webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasy
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 10, part 1 : Pasilip sa pinagmulan ni Clyde

Holymancers : So ayan umabot na nga tayo sa chapter 10. I'm actually excited for this chapter. Back story kasi ito ni Clyde, which is my favorite. Aside from a great plot, I really focus on my characters personal development. I love flawed characters na nagma-mature as the story goes on. I love realism kahit na fantasy writer ako. Gusto ko yung makaka-relate yung mga readers ko sa characters na binuo ko.

Isa pa nga pala holymancers, medyo annoyed din ako. Meron kasing nagbintang sa story ko na plinagiarize ko raw ang Solo Leveling. I draw inspiration from it. Actually hindi lang dun. Maraming light novels na inspiration ko sa story na to. I'll name a few. Sa Chinese, Release that Witch at Gate of Revelation. Sa Korean, Seoul Station Necromancer, Solo Leveling at God of Crime. Sa Japanese naman, Rise of the shield hero at master of monsters. Idamay mo na rin ang One Piece. Habang naghahanap din ako ng genre ng manga na paborito ko basahin, which is about magic realism. Specifically yung about guilds, game elements at dunguons na naka-set sa earth, maraming akong nakitang maganda. Pero binabash ng mga fantard ng Solo Leveling. Sa totoo lang maganda ang Solo Leveling, pero I don't like the main character. Hindi lang main character ng Solo Leveling, maraming story. Masyadong cold-hearted. Walang compassion sa mga puso. I preferred someone like the Overgeared MC.

At hindi ko rin aaksayahin ang oras ko para lang kumopya ng story ng iba. My time is precious to do that. I want to create something better in my own way. Yung unique.

"I love necromancer stories. Kahit kelan hindi pa rin ako nakakita ng mabuting necromancer."

Nag-uumpisa pa lang ang story ko and I hate toxic readers. Kaya sa mga walang masasabing matino, feel free to click that back button on the upper left corner of your wattpad app. Mas gugustuhin ko ang mas konting readers pero na-aappreciate naman ang gawa ko. Ayoko sa mga bashers. Sa oras na may makita pa ako ulit na isa i-rereport ko na. Hindi na rin kita papangalanan.

That's all guys. I'm sorry for ranting. Nakakakulo lang talaga kasi ng dugo. Salamat at umabot pa kayo sa chapter 10.

.....

Katok ni Clyde sa gate ng isang simpleng ancestral house.

Mahalumigmig pa sa balat ang samyo ng sikat ng araw. Ang nagsisiglahang huni ng mga ibon ay naririnig pa rin sa paligid.

"Tao po! Manong si Clyde 'to." Tawag pansin n'ya sa may-ari ng simpleng bahay.

Umalis sa tahanan n'ya si Clyde sa pagputok pa lang ng bukang-liwayway. Kaya maaga rin s'yang nakarating sa lugar.

Regular n'yang binibisita ang may-ari ng bahay. Isang matandang lalaking namumuhay mag-isa. Nakilala n'ya ang matanda ng s'ya ay nasa kolehiyo pa lamang.

Sa tuwing iisipin, natatawa na lang s'ya sa una nilang engkwentro. Ni hindi n'ya akalaing magiging kaibigan n'ya ang matanda dahil sa naging iringan nila sa una ng pagkikita.

Walang sumasagot. Napagpasyahan n'yang pasukin na ang lugar.

Inabot at inangat n'ya ang bakal na pangkawit ng gate upang tingnan kung maibubukas n'ya ba ang pinto. Itinulak n'ya ang bakal na pinto. Maswerteng nakabukas nga iyon.

Yumuko s'ya habang papasok sa bakuran. Mahahagip kasi ng ulo n'ya ang naglalaguang dahon ng matandang punong mangga sa harapan ng bahay.

Bumungad sa harap n'ya ang malaki, luma, at bilugang basurahang gawa sa semento. Sa kalumaan nito ay bitak-bitak na ang basurahang bato. Tanging makakapal na alambre na lang ang nagbubungkos sa basurahang 'yon. Punong-puno iyon ng mga tuyong dahon at mga nilalanggam na bungang mangga.

Tumingin s'ya sa kanan. Doon nakita n'ya ang puno ng mangga na bahagyang nakaangat ang sementadong lupa. Sa gilid noon nakalagay ang isang matandang gawa sa makapal na yerong mesa. Sa paligid noon nakalagay ang apat na gawa rin sa makapal na yerong mga upuan.

Tinanaw n'ya ang lumang bahay, 'di kalayuan sa harapan. Ang unang palapag na gawa sa batong materyales. Ang ikalawang palapag na gawa sa mga kahoy. Kupas na ang pinturang kakulay ng asul na langit. Ang mga bintana nitong nagsusumigaw sinauna.

Lumapit s'ya sa pinto ng bahay. Umalingawngaw ang tunog latang tunog sa pagkatok n'ya ang unang pinto.

"Manong Tiburcio, buhay ka pa ba?" Pabirong sigaw ni Clyde sa may-ari ng bahay. Muli, sinubukan n'yang buksan ang pintuan.

