webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

genhyun09 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
23 Chs

Chapter 14: Concern

CED'S POV

Lunch time na namin kaya agad kaming dumiretso nina Kaello, Matt, Oscar at Johndro sa cafeteria. As usual, habang papasok kami ay pinagkakaguluhan na naman kami ng mga babae. Binalewala ko lang ang apat sa kanilang harutan at nauna ng umupo sa aming pwesto dito sa cafeteria.

Habang naglalandian silang apat doon ay kinuha ko na ang lunch box na hinanda ni Feira para sa akin. Pagbukas ko, nakita ko ang isang sandwich na ako lang din naman gumawa. May note pa doon na nakasulat.

'Pasensya na ha? Yan lang nakita ko sa mesa. Magpakabusog ka, Asawa ko.'

"Tss!"

Kinuha ko iyong note at itinago sa bulsa. Nagtatawanang lumapit sina Kaello sa akin at umupo sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Uy! Yan lang kakainin mo?" tanong ni Kaello. Kinagat ko lang iyong sandwich na ito rin ang breakfast ko kanina. Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagnguya.

"Pahingi naman oh!" sabi ni Johndro at kukuha na sana siya ng bigla ko itong sinara. Muntik na nga maipit kamay niya.

"Ang damot!" nakangusong sabi ni Johndro.

"Hindi ka naman nagbabaon ha?" biglang singit ni Matt.

"Si Feira siguro naghanda ng lunch niya. Sandwich," tawang sabi ni Kaello. Napikon ako sa sinabi niya kaya nagsalita na ako.

"At least may naghahanda sa akin," seryosong sambit ko at nag-crossed arm sa harap nina Kaello at Matt.

"Eh, di ikaw na swerte," singit ni Oscar saka umiling-iling.

"Am I?" tanong ko at tinuro ang aking sarili.

"Si Jemea pinaghahandaan ka ba niya ng pagkain noon? Ikaw nga lang naghahanda ng pagkain sa kaniya. Swerte ka kay Feira," tawang sabi ni Kaello. Inaasar na naman ako ng ugok na 'to.

"Because he loves Jemea," biglang singit ni Johndro sa usapan.

"And Feira loves him," segunda ni Matt.

"The question is, do you love Feira?" tanong ni Kaello.

"Stop asking!" inis kong sambit at tinawanan lang ako ng mga ito.

"Palaisipan parin kasi naman kung paano at kailan mo siya naging asawa na imbis si Jemea," sabi ni Oscar sabay tingin sa taas na para bang nag-iisip.

"The day that I'm gone, I marry her. The end," maikli kong paliwanag.

Totoo naman sinabi ko. I'm just trying to be short but precise.

"So you left because you married someone else? You've realized that you are no one's puppet and tired of sailing alone?" tanong ni Oscar.

"Let's just say, you're right!" pagsang-ayon ko saka mahinang hinampas ang mesa gamit ang aking kanang palad.

"Wala kang kwenta kausap!" seryosong sambit ni Kaello sabay irap sa ere.

"Wala din kayong kwentang magtanong eh," sabi ko sabay inom ng can juice.

"Uuwi na si Jemea mamaya. Hindi mo susunduin?" tanong ni Oscar.

"I don't know. Marami pa akong gagawin. We still have a project to propose tomorrow morning. Magpokus kayo doon at huwag puro babae," seryoso kong sabi.

"She's going home alone. Iyong asawa niya di  sumama dahil may importanting bagay pa daw gagawin. Walang mag susundo sa kaniya sa airport," sabi ni Matt.

"Titignan ko lang," sabi ko at tumayo na.

"Mauna na ako sa classroom. Tatapusin ko lang ang report. Hindi ko isusulat pangalan niyo," sabi ko at bigla naman silang nagmaktol. Agaran silang tumayo at sinundan ako. Tinatawag pa nila ang pangalan ko ngunit hindi ko lang sila nilingon.

Mga walang ambag eh. Pabuhat lang lagi ang mga iyon.

Fast forward.

Uwian na at kaniya-kaniya na kaming punta sa aming mga sasakyan.

"Mauna na ako," pagpapaalam ko sa kanila.

"Sige, ingat! Pasyal tayo pagkabalik ni Jemea," sabi ni Kaello at tumango lang ako sabay pasok sa kotse. Pinaandar ko na ang makina at nagmaneho pabalik ng mansion.

Ilang oras lang ng pagmamaneho ay nakarating na ako sa bahay. Pinagbuksan ako ng gate ni Manong guard at nagmaneho papasok sa loob. Kitang-kita ko ang pine trees na nakahilera at sa di kalayuan ay ang mansion.

Nagpark na ako at bumaba sa kotse saka naglalakad papasok sa mansion. Nagdoorbell ako ng tatlong beses at pinagbuksan na ako ni Manang.

"Welcome back, hijo. Ipinaghanda ko na ang meryenda mo," nakangiting sabi ni Manang.

"Maraming Salamat po, Manang," sabi ko. Pupunta na sana ako sa dining area ng biglang nagsalita si Manang.

"Merong magandang babae na naghahanap sayo kaninang umaga. Nakita ko siya sa kusina kanina. Tinanong ko ang mga maids kanina kung may pinapasok ba sila, sabi nila, wala raw bumisita sayo kanina at wala silang pinapasok," kwento ni Manang. Napahilot nalang ako sa aking noo.

"Baka guni-guni niyo lang po iyon, Manang. Alam niyo na. Suot niyo ba eyeglasses niyo kanina?"

"Hindi, hijo."

"See? You didn't wear your eyeglasses at kung ano-ano nalang nakikita niyo," sabi ko at tipid na ngumiti.

"Sinuot ko naman agad iyon kasi nakasabit lang iyon sa akin. Ang ganda nga niya para siyang anghel," ani ni Manang.

"Ganon po ba? Sige Manang hayaan niyo na lang iyon. Gutom na po ako at pagod. Mauna na po ako," sabi ko at iniwan na si Manang sa may pinto.

Nilagpasan ko iyong sala at umakyat sa hagdan papunta sa silid ko.

'Ano ba pinaggagawa ng isang iyon at nakita ni Manang?'

Binuksan ko ang aking silid ngunit hindi ko siya nakita.

"Tss. Takot siguro mapagalitan kaya umalis," pagsasalita ko mag-isa at inilapag ang bag ko sa study table. Dumiretso ako sa banyo para mag-shower.

Tapos na akong nag-shower at lumabas na ngunit wala parin si Feira.

"Bwesit! Nasaan ba kasi iyon," inis kong sabi sabay kamot sa batok ko. Pumasok nalang ako sa walk-in closet ko at nagbihis.

Alas singko na ng hapon. Kakatapos ko lang mag meryenda ngunit wala paring Feira.

Naglalakad ako sa likod ng mansion at tinignan kung nasa garden ba siya pero wala.

"May hinahanap po kayo, Sir Lance?" tanong ng maid na naglilinis sa pool.

"Wala naman," sabi ko.

Wala rin siya sa pool area.

'Pambihira ka talaga, Feira! Kung aalis ka magsabi ka naman. Nakakagigil ka!'

Umiigting na ang aking panga dahil sa inis.

Naglakad nalang ako papasok ng mansion.

'Wala akong paki kung nasaan na siya,'

Nasa kwarto ako ngayon, nagbabasa ng libro. Inayos ko ang aking eyeglass at nagbasa ulit. Nilalaro ko ang ballpen at pinapaikot ito sa mesa. Tinignan ko ang orasan. Alas 7pm na ng gabi. Kinuyom ko ang aking kamay na may hawak na ballpen at hinampas ito sa mesa.

"Nasaan ka na ba?!" inis kong wika sabay tumayo. Kinuha ko ang aking leather jacket at sinuot ito.

"Saan ka pupunta, Lance? Nakahanda na ang dinner mo," sabi ni Manang pagkababa ko.

Lalabas na sana ako ng mansyon ngunit nakita ako ni Manang.

"Magpapahangin lang. Babalik po ako agad," sabi ko at lumakad na ako palabas ng mansion. Tinungo ko ang likod ng mansion saka binuksan ang gate na narito sa garden. Paglabas ko, mula sa malayo ay nakita ko ang gubat. Madilim pa naman roon. Hindi masyadong naaanigan ng buwan dahil sa makakapal na dahon. Ginamit ko ang cellphone pang-ilaw.

Nasa loob na ako ng gubat. Rinig na rinig ko ang iba't ibang ingay ng mga insekto sa gabi. Namamayani rin ang ingay na ginagawa ng mga owl at paniki.

Kahit tumatayo na ang balahibo ko sa batok ay patuloy parin akong pumasok hanggang sa narating ko na ang isang malaking puno na may malaking bato. Sakto lang na mauupuan at nakita ko si Feira na umupo don. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili para di ko siya masigawan at mapagalitan. Nakaupo siya doon at yakap ang kaniyang sarili.

"Galit na talaga sa akin si Ced," rinig kong salita niya.

"Kainis bakit ba kasi ako nakita eh!" Inis niyang kinamot ang likod ng ulo niya.

"Ano na ang gagawin ko? Sigurado akong galit iyon,"

"Mas magagalit ako kung hindi ka sasama sa akin pabalik ng mansion" sabi ko at agad niyang ingat ang ulo niya. Tumingin siya sa akin. Medyo di niya ako nakikita ng maayos dahil madilim talaga rito.

"Ced? Ikaw ba iyan?" tanong niya sabay tayo. Ipinikit ko ang aking mata at inilawan ko ang mukha ko sabay sabing,

"Ako nga."

"Bakit ka nandito? Delikado pa naman dito, Ced," alala niyang sabi.

"H-hindi ko naman inaalala ang sarili ko. Ikaw ang inaalala ko," sabi ko saka umiwas ng tingin sa kaniya.

Naglakad ako ng dahan-dahan papalapit sa kaniya. Pagkalapit ko sa kaniya ay agad kong hinawakan ang kanang kamay niya.

"Balik na tayo don," sabi ko sabay hila sa kaniya ng mahina upang maglakad siya kasabay sa akin.

"Hindi ka ba galit?" tanong niya. Hindi ako umimik dahil busy ako sa pag-ilaw sa dinadaanan namin.

"Diba takot ka rito. Bakit ka pumunta rito?" tanong niya.

'Hays. Ang ingay niya talaga,'

"Mas takot akong mawala ka," sabi ko at bigla siyang napatigil sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatitig sa akin.

"Don't give me that kind of stare! Sino bang hindi matatakot kapag nalaman mo nawawala ang asawa mo. Tss!" suplado kong saad.

Binitawan ko ang kamay niya at naunang naglakad.

"Sumunod ka sa akin!" utos ko at bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang pintig sa aking puso ko.

'Ano ba ang nangyayari sa akin?'

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me! And, have some idea about my story? Comment it and let me know. I wanna read your feedbacks regarding for this part.

genhyun09creators' thoughts