webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasi
Peringkat tidak cukup
29 Chs

Chapter 10, part 2 : Pasilip sa pinagmulan ni Clyde

After a year matumal na ang pagsama ni Angel sa lugar nila Mang Tiburcio. Na-awaken ang kapangyarihan n'ya bilang hunter. Nandoon din ang nagbabalik na tao sa buhay ng dalaga.

Pero bago man mangyari 'yon natulungan n'ya pa rin si Clyde na pagbaguhin ang matanda.

May kagaspangan pa rin ang bibig ng matanda pero hindi na sa mga aksyon. Siguro 'yun na talaga ang natural na pananalita para sa kanya.

Maraming ishinare si Angel at Clyde sa matanda. At ganun din naman ang matanda sa kanila.

Nag-aalaga na rin ang matanda ng mga aso. Tatlong aso. Napatunay bilang nakaka-relieve ng stress ang mga aso.

Hindi rin s'ya bumili ng mga aso. Puro adopted ang tatlong aspin n'ya. Impluwensya ni Clyde. Palagi kasi nito ng sinasabing don't support breeders. Kasi tinotolerate mo ang katamaran nila. Imbes na magbanat ng buto mas pinipili ang mas madaling pagkakakitaan. Kaya may naaabusong mga breeding dogs. Pinaaanak ng pinapaanak ng walang pahinga hanggang sa mamatay. Kung hindi man sa abuso, paano naman ang irresponsible ownership? Binibili lang dahil cute. Kapag lumaki na at pinagsawaan inaabandona. Sa huli kung hindi sa kalsada ang bagsak, sa pound ang tuloy kung saan nae-euthanize sila. Hindi naman tunay na mga pet lovers ang ganoon. They just spend money. Para sa kanila bagay lang na nabibili ng pera ang mga hayop. Wala talaga silang pakialam sa epekto nito sa buhay ng walang muwang na hayop.

Kaya nag-adopt s'ya sa shelter. Mga rescued dogs na nakuha sa lansangan o sa abusive owners. Libre na. Makakatulong ka pa. Mabibigyan mo ng pamilya ang isang swerteng aso. Mababago ang kanyang kapalaran.

Tandang-tanda pa ang mga 'yan ni Mang Tiburcio. Madalas na sabihin sa kanya iyon ng paulit-ulit sa araw-araw ni Clyde.

Hindi naman s'ya nagsisi. Nabawasan ang pangungulila n'ya sa mga anak n'ya. Para kasing mga bata rin ang mga aso. Actually mas kailangan nila ng atensyon higit pa sa mga bata.

Marami talagang nagbago sa nagdaang taon. Tulad ng pagkamatay ng mga magulang n'ya dahil sa dungeon outbreak. Huminto s'ya sa pag-aaral dahil dito.

Relieved si Clyde na hindi na makikita ni Angel ang struggles n'ya. Nahihirapan s'yang mag-cope because of his parents sudden passing away.

Nagtratrabaho pa rin s'ya sa coffee shop na 'yon. Samantalang si Angel ay 'di na sanhi ng pagiging hunter nito.

"Browny, Whitey, Blacky kakain na!" Tawag ni Mang Tiburcio sa nagkakahulang mga alaga. Hawak n'ya ang isang malaking pakainang pagsasaluhan ng tatlo. Nag-uunahang nagsilapit ang mga ito para kumain.

Masiyang pinanuod ng matanda ang mga ito. Paminsan-minsan ay hinihimas n'ya ang mga ulo ng bawat isa.

Napangiti na lang si Clyde sa nasaksihan. Natutuwa s'ya sa pinagbago ng matanda. Malayo ito sa dating s'ya. Noon laging mainit ang ulo at busangot ang mukha ni Mang Tiburcio. Lumipas ang halos sampung taon ngunit mas umaliwalas ang mukha n'ya kumpara sa mas bata-bata pa s'ya. Naging mapagmahal din s'ya sa mga aso.

"Kamusta ka naman, Clyde? Ano na ang lagay noon? Nag-umpisa 'yon 'di ba after mamatay ng mga magulang mo?" Biglang baling ng manong kay Clyde.

