webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Umum
Peringkat tidak cukup
133 Chs

EPILOGUE

...

So this will be the last part. Thank you so much sa lahat ng sumubaybay at nanatili kahit na sobrang bagal kong mag-update. Actually this is my first story (tho Book 2 na 'to) kaya naman ang dami ko pang dapat i-improve. But, thank you so much sa lahat ng nagsasabing magaling akong manunulat! Your comments mean so much to me like you ever think. Thank you so much!

Please support my other stories! Meron akong panibagong isinusulat, 'yong "SA BUS, PAUWI" :)

...

Umaga pa lang nang bumyahe ako pa-Maynila dahil 10 AM ang una naming klase. Nasa tapat na ako ng gate ng UP nang tumawag si Richard. Agad akong napangiti, alam ko na kasi 'yong sasabihin niya.

"Yes?" sagot ko habang pinipigilang mapatawa. Narinig ko ang ubo niyang halata namang peke, pati 'yong pagsinghot niya kuno. Hahahaha!

"You're so cruel." reklamo niya. "Paano mo nagagawang hindi muna ako daanan bago pumasok?"

Muntik na akong humagalpak sa sobrang pabebe ng boses niya. Para siyang batang hindi sinundo ng magulang niya.

"Syempre mahalaga ang paga-aral." pang-aasar ko. "Pupuntahan naman kita mamaya ng 2 PM after class, okay?"

"Tagal pa." aniya sabay singhot.

"Anong matagal? Ilang buwan nga nakapaghintay ka."

"Ehhhhhhh iba 'yon!" sagot niya. Tinakpan ko na 'yong bibig ko para pigilan ang sobrang pag-ngiti. kailan pa ba natuto ang isang 'to ng pagpapabebe? HAHAHAHAHA! Naririnig niya kaya ang sarili niya? "Are you laughing?"

Tinikom ko ang bibig ko.

"No." sagot ko. Pfft. "Sige na, papasok na ako."

Napailing-iling ako habang naglalakad papasok ng university. May naisip na naman akong kalokohan, hahaha. Tinawagan ko si Kuya Maximo. Syempre kinuha ko na rin ang number niya kay Richard para sa kanya ko na lang ito hahanapin tuwing hindi ko alam kung nasaan ito.

"Young lady." aniya.

"Hi Kuya Max! May sakit daw po si Richard?"

"Talaga? Parang okay naman siya noong huli ko siyang hinatid kahapon sa kwarto niya?"

"Nilalagnat daw po siya e, favor naman Kuya Max," sabi ko at natatawa na talaga ako. "Pwede niyo po bang sabihin iyon kay Sir Alfred Lee? May pasok po kasi ako hanggang 2 PM kaya baka kailangan po siyang alagaan. naisip ko po baka ito na 'yong perfect time para magkabonding silang mag-ama."

"Mukhang magandang ideya nga iyan," ani ni Kuya Max. "Hayaan mo't makakarating."

"Thank you Kuya! Huwag mo na lang po munang sabihin kay Richard kasi alam mo naman po 'yon, hehehe."

Pagdating ko sa room ay nandoon na sina Rocel, Blesse, Lea at Charles. Tumabi ako sa kanila.

"Ayraaaaaaaaa~" salubong n'ong tatlo. "Kamusta ka na? Grabe 'yong nangyari sa 'yo!"

"Okay na ako~" tumatawang sabi ko habang patuloy sila sa pagyakap sa akin. Si Charles ay tumatawa lang sa gilid. "Nakapagpahinga na nga ako ng isang week diba?"

"Kahit na! Dapat 1 month e para sure!" sabi ni Lea.

"Ang OA naman!" tawa ko. 

Tingin ko ay napakabagal lumipas ng oras, siguro dahil ang totoo ay namimiss ko na si Richard. Tiniis ko lang naman ang sarili ko para asarin siya at para i-set up silang dalawa ng daddy niya e.

Ngiting-ngiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa El Pueblo Dormitory.

"Oh, long time no see Ma'am." bati sa akin ni Kuya Guard. "Saan si Sir? Huwag niyong sabihing naghahabulan na naman kayo?"

