webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Umum
Peringkat tidak cukup
213 Chs

Ang Pagbabalik

Sa isang terminal ng bus patungong timog, makikita ang isang babaeng matiyagang nakaupo at naghihintay sa pag dating ng huling byahe ng bus sa araw na iyon.

Kalmado ito at hindi mo mababanaag ang nababalisa nyang kalooban.

"Oh, San Roque! San Roque!"

Sigaw ng konduktor, hudyat na pwede ng sumakay.

Agad na sumakay si Issay ng madinig ang tawag ng kunduktor at naupo malapit sa bintana.

"Malayo layo ang byahe ko, tyak na madaling araw na ako makakarating nito."

Hindi maipaliwanag ni Issay pero pagkatapos nilang magusap ni Ate Belen, parang gusto nyang iwanan ang lahat at umalis.

Nakaramdam sya ng pangungulila at dito sya dinala ng kanyang mga paa, sa terminal ng bus patungo sa bayang kanyang sinilangan.

Positibo sa buhay si Issay, at hindi nya hinahayaang talunin sya ng mga negatibo sa paligid nya.

Para sa kanya:

"Kailangan lagi akong masaya nang sa ganon gumanda ang lahat ng nasa paligid ko.

At pag maganda ang lahat, sasaya din lahat!"

Kaya sa tuwing makikita si Issay, lagi itong masaya, puno ng kulay at laging may nakakahawang ngiti sa kanyang mga labi.

Subalit kung minsan, hindi mapipigilan, dumarating din sa buhay nya ang lungkot ng pagiisa, lalo na pag nakakaramdam sya ng pangungulila sa kanyang mga magulang.

"Na mi-miss ko na po kayo! Tatang! Nanang!"

Malungkot nyang sambit habang nakapikit at nakahilig sa salamin ng bus ang ulo nito.

Hindi na nya namamalayan ang mga luha nyang kusang gumagawa ng daan patungo sa kanyang pisngi dahil unti unti na syang dinadalaw ng pagod at antok.

Naramdaman nyang nagsimula ng umandar ang sasakyan kaya ipinikit na nya ang mga mata para matulog.

At sa kanyang pag idlip hindi nya akalain na dadalhin ang diwa nya sa nakaraang pilit nyang kinakalilimutan.

"Aling Meding, maari ko po bang makausap si Miguel?"

Tanong ni Issay sa kasambahay nila Miguel.

Nasa isang barrio sya ng San Roque, may kalayuan sa bahay nila.

Mag iilang araw na kasing hindi nagpapakita sa kanya ang kasintahan at hindi nya alam kung bakit.

"Oh, Issay ikaw pala! Nakikiramay ako sa pagkamatay ng Nanang mo. Pasensya na at hindi ako naka punta sa lamay!"

Sabi ni Aling Meding na medyo nahihiya pa.

"Okey lang po Aling Meding alam ko naman pong marami kayong ginagawa.

Si Miguel po ba andyan? Simula po kasi ng namatay ang Nanang hindi ko na po sya napagkikita!"

Tanong ni Issay

"Ay, Ineng, wala na di ne si Senyorito Miguel! Nung isang araw pa sya lumuwas ng Maynila para lumipad patungong America! Hindi ba nya nasabi sa yo?"

Sagot ni Aling Meding na nagtataka, alam nya kasing magkasintahan ang dalawa.

"Po?!"

Hindi alam ni Issay ang iisipin.

Para syang binuhusan ng malamig na tubig, naramdaman nyang naninigas ang buong katawan nya ng madinig ang sinabi ni Aling Meding.

Wala syang kaalam alam sa plano ng nobyo at hindi nya rin alam na iniwan na pala sya nito.

Nakaramdam naman ng awa si Aling Meding sa sobrang lungkot ni Issay.

Kamamatay lang ng ina nito tapos ngayon malalaman naman nyang umalis na ang nobyo nya.

"Ay Ineng, muntik ko ng malimutan, may iniwan nga pala syang sulat para sa'yo!"

Sabi ni Aling Meding.

Pagkaabot ng sulat nagpaalam na si Issay. Mabibigat ang mga hakbang nito at parang nakatingin sa kawalan.

Ni hindi nya alam kung paano sya nakauwi ng bahay.

Hindi nya matanggap na umalis na si Miguel at ang tanging iniwan sa kanya ay ang sulat na nasa mga kamay pa nya.

Naluluha man, nanginginig ang mga kamay na binuksan nya ang sulat ni Miguel at binasa.

Natapos na nyang basahin ang sulat ngunit patuloy pa rin sya sa pagiyak.

Makailang ulit nyang binasa ang sulat dahil nagsusumigaw ang kalooban nya, nagtatanong.

"Bakit?

Bakit ngayong mas kailangan kita saka mo ko iiwan?"

Ayaw nyang maniwala.

Ayaw nyang tanggapin na wala na ang nobyo nya.

.....na tinapos na nito ang kanilang relasyon.

...na umalis na ito at tuluyan ng lumayo.

.....na hindi na nya ito muling makikita.

Pagkabasa ng sulat ni Miguel tumayo si Issay, pinunasan ang mga luha at saka nagimpake.

Nung mismong araw ding iyon, lumuwas sya ng Maynila at hindi na muling tumuntong pa sa bayan ng San Roque.

Nagising bigla si Issay sa kalabit ng kunduktor.

"Ale, Ale, andito na po tayo!"

Sabi ng kunduktor.

"Huh?"