"Mas okay na naman. Thanks to you, sa kapatid ko at tsaka sa mga kaibigan ko." Nakangiting sagot ni Clyde.

Tumango-tango ang matanda.

"Ikwento mo naman sa'kin ang mga magulang mo ng nabubuhay pa sila." si Mang Tiburcio.

"Ang dalas ko ng kwinekwento sa inyo noon, a? Hindi ka pa rin nananawa?" Natatawang saad ni Clyde pero pinaunlakan n'ya naman iyon.

"Simple lang ang buhay namin. Ang nanay ko, isang public school teacher sa elementarya. S'ya ang pinakamabait na babaeng kilala ko. Hindi ko sinasabi 'yon kasi nanay ko s'ya. Sobrang bait n'ya talaga. Mahilig s'yang manermon sa mga estudyante n'ya. Pero its because she genuinely care for her students. Hindi rin n'ya pinababayaan ang pamilya n'ya lalo na ang mga anak n'ya. Tinutulungan n'ya rin ang mga kakilala n'yang nangangailangan ng tulong kahit sa simpleng paraan lang. Madalas nga nacricriticize s'ya dahil doon. Ng mga walang magawang kamag-anak namin. Lahat sila taga-sumbong sa kapatid ng tatay kong nasa may kalayuang bayan. Nakatira kasi kami sa isang compound ng magkakamag-anak. 'Yun kasing kapatid ng tatay ko ang tumutulong sa'min. Ineexaggerate nila ang mga sumbong. Hindi ko alam kung mga inggit ba? Kasi tumutulong sa'min 'yon. Pinaaral ako. Wala kasing trabaho ang kapatid n'ya. At ang nanay ko naman ang pinagdidiskitahan noon. Hindi rin kasi kaya ng kita ng isang guro bumuhay ng pamilya. Kaya medyo may mga pinagkakautangan. Nakakarating sa kanya 'yon. Ayaw kausapin ng nanay ko. Kasi usually sasabunin lang s'ya. Sa kanya ibubunton ang inis sa iresponsableng kapatid. Minamaliit ang trabaho ng nanay ko. Wala raw s'yang trabaho. Pero isa s'yang guro. Harsh, 'di ba? Hindi dahil tumutulong ka dapat ka ng mang-alipusta. Kaya nasabi kong mabait ang nanay ko dahil nga roon, martyr. Nagagawa n'yang pagtiisan ang magkapatid at ang mga kamag-anak nila ng walang magawang matino." Bahagyang hinto ni Clyde. Napagod ito sa pagkwekwento.

Tahimik lang na nakikinig si Mang Tiburcio.

"Ang tatay ko naman mabait din naman. Kaso nga iresponsableng padre de pamilya. Magaling makisama sa iba kahit may nasasabi na sila behind his back. Masama ang ugali pagdating sa pamilya. Hindi nagpapatalo. Ang dahilan kung bakit hindi nagtratrabaho ay ang diabetes n'ya. Kahit malakas pa naman. At nang maliit pa ako kapag nagpapatulong sa mga ginagawa n'yang bagay ilag ako. Mabagal kasi along pumick-up sa practical works. Kapag nagkamali ka sisigawan ka. Masasakit na salita gaya ng bobo at kung anu-ano pa. Pinaparinig talaga sa mga kamag-anak naming mga tsismosa. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit mababa ang self-confidence ko when it comes to those works that I tend to run away. Hindi rin 'yan magpapatalo. Kahit s'ya na ang nasa mali. Isama mo pa 'yung pagiging babaero. Naikwento ko na ho sa inyo to noon dati. May palaisdaan ang pamilya nila sa sitio Pulo. Dati may sinasabing kaharutan s'yang babae roon sabi ng bantay nila sa palaisdaan pero tinatanggi n'ya pa. Nakita rin ng nanay ko noon ang tinatagong picture ng asawa ng pinsan n'yang lalaki sa isang cabinet sa bahay pero tinatanggi pa rin. Disappointed kami sa kanya noon. Actually I use to hate him. Nang tumanda-tanda na ako sumasagot ko na kapag mali. Nakakasawa na ang ugali. Nakakarindi dahil maputak." Dagdag pa ni Clyde.