Tumawa ako. "Kuya nahabol na nga diba? Wala nang makakawala kapag gan'on."

Ngumiti rin siya ng malawak.

"Naku, kinikilig naman ako sa inyong mga bata kayo." aniya.

"Hahaha, sige na kuya, pupuntahan ko siya sa itaas kasi nilalagnat daw e, kuno. Hahahaha!"

I smiled. Kung iisipin ay ang perpekto na ng lahat... Okay na ang relasyon namin ni Richard, payag na sa amin si Mama, bati na rin kami ni Jae Anne, at bati na rin si Richard at si Sir Alfred Lee---

"Bakit ka nandito?!" narinig kong sigaw ni Richard noong inopen ko ang pintuan niya. Natigilan ako saglit at kinabahan.

Nag-away ba sila ng daddy niya? Hindi pa rin ba sila okay?

"Ang sabi ni Maximo may lagnat ka raw. Heto at nagdala ako ng  mga pagkain-"

"Ehhh, Daaaaad naman! I'm okay!" narinig kong reklamo ni Lee-ntik.

Napangisi ako.

"So, wala ka naman pala talagang sakit?" sabi ko saka na ako lumabas sa pinagtataguan ko kanina. Napatingin silang dalawa sa akin saka umubo ng peke si Richard.

Lakas talaga ng isang 'to, hahaha!

"Oh, hija!" bati sa akin ni Sir Alfred Lee. Ngumiti ako dito at lumapit upang makipagbeso.

"Hello, Sir--"

"You can just call me tito, hija." natigilan ako saglit sa sinabi niya. "Or dad, if you want."

This time ay ako naman ang napaubo. Napatingin ako kay Richard na nakasimangot habang nakaupo sa kama niya.

"A-Ahh hahaha. Sige po... t-tito... hehehe."

Natawa tuloy si Sir-- este, tito dahil halos manginig ang labi ko noong sinabi ko iyon.

"Anyway, kaya ako nandito dahil tinawagan ako ni Maximo at sinabi na may lagnat daw itong anak ko," aniya "Alam ko na kung bakit ako ipinagtatabuyan. May iba naman na palang maga-alaga. O siya, iwan ko na kayo."

aambang aalis na sana si tito nang pigilan ko siya.

"Hindi po tito," nanlaki mata ni Richard dahil sa sinabi ko. Pinigilan kong matawa. "You can eat with us po."

"What? Ayra!" reklamo ni Richard.

"Syempre po may lagnat siya, he needs her dad."

Tatawa-tawang tumango lang si Tito sa amin. "Oh eh, kung gan'on tara na't kumain. Hehehehehe!"

Habang kinakain namin 'yong pizza e talagang busangot ang mukha ni Richard. Hahahaha! Pinagti-trip-an tuloy namin siyang dalawa ni Tito. Lumipas ang halos isang oras na nagusap at nagtawanan lang kami tungkol sa nakaraan... my heart was filled with happiness...

Parang dati lang... nangangatog pa ang tuhod ko tuwing nakikita ko siya. Parang dati lang, galit na galit pa siya sa relasyon namin ng asawa niya.

But now, everything was different...

Naisip ko tuloy si Tita Dianne. Oo nga't may kasalanan siya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila okay ni Mama... but I wanna thank her for revealing the truth.

Hinahangaan ko siya sa pagsasabi ng katotohanan imbis na itago niya ito habangbuhay. Those heartbreaking revelation was indeed a blessing in disguise.

"Hay buhay," ani ni Tito Alfred pagkatapos tumawa. Tumayo na siya saka tumingin sa aming dalawa ni Richard. "O sige na, aalis na ako't baka sobrang galit na naman itong anak ko sa akin." sabi niya habang tatawa-tawa na naman.

Nakita ko kung paano umirap si Richard, hindi ko tuloy napigilang tumawa rin.

"Hayaan niyo 'yan, baka may dalawa lang. Hahahaha!" pang-aasar ko na naman. "Dito na ho kayo magpalipas ng gabi."

"Ayra!" saway na naman ni Richard. Humalakhak lalo ni Tito Alfred.

"Hay nako, ang mga babae nga naman." anito na ipinagtaka ko.

"Po? Bakit ako?"

"Wala, hija." aniya at kinuha na ang attachicase niya. Nagtatakang sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalapit siya ng kaonti sa pintuan. "Syempre I'm still Richard's father... so I'll do my son a favor."

Saka niya binuksan ang pintuan, pero bago niya isara ay mapaglarong ngisi ang iniwan niya.

"Gusto ko ng lalaking apo, ha?"

Tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi ni Tito Alfred.

"Titooo!"

"Hahahaha~ Sige na!" saka kumindat at tuluyan nang lumayas.

Napatingin naman ako kay Richard na ngayon ay nakangisi na rin at prenteng nakaupo sa kama niya. Ako naman ay nasa dining table lang hindi kalayuan sa kanya.

"What?" masungit kong tanong sa kanya. Ilang seconds niya lang ako tinignan tapos tinapik niya yung space sa tabi niya, na para bang sinasabing umupo rin ako doon.

"Come here, you naughty woman." aniya.

"Yoko nga." pagmamatigas ko, pero deep in side natatawa na ako... na kinakabahan, hahaha. "Wala ka namang lagnat diba? Baka pagalitan ako ni besty, punta na ako sa room namin."

Tumayo ako at pupunta sana sa pinto pero tumayo rin siya't niyakap ako mula sa likod saka kiniliti ang tagiliran ko. Napatili ako sa kakatawa at kakaiwas sa pangingiliti niya.

"Richard~ aaaahhhckkkk hahahaha! Huy! Tama na!"

"Hahaha, akala mo matatakasan mo ako ha?" aniya habang kinikiliti pa rin ako sa tagiliran. I tried my best para iwasan yung kamay niya but in the end ay nayakap niya pa rin ako,

"Ahhhckkk tama na!!! Hahahahaha hindi na ako makahinga!"

hanggang sa namalayan ko na lang na napahiga na kaming dalawa sa kama at siya ang nasa ibabaw ko.

Natigil kaming dalawa sa pagtawa noong nagtama ang nga mata namin. Pareho kaming naghahabol ng hininga pero mas maingay pa rin ang tibok ng puso ko at ng puso niya.

"Edi bibigyan kita ng hininga," aniya saka ko naramdaman na naglapat ang mga labi namin. Saglit lamang iyon ngunit napakatamis.

"I love you, Ayradel." aniya habang pinagmamasdan ang buo kong mukha.

"Saranghae." sagot ko naman. Halos matawa ako noong medyo kumunot ang noo niya.

"Thank you lang ang---" aniya kaya naman agad ko siyang kinurot sa ilong.

"I love you..." sabi ko. "Akala mo hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng salitang 'yan ha? Akala mo hindi ko alam na mahal mo na ako nung time na sinabi mo sa akin 'yong word na 'yan. Hahaha suuuuuus!"

"Hindi kaya..."

I pouted. "Ano ba 'yan, hindi na lang um-oo."

He chuckled, "I love you since I put a horn-prank on you, the moment our eyes met. I can't truly say when it is. What I'm sure was... my love for you grow bigger the moment I sat beside you..."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sobra lamang iyong ninamnam ng puso ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nagpaparamdam sa iyo ng ganito, yung mahal na mahal ka niya at hinding hindi siya magsasawa sa iyo.

"Kaya hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Hinding-hindi na. Magiging magkatabi tayo sa lahat ng bagay, sa upuan sa classroom, sa movie house, sa kotse..." natatawa ako dahil sa mga sinasabi niya. "Sa simbahan..." natigil ako sa pagtawa upang pagmasdan ang mata niyang punong-puno ng pagmamahal para sa akin.

I smiled also and massage his cheek.

"Hmm." tumango ako. "Dito lang rin ako palagi sa tabi mo. Hindi rin ako mawawala."

"Pero sa ngayon... magtatabi muna tayo sa kama. Hehehe~"

Tawang-tawa ako pero napigilan na noong naglapat na naman ang labi naming dalawa. "Richaaard~"

"Gusto raw ni daddy ng apo diba? Pagbibigyan lang natin!"

- End -