Tunog ng langitngit ng pinto ang pinawalan ng pagbubukas ng stainless na pinto dahil sa spring nito. Itinukod ni Clyde ang kaliwang kamay sa stainless na pinto. Kinatok n'ya ang ikalawang pintuan ng bahay. Ang sliding wooden door. Muli n'yang sinubukan buksan ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay nabigo na s'ya. Nakasara na iyon.

Malakas n'yang kinatok ang pintuang kahoy. Mas nilakasan n'ya rin ang pagtawag sa may-ari ng bahay. "Mang Tiburcio! Mang Tiburcio! Ako 'to si Clyde."

Makaraan ang ilan pang pagtawag ay nagbukas na ang pintuan. Doon bumungad sa kanya ang pupungas-pungas na matabang lalaki. May kalakihan ang tiyan at puting-puti na ang buhok.

S'ya na nga ang matandang si Mang Tiburcio.

Nang maalimpungatan, ngumiti ito ng napagtantong si Clyde ang bisita. "Pasok ka muna. Magkape ka man lang." Paanyaya nito kay Clyde.

Nakangiting umiling si Clyde. "Tinitingnan ko pang kung buhay ka pa ba manong." Nakangiting biro ni Clyde.

"Ako pa ba?" Pagfe-flex ng matanda ng muscle.

"Dinalaw ka na ba ng matagal mo ng mga hinihintay?" Tanong ni Clyde kay Mang Tiburcio.

"Hindi pa rin." May malungkot na ngiting tugon ng matanda.

"Ganun ba? Napansin kong sira ang cover ng backlight ng motor mo." Pag-iiba ni Clyde ng usapan. Nag-iba kasi ang timpla ng mukha ng kausap.

Pumunta s'ya sa kaliwang gilid ng bahay. Nakaparada roon sa may kahabaan ng bakuran ang dalawang tricycle at isang motor. Ang dalawang tricycle ay pinakikiparada lang ng mga kapitbahay ni Mang Tiburcio.

At ang single ang tanging pagmamay-ari ng matanda.

Iniwasan ni Clyde matapakan ang linya-linyang mga hantik sa lupa palapit sa motor. Kinakain ng mga ito ang nakabagsak na mga bunga sa sementadong lupa.

Bargas na umupo si Clyde sa tapat ng motor. Sa likuran nito. Hinawakan n'ya ang butas-butas na cover ng backlight. Sa paghawak, napagtanto n'yang aalog-alog din ito.

Lumingon s'ya para tanungin ang matanda. Nabitin sa dila n'ya ang mga dapat sanay sasabihin. Iika-ikang maglakad si Mang Tiburcio.

"Umaatake na naman ang rayuma ko." Paliwanag nito ng mapansin at reaksyon ni Clyde. Mabagalitong naglalakad patungo sa binata.

"Iniinom mo ba ang gamot mo?" Tanong ni Clyde rito.

"Oo naman."

"Nagpa-checkup na po ba?" Followup na tanong ni Clyde.

"Hindi pa. Sign off aging lang 'yan. 'Wag mo ng alalahanin." Nakangiting turan ng matanda.

"Dapat mas lalo ho kayo ng nagpapa-checkup. Kayo na rin ang nagsabi, matanda na ho kayo. Dapat mas lalo kayong nag-iingat." Paalala ni Clyde.

"Matanda na rin naman ako. Nabuhay na ng mahaba. Kaya okay lang mamatay." Sagot nito.

"Paano kung magbago ang isip ng mga hinihintay mo? Kung hindi mo aalagaan ang kalusugan mo, baka hindi mo abutan ang pagbabago ng isip nila habang buhay ka pa. Ikaw rin." Natahimik ang matanda sa sinabi ni Clyde.

Tahimik na naupo ito sa upuang batong nakakabit sa gilid ng bahay.

"Ire-repair ko 'to." Sabi ni Clyde. "Nasaan ang mga tools mo manong?" Tanong nito.

"Teka lang. Kukunin ko sa loob ng bahay." Tugon nito habang matabang tumatayo.

Pinigilan s'ya ni Clyde. Kita n'ya kasing hirap itong kumilos. Nagboluntaryo si Clyde na s'ya na ang kukuha ng mga gamit.

Pumasok s'ya sa bahay. Sa ilalim ng kahoy na hagdanan paakyat ng 2nd floor naroon ang lalagyan ng mga tools.

Kinuha n'ya ang plais, long-nose, gunting panyero, screw driver, mga lyabe, at ang rust prevention spray.

Paglabas winalisan n'ya muna ang gagawaan. Nakakaistorbo kasi ang mga langgam na kumakain ng mga nagsibagsak na mangga. Pagkatapos ilagay ang nawalis sa batong basurahan, wala na s'yang inaksayang or as. Inumpisahan n'ya agad ang pagbabaklas. Binaklas n'ya ang backlight mula sa motor. Mula sa screws na pinaluwag n'ya gamit ang rust prevention spray dahil kinakalawang na. Hanggang sa wiring.

Inalis n'ya rin ang butas-butas na kabitan ng backlight. Kinuha n'ya ang yerong tapalodong nahanap n'ya kanina. Mag-i-improvise s'ya.