"Pero nakaka-miss ang bangayan namin. Kung meron akong regret, 'yun yung dapat mas ginalang ko s'ya. Kahit ganoon s'ya, family is family. Malalaman mo lang ang halaga pag wala na. Nagbabago na s'ya kahit papaano bago ang insidente ng dungeon outbreak. Isa s'yang tricycle driver. Kahit may edad na s'ya at least may trabaho na. Kahit maliit ang kita. It is better late than never naman 'si ba?" Tingin n'ya kay Manong Tiburcio.

"Buti ka pa 'di nagtatanim ng galit. Hindi gaya ng mga anak ko. Inabandona ang aka nila. Alam kong may pagkukulang ako. Hindi ako naging mabuting ama. Masyadong mahigpit. Unreasonable rin sa ilang mga naging desisyon sa buhay. Pinakikialaman ang buhay ng mga anak. Pero sana man lang dalawin nila ako. Bago man lang ako mamatay makahingi ako ng tawad sa kanila." Matamlay na ngiti ng manong. Naging malamlam ang liwanag sa mata n'ya sa pagbanggit sa mga anak. Palagi 'yong nangyayari sa tuwing mapag-uusapan ang pamilya n'ya. Talaga namang pinagsisisihan nito ang naging pagtrato sa pamilya n'ya noon.

"Buti na lang nariyan ka. Kahit papaano may nakakatulong ako. Salamat din hindi mo ako sinukuan. Talagang nagmamalasakit ka. Naiba ang pananaw ko sa buhay ng ni-reintroduce mo sa'kin ang Diyos. Mas naging positibo ang pananaw ko sa buhay. Kumpleto ang araw ko kapag nababasa ko ang mga salita N'ya sa Bibliya. Salamat!" Nawirduhan si Clyde sa matanda. Hindi s'ya ganoon ka-vocal na tao.

"Ironic lang, e. Nag-aral ako sa isang Catholic school ng elementary pero hindi ako mahilig magbasa ng Bible. Pero don't get me wrong. God-fearing akong tao. Ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko. Ang nanay ko mahilig magbasa noon. Pinagbabasa ako noon pero I'm too busy. Sa mga insignificant na bagay na I thought that time ay mas importante. Pero naalala ko ang favorite life verse n'ya na minana ko naman.

Psalm 145 : 9

THE LORD is good to all, and His mercy is over all that he has made." Nag-pause s'ya. Pumikit na tila ninanamnam ang salita ng Diyos.

At nagpatuloy s'ya. "Si Angel ang mas nagpalapit sa'kin sa Kanya. Hindi ba life is wonderful? One way or another connected ang mga tao. Inimpluwensyahan ho kita para magbago. Ganoon naman sa'kin si Angel--" Napahinto ng pagsasalita si Clyde. Iba kasi ang tingin sa kanya ng matanda. May nakakalokong ngiti ito sa mukha.

"Bakit?" Tanong ni Clyde.

"Tapatin mo nga ako, ano para sa'yo si Angel? Girlfriend mo? Crush mo? Mahal mo? Lagi mong bukambibig, e." Panggigisa sa kanya ng matanda.

Napahimas ng batok si Clyde. Nagtataka s'ya. Bakit ganoon ang laging tanong sa kanya? Naalala n'ya ang sinabi sa kanya noon ni Gaea. 'Yun ang puno't dulo ng panunukso n'ya sa kuya. Halos kaparehas lang 'yon ng pakahulugan. Magkaiba lang ng pagkakasabi.

...

"Kuya, gusto mo si ate Angel, 'no?" Nakangising tanong nito sa kuya.

"Anong pinagsasasabi mo d'yan?" Gulat na sagot ni Clyde.

"Hindi mo siguro napapansin sa t'wing may pinag-uusapan tayo nagagawa mong isingit s'ya sa usapan. Maliliit na bagay pero napapansin ko. Sabihin mo sa'kin kuya if it's not love, what it is?" Taas-baba ang kilay na tanong ni Gaea.

"Tumigil ka nga. Huwag na huwag mong magawa 'yan kapag kasama natin si Angel. Baka maniwala sa'yo." Naiinis na sabi ng kuya. May bahid pagbabanta sa boses.

