webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

genhyun09 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 13: Confuse

CED'S POV

Maaga akong nagising. Nakita ko si Feira sa ilalim ng kama na natutulog habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa may tiyan niya.

Hindi ko muna siya ginising at pumasok na sa banyo para mag shower. May pasok pa ako mamayang alas otso.

Lumabas ako ng banyo na naka half naked habang pinupunasan ko ang aking buhok. Pagtingin ko sa may kama ay nakita ko si Feira na nakatulalang tumingin sa akin. Iyong towel na pinupunas ko sa aking buhok ay agad kong ipinangtakip sa katawan ko. Si Feira naman ay dali-daling tumalikod at nakalutang papunta sa sofa at umupo ng nakayuko.

Di ko na siya pinansin at pumasok sa walk-in closet at nagbihis ng uniporme.

Paglabas ko ay di ko na siya nakita.

"Nasaan na naman ba iyon? Bigla-bigla nalang nawawala," inis kong sabi at lumabas na sa silid. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay bigla nalang tumunog at cellphone ko. Kinuha ko 'to sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Jemea.

"Yes?" agad kong sabi pagkasagot ko sa tawag niya.

"Uuwi na ako mamaya diyan. Can we talk personally?" tanong niya.

"Jemea, y-you're married now. If your husband found out that your talking to a man without his notice he'll be mad at you. I don't want to be the cause of your fight," seryosong sabi ko. Nakarating na ako sa kusina at busy sa paghahanda ng pagkain ko at kay Feira.

"Tinatanggap mo nalang iyon ng ganon-ganon lang. I thought you love me, Lance," parang naiiyak niyang sabi.

"It's hard to accept that you're not here with me. I love you so much, Jemea but we can't do anything about it. I told you everything changed now. My heart is in pain when you left me, and the pain is still here. I hate it cause something is confusing me now,"

"I did not left you. You just disappear without a trace. I've realized that you work too much for our relationship. Now, it's time for me to fight back. To fight my love for you. I'll divorce him. Let's continue our talk. I'll be heading there now. Please. Let's talk about this. Pick me at the airport at 9 pm," sabi niya at pinatay ang tawag.

I took a deep sigh, remembering everything is in a mess now. Everything turn out to be confusing. I'm confused right now. I love Jemea but I don't want to hurt Feira.

Bitbit ko na ang mga pagkain na nasa tray. Naglalakad ako pabalik sa silid pero wala si Feira doon.

"Nasaan na ba kasi iyon!" naiinis kong sabi. Hinanap ko siya sa buong mansion ngunit wala siya. Pumunta ako sa likod ng bahay na kung saan ang garden at pool. Sa pag-iikot ko. Nakita ko siya gilid ng fountain. Nakaupo siya doon habang binabasa ang kamay ng tubig na tumutulo mula sa tuktok nito.

"Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap!" galit kong sabi.

Nilingon niya ako at ngumiti.

"Nasanay ba kita sa presensya ko? Asawa ko, dapat hindi ka masanay," makahulugang sabi niya na hindi ko naiintindihan.

"Ano? Hindi naman ako nasanay sayo no. Papakainin lang kita. At isa pa, kung aalis ka dapat magsabi ka," pikon kong sabi.

"Paano ako magpapa-alam? Nagbibihis ka kaya sa loob. Naisipan ko lang mamasyal sa labas ng bahay niyo. Ang ganda kasi ng umaga. Gustong-gusto ko talaga iyong pagsikat ng araw. Wala namang nakakita sa akin na mga katulong kaya huwag ka ng mag-aalala," nakangiting wika niya.

"Tsk. Daming sinasabi. Here, I offer you this food," sabi ko pagkalahad ko sa pagkain sa kaniya. Bigla lang itong umilaw at agad niyang nilantakan.

"Ang sarap!" sabi niya.

"Kumain ka nalang," sabi ko sabay kagat sa sandwich.

"May pasok ako," sabi ko pagkalunok ko sa pagkain.

"Hmm? Nag-aaral ka pa pala. Anong Year?" tanong niya.

"Second Year College. Engineering," sagot ko at tumango lang siya at pokus ang sarili sa pagkain.

Kumain lang binalewala na ako.