Sinipat n'yang mabuti ang binaklas na pinagkakabitan ng backlight ng motor. Nilabas ang dalang marker para markahan ang dalang yerong tapalodo. Ginawan n'ya ng palatandaan kung saan n'ya lalagyan ng butas para kabitan ng backlight.

Sa kasagsagan ng paggawa, tahimik ang paligid. Paminsan-minsan ay nababawi ang katahimikan ng manaka-nakang pagbagsak ng mga mangga sa bubong ng bahay at sa lupa.

Marka rito! Gupit dito! Butas doon!

Matapos maikorte isinukat n'ya iyon sa motor. Nang matiyak na husto na ang ginagawa ay muli n'yang kinabit ang wiring at ang backlight.

Nang makatapos, inayos n'ya ang ginawaan. Isinauli n'ya rin ang mga gamit sa lalagyan. Pumunta s'ya sa bangerahan sa likuran ng bahay upang maghugas ng mga kamay.

Natanaw n'ya ang madamong likuran ng bangerahan. Pinutahan n'ya ang matanda at nagboluntaryong hahawanin 'yon. Masyado na kasing malago 'yon. Sa lagay ng matanda mahihirapan itong asikasuhin ang madamong parte ng bakuran.

Delikado na!

Baka kapag naging masyadong madawag pamugaran pa ng mga ahas.

Pero bago 'yon diniligan n'ya muna ang mga halaman sa plant box sa pader ng bakuran.

Kumuha s'ya ng panggapas. Pinabuksan n'ya rin ang naka-lock na gate ng madamong likod-bahay.

Sa kanan, sa pagpasok n'ya nakita n'ya ang dalawang simpleng bakanteng bahay. Pag-aari rin iyon ng manong. Dating pinauupahan n'ya ang mga ito. Binakante na ng matanda dahil hindi na rin maasikaso sa katandaan at dinadaing na damit ng katawan.

Binalik n'ya ang atensyon n'ya sa pakay n'ya. Inumpisahan n'yang putulin ang mga damo.

"Naaalala ko tuloy ang unang mga araw ng pagsalta mo sa lugar namin. Ganitong-ganito rin 'yon. Kasama mo pa s'ya ng mga panahong 'yon. Ilang taon na nga ba ang nakalipas?" Biglang bungad ni manong Tiburcio sa gumagawang si Clyde.

"Uminom ka muna ng malamig na tubig. Mag-merienda ka na rin."

"Salamat manong!" Sagot ni Clyde sabay hinto sa paggawa. Dinampot n'ya ang pitsel at sinalinan ang baso. Nabawasan ang pagkapagal ni Clyde nang nasayaran ng malamig na tubig ang lalamunan. Dahil sa pagod nakatatlong baso ang lalaki.

Kumuha rin s'ya ng inalok nitong tinapay at nilantakan ito.

"Magsasampung taon na rin ang nakalipas. Kolehiyo pa ako ng mga panahong 'yon. Galing ako, kami noon sa part-time job namin." Nakangiting kwento ni Clyde. Dahil doon naalala n'ya ang mga panahong hindi pa s'ya hunter.

...

"Serve mo 'to sa table no. 7 newbie." Utos kay Clyde ng barista ng coffee shop kung saan s'ya nagpa-part-time.

Humingang malalim si Clyde habang dahan-dahang kinukuha ang tray.

Nag-apply si Clyde sa isang coffee shop. Malapit 'ton sa pinapasukan n'yang unibersidad sa Malolos. Pero may iba pa s'yang motibo. Doon kasi nagtratrabaho si Angel. Gusto n'yang makilala sa personal ang dalaga.

Mabagal s'yang naglakad tungo sa table no. 7 habang bitbit ang order nila. Nanginginig ang kamay na bumubuhat sa tray.

"Hoy! Kalma!" Tapik sa likod sa kanya ni Angel. Napatalon si Clyde sa gulat. Buti na lang maliksi ang babae. Napigilan n'yang tumapon ang mga order ng customer. Kung hindi paniguradong palpak ang unang experience ni Clyde sa trabaho.

"Inhale! Exhale!" Biglaang paghingang-malalim ni Angel sa gitna na coffee shop. Habang ginagawa 'yon, sinenyasan n'ya gamit ang kamay na gayahin s'ya ni Clyde.

Kahit nawiwirduhan, dahil kabado, sinunod na lang n'ya si Angel. Nang makailang beses nilang ulitin 'yon, biglang binuka ni Angel ang bibig at sinabing, "Di ba effective? Hindi ka na nanginginig o?"

"Gawin mo lang 'yan kapag kinakabahan ka. Tsaka maliit lang naman ang shop natin. Huwag kang ma-tense. Konti lang ang customer. You can totally relax. Sagot kita. This noona will look after you." Pagpapakalma ni Angel kay Clyde ng ngiti.

Noona? Ang alam ko magka-edad lang tayo.

Napailing na lang si Clyde.

Kumalma s'ya at matagumpay na na-i-serve ang order ng customer.