"Naku! Naku! Naiinis kasi nabuko ang sikreto. Okay lang 'yan kuya. At least alam kong normal ka. Akala ko noon bakla ka, e. Wala kang pinakikilala sa'ming babae. Kahit kaibigan man lang. Normal din ang magkagusto sa babaeng kaibigan. Lalo pa s'ya ang una. Congrats! Binata ka na. Wag ng in denial. Bahala ka. Baka 'pag pinigilan mo may makauna pa sa'yo 'pag na-realize mo na." Tumayo ito at tinapik pa ang balikat ng kuya bago umalis. Sa panahong 'yon hindi malaman ni Clyde kung matatawa ba s'ya o maiiyak. Nalito s'ya kung sino ang mas matanda sa kanilang dalawa. Bigyan pa raw ba s'ya ng payo.

...

"Ano palang balita sa mga anak mo?" Pag-iiba nito ng usapan.

Lumungkot ulit ang matanda. "Wala, e. Ni hindi ko nga alam kung sang lugar sila nakatira. Kung nasa malapit lang ba sila? O nasa malayong probinsya? O kung nasa ibang bansa ba?"

"Ganun ba? Balitaan mo na lang ako 'pag may balita ka na."

At nasundan pa iyon ng iba pang mga usapan. Hanggang sa magpaalam na nga si Clyde. May usapan pa sila nina Jake at Angel. Papasok sila sa isang dungeon ng magkakasama after a long time.

"Balik na lang po ako sa isang araw." Paalam ni Clyde.

"Hindi ka man lang ba manananghalian?" si Mang Tiburcio.

"Hindi na po. Doon na ako sa meeting place kakain. Medyo malayo po 'yon. Kaya dapat byumahe na ako." si Clyde.

"Sige! Sige na trabaho 'yan, e." Tugon ni Mang Tiburcio. Pero may pilit s'yang iniisip. Pakiramdam n'ya meron s'yang nakaligtaan.

...

Pag labas ng bahay, pasimple s'yang tumanaw sa isang puno. From time to time may nararamdaman s'yang presensya roon. At naunawaan n'ya ang nangyayari ng nakausap n'ya si Jake sa telepono kaninang umaga. Nagpadala ang guild nila ng mga hunters na magbabantay sa kapatid n'ya habang wala s'ya para protektahan 'yon. Pinakiusapan ni Jake ang guild leader na bantayan so Gaea. Pinagbigyan ito ng leader. Dahil maliban sa magkaibigan sila, malaki rin ang pakinabang ng guild kay Jake. Lahat kasi ng nasa dual dungeon incident ay pinamamatyagan ng guild ni Lando, ang Dark Resurgence.

Mukhang may hinala Dark Resurgence sa nangyari sa loob ng dungeon na 'yon, kahit pa walang ebidensya. Maliban kay Clyde lahat sila ay blangko ang memorya sa parteng iyon, na ayon sa dungeon master na si Red.

Sa ibinigay na bilang ni Clyde natuklasan n'ya ang mali. Sampu ang ipinadalang hunters ng guild nila Jake, na The Company. Isa sa tatlong top three guilds sa bansa.

Sigurado si Clyde na hindi sampu ang naramdaman n'yang presensya kundi labindalawa. Tiyak n'yang ito ang pinadala ng Dark Resurgence. Hindi nagpahalata si Clyde. Patay-malisya s'yang may nagmamatyag sa kilos n'ya. Iisipin n'ya na lang ang magiging sunod na hakbang matapos makalabas sa papasuking dungeon. Magfo-focus muna s'ya gawain sa kasalukuyan.

Pumunta s'ya sa terminal paluwas sa Ka-Maynilaan.

...

Earlier that day, naging busy ang vice leader ng Dark Resurgence. Marami s'yang ginawa at sinagot na tawag. May malaking bagay na naganap kagabi sa isang black market sa Pampanga. Ang Dark Resurgence ang may-ari ng black market na 'yon. Natural lang 'yon. Walang rank S na hunter ang kalakhang Pampanga. At dahil karatig probinsya ng Bulacan 'yon na may dalawang rank S hunters, sila ang nagtayo ng black market sa Pampanga.

