webnovel

CHAPTER 5

Chapter 5:girls

________________________

"Oy bro! Nagising na pala kani-kanina lang 'yong babae," Wika ni Anthon nang nakaupo siya sa upuan niya na nasa tagiliran ko lang.

"k." Tanginang naisagot ko na lang.

Honestly, Nang nakita ko siya kanina sa field na pinapalibutan ng maraming tao ay naguilty ako. pero naalala ko ulit kung gaano kasakit ang pagbato niya sa'kin nung unang araw.

Pataasan to ng pride, men.

Alam na rin nang lahat kung sino ang may gawa no'n. And it's me. Bakit ko pa ide-deny? tss. Wala akong natanggap na kahit anong parusa, baka nga sila pa parusahan ko 'pag pinarusahan nila ako.

Hapon na pala ngayon at malapit nang mag-end ang class ngunit ngayon lang siya nagising simula nung first period. Oh diba? atleast nakatulog siya, dapat siyang magpasalamat sa'kin.

"Grabe ka talaga dre! Di ko akalaing magagawa mo 'yon," Sabat naman ni dero na nasa unagan namin.

Pake ko ba sa kanila?

Kinuha ko na lang ang earphone ko at naghintay kung kailan ang uwian. Nakapagdesisyon na ako, huli na 'yon. Pero 'pag may gagawin ulit siya sa'kin ay hindi ako magiging santo para hayaan na lang siya.

Hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako at naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman akong kalabog sa paligid ko. Tiningnan ko kung anong oras na at nanlaki ang mata ko nang makitsng lagpas na ng 20 minuites simula nang oras ng uwian namin.

Lintek! ba't di ako ginising ng mga tukmol? arg!

Nabalik ako sa reyalidad ng may narinig ulit akong kalabog sa likuran ko. Napapikit na lang ako at nagdasal jusko! Mas natatakot ako sa patay kaysa sa buhay.

H'wag naman po sana ninyo akong multuhin. Natatakot na ako.

Pilit kong hinahagilap kung nasaan na ang cellphone ko aaa naman may matawagan lang sko bago ako multuhin.

'Nasa'n ka naba cellphone!!!'

Nanginig ako at para bang tinakasan ng hininga nang may naramdaman akong nakakiliting hininga sa leeg ko.

'Shit! shit! shit! arrrg! mamatay na ata ako!'

Pumikit lang ako at nagdarasal habang tagaktak na ang pawis sa aking nuo at nanginginig na 'rin ang aking mga kamay.

Napasigaw ako sa takot ng may naramdam

akong kamay sa balikat ko na maharahang tumatapik.

"What the fu---"

"HAHAHAHAHAHAH"

Napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang nakakarinding tawa ng sino mang hinayupak na nangmulto sa'kin.

Tumingin ako sa likod ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang mukha niya. pakengpotekingina! Arg!!! Nag-aalab ang galit sa loob-loob ko nang makita kong wala pa rin siyang balak tumigil sa pagtawa.

Sinipa ko ang isa sa mga upuan na naging sanhi ng pagtikom ng bibig niya.

"uh ow!" Walang gana niyang sambit.

"hoy!" Nangangalaiti ko na talagang saad sa kaniya.

Kinalma ko muna ang sarili ko at baka masapak ko pa ang babaeng 'to ng wala sa oras. Humarap siya sa'kin na may nakakarinding ngiti.

"Whateriest?" tanong niya.

Pakingpotek! Alam ba ng babaeng 'to kung pano mag-english ha!? tsk.

"Ba't mo ginawa sa'kin yon!?" Pasinghal kong saad sa kaniya at nakita ko na mang napaatras siya.

"Ang ano?" Aba naman! Nagmaang-maangan pa. pakengpotek!

Sisinghalan ko na sana ulit siya pero dali-dali na niyang kinuha ang gamit niya at agad kumaripas ng takbo sabay tingin sa relo niya--parang may hinahabol na kung ano. Tutuloy na sana siya sa pagtakbo niya ngunit agad siyang tumingin sa'kin ng nakangiti.

Pakengpotek na ngiti 'yan! Gusto kong burahin

" Babyers Classmate! Ingat for your ride. Eat you dinneriest, well. babosssh!"

Saka siya tuluyang nawala sa paningin ko.

Potek na unknown girl! Lagot ka sa'kin bukas. psh!

Walang pasabing kinuhs ko na rin ang mga gamit ko at pumunta sa parking para kunin ang kotse ko at umuwi na.

****KENDRICK's CONDO****

Kanina pa ako nakauwi at nandito na ako ngayon sa condo ko. Yep! May sarili na skong condo, first year college na ako eh. teka nga-- ba't ba kita sinasabihan nito? tsk. It's your obligation to know me, remember? psh.

So ayon nga, nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakatulala sa kawalan.

Maghanda kana para bukas unknown gir--

*Ring

*ring

*ring

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko sa isip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot kahit na hindi ko nakita kung sinong caller.

"Anak..."

Fuck!

TO BE CONTINUED....