka bang pasok ngayon sa motor shop?"

Ngumiti si Aldred, "Sabi ni Mang Rupert bahala naman ako kung kailan ko gusto pumasok," saad niya habang kumakamot sa sentido niya. Napangisi na lang ako.

Tinignan ko ang paligid at maaga pa nga naman. Binalik ko ang tingin ko sa nagpapaawang mukha niya. Napabuntong hininga ako.

How can I resist that look and this beautiful sunset?

"Okay sige," pagpayag ko dahilan para sumigla ang mukha ni Aldred. Napangiti na lang ako at nagbabakasakali na baka may maganda ring idulot ang paggagala namin sa alaala ko sa kaniya.

♦♦♦