Maraming tawag ang nagrereklamo sa ginawa ng misteryosong hunter. Isinisisi ito sa kanilang mga may-ari. Di umano'y kapabayaan nila ang dahilan kung bakit nakalusot ang isang troublemaker.

"Sorry po boss!" Hinging paumanhin ng manager ng black market kay . "Pangako ko po na huhulihin naming ang nanggulo sa pagmamay-ari n'yo."

"Dapat lang!" Malamig na sagot n'ya.

Kinuha nito ang telepono sa opisina na kumokonekta sa kwarto ng sekretarya. "Ipatawag mo si Crooked Nose."

Biglaang nag-ring ang personal na telepono ng vice leader. Nakita n'ya ang numerous ng isa sa top 5 hitmen nila. Si Mark Liu.

"Mark, anong balita?" Bungad ng nakababatang Rodriguez.

"Wala naman akong napapansing kakaiba sa pinamamatyagan mo." Tugon ng hitman na si Mark Liu.

"Ituloy mo lang ang pagbabantay." Pagkatapos ay ibinaba na n'ya ang tawag. Wala itong ka-ide-ideya sa koneksyon sa nangyari sa kaguluhan sa pagmamay-ari nilang black market. Hindi mo naman ito masisisi. Kahit sino pang tanungin mo, hindi maikokonekta ang isang malakas na hunter na pinagmukhang tanga ang daang-daang mga hunters sa isang minamaliit na rank E hunter na si Clyde Rosario.

Dumating si Lando aka Crooked Nose. Malayo ang itsura nito sa huling pagkikita nila ni Clyde. Mukha itong maamong tupa sa harap ng vice leader na isang rank S hunter. Pero hindi lang iyon ang problema. Nangangayayat ito. Nangingitim ang ilalim ng mga mata. Mukhang hindi naaalagaan ang sarili.

"Magandang umaga po vice leader. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo." Hindi n'ya namamalayang napalunok s'ya.

"Nasaan ka kagabi?" Tanong ng nakangiting si Raymond. Ang rank S hunter at vice leader ng pangalawa sa pinakamalakas na guild sa bansa.

"S-sa n-egosyo po ng guild sa Pampanga." Kinilabutan s'ya sa ngiti ng vice leader. Sa mga tagalabas maloloko pa ni Raymond. Ngunit hindi ang kanyang mga guild members. On the outside, s'ya ay isang perpektong leader. Mukhang approachable and friendly. Magaling sa socialization. Kaya nga s'ya ang nagma-manage ng affairs ng guild. Pero alam ng mga nakasama na n'ya sa dungeon ang tunay na ugali. Lumalabas 'yon sa pakikipaglabas n'ya.

Kung idi-describe nila 'yon sa simpleng mga salita, eto 'yon. "Violent and cunning." Sikat ang kapangyarihan ni Raymond sa circle ng mga hunters. Isa s'ya sa mga rare na dual mage high ranking hunter. Gumagamit s'ya ng ice and fire magic.

Proud si Lando na isa s'ya sa mga nakasaksi sa pagamit nito ng kapangyarihan. Hanggang ngayon malinaw pa rin sa memorya n'ya ang alaala.

Ang fire magic nitong sobrang laki at init. Sigurado s'yang kung may dragon silang makikita ay kaya nitong patayin 'yon. Ang basic spell na fireball ay ten times ang laki. Kaya nitong patayin ang maraming hunter instantly. Ang ice magic naman nito ay sobrang nakakapaso sa lamig. Sa tingin n'ya kanyang nitong pagyelohin ang dagat. Ang spells n'yang icicle rain ay sobrang bayolente. Ang blizzard spell n'ya ay sobrang dumodomena sa malalaking labanan.

Pero sobrang ganda ng tanawin kapag ginamit na n'ya ang icicle field. Pinagyeyelo nito ang buong lupa na pinaglalabanan. Ginagamit n'ya rin ito sa magulang na paraan. Ginagamit n'ya iyon para tumakas o lumapit sa kalaban. Ngunit ang pinakamalupit sa lahat ay kapag pinaulanan n'ya ng fireballs ang icicle field. Nagcre-create 'yon ng smokescreen para sa kanya. Pero ang damage na ginagawa noon ang pinakanakakatakot. Magtitilansikan ang mga nasabugan ng fireballs na yelo. Para iyong shrapnel mula sa granada. Bumabaon iyon sa laman ng tatamaan. Kung mamalasin, instant kill ang target.