Hindi alam ni Clyde kung ano ang umepekto sa kanya. Yung breathing exercise ba? Yung pep talk? O yung ngiti ni Angel na pang-commercial ng toothpaste sa puti? O yung pagkawala ng mata n'ya sa tuwing ngumingiti s'ya?

Nang pabalik na, otomatikong hinanap ng mata n'ya si Angel. Nang makita s'yang nakatingin ni Angel, inangat nito ang dalawang kamay to form a fist. Nagsalita ito ng mahina. Kung hindi nagkakamali sa basa ng labi si Clyde ang sinabi ni Angel ay, "Fighting!"

Napangiti si Clyde.

Gaya s'ya ng inaasahan ko.

Hindi nagsisi si Clyde sa pag-aapply sa kauna-unahan n'yang part-time experience. Kilala n'ya si Angel pero hindi ganoon ang kaso sa dalaga. Sa pagkakaalam n'ya parehas sila ng pinapasukang eskwelahan.

...

Isang hapon, naglalakad si Clyde pagkatapos ng part-time job n'ya sa isang coffee shop. Kasabay n'yang binabaybay ang daanan papuntang sakayan ng jeep ang katrabahong si Angel.

Habang naglalakad napukaw ang atensyon nila sa nadaanang komosyon sa tapat ng isang bahay. May mga taong nagbabangayan.

Nilapitan 'yon nila Clyde.

Doon napag-alaman n'yang nagrereklamo ang isang ginang dahil pinatay ang alaga n'yang aso ng matandang may-ari ng bahay. Ang dahilan ng matanda ay kesyo raw nagkakalat ito ng dumi sa tapat ng gate n'ya.

Inaawat ng mga taga-barangay ang iringan ng dalawang partido.

Naawa si Clyde sa sinapit ng aso. Parehas na may kasalanan ang dalawang partido. Minalas ang aso dahil napunta s'ya sa isang iresponsableng amo. Pinababayaan s'yang lumaboy na katumbas ng panganib sa mga halang ang kaluluwa.

Syempre, may kasalanan din ang matanda. Walang habag na nagawang kitilin nito ang buhay ng walang kalaban-labang aso.

Kahit na galit, minabuti pa ring maging malumanay ni Clyde. Inobserbahan n'ya muna kung saan tutungo ang usapan.

Umabot ito sa puntong nagka-barangayan na. Susunod sana si Clyde ng maalalang may kasama n'ya pala s'ya.

"Mauna ka na Angel. Titingnan ko muna kung mapaparusahan ba ang pumatay sa aso. I'm actually an animal rights advocate. So I'm upset." Sabi n'ya sa babae.

"Really? That's cool. Actually dog lover din ako. Umaasa rin akong mabigyan ng hustisya si dogie." si Angel.

Napangiti sa natuklasan si Clyde. Mabuting tao rin talaga ang babae tulad ng inaasahan n'ya.

Sumunod sila sa barangay.

Natapos ang mahabang diskusyon sa pagbabayad ng isang libong multa ng matandang lalaki. Hindi nagustuhan ni Clyde ang naging resulta.

Speechless din si Clyde kasi galit pa ang lalaki dahil magbabayad s'ya. S'ya na ang nakaagrabyado s'ya pa ang galit.

Isang libong piso kapalit ng nasayang na buhay? May batas na maaaring makulong ang pumapaslang ng mga hayop gaya ng aso. Pero kadalasan hindi ito sineseryoso ng mga opisyal ng barangay. Mahina talaga ang batas na nagpoprotekta sa mga hayop sa bansa. Hindi 'yon makatarungan.

Sa ibang mga bansa ay mas napoprotektahan ang mga hayop. Maaari sigurong ang halaga ng mga hayop sa tao ay depende na rin sa kultura.

Pagkatapos ng usapan sa barangay ay nilapitan ni Clyde ang ginang.

"Ako po si Clyde. Isang animal rights advocate. Kung gusto n'yo ho tutulungan ko kayo ng idulog ang hinaing n'yo sa hukuman." Pag-o-offer n'ya ng ruling sa may-ari ng pinatay na aso.

Sinubukan n'yang kumbinsihin ang ginang. Pero nasayang lang ang oras n'ya. Pinabayaan n'ya lang maabswelto ang gumawa noon sa alaga n'ya.

Kaya naman napagdesisyunan ni Clyde na s'ya na ang gagawa ng paraan.

...

Kinabukas, pagkalabas sa trabaho pumunta s'ya sa bahay ng matandang lalaki. Kahapon, sinubukan n'yang picturan ang pinatay na aso pero ayaw pumayag ng may-ari. Kaya nag-iba ng plano si Clyde.

Kinatok n'ya ang gate ng bahay ng matanda.

"Ano bang plano mo?" Tanong ni Angel.

Nagkainteres sa ginagawa n'ya ang babae. Dapat ay natutuwa s'ya dahil nagpakita ito ng interes sa kanya. Pero kabaligtaran noon ang nararamdaman n'ya. Hindi s'ya mapakali.

