webnovel

How I became a Mother (TAGALOG-ENGLISH)

Career & Love Series: 1 Gabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastian Salvador, the long lost father of the child and the well-known CEO of many famous clubs. Will she be able to accept being a substitute mother? Or will she reject the responsibility and give the baby to Sebastian?

soriNotsorry · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
10 Chs

Slow Dancing

Nasa loob ako ng Cr ngayon dahil si Vanira nagpasimuno nang 'slow dance' at pinipilitan nila akong sumayaw sa gitna. Pinaghanap rin nila ako nang partner na isasayaw kaya ayun I excused myself para pumunta sa Cr at makatakas.

Mga gaga talaga, ako pa pinagdiskitahan sa kakulitan at kapilyuhan.

Habang naghuhugas ako nang kamay ay naririnig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babaeng katabi ko, ang lakas kasi nang mga boses hindi nahihiya.

"Did you see him?" - girl 1

"Who sis?" - girl 2

"Duhh, THE Sebastian Salvador." - girl 1

"Really? He's here?" - girl 2

"Oo sis, he looks super hot tonight." - girl 1

Hindi ko na kinaya at umalis na sa loob ng Cr dahil parang ma-iihi na sila habang nagkwekwento sa lalaking topic nila. Parang mga uunod na binudbudan nang asin eh. Kilig yan?

Pero pag labas ko sa pintuan ng Cr ay may lalaking bumunggo sa akin na muntik ko ng ikadapa sa sahig, buti nalang hinawakan ako sa baywang nang bumunggo sa akin. Lalayo na sana ako sa humahawak sa aking baywang nang higpitan ito ng lalaking nakabunggo ko. Tumingin ako sa kanya para humingi nang pasensya at magpasalamat ngunit napalitan ito ng inis nang makita kung sino ito.

"Is this your trick to catch any guy's attention?" amused na tanong nitong lalaking nakahawak pa rin sa aking baywang.

"No mr. parking lot, baka ikaw gumagawa nyang style? Baduy ka pala eh and will you let me go." iritang saad ko sa kanya at tinanggal ang pagkahawak niya sa aking baywang. Tumawa lang ito at tumitig sa akin.

"Oh ano? Gusto mo nang away?" paghahamon ko sa kanya at hindi inuurungan ang kanyang mga titig. Kala mo ha, hindi nako bibigay ulit.

"You're interesting." he said while smirking at me and I can see from his eyes that he's having fun annoying me. "My name's Sebastian, but you can call me babe." dugtong pa niya habang naka-extend ang kanang kamay. Binigyan niya akong nang isang flirty smile at tumitig lalo sa akin.

Ew gusto kong masuka, kadiri.

"Well sorry, I am not interested in you." poker faced kong sambit sa kanya at tumalikod na't umalis doon.

Inis akong umupo sa kinaruruunan ni Sophia na kumunot ang kanyang noo.

"What happened? May bumastos ba sayo while returning here?" nag-aalalang tanong ni Sophia at inilagay ang kanyang baso sa table.

"No, I just met asong gala." galit kong saad at kumuha ng drink.

"Ha? Dog? Nakapasok dito sa loob? Paano?" naguguluhang mga tanong ni Sophia sa akin habang tinitignan niya akong 'are you serious' look.

"Yeah." maikling sagot ko at hindi na sumagot pa. Good thing Sophia take it as a sign na ayaw ko nang pag-usapan yun so she drop it.

Habang naka-upo lang kami ni Sophia at tumitingin sa dance area na slow dance pa rin ay pinuntahan kami ni Vanira.

"Hoy! Tayo dyan sayaw kayo!" tipsy na sigaw ni Vanira sa amin na pinipilit kaming tumayo at sumayaw.

"Vani ayoko." walang gana kong pag-tanggi sa kanya at mas sumandig pa sa upuan.

"Just for this night, don't be Kj please." pagmamakaawang sagot ni Vanira sa akin at hinahawakan ang aking kamay. Sakto naman at tumunog ang 'To the bone by Pamungkas' na slowed music, favorite song ito ni Vanira kaya't daling dali syang tumayo at pumunta sa dance area.

Pero before sya umalis nang tuluyan ay humarap ito muli sa amin at sumigaw.

"I WILL LET SOMEONE GO THERE TO GET YOU TO DANCE! DON'T SAY NO!" ma-autoridad na sigaw ni Vanira sa amin at tumalikod na.