Ang bawat verified na rank S hunters ay binibigyan ng epithet ng hunter association sa bawat bansa. Magpunta man sila sa ibang bansa ay ire-recognize sila sa epithet na 'yon.

Ang tawag kay Raymond ay, "Temperamental!"

Dahil magkasalungat ang pinapakitang ugali nito sa paraan ng pakikipaglaban. Doon n'ya nakuha ang bansag.

"Kung gan'on nakita mo ang mapangahas na hunter na sumira ng reputasyon ng negosyo natin?" Hindi nakasagot si Lando. Tumalon ang puso n'ya sa matalas na tingin ng vice leader. Galit ito sa misteryosong hunter.

Mamamatay ang tangang hunter na 'yon. 'Yan ang lumabas sa isip ni Lando.

"Lando?" Tawag pansin sa kanya ni Raymond ng napansing hindi sumagot.

"Sorry po! Hindi ko s'ya nakita. Pasurpresa ang pag-atake ng hunter na 'yon. Nang mapansin ko 'yon sobrang kapag na ng hamog sa loob. Paglipas ng ilang saglit nakatulog na ko."

Natahimik si Raymond. Sa katahimikang 'yon, kinabahan si Lando.

Paano kung parusahan ako nito o patayin dahil walang silbi ang impormasyon ko? Pag-aalala ni Lando.

"I see. Makakaalis ka na." Sa sinabing 'yon ng vice leader nakahingang maluwag si Lando. "Sandali lang." Halos tumalon ang puso n'ya sa pagtawag sa kanyang 'yon.

"B-bakit po?" si Lando.

"Balita ko hindi ka pa pumapasok sa dungeon simula ng lumabas ka sa dungeon na 'yon." Paninita nito sa kanya.

"Nagpapahinga lang po ako. Papasok din ako sa isang araw." Pagdadahilan nito. Sa totoo lang hindi n'ya magawa. Sa 'di malamang kadahilanan sa tuwing iniisip n'ya 'yon bumabalot ang matinding takot sa pagkatao n'ya. Hindi n'ya alam ang gagawin. Galit s'ya sa mga nakasama n'ya sa loob ng dungeon. Palo na si Clyde na isang rank E hunter. Pinangako n'ya sa sarili na pagpipira-pirasuhin n'ya ito sa muling pagkikita nila.

"I see. Pero kung may trauma ka o ano, you better overcome it. Kung hindi masisipa ka sa guild." Ultimatum nito sa kanya.

Nang lumabas ng pintuan ng kwarto ng vice leader, gumaan ang pakiramdam n'ya. Na para bang nawalan ang nakapatong na bagahe sa ibabaw ng mga balikat n'ya.

Ngunit ng maalala n'ya ang sinasabi nito, uminit ng mas matindi ang dugo n'ya kay Clyde.

Isa itong patunay na si Lando o Crooked nose ay isang 3rd rate villain. Takot s'ya sa malalakas tulad ng kanilang vice leader. At kinakaya-kaya n'ya naman ang isang mahinang hunter tulad ng nakalipas na Clyde.

...

Sa umagang din 'yon, habang abala ang maraming hunters sa balitaktak kaugnay ng pagsulpot ng isang misteryosong hunter, may isang medyo kakaibang report ang dumating sa hunter association. Nagmamadali noong umalis si Joseph Dimaunahan para mag-umpisa ng kanyang trabaho. Pinigil s'ya ng isang empleyado.

"Sir, meron pong isang report ang inspector natin. Meron daw pong nadiskubreng bagong dungeon." Humahangos na habol ng empleyado kay Joseph. Halos patakbo na ang ginagawa nito. Malalaki kasi ang hakbang ni Joseph.

"So?" Tanong nito ng 'di man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Diretso lang ang tingin nito sa nilalakaran.