"Gising na po, Ale! Nasa San Roque na po tayo! Kayo na lang po ang pasahero!"

Sabi ng kinduktor.

Napansin ni Issay na wala na ngang tao sa loob ng bus, silang dalawa na lang pala ng kunduktor ang naiwan, lahat nagsibaba na pati ang driver.

Nagpasalamat sya sa kunduktor at dalidaling kinuha ang kanyang bag at saka bumaba.

Matagal na panahon na ng huli syang narito.

May nakakakilala pa kaya sa kanya?

"Haaah! Mukhang wala pa ring pinagbago ang San Roque."

Naglakad lakad sya, pilit inaalala ang daan patungo sa pupuntahan.

Kinalaunan nakakita sya ng trysikel at sumakay.

"Mamang driver sa may Ilaya po!"

Sabi ni Issay.

"Mukhang bago ka dito Miss, saan ka ba sa Ilaya?"

Tanong ng driver na parang kasing edad lang ni Issay.

"Bago po mag bukid, Manong."

Sagot ni Issay.

Nagtaka ang driver sa itinurong lugar ni Issay, pero hindi na ito sumagot.

Pagkahatid ng traysikel driver sa sinabing lugar ni Issay, dali dali itong umalis pagkakuha ng bayad na para bang may kinakatakutan.

Bukod kasi sa madilim dahil walang poste ng kuryente dito, matagal ng walang nakatira sa bahaging ito ng Ilaya.

Saka, wala ng nagpupuntang trysikel dito, kaya nagulat sya kanina ng dito nagpahatid ang babaeng pasahero nya.

Nagtaka si Issay sa pagmamadali ng trycicle driver na makaalis. Madilim na kasi at tanging liwanag ng buwan na lang ang nagsisilbing ilaw.

"Haaay! Naku naman! Ba't ba sya nagmamadali? Hihilingin ko pa naman sana na ilawan ako saglit para makarating ako agad sa bahay! hmmph!"

Wala tuloy nagawa si Issay kundi ang maglakad sa nagtataasang talahiban. Tinubuan na kasi ng talahib ang dating daan dito.

Pero kahit matataas ang talahib dito sa lugar na ito, kabisado pa rin ito ni Issay. Alam nya kung ilang hakbang mula sa kalye hangggang kubo nila.

Pagdating sa bahay kinuha nya agad ang gasera kung saan nya ito iniwan dalawang dekada na ang nakakaraan, iga na ang gaas. Mabuti at may nakita pa sya sa nakatagong lalagyan nila.

At dahil matagal na itong di natitirhan medyo maalikabok ang paligid.

"Pagod na ko bukas na lang ako maglilinis!"

Pinagpagan na lang nya ang papag na higaan nilatagan ng banig at kumot na nasa loob ng kabinet at saka nahiga.

Ni hindi na kumain, pagod na pagod na talaga sya sa mahabang byahe.

"Tatang, Nanang andito na po ako! Nakauwi na po ako!"

At saka pumikit at ipinahinga ang pagod nyang katawan at isip.

Ang hindi alam ni Issay marami ang nagtataka kung bakit may nakikita silang liwanag sa bahay na iyon malapit sa may bukid, Lalo na ang mga magsakang maagang gumising.

Marami tuloy ang nagtatanong, sino kaya ang dumating.

*****

Pag uw ni Vanessa sa apartment napansin nyang wala pa ang kaibigan.

"Hmp! Baka nag date sila nung Edmund na yun."

Kaya hindi na nya ito inantay at dumiretso sa silid at natulog na lang.

Kinabukasan, nagtataka sya bakit parang hindi umuwi ang kaibigan.

Pagbaba saka nya lang napansin sa lamesa ang isang sulat na iniwan ni Issay.

Sis,

Alis muna ko!

Gusto ko lang mapag isa!

Issay.

Kinabahan si Vanessa

"Anong ibig nyang sabihin sa gusto nyang mapag isa?!"

"Anong problema ng best friend ko?!"

"At anong ginawa ng mokong na Edmund na yun?!"

Tarantang sabi ni Vanessa

Sa sobrang kaba tinawagan nya si Joel na agad namang pinuntahan sya para damayan.

"Honey 'wag kang mag alala! Baka andyan lang sa tabi tabi si Ate Issay, ayaw lang paistorbo!"

Sabi ni Joel

"Hindi ganito si Issay! Hindi nya gawain ang ganitong bagay!

Paano kung kinidnap pala sya?!

Pano kung ...?"

Biglang tumunog ang cellphone ni Joel.

Joel: "Oh, Kuya! Pasensya na pero hindi kita masusundo. Me problema kasi si Vanessa!"

Nang marinig ni Vanessa na si Anthon ang kausap ni Joel agad nitong inagaw ang cellphone ng kasintahan.

Vanessa: "Anthon, Anthon!

Huhuhu! Nawawala si Issay!"

Umaatungal na sabi ni Vanessa sa telepono.

Anthon: "Panong nawawala?"

Vanessa: "May iniwan lang syang sulat dito sa mesa, aalis daw sya, gusto daw nyang mapagisa!Whaaahhh!

Anthon please hanapin mong friendship ko!"

Anthon: "O..oo... okey sige hahanapin ko sya! Wagka ng umiiyak, please!"

Vanessa: "Okey..(hikbi) sige tatahan na ko! Basta hanapin mo sya please! Papalicious!"

Pagbaba ni Vanessa ng cellphone, nakasibangot na ang nobyo nya, nakatingin sa kanya.

"Anong Papalicious?!"