May pagka-reckless kasi ang kanyang plano. Wala kasi s'yang ebidensya at ayaw din maki-cooperate ng may-ari ng aso kaya naging desperado s'ya. Hindi n'ya kasi kayang ipagsawalang-kibo lang ang nangyari. Hindi n'ya kayang i-ignore ang kanyang natuklasan. Hindi s'ya ganong klaseng tao. Kapag may nadiskubre s'yang hindi tama ay pinapakialaman n'ya 'yon. Kahit minsan ay medyo reckless na nga.

"Siguro dapat umuwi ka na. Delikado para sa'yo." Nag-aalalang pag-aadvice nito kay Angel.

"Delikado? May masama ka bang binabalak?" Nanliliit na mata ng tanong ng dalaga.

Nilingon n'yang ang dalaga para sumagot. Pero medyo natulala s'ya. Hindi rin s'ya sinasadyang titigan ito. Ang makinis at maamo nitong mukha. Ang malalaki ngunit mapupungay nitong mga mata. Ang mga dimples nito. At ang V-shape nitong mukha.

Simple lang rin ang babae. Simpleng manamit. Walang kolorete sa mukha pero hindi maipagkakaila ang likas nitong kagandahan.

Matangkad din itong babae. Maliit lang s'ya ng konti kay Clyde na halos 6 footer na. Balingkinitan at maganda ang tindig. Kaya kung sasabihin nitong modelo s'ya kay Clyde ay paniniwalaan 'yon ng lalaki.

Umubo si Angel. Na pumutol sa pagtitig n'ya sa mukha ng babae.

"May dumi ba ko sa mukha?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.

"Wala! Wala! Hindi ko pa rin sigurado kung ano ang sasabihin ko sa matanda." Pagsasabi nito ng to too sa kasamahan.

"That's why may props akong dala-dala." Winave n'ya sa harap ng dalaga ang dalang survey form. Hinawakan n'ya rin ang suot para ipakita sa babae. Nakamaong na pantalon s'ya at isang puting T-shirt s'ya na may kwelyo.

"Dahil hindi ko alam pa ang dapat gawin. I'll stick with getting to know the opponent. After all, knowing your enemy is half the battle won." Ngiting paliwanag n'ya sa kasama.

May katagalan din bago lumabas ang matanda. Napahinga ng maluwag si Clyde sa isipan n'ya. Kasi hindi gagana ang plano kung hindi makiki-cooperate ang matandang lalaki.

Matagalang kumbinsihan ang ginawa para mapapayag na mag-take ng survey ang matanda. Mabuti na lang may kasama s'ya. Sa tulong ni Angel napa-OO n'ya rin ito. Binola-bola ng babae ang matanda.

Kung mag-isa lang s'ya wala s'yang mapapala dahil awkward na tao si Clyde. Hirap s'yang i-relay ang mensaheng gusto n'ya paratingin sa kausap. Higit pa kung intimidating ang kailangan n'yang kausapin.

"Salamat, Angel."

"Wala 'yun."

Doon naghiwalay na sila para sumakay sa jeep papuntang mga bahay nila.

Sa bahay, inaral ni Clyde ang mga nakalap na impormasyon.

Ang matandang lalaki ay si Mang Tiburcio.

Biyudo na s'ya. Ngunit meron s'yang tatlong anak na puro may kanya-kanya ng pamilya. Kaya naman matagal-tagal na rin s'yang namumuhay mag-isa.

Sa mga sumunod na araw ay dumadaan s'ya sa lugar. Araw-araw s'yang nangangalap ng magagamit na impormasyon.

Natuklasan n'yang mahilig itong makipag-inuman. Halos gabi-gabi itong nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa bahay n'ya. Siguro para na rin ibsan ang pangungulila sa pamilya.

Kailangan din nito ng tulong sa pagkukumpuni ng mga kagamitan sa bahay. Hirap na itong kumilos kahit na nasa 50 anyos pa lang ito. Nirarayuma kasi ang matanda.

Doon naglaro sa isip n'ya ang isang ideya.

Pinalipas muna n'ya ang ilan pang araw para makalimutan s'ya nito. Isang hapon matapos ang trabaho ay pumunta s'ya sa bahay ng matanda.

Inumpisahan n'ya ang balak. Sa naging obserbasyon n'ya, palagi itong lumalabas tuwing hapon.

Sa pagpunta nito sa kalsada ay s'ya namang pagsugod ni Clyde. Sinadya n'yang banggain ito. Sa pangyayaring 'yon, tumapon ang laman ng hawak n'ya. Isang baso ng shake.

Dumikit 'yon sa katawan at damit nilang dalawa. Nainis ang matanda sa nangyari. Pinagalitan n'ya si Clyde.

"Ang tanda-tanda mo na hindi ka pa rin maingat ato. Sana tinitingnan mo ay dinadaanan mo." Bulyaw nito.

Akmang papasok na ito sa bahay n'ya ng pigilan s'ya ni Clyde. "Manong saan po kayo pupunta?" Pigil n'ya rito. Hawak ang braso ng matanda.

"Ano pa nga ba? Huhugasan ko 'tong dinumihan mo. Ang lagkit sa pakiramdam."

