webnovel

Sick

Kinabukasan ay sinundo ako ni Richard upang puntahan ulit si Jae Anne. Hindi na namin pa sinabi kina Mama at Papa ang nangyari para hindi na rin sila mag-alala, lalo na si Mama na kilala si Jae Anne. Pagdating doon ay si Jayvee pa rin ang nadatnan namin, ni walang bakas ng kung sinong kamag-anak niya ang dumalaw.

"Pinuntahan ko ang bahay nila Jae Anne ng mga bandang 9 PM para maabutan ko ang Tita niya..." kwento ni Jayvee. "Sinabi ko sa kanila ang nangyari kay Jae Anne pero ang sabi lang nila ano na namang pgi-inarte ang ginawa ni Jae Anne."

Parang kinurot ang puso ko sa kwentong iyon ni Jayvee.

"Wala silang pakialam kahit ano pa raw ang mangyari sa kanya..." tumingin si Jayvee sa wala pa ring malay na si Jae Anne. "At wala raw silang balak bayaran ang kung anumang gastusin dito sa ospital."

"Anong sinabi mo?" tanong ni besty. "Kung ako ang nand'on malamang ay binigwasan ko na ang mga iyon!" sabi ni besty.

"Ang sabi ko lang wala na silang kailangang problemahin sa gastusin dahil si Richard naman na ang bahala, sabi ko ay kung pwedeng dalawin man lang nila si Jae."

"O anong sabi?" besty.

"Wala raw silang oras." sagot ni Jayvee.

"Aba talaga naman! Anong klaseng tita 'yon? Jusko!"

"At ayon, pinagsarahan na ako ng pinto." dugtong niya pa.

"Kawawa naman si Jae Anne," komento ko. "Pero ni minsan ay hindi ko nahalatang may ganito siyang pinagdadaanan dati pa."

"Maging ako ay hindi alam lahat ng 'to," sabi ni Jayvee. "Ngayon ko lang nalaman noong naghiwalay na kami."

Lumipas pa ang ilang araw na hindi pa rin siya nagigising. This time ay pumunta lang akong mag-isa para dalawin si Jae Anne, si besty raw ay may kailangang gawin, samantalang si Richard naman ay bumalik na sa Maynila para punan ang ilang araw na absent siya. Ako naman kasi ay pinayagang magpahinga muna ng isang linggo dahil nga sa aksidenteng naganap. Nagpapasalamat pa nga ang university dahil hindi kami nagreklamo dahil sa aksidenteng nangyari sa akin.

Ginamit ko ang libreng mga araw na iyon upang bantayan si Jae Anne. Si Jayvee rin ay hindi na nakapasok ng ilang araw upang magbantay, sinabi na raw niya sa school ang nangyari kay Jae Anne, na walang magbabantay rito kung hindi siya lang. 

"Sige na, kumain ka muna Jayvee... ako nang bahalang magbantay. Kumain naman na ako e." sabi ko kay Jayvee.

"Salamat talaga Ayra ha?"

"Naku, wala 'yon!" sabi ko. "Sige na."

"Babalik rin ako agad, magte-take out lang ako ng pagkain."

Tumango ako bago siya lumabas ng tuluyan. Ngumiti ako at pinagmasdan si Jae Anne. Kahit kailan talaga ay napakaganda niya, kahit maputla ang labi niya, kahit malalim ang mga mata niya. 

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Hinaplos ko iyon ng marahan.

Sana magising ka na, Jae Anne. At sana sa paggising mo, maramdaman mo na ang sayang nararapat sa 'yo. 'Yong deserved mo.

Nakatingin lang ako sa mukha niya nang maramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko at binitawan ko iyon upang kumpirmahin ang naramdaman ko.

Totoo nga. Gumalaw ang kamay niya!

Dali-dali akong lumapit sa telepono upang tumawag ng doktor.

"Jae Anne..." tawag ko kay Jae Anne noong unti-unti nang dumidilat ang kanyang mata. I held her hand saka ko siya matamis na nginitian. "Jae Anne, gising ka na..." sambit ko.

Doon na rin dumating ng doktor pati na rin si Jayvee.

"Anong nangyari?" natataranta niyang tanong noong pumasok siya. I smiled on him.

"Gising na si Jae Anne."

Dali-dali siyang lumapit sa kama ni Jae Anne at tinanong ang doktor.

"Doc, kamusta siya?"

Ngumiti ang doktor sa amin pagkatapos i-check si Jae Anne. "She's okay now. Kailangan niya na lang muna magpahinga at magpahilom ng sugat ng kaonti, and in a day or two, pwede na siyang lumabas ng ospital." ngumiti kami dahil sa sinabi ng doktor. "But... may I talk to the family of the patient?"

Nagtinginan kami ni Jayvee.

"She don't have a family. I-I... am her family. I am..." tumingin si Jayvee sa akin. "...the patient's boyfriend."

Tumango ang doktor. "Okay, let's talk outside about her condition."

Noong tumingin sa akin si Jayvee ay tumango ako sa kanya bilang go signal na ako na'ng bahala kay Jae Anne.

Noong lumabas ang doktor kasama si Jayvee ay agad kong nilapitan si Jae Anne. Dilat na siya at marahang tinitignan ang paligid na para bang inaalala kung paano siya napunta rito.

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" aniya na sobrang hina.

"Nasa ospital ka," sagot ko. "Kami ang nagdala sa 'yo rito."

Tumingin siya sa direksyon ko. Ilang sandali noong biglang may tumulong luha sa mata niya. Agad akong nataranta.

"J-Jae Anne..."

"Bakit niyo pa ako binuhay?! Ayoko na! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang mamatay!" aniya habang umiiyak na. Biglang kinurot ang puso ko at namalayan ko na lang rin na tumutulo na rin ang luha ko. Sinubukan kong hawakan siya.

"Jae Anne... wag mong sabihin 'yan!"

"Bakit pa?" aniya na humihikbi. "Wala na'ng kwenta ang buhay ko. Wala nang rason para mabuhay pa ako."

"Meron pa, Jae Anne. Nandito pa kami, lalo na si Jayvee... hindi mo ba naiisip? Mahal ka ni Jayvee, kung hindi bakit sa tingin mo babantayan ka niya dito ng ilang araw?"

Medyo tumahimik siya mula sa pag-iyak.

"Naaawa lang siya sa akin, Ayra. Naaawa lang siya sa kin."

Marahana akong umiling-iling. "Shh, huwag mong isipin 'yan. At nandito kami. Nandito ako, pwede mo kaming maging kaibigan. Pangako." lumingon siya sa akin gamit ang luhaang mga mata.

"Paano mo nasasabi 'yan? Marami akong kasalanang ginawa sa 'yo." aniya. "Ako ang nagpadala ng litrato niyo ni Richard sa Mama mo."

Ngumiti ako, "Wala na iyon--"

"Ako ang naninira sa 'yo sa Tironian Sites, naaalala mo ba? 'Yong Anonymous?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ako ang may pakana ng lahat ng paninira tungkol sa 'yo. At ako rin ang nagbagsak ng vase sa ulo mo. Because I hate you! I wanna hate you so much!"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Matapang niyang pinunasan ang luhang tumutulo mula sa kanyang mata, ngunit nang ginawa niya iyon ay may luha lang ulit na tumulo.

"But you are such a good girl. You're a good girl even on a girl's perspective! That's why I can't hate you more. I did something terrible to you but the more I do that, the more I hated myself! The more I don't want to continue this life!" dugtong pa niya. "Ano?! Pinapatawad mo pa rin ba ako? HA?!"

Lumunok ako at ngumisi.

"Oo. Pinapatawad pa rin kita." matapang rin na sagot ko. "E ikaw? Pinapatawad mo na ba ang sarili mo? Jae Anne, matagal nang nangyari iyon! Ngayon kung iyon ang dahilan kung bakit hindi mo mapatawad ang sarili mo ay bitawan mo na. Please, patawarin mo na rin ang sarili mo."

 Mas lalong bumuhos ang luha ko lalo na noong makita ko ang mugto niyang mata. Ilang sandali kaming hindi nagsalita. Sinubukan kong laksan ang loob ko.

"Please, Jae Anne... please..."

Pagkatapos ay pinunasan ko ang luha ko upang tumayo. Nakatalikod na ako noong tawagin niya ulit ako.

"Ayra..." aniya. Natigilan ako at lumingon. Mayroon na namang luhang lumandas sa kanyang mga mata. "S-Sorry..." nagsimula ulit siyang humikbi. "Sorry! Sorry sa lahat! Patawarin mo ako."

Ngumiti ako at lumapit ulit sa kanya upang bigyan siya ng yakap habang siya ay nakahiga. Sinubukan niyang bumangon ng kaonti upang yakapin ako pabalik. Mas lalong lumakas ang palitan namin ng iyak.

"Sorry..." aniya pa.

"Okay lang Jae Anne... tahan na..." I pat her back.

Nang makabalik si Jayvee ay tumahan na kaming dalawa ni Jae Anne, sinubukan kong makipagkwentuhan sa kanya at sobrang saya ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Nagkwentuhan na rin kami kasama si Jayvee. Noong maghapon na ay tinext na ako ni Mama na umuwi na dahil kailangan ko pang pumunta ng Manila bukas para sa school.

Mayroon ring texts mula kay Richard na kanina pa pala at ngayon ko lang nabasa.

"I miss you. What are you doing?"

"Ang boring dito sa school, and some girls are trying to flirt on me. I'm yours right? Hehe. I'll tell them I'm yours :* "

Natawa ako dahil doon. Pero mas natawa ako sa last niyang tinext.

"I think I'm sick :( Care to visit me tomorrow in my room?"

Hay. Ang lakas talaga ng trip mong Lee-ntik ka. Hahahaha.

Next chapter