"Uhm, class C dungeon 'yon, sir. At 'di ba po ang mga bagong dungeons ay mas mataas kesa sa natural rank sa first raid? So, sir it's either a class B or A dungeon at its first time. Ano pong isusulat ko sa report? Kailangan ko po bang paratingin 'ton sa association head?" ang empleyado.

"Hindi mo na kailangan paratingin kay Mr. president 'yan. Siguro may naka-discover na small sized guild at ni-raid ang lugar." Sagot ni Joseph sa empleyado.

Tumingin si Joseph sa relong suot-suot n'ya sa palapulsuhan. "Sige na makakaalis ka na. May kailanga pa kong puntahan." Utos ni Joseph.

...

Mas maagang dumating si Clyde sa destinasyon kesa sa inaasahan. Namangha s'ya ng tingalain ang building ng pangatlo sa pinakamalakas na guild ng bansa. Nagsusumigaw ito ng yaman. May mga rumors na mayayaman ang nagpapatakbo ng guild na ito. Na sila ang pinakamayamang guild sa bansa.

Hindi naman s'ya magugulat kong totoo nga ang sabi-sabi. Sa itsura pa lang ng high rise twin towers na nakikita n'ya ay sigurado na s'ya. Magkadugtong ang dalawang building. Sa mga tumitingin, ang makikita nila ay ang capital letter H.

Isama mo pa ang lokasyon ng pinagtayuan nito. Karatig nito ang isa sa mga high class hotels sa bansa. Ang Shangri-La hotel. Isang 4 star hotel na matatagpuan sa Makati.

Sa entrance ng building exclusively for hunters hinarang s'ya ng gwardya. Pinakita n'ya ang visiting pass at pinapasok na s'ya nito ng walang tanong-tanong.

Naghintay s'ya sa loob ng reception area. Hindi naman nagtagal napansin n'ya na ang papalapit na mga kaibigan. Imposibleng mangyaring hindi n'ya sila mapansin. Sa tuwing pumupunta s'ya sa guild nila, ang "The Company," palaging maingay na pagsalubong ang inaabutan n'ya. Hindi 'yon dahil may paparty o ano pa man. Kung nasaan si Jake paniguradong kasama n'ya palagi si Angel. At kasunod nila ang langkay ng mga kababaihang hunters. Napailing na lang si Clyde. Kasi naman gwapo talaga ang kaibigan. Maraming nagkakagusto rito. Pati nga ang nagdadaang babaeng empleyado ay napapasulyap kay Jake at napapakagat pa ng labi.

"Bro!" Masiglang bati nito kay Clyde. Nagfist-bump pa ang dalawa.

Pagsulyap ni Clyde kay Angel ginawaran s'ya nito ng malapad na ngiti. Tapos ay pasimple itong ngumuso. Sinundan n'ya ang tingin ng nginusuan ni Angel, ang mga babaeng kasunod ni Jake. Matapos noon ay umirap si Angel. Sa ginawa n'yang 'yon napailing na lang ang ating bida.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Angel.

"Hindi pa. Gutom na nga ako, e." Sagot ni Clyde Sabah hawak sa t'yan.

"Tara. Let's eat then. My treat." Anunsyo ni Jake.

...

Dinala s'ya ni Jake sa fine dining restaurant sa loob ng guild.

...

Ang highest floor ng base ng The Company ay inookupa ng opisina ng guild leader. Doon kausap ni Paul, ang guild leader, isa sa mga iilang rank S hunters ng bansa ang kanyang vice guild leader, si Dina.

"Gaya ng utos mo, sinabi ko kay Jake na isama n'ya ang kaibigan n'ya sa raid ng guild sa class A dungeon natin ngayon. Pero bakit?" Tanong ni Paul kay Dina. Sinulyapan n'ya ang kausap sa malaking salamin na sumasakop sa isang sulok ng kwarto. Pawisan si Paul habang nagbubuhat ng dumbbell sa loob ng gym sa opisina n'ya.

"Just want to confirm something. Narinig mo naman siguro ang nangyari kagabi? Meron daw misteryosong hunter na umatake sa black market na mina-manage ng Dark Resurgence." Sagot ni Dina sa nagbubuhat ng weights.