Napa-iling nalang ako sa ginawa niya at tumingin ky Sophia na tulalang nakatingin sa harapan. Naguluhan naman ako kung bakit ganun ang reaksyon niya kaya sinundan ko ang kanyang mga tingin. Yung lalaking papunta sa amin pala tinitignan niya, nakasuot nang maroon long sleeves with white pants. Nang makalapit na sa amin yung lalaki ay ngumiti ito ky Sophia.

"Soph, can we dance?" nahihiyang tanong nang lalaki ky Sophia at hinihintay ang kanyang sagot.

"Hi Ash, yeah I guess." na-iilang na sagot ni Sophia sa lalaki at talagang nag blush pa.

Siguro ito yung guy na long time crush ni Sophia. Kala ko ba matagal na itong hindi nagkikita. He look nice and gwapo naman as well as may manners so support ako sa kanila.

"Ay wait, Ella—" nag-alalang tumingin sa akin si Sophia pero I just cut her off.

"It's okay Soph, go enjoy." I gave her a reassuring smile and she smiled back. Tinanggap niya yung kamay nung guy at mas lalong nagblush. The guy named Ash smiled at me at tumango.

Tinignan ko lang yung friends ko na sumasayaw sa dance floor with their guys when someone took a sit beside me.

"Hindi ka ba sasayaw?" tanong nang katabi ko na ikinagulat ko kasi si mr. parking lot pala ito.

"Pake mo." pabalang kong sagot sa kanya at tumingin ulit sa dance floor.

"Tara sayaw tayo." pag-aayaya niya sa akin at tumayo na't in-extend niya ang kanyang kamay sa akin.

Walang gana ko syang tinignan at nakita ko'ng ngumiti sya which is parang sincere smile. Gwapo pala sya if nakangiti ng ganyan eh like walang halong malisya, sincere lang talaga.

"Please?" he said tapos nag beautiful eyes pa na ikinatawa ko nang mahina. Sge na baka mag tantrums pa ito dito.

Tinanggap ko na ang kaniyang kamay at dinala niya ako sa dance area. Yung music pala ay ganun pa din 'To the bone by Pamungkas' slowed music.

He put his both hands on my waist while I put mine sa shoulders niya. Medyo na-iilang ako kasi naka seryosong tingin lang sya sa akin habang sumasayaw. While nasa chorus na yung kanta ay nagulat ako sa ginawa niya.

"Take me home, I'm fallin', Love me long, I'm rollin', Losing control, body and soul, Mind too for sure, I'm already yours." Sinabayang pagkanta niya sa music habang nakatitig pa rin sa akin. I don't know why pero medyo uminit ang aking pisngi sa ginawa niya kaya't umiwas ako nang tingin. Maganda rin naman ang boses niya siguro ganun at itong siraulong kasayaw ko ay hindi pa rin tumitigil sa pagkanta.

"Walk you down, I'm all in, Hold you tight, I call and I'll take control of your body and soul, Mind too for sure, I'm already yours." He continued singing while we were swaying our bodies sa music.

"Look at me." utos niya sa akin na ikinataas ko ng tingin sa kanya pero sana hindi nalang ako sumunod kasi parang matutunaw ako sa mga titig niya. I bit my bottom lip while looking at him and I saw something in his eyes na hindi ko ma-explain.

"You never told me your name." he said tapos mas lalong idinikit ang aming katawan.

"Gabriella Divata." I said habang pinipigilan ko ang aking hininga dahil sa lapit na nang aming katawan. Parang ang init naman ata dito ah.

"Hmm Gabriella, may tumatawag na ba sayo ng 'Rie'?" tanong niya sa akin habang nilalapit ang kanyang bibig sa aking tainga. Napalunok ako sa ginawa niya at umiling.

"Well then good, I'll call you 'Rie'." lumayo na sya ng kunti at binigyan ako ng ngiti na mas lalong ikinainit at pula nang aking mukha. Di ko na alam ba't nagiging ganito ako pero mas lalong naguguluhan ako kung bakit may ganoong effect sya sa akin.

Tila hindi ko na namalayan at ngumiti na pala ako sa kanya. Humilig na lamang ako sa kanyang dibdib at ipinatung niya ang kanyang ulo sa akin habang sumasayaw pa rin kami.

I don't know what's happening to me but two things that I know for sure,

One is that I am happy with this,

And two,

it felt just right.