webnovel

CHAPTER 6

Chapter 6: Accident

________________________

Sabog akong nagising sa umaga.

Halos wala na nga akong tulog nang dahil da tumawag sa'kin kagabi eh. Tsk.

It's mom.

Nakarating na naman sa kaniya lahat ng mga kabalastugang nagawa ko sa babaeng hindi ko kilala. Kaya ayon, Bunganga ng nganga na naman siya na para bang nakikita niya talaga lahat ng ginagawa ko.

Pake ko ba sa kaniya?

Honestly, galit ako sa mga babae at siya ang naging dahilan no'n. Kundi dahil sa kaniya, buo pa sana ang pamilya namin ngayon, nang dahil sa ka niya nasa iisang bahay na sana kami ngayon kasama si dad.

Pero wala eh.

Nagloko talaga siya. Pareho silang owner ng school ko, ang alam ng lahat ay happy family kami at walang problema Ngunit ang hindi nila alam, wasak na pala kami--hindi buo. Baka ano na naman yang iniisip niyo. Libog niyo naman.

So ayon nga, Pinagalitan ako kagabi kaya hindi ako natulog. Gano'n kasi talaga ako pag pinapagalitan eh, Hindi ako natutulog ng maayos..

Hindi ko namalayang Isang oras na lang pala bago mag s-start ang klase kaya dali-dali akong naligo at nagbihis., Wala ng agahan mamatay rin naman tayo--jk. Do'n na lang ako sa canteen mag-breakfast.

Pagkadating ko sa skwelahan ay agad kong hinanap ang mga barkada ko.

Pagdaan ko pa lang sa hallway ay agad na nagsi-bulungan at nagtilian ang mga kababaehan--Ganyan talaga pag-gwapo. tsk

"Aray!"

"Shit!"

"Potek!"

Nahanap ko kaagad sila kaya pinag-babatukan ko sila isa-sa at ganyan ang naging sabi nila.

Kala nila nakalimutan ko 'yong hindi nila pag-gising sa'kin ah.

"Oy! ba't mo kami binatukan dre, huhu ang gwapo ko pa naman ngayong araw na'to," Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa naging sambit ni dero.

Anong connect ng kagwapuhan niya?

Maya-maya'y agad nilang iniwas ang tingin nila sa'kin nang siguroy may natandaan sila. See? Guilty ang mga tukmol.

"Sorry na! huhu" Biglaang sambit ni Anthon na naging sambit rin dalawa.

Tinanguan ko na lang sila at agad na kaming pumunta sa canteen para mag-agahan. Ganito naman palagi ang routine namin simula nung highschool pa lang kami.

Pagpasok namin sa loob ng canteen ay wala kaming narinig ni kahit anong ingay--nanininago ako. Tiningnan ko ang buong paligid at parang alam ko na kung bakit hindi namin nakuha ang kanilang atensiyon.

Sa isang gilid ng cafeteria kung saan malapit sa despenser ang may kaguluhan. Pinapalibutan ito ng mga usisiro't usisira. Hindi ko pa man nakikita kung anong nangyari ngunit parang alam ko na kung sino ang taong pinagkakaguluha nila base sa tinig nito.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo," Mahinahong saad niya.

Tiningnan ko kung sinong kalaban niya at ang queen bee 'kuno' pala kasama ang mga alipores niya. Akmang tutulungan ng tatlo kong kaibigan si unknown girl nang pinigilan ko sila.

Kita kasing basa na ang mga gamit nito at pati na rin ang damit niya. Kita rin ang iilan pang spagghetti na nasa uluhan niya na dahan-dahang nagsituluan.

"oh talaga? walang ginagawang masama? Eh ano ang 'tong naririnig ko na nagpapa-pansin ka raw sa prince naming si kendrick?" Sagot ng leader-leaderan nila.

Nangunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya. Ako? Pake ko ba sa babaeng 'yan? tsk. Sinenyasan ko na lang ang barkada kong kumain na lang kami dahil nagugutom na ako.

Limang hakbang pa lang ang nilalakad namin nang may narinig na kaming paghampas ng kung ano, tiningnan ko ulit kung ano ng nangyayari sa kaguluhan ngunit agad akong napatakbo ng makita kong nabagsak na 'yong babaeng hindi ko kilala.

Bubuhatin ko na sana siya ngunit nakita konf binuhat na pala siya ni jacob. Umiling na lang ako at nagtagis ang bagang ko nang may nakita akong dugo sa kinabagsakan niya kanina. Agad akong humarap sa babaeng nanghampas sa kaniya at pinanlisikan siya ng mata.

"Sa susunod na galawin mo ulit siya, ako ang makakabangga mo! got it?" Wala sa sariling sambit ko at napatango na lang siya.

Nabalik ako sa reyalidad nang may naramdaman akong tapik sa balikat ko.

"Sa susunod na galawin mo ulit siya, ako ang makakabangga mo! got it?" Pag-uulit ni dero sa sinabi ko kanina kaya sinapak ko na siya.

Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin do'n. tsk.

"Buringog na 'yang utak mo dero! palibhasa puro ka lovelife!" Iiling-iling kong saad sa kaniya.

"Asus!" Rinig kong saad ni anthon na nagce-cellphone lang sa isang tabi.

kingina! teka nga-- sinabi ko ba talaga 'yon? Putcha.

At bakit ba may pake ako sa babaeng 'yon? tsk.

Magsama nila ni jacob!

TO BE CONTINUED....