Tapos na kaming kumain. Naglakad na kaming dalawa pabalik sa loob. Sa likod kami ng bahay dumaan, sa may kusina.

"Ihahanda ko lang baon mo tas ang bag mo. Kukunin ko lang," sabi niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang siya naglaho.

Inayos ko na ang sarili ko at hinihintay siya sa harap ng mansion.

Maya-maya ay dumating na siya na bitbit ang bag, libro at isang lunch box.

"May pagkain sa school, Feira," seryosong sabi ko.

"Pinaghandaan ko to with love." Malapad siyang ngumiti sa akin.

"Ang tagal mo. Mala-late na ako eh," inis kong sabi.

"Huwag ka ng magalit, asawa ko. Sige na. Alis ka na. Dito lang ako sa bahay. Hihintayin kita," ngiti nitong sabi.

"Okay," sabi ko nalang at papasok na sana sa loob ng kotse ng bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Nang dahil doon ay napatulala ako ng ilang segundo.

"Ced?"

"CED?!"

Nabalik ako sa aking katinuan sa pagtawag niya ng malakas sa pangalan ko.

"Okay ka lang? Alis na. Mahuhuli ka na sa klase mo," sabi niya ng nakangiti.

'Ano bang nangyayari sa puso ko ngayon?!'

"S-Sige," nauutal kong sabi sabay pasok sa loob ng kotse at pinaandar ang makina.

"Mag-iingat ka, Asawa ko!" sabi niya sabay iwinagayway ang dalawang kamay sa ere.

"Tss!"

****

FEIRA'S POV

Pagkaalis ni Ced ay dumiretso ako sa kwarto niya upang maglinis ngunit wala akong nakita panglinis sa loob ng silid niya.

"Saan kaya nilalagay ang mga cleaning paraphernalia?" sabi ko habang naglalakad sa hallway.

Dahan-dahan lang ako naglalakad at patingin-tingin sa paligid baka makita ako ng mga katulong. Nasa kusina ako at pinagbubuksan ang mga pinto na nakikita ko.

Aalis na sana ako sa kusina ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sino ka?" tanong nito.

Napakagat lang ako sa ibaba ng labi ko at bumuntong-hininga.

'Naku po. Bakit ngayon pa?'

"Humarap ka sa akin," sabi na naman nito.

Dahan-dahan akong humarap at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng pag maid na damit at may katandaan na ito.

"H-Hello po," pagbati ko.

"Sino ka, hija? Magnanakaw ka ba. Ang ganda mo naman para maging magnanakaw," sabi nito. Pinuri pa ako.

"Um, hindi po ako magnanakaw," sabi ko.

"Bakit ka nasa mansion ng mga Hyun?" tanong nito.

"Po? Um, naligaw lang po ako," pagsisinungaling ko.

'Please maniwala ka naman'

"Nagsisinungaling ka, hija. Magsabi ka ng totoo,"

"Ah ka-kaibigan po ako ni Ced," sabi ko.

"Sinong Ced? Si Cedwarg Lance ba?" tanong nito at tumango lang ako.

"Pinapasok po ako rito," sabi ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga ng malalim.

"Pasensya na. Wala si Lance dito hija. Kapapasok lang sa school," sabi nito at ngumiti lang ako.

"Ganon po ba? Aalis nalang po ako. Pakisabi na nandito ako kanina. Pero bago po ako umalis, alam niyo ba kung saan nakalagay ang mga gamit pang linis?" tanong ko at kinunotan lang ako ng noo ni Manang.

"Ah..eh huwag niyo nalang po sagutin," mabilis kong sabi at naglakad papunta sa sala at lumabas sa pinto.

Pagkalabas ko sa mansion ay dumiretso ako sa gilid at napasandal sa pader.

"Grabe. Nakita pa talaga niya ako. Baka malaman ni Ced na nakita ako sa isa sa mga maida nila magagalit na naman iyon," sabi ko sabay napakagat sa ibabang labi ko.

"Kainis kasi eh! Saan ba kasi nilagay ang pang linis. Lagot ako nito,"

Have some idea about my story? Comment it and let me know. I'm very sorry for the long wait.

genhyun09creators' thoughts