"O, that? But how's that related to Clyde?" Sabi nito habang pinupunasan ng twalya ang pawisang katawan. Binuksan ni Paul ang pintuan ng gym palabas at sinundan naman s'ya ni Dina.

Sa labas ng gym ay ang malawak na kwarto. Sakop ng opisina ni Paul ang buong palapag. Ang ang opisina ay nagsisilbi ring tahanan ni Paul. Isa itong penthouse. Merong cozy at manly vibes ang disenyo ng penthouse. Kumuha s'ya ng tubig sa ref at naupo sa sofa. Tinungga ang laman ng baso.

"Alam mo namang may misteryong naganap sa isang pinasukang dungeon ang kaibigan ni Jake recently hindi ba? At kaya nga nag-request si Jake ng hunters na magproprotekta sa kapatid ni Clyde dahil kasama ang isang myembro ng Dark Resurgence sa loob ng dungeon." Tanong ni Dina.

"Of course. Go on." Sabi ni Paul.

Inayos ni Dina ang suot na salamin at nagpatuloy. "What if it is related?" Nakuha ni Paul ang pinupunta ni Dina.

"Pinaghihinalaan mong si Clyde ang hunter na 'yon? Na nagre-awaken si Clyde sa dungeon na 'yon? At tinatago n'ya lang?" Nilapit ni Paul ang mukha n'ya kay Dina sa excitement sa sagot. Tinulak ni Dina ang mukha ni Paul at mukha ng naiinis.

"Just a hunch. Kaya binigay ko ang ideya na 'yon sa'yo."

...

Sumakay sila sa bus exclusively para sa mga hunters ng The Company guild. Sa likuran silang tatlo umupo like usual.

"Oo nga pala bro. Dapat pala kitang i-orient sa papasukin nating dungeon. Since first time mo sa isang Class A dungeon you should follow us closely ng maprotektahan ka namin. Ibang-iba ang Class A sa ibang dungeon. Kahit ako hindi kita maililigtas kapag masyado kang malayo. Ibang level ang mga kakaharapin mo. Intense and frequent ang battles." Masiglang paliwanag ng kaibigan.

"Kung ganoon kadelikado 'yon sa'kin bakit mo ko inimbitahan?" Tanong ni Clyde.

"Now that you mention it. You know Paul, right? Our guild leader. S'ya ang nag-suggest na isama ka namin. Pumayag agad ako. I want you to experience the thrill of a Class A dungeon." Machining mingling mga matang sagot nito.

Naalala tuloy ni Clyde na may pagkabattle junkie nga pala ang kaibigan. Nagtataka rin s'ya kung bakit s'ya pinasasama ng guild leader ng guild nina Angel.

Kailangan kong magdoble-ingat sa pagtatago ng kapangyarihan ko. Pag-aalerto ni Clyde sa sarili.

"Famous ang dungeon na pupuntahan natin. Ang destinasyon natin ay Laguna. Unfortunately, short on manpower ang mga guilds sa probinsyang 'yon. Kaya naman nagro-rotate ng schedule ang major guilds sa pagra-raid doon.

"Mag-aalas dos na pala. Aalis na tayo maya-maya lang. Let's do a head count." Bilang party leader, responsibilidad ni Jake ang grupo. Sa pagbilang nilang 'yon, napag-alaman nilang 29 ang hunters na nasa bus.

"Party leader, one member is missing. 30 party members ang minimum requirement na pwedeng pumasok sa dungeon na 'yon." Apela ng isa sa kasamahan nilang hunter.

"Tama lang 'yan. May hinihintay pa tayong isang special guest." May pakahulugang ngiti ni Jake.

Maya-maya pa dumating na ang surpresang miyembro.

"Vice leader?" Sabay-sabay na gulag na tawag ng ibang miyembrong pawang 'di naabisuhan.

"Surprise!" Proud na sabi ni Jake sa kaibigan. Kahit si Clyde ay nagulat din.

"Maraming kang first time ngayon bro. Today you'll witness how a rank S fights." si Jake.

Ang huling myembro ng raid ay isang Rank S hunter, si Dina.

"Overkill." Hindi nila alam kung sino ang nagsabi sa kanila noon, pero lahat sila ay nagkasundo sa mga isip na tama ang statement na 'yon.