webnovel

Tinulugan Mo Na Naman Ako!

Kinabukasan.

Maagang nagising si Issay upang mamalengke.

"Mas magandang mamili ng maaga. Mamya na lang ako maglilinis pag dating."

Matagal na syang nawala sa San Roque kaya malamang marami ng hindi nakakakilala sa kanya.

Lahat tuloy ng makakita sa kanya, sinusundan sya ng tingin, nagtataka kung sino sya at saan galing ang babaeng ito.

Bakit biglang may sumulpot na babae dito sa bahay na matagal ng bakante?

Dayo ba sya o balikbayan?

Pagbalik ng bahay matapos mamalengke, agad itong nagluto habang naglilinis. Ang kapal kasi ng alikabok ng buong kabahayan.

May mga sumasadyang magdaan sa bahay nila para maki osyoso. Pero walang naglakas ng loob na magtanong.

Hindi kasi daanan ng tao ang lugar nila Issay dahil bukirin ang katabi nito.

Ang mga ibang magsasaka naman ay hindi alam ang gagawin kung babatiin ba nila o hindi ang dumating.

Nagsasaka kasi sila sa bukirin yaon na walang pahintulot sa may ari.

Ang pagkakaalam kasi nila, matagal ng pumanaw ang may ari ng lupaing nakapalibot sa bahay na iyon. At hindi nila natitiyak kung ang dumating ay ang kamag anak o susunod na may ari ng bukid.

Ang bukiring nakapalibot sa bahay nila Issay ay pagmamayari ng pamilya ng nanay nya. At ang lupang kinatitirikan ng bahay nila ang iniwan pamana ng lolo nya sa kanyang ina.

Hindi masasabing si Issay ang may ari ng bukirin nakapalibot sa bahay nila, pero dahil sa sya ang natitirang buhay sa kanilang angkan, mas malaki ang tyansa nya na makuha ang lupa lalo na at ang nanay nya ang nagtatago ng titulo nito.

Yan ay kung magkakainteres siya.

Napansin ni Issay ang mga magsasaka kaya nginitian nya ang mga ito.

"Daan muna po kayo! May tubig po sa may poso, baka po nauuhaw na kayo!

Pero hindi tumalima ang mga ito.

"Wagna po kayong mahiya! Kung kailangan nyo ng tubig kuha lang po kayo sa poso!"

Nasa loob ng bakuran ni Issay ang poso kaya nahihiya silang pumasok.

Dati dire diretso lang sila dahil wala naman gate at mga puno at halaman lang ang nagsisilbing bakod. Pero ngayon andito na ang may ari ng bahay, nagdadalawang isip silang basta na lang pumasok at uminom sa poso.

Pagkatapos magtanghalian, nagpunta si Issay sa puntod ng mga magulang nya.

Ito ang unang beses na madadalaw nya ang puntod ng kanyang ina, pagkatapos itong malibing.

"Tatang, Nanang ...Andito na po ako!

Pa..sen...sya po..... kung medyo natagalan... akong bumalik!"

Naluluha nyang sambit.

Nagtataasan ang mga damo na nakapalibot sa nitso ng mga magulang kaya inumpisahan nyang bunutin ito.

Nang makita nyang wala ng damo, umupo ito sa may nitso.

Hinaplos haplos nya ang nitso na para bang gusto nyang maramdaman ng mga magulang ang init ng haplos nya.

Hindi na nya kayang pigilan ang luha nyang kanina pa nagpupumilit lumabas sa kanyang mga mata.

"Tatang.....Nanang....." (hikbi, hikbi)

sambit ni Issay na buong lambing. Akala mo'y bata na nagsusmbong sa magulang.

Lalo syang nilalamon ng lungkot.

Lalo syang nakaramdam ng pangungulila.

Lalo nyang naramdam ang magisa.

At dahil sa ganitong pakiramdam walang nagawa si Issay kung hindi ang humagulgol ng humagulgol habang akap akap ang nitso ng kanyang ama't ina kahit na sobrang tirik ng araw hindi nya alintana.

Sa ganitong kalagayan sya nakita ni Anthon. Nagdudurugo ang puso nya sa tuwing nakikita nyang umiiyak si Issay, kaya dali dali nya itong nilapitan.

"Issay!"

Nang marinig ni Issay ang pamilyar na boses na iyon, bigla nya itong inakap at saka patuloy na umiiyak ng umiiyak sa bisig ni Anthon.

Hinaplos haplos ni Anthon ang buhok ni Issay upang kahit papano maibsan ang nararamdaman nito.

Gusto ni Anthon na tumigil na sya sa pagiyak pero alam nyang kailangan ni Issay gawin ito para maubos na ang lungkot na nararamdaman nito.

Kailangan nyang mailabas ang lahat ng kinikimkim sakit na kanyang dinadala.

Kailangan nya ito upang maging mas matatag.

Kailangan nya ito para mas lumiwanag ang kanyang isipan.

At kailangan nya ito para mawala ang takot na nararamdaman.

Di nagtagal tumahan na rin Issay pero nadidinig nya pa rin ang mahina nitong pag hikbi.

At hindi pa rin inaalis ni Issay ang pagkaka akap kay Anthon.

"Na miss ko 'to!"

Sambit ni Issay

'Na miss din kita'

Pero hindi maisatinig ni Anthon.

Pakiramdam ni Issay me gusto itanong si Anthon.

"Nagpunta ako dito dahil kailangan kong magisip!"

Sabi ni Issay

Anthon: "Huh?"

"Nagpunta ako dito dahil may malaki akong desisyon kailangan kong gawin. Kaya ako umalis ng Maynila para makapagisip!"

Pagpapaliwanag ni Issay.

'Grabe ka Issay, hindi ko pa natatanong may sagot ka na agad!'

Nababasa kaya nya ang isip ko?'

May sapantaha na si Anthon na nasa San Roque si Issay. Nakarating na sa kanya ang bulung bulungan na may dumating sa kubo sa may bukid kaya ipinagpaliban nya ang pagluwas at hinanap si Issay.

"Sa salita mo parang nakapagdesisyon kana, pero natatakot ka lang na baka hindi tama ang desisyon mo."

Sabi ni Anthon.

Nangiti si Issay sa sinabi ni Anthon, pero hindi na nya ito sinagot.

Totoong nakapagdesisyon na sya at kailangan nya lang ng lakas ng loob kaya sya umuwi.

Pero aminado syang guminhawa ang pakiramdam nya, hindi nya alam kung dahil sa sinabi ni Anthon o dahil sa bisig nyang hindi nya mabitaw bitawan habang umiiyak sya.

Maya maya, napansin ni Anthon na tumahimik ito. Akala nya umiiyak na naman. Pero laking gulat nya ng makitang nakapikit si Issay.

"Haha! Tinulugan mo na naman ako! Mukhang napagod ka na naman sa kakaiyak dyan!"

Sambit ni Anthon

Napansin ni Anthon na naguumpisa ng dumilim kaya kinarga na nya si Issay at inuwi sa bahay nito.

*****

Kinabukasan.

Nagulat na lang si Anthon sa mga matang nakatitig sa kanya pag mulat nya.

Nakataas ang kilay nito, nakapameywang at puno ng pagdududa ang mga mata.

"MA???!!!!"

Next chapter