webnovel

Chapter 2

Irish's POV

IT'S already 3AM at gising na gising pa rin ang diwa ko habang nagseserve ng mga inorder na kape ng mga customer.

Amoy pa lang ng kape ay nagigising na ang diwa ko. Napaka-bango talaga!

"Thank you, Irish." Sabi ng customer habang nilalapag ko ang inorder niyang coffee at cake. Hindi na ako magtataka kung alam niya ang pangalan ko dahil may nameplate akong suot.

Tumango lang ako ng hindi ngumingiti. Pabalik na ako sa kusina para sana kuhain ang mga order ng Makita ko ang manager naming na umiiling sa akin.

"I told you to smile. Nakakatakot ang mukha mo. Mas maganda kung nakangiti ka." Sabi nito ng makalapit ako. Isinawalang bahala ko ito dahil kahit hindi naman ako ngumiti ay hindi naman ako papaalisin dito.

Hindi talaga ako ngumingiti noon pa. Walang emosyon ang mukha ko. Kaya hindi ako nagtataka kung wala akong kaibigan sa pinapasukan ko dahil walang nagtatangkang magkamali na kaibiganin ako. Kahit na merong sari-sariling mundo ang meron sa amin.

10PM to 5AM ang oras ng pasok ko rito sa coffee shop. Full time ako rito at pasalamat na lang ako dahil kahit hindi ako ngimingiti ay pinayagan akong magtrabaho sa shop na ito.

"Hi. Pwede pa ako makahingi ng extra sugar?" Pakiusap ng lalaking customer habang nilalapag ko ang order niya coffee.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanyang pakiusap at tumalikod na. Pagdating ko ng counter ay kinikilig ang mga kasamahan ko.

"Ay, be! Ang swerte mo naman nakausap mo yung pogi." Malanding sabi ni Cheska – isa rin sa server katulad ko.

Tinignan ko kung saan nakalagay ang sugar kaso wala ng nakalagay sa lagayan nito kahit ang coffee mate kaya kumuha muna ako sa stock room atsaka nilagay ito sa lagayan nito.

"Gwapo sana kaso may suot na malaking salamin. Tas tignan mo yung sapatos, hindi ba marunong maglinis? Kumukupas na ang kulay ng suot na polo. Tas ang gulo pa ng buhok!" rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ko.

Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa lalaking humingi ng asukal.

Ano naman kung luma ang suot niya or kung madumi ang sapatos? Baka galing sa trabaho ang tao.

"Sir, excuse me po. Ito na po yung extra sugar." Binigay ko na sa kanya ang asukal at tumalikod na.

"Ano amoy niya, be?" Tanong ni Cheska. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ayy!! Ayaw magshare."

NANG mag-alas singko na ay nagbihis na ako pantalon at tshirt atsaka lumabas na ng shop. I don't have any cents right now kaya kailangan kong maglakad pauwi. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ko sa pinagtatrabaho ko. Atleast 3 hours walk ay pwede ka ng makauwi.

Umupo muna ako sa park na malapit lang sa shop dahil nararamdaman kong anytime ay babagsak ako sa pagod. 48 hours na akong walang tulog dahil kailangan kong tapusin yung OJT at meron pang pina-eedit sa aking video na kailangan ng matapos agad kaya tinapos ko ng yun agad habang may oras pa dahil sa gabi ay kailangan kong magtrabaho.

"Jhayyy!!!"

Napamulat ako ng mata dahil sa lakas ng tawag ng kung sino man yon ay Nakita ko ang isang batang nasa gitna ng kalsada habang pinupulot ang laruan niya.

Shet!!! May sasakyan na paparating!!! Fuck. Ako lang ang malapit.

Wala na akong inaksayang panahon kaya tumakbo na ako palapit sa bata.

Hindi ko na alam ang nangyari basta ang naramdaman ko ang katawan ko na lumutang.

"Miss!!! Wake up."

Binuksan ko ang mga mata ko kahit nahihirapan ako. Nginitian ko ang lalaking nasa harapan ko.

Ang gwapo niyang mag-aalala.

Nanghihina akong umupo.

"Miss, wag kang umupo!!" Natatarantang sabi ng lalaking nasa harap ko.

Imbes na sundin siya ay tumawa lang ako.

Nakita ko ang bata sa tabi niya.

"Okay ka lang ba?"

Tinanguan niya ako.

"Thank you po."

Sarap sa feeling na may nagpapasalamat sa'yo.

Walang pag-aalinlangang tumayo ako at naglakad pabalik kung saan iniwan ko ang gamit ko.

"Fuckk!!! Miss, dumudugo ang ulo mo at marami kang gasgas. Dadalhin kita sa hospital!" Narinig kong sigaw nung lalaki.

Talaga dumudugo ang ulo ko? Kinapa ko yung ulo ko at meron nga ako dugo sa bandang noo.

Marami rin akong gasgas sa braso at wala na ang isang pares ng itim kong doll shoes.

May nararamdaman ako sa katawan ko pero hindi ko alam kung ano ba yun. Lalo na sa bandang ulo ko.

Dinampot ko ang bag ko at bumalik sa kalsada para hanapin ang sapatos ko. At nang Makita ko na ito ay agad ko itong kinuha at nakitang sira na dahil bumuka na ito. Hays!!! Sinuot ko pa rin ito at pinagtyagaan. Maglalakad pa ako pauwi!

"Miss, sabi ko sa'yo dadalhin kita sa hospital. Kailangan kitang ipagamot!" Gigil nitong sabi na nasa likuran ko na pala.

Hinarap ko ito at nginitian.

"Wala naman akong nararamdamang masakit sa katawan ko kaya hindi na kailangan. Atsaka dumudugo lang naman ang ulo ko hindi naman ito kailangan dalhin agad sa hospital. Trust me, wala lang ito. Ang bata ang dalhin mo sa hospital. Bye!" Nakangiti kong sabi sa lalaking gwapo.

Nang may papalapit na taxi ay agad ko itong kinawayan at tumigil naman ito sa harap ko.

Muli kong tinignan ang mukha niya at eksaktong nakatingin din siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Bye, Batman!!!" Sigaw ko sa lalaki at sumakay na sa taxi.

Kailan kaya siya ulit oorder ng kape ng ako ang naka-duty para mag-serve sa kanya?

Hi! This a Tagalog and English language.

Expect a lot of grammatical errors. I'm sorry about that. If I'm already done in this novel, I will edit it.

Thank you so much! Take care.

Loucel_Beautycreators' thoughts