Kinuha ni Clyde ang pagkakataong 'yon. Paulit-ulit s'yang humingi ng tawad dito. Nakiusap din s'yang makihugas na rin. Nakuha naman n'ya ang matanda sa matinding pakiusapan.

Palihim na ngumisi si Clyde ng tumalikod ito. Sinundan n'ya ang matanda sa loob ng bakuran nito.

Infiltration complete!

Inobserbahan n'ya ang lahat ng nadadaanan. Humahanap ng paraan para makausap at matanda.

Dinala s'ya nito banggera sa likod-bahay. Habang naghuhugas, napukaw ang atensyon ng madamong likod-bahay.

Mukhang alam n'ya na ang gagawin. Sabi n'ya sa isipan.

"Manong, gusto mong hawanin ko ang lugar mo Ang haba ng mga damo?" Tanong nito sa matanda.

"Bakit?" May pagdududang tanong ng matanda.

"Napansin ko kasi sa mga nadaanan natin na ang daming kumpunihin. Hindi mo siguro naasikaso."

"Anong balak mong palabasin? Na tamad ako?" Magaspang na sabot nito.

"Ah hindi po sa ganun. Nakita ko po kasing iika-ika kayo. Understandable na hindi n'yo 'yon magagawa. Tsaka isa pa po. Working student ako. Kung babayaran n'yo ako sa pagawa ko sa bahay n'yo malaking maitutulong noon sa pag-aaral ko." Pangungumbinsi n'ya sa matanda.

"Mura lang ako sumingil." Dagdag pa ni Clyde.

"Sige. Pero susubukan ko muna ang trabaho mo." Ultimato ng matanda.

"Tuwing sabado at linggo lang ako available manong."

"Sige. Pero anong pangalan mo?"

"Clyde po."

"Ako si Tiburcio."

...

Sa sumunod na sabado ay pumunta si Clyde sa bahay ni Mang Tiburcio.

Nagpupumilit na sumama sa kanya si Angel. Ang dahilan nito ay wala naman daw s'yang gagawin sa araw na 'yon kaya tutulungan n'ya si Clyde. Pero sa totoo lang, mukhang interesado lang talaga s'ya sa kalalabasan ng plano ng katrabaho.

Nagulat ang matanda nang may dinalang kasama si Clyde. Kumunot ang noo nito. Pinasunod n'ya sa kanya si Clyde.

"Bakit nagsama ka pa?" Yamot na tanong nito.

"Don't worry manong. Katulad pa rin ng pinag-usapan natin ang bayad. Gusto lang akong tulungan ng kaibigan ko para madali sa gawain. Meryenda lang sapat na sa kanya." Paliwanag n'ya rito.

Tahimik lang itong tumango. Pinatawag n'ya rin si Angel kay Clyde para mag-umpisa na. Inumpisahan nila 'yon sa paglilinis ng bahay.

Pagkatapos ay sa labas naman. Nagwaliswalis si Angel habang si Clyde ay ginapas ang mga damo sa likod-bahay.

Lagi itong nakamasid sa kanila at nagmamando. May kagaspangan ang ugali nito. Pero binalewala n'ya 'yon. Sa totoo lang sanay na s'ya sa mga ganoong bagay.

Pero nagreklamo si Angel. "Hindi ko gusto ang matandang 'yan. Walang manners. Kung hindi lang dahil sa plano mo para mabigyan ng hustisya ang aso hindi ako mangingiming patulan 'yan. Matanda lang pero walang pinagkatandaan. He should act his age." Palihim na reklamo ni Angel. Napabuga pa ang dalaga.

Napakamot na lang sa ulo si Clyde. Nagpipigil ng tawa. Palihim s'yang natuwa sa nakita.

Ang cute pala n'yang mainis. Lalo na kapag lumolobo ang mga pisngi n'ya sa pagbuga ng hangin.

Balak sana n'yang sabihin kay Angel na huwag na s'yang samahan sa ginagawa. Kaso reluctant s'ya. Masaya s'yang gugulin ang oras n'ya kasama ang babae. Kaya nagpasya s'yang manahimik na lang.

Matapos ang mga 'yon, tinanong ni Clyde kung may ipagagawa pa ang matanda. Pinakita n'yang ganado s'ya para makaulit pa s'ya at makahanap ng impormasyon o kahinaan na magagamit para mapagbago ang matanda.

Napasubo s'ya sa ginawa n'ya. Nakalimutan n'ya ang isang importanteng bagay. Na hindi s'ya marunong sa pagkukumpuni. Kahit na sa eskwelahan dati ay mababa ang grado n'ya sa mga practical exams. Talagang hangga't maaari iniiwasan n'ya ang among related sa physical work aside from cleaning.

Sa pagitan ng bahay at sa pader nang mga dating paupahang bahay ay isang malaking kahoy na kulungan. Pinababaklas iyon ng matanda. Dati raw kulungan ng mga manok panabong n'ya. Hindi na naaasikaso dahil madali ng iniinda ang katawan sa katandaan.

Napalunok si Clyde.

Binaklas n'ya iyon paunti-unti. Di nagtagal nahalata ng matanda na hirap doon si Clyde.

