webnovel

Chapter 3

Irish's POV

"Manong, dito na lang po ako." Sabi ko kay kuyang driver ng makalayo na kami doon sa park.

"M-ma'am may dugo po kayo sa noo."

Pinunasaan ko na ito ah! Bakit dumudugo pa rin?

"Magkano po, manong?"

"150 po"

ANOOO???? Hindi naman kami masyado lumayo ah!!!

"Manong, wala po bang tawad? 90 lang kasi ang pera ko."

Ano ba yan! Pang-project ko pa yun!!!

"Sa susunod ay wag kang papara kung wala kang pera!" Sigaw ni Manong sa akin. Ay wow! Kanina ay concern sa akin ngayon naman ay galit.

Bumaba na ako ng taxi matapos ibigay sa kanya ang 90 pesos ko. Ngayon ay literal na wala talaga akong pera.

Nilagay ko ang panyo ko sa may dumudugo kong ulo kahit na punong puno na ito ng dugo.

Hindi ako pwede umuwi ng ganto sa amin ngayon dahil paniguradong bubogbugin lang ako ni Nanay at baka mas Malala pa ang mangyari sa akin.

Ngayon ay isa lang ang pwede kong puntahan.

"NANAAAAAA Marthaaaa!!!" malakas kong tawag sa kanya ng makapasok ako sa bahay niya. Mas malapit itong lakarin kesa sa bahay naming.

"Jusko, anak! Anong nangyari sa'yo?" Naiiyak na tanong nito sa akin habang palapit.

"Nabangga po ako ng kotse. Kakatapos ko lang po kasing magtrabaho nun e! E dalawang araw na po akong walang tulog kaya ayan shunga-shunga ako." Magiliw kong pagkkwento na para bang wala lang sakin ito.

"Anak naman! Bakit hindi ka dumiretso sa hospital?"

"Wala kasi akong pera, nana!" Natatwang sagot ko sa kanya.

"Halika at gagamutin ko yang sugat mo"

Gusto kong umiyak dahil naramdaman ko na namang may nag-aalaga sa akin.

Kung hindi lang matanda si Nana Martha ay siguro ay kasama ko siya sa bahay at may kakampi ako sa tuwing sinasaktan ako ng sarili kong nanay. Si Nana Martha ang nag-alaga sa akin simula ng ipanganak ako dahil hindi ako inalagaan ng nanay ko. Ang asawa niya naman ay hindi madalas umuwi kaya pag-sinasaktan ako ng nanay ko ay para na akong papatayin at si Nana Martha lang ang gagamot sa mga sugat ko at yayakapin ako.

Walang asawa o anak si Nana Martha. Kaya ng magkasakit ito ay kailangan ng umalis nito sa amin para ipagamot siya ng mga kapatid niya. Kaya simula ng umalis siya ay nakakatulog na lang ako matapos akong saktan ng nanay ko.

"Nana, natatandaan mo pa ba yung request mo sa akin?" Banggit ko sa kanya ng hinihiling niya sa akin tuwing birthday ko. Siya kasi ang pinagwi-wish at pinagbblow ko ng candle ko sa tuwing birthday ko.

"Oo naman, anak." Sagot niya habang nililinis ang sugat ko sa braso.

"Ilan taon ka na po?" Natatawa kong tanong na siya naman niya irap sa akin.

"87"

"Tutuparin ko yun."

Sabi sa akin nung kapatid niya ay anytime daw ay pwede na siyang kuhanin ni Lord dahil palala ng palala ang cancer niya sa utak.

"Ang Makita kang nakasuot ng putting gown at si Nana Martha ang kasama ni Irish na maglalakad papunta sa lalaking mahal niya." Sabay naming sabi sa wish niya at parehas kaming tumawa.

One more step before I kill myself.

Hi! This a Tagalog and English language.

Expect a lot of grammatical errors. I'm sorry about that. If I'm already done in this novel, I will edit it.

Thank you so much! Take care.

Loucel_Beautycreators' thoughts