"Ang tanda mo na. Kalalaki mo pang tao 'yan lang 'di mo pa magawa." Mapangmaliit na turan ng matanda.

Sunod-sunod na yuko at hingi ng paumanhin ang ginawa ni Clyde. Hiyang-hiya s'ya. Natapat pang nandoon si Angel ng mangyari ang insidente. Talaga namang nakita n'ya pa ang uncool side n'ya.

Sa panahong 'yon, ang tanging hiling lang n'ya na sana magbukas ang lupa at kainin s'ya. Sobrang nag-iinit ang mukha n'ya sa pagkapahiya. Nagpapasalamat na lang s'ya na moreno s'ya. Kasi kung nagkataon mapapansin ni Angel ang pamumula n'ya.

This time nilakasan n'ya ang loob n'ya. Hindi tulad ng nasa high school pa s'ya na dahil inconvenient he'll run away. This time nilunok n'ya ang pride n'ya. If he run away, hindi n'ya alam kung may mukha pa s'yang ihaharap sa kaibigang babae.

"Manong! Pwede n'yo po bang ituro sa'kin?" Mabigat sa dibdib na tanong ni Clyde.

Pinagbigyan naman s'ya ng matanda. Kaso lang sinesermonan s'ya at kung ano-anong masakit na salita ang natatanggap. Pinabayaan n'ya na lang. Kahit mabagal gusto n'yang matuto.

Nag-concentrate s'ya. Hindi n'ya magawang lumingon kay Angel. Pero kahit tahimik, ramdam n'yang nakamasid ang babae sa ginagawa n'ya.

Maya-maya pa, bigla itong nagsalita. "Manong, ako ng magtuturo sa kaibigan ko."

"Ikaw?" May kung anong mali sa tono ng pagkakasabi n'ya noon.

"Oo, ako. May problema ho ba?" Nagpanting ang tenga ng dalaga. May diin ang pagkakasabi n'ya ng ho.

"Anong alam mo rito? E, babae ka." Nag-umpisa ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Sa nagdaan ilang linggong nakatrabaho ni Clyde si Angel, mas nakilala n'ya iyon. Mabait at may pagkabaliw ang dalaga. Magaling itong makisama. Pero kapag nasagad at hindi n'ya nagusutuhan ang ginagawa ng isang tao she can be a scary woman. Palaban ito.

"Ano pong kinalaman noon sa pagkababae ko? Hindi po nadidikta ng kasarian ko ang kakayanan ko bilang isang tao. It's a derogatory remark manong. And like duh, its already the 21st century for your old fashion thinking. Hello to the new world!" Napalunok si Clyde.

"Anong gusto mong palabasin?" Singhal ni Many Tiburcio.

"Papakita ko sa inyo na kaya ko 'yan, no, naming dalawang mga minamaliit mo. Ako ng magtuturo sa kanya."

Kinuha n'ya ang mga kagamitan sa dalawa. Matulin n'yang binaklas ang kulungan. Sa palagay ni Clyde mas magaling pa si Angel kesa sa matandang si Tiburcio.

Napanganga ang dalawang lalaki ng ginamit na ni Angel ang mga tools.

She's seriously cool. Babaeng-babae s'ya magsalita pero she can do a lot of things. Kahit mga panlalaking gawain.

Mas lalo lang namangha si Clyde sa babae. Hindi n'ya alam ang side na ito ng babae. Tinawag s'ya nito.

"Pakisalansan naman ang mga kahoy sa isang sulok." Sabay turo n'ya sa bandang banggerahan. Agad n'yang nabaklas ng walang kahirap-hirap ang malaking kulungang kahoy. Na akala mo sanay s'ya sa mabibigat na trabaho. Humarap s'ya sa matanda.

"Etong frame ng kulungan na gawa sa bakal tatanggalin ko rin ba?" Hindi agad nakasagot ang matanda. Kahit s'ya tulala sa babae.

"Okay na 'yan." Umubo ang matanda. Malamang hindi komportable sa nasaksihan. "Baklasin n'yo na lang ang mga pako. Baka makadisgrasya. Sige, papasok lang ako sa bahay. Puntahan n'yo na lang ako pagkatapos. Ibibigay ko na ang bayad. Bumalik na lang kayo next week." Nagmamadaling tumakas ang matanda na akala mo ay umuusok ang puwit.

"Teka--" Hindi ba every weekends ang usapan? Iyon sana ang balak itanong ni Clyde.

Pagkatanggal ng mga Palo ay nagligpit na sila. Pinuntahan ang matanda para kunin at bayad. Sa labas pilit ibinibigay ni Clyde ang kalahati ng pera kay Angel. Pero ayaw nitong tanggapin. Tumigil lang si Clyde ng sabihin nitong hindi na n'ya kakausapin si Clyde na agad nagpatahimik sa binata.

Katahimikan!

"Angel?" si Clyde.

"Hmm?" si Angel.

"Tu-tungkol sa nangyari kanina." Nauutal na turan ni Clyde.

"I won't ask."

...

Nang sumunod na sabado, tinuturuan ni Angel ng tamang pagamit ng lagari.

"Instead of pushing, dapat pahila ang gawin mo." Paliwanag ni Angel habang ipinapakita ang aksyon. "I-try mo." Sanay about kay Clyde ng lagari.

"Subukan mo munang patulak." Muling utos nito kay Clyde. Sinabi na n'yang pahila ang tama pero kabaligtaran ang pinagawa.

Sinunod naman n'ya 'yon ng walang pagtatanong.

"Ngayon pahila naman." Muling utos ng babae.

Napatingin si Clyde kay Angel.

"Nakita mo 'yung difference?" Tanong ni Angel.

"Oo. Kapag patulak ang gamit, lumalaban, mabigat. Kapag pahila naman sobrang gaan. Madaling maglagari." Paliwanag ni Clyde.

Mas napabilib s'ya rito. Hindi lang ito maganda, mabait at maabilidad. Magaling din itong magturo. Sinimplihan n'ya ang pagtuturo. She did it by comparison. Sa paraang 'yon mas madali n'yang na-identify ang crux of the problem.

Umalis si Angel. Pumunta ito sa matanda para humirap ng isa pang lagari. Inutusan kasi silang gumawa ng mga upuan gamit ang mga nakuhang kahoy.

Sa pagbalik ni Angel inumpisahan nila iyon. Tinuruan s'ya kung paanong mas madaling way ng pagkaabit ng mga paa. Ipinaliwanag din nito kung bakit dapat lagyan ng suporta ang mga paa. Yung mga pahalang na kahoy na dinudugtong sa mga paa. Para maging matibay, hindi mating mabuay at hindi lumundo.

...

Sa kasalukuyan!

"Palaban ang batang 'yon." Nakangiting turan ng matanda.

"Nakakatakot." Dugtong ni Clyde. Sabay silang natawa.

"Lalo na nang nadiskubre ko ang una n'yong pakay. Noong aksidente kong narinig ang pinag-uusapan n'yo."

...

Lumipas ang ilang buwan. Naging malapit na ang dalawa sa matanda.

Mas nabawasan din ang pagiging iritable ni Mang Tiburcio. Mas naging malumanay at nabawasan ang kagaspangan ng ugali. May mga panahon pa ngang inaabot sila ng gabi at nakikisali na rin sila sa inuman.

Hapon 'yon habang nag-aayos na sila para umuwi na. "Kelan mo kakausapin si manong sa ginawa n'ya rati?" Biglang tanong ni Angel.

"Sa tingin ko he deserve a chance. Nakita mo naman ang pagbabago n'ya hindi ba? Wala na tayong magagawa. Wala naman tayong ebidensya. Isa pa, matanda na rin s'ya. Let God be his judge. Siguruhin na lang nating hindi n'ya na gagawin 'yon. Let's make him realize that all lives matter. Gaano man 'yon kaliit." Sabi ni Clyde.

"Make sense. I agree." si Angel.

"Uunti-untiin ko s'yang i-orient. Any idea how to?" Tanong ni Clyde.

"How about Bible verses?" Nakangiting suhesyon ni Angel.

"Sounds good to me. Great idea." Typical of Angel. Maka-Diyos s'yang tao. Isang bagay na kinatutuwaan ni Clyde ng malaman n'ya 'yon dati.

Padarag na bumukas ang pinto sa kwartong pinag-iwanan nila ng gamit. Nagulat sila sa tumambad sa kanila. Si Mang Tiburcio. Nagngangalit ang mga panga nito. Kunot ang noo.

"Kaya pala pamilyar ka sa'kin dati Angel. Kayo 'yung nag-survey dati. At talagang pinagplanuhan n'yo pa ko? Para saan? Para perahan?Gagamitin n'yo pa sa'kin ang Diyos? Tapos ano? Hihingi ng kung ano-ano? Hindi n'ya ko madadaan sa ganyan. Lumayas kayo rito at 'wag ng babalik pa. Kung hindi ipapadampot ko kayo sa baranggay." Sigaw ng matanda.

"Mang Tiburcio, pabayaan mo muna kaming magpaliwanag, okay?" Sinusubukan n'yang pakalmahin ito.

"Hindi na." Singhal nito sanay talikod.

At nangyari 'yon. Sa tulin ng mga pangyayari hindi nagawa ng pigilan ni Clyde si Angel. Hinila n'ya ang kamay ng papatalikod na matanda para ipaharap sa kanya.

Kwinelyuhan ito ni Angel.

Namutla si Clyde.

Naloko na! Paano kung kasuhan talaga kami ni Manong? Masasayang ba ang oras na nilaan namin para pagbaguhin s'ya?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan mo ko." May nginig sa boses na turan ng matanda. Mukhang nagpupuyos na ang damdamin nito.

"Alam mo tanda matagal na akong nagtitimpi sa'yo. Masama ang ugali mo. Pero dahil sinusubukan lang ituwid ni Clyde pinagpapasensyahan kita. Pero sobra ka na. Hindi mo ba nakikitang nag-aalala lang sa'yo ang tao? Sino ba 'yung muntik ng mamatay kung hindi lang binisita ni Clyde. Nag-collapse ka dahil sa hypertension mo. Kung hindi ka naagapan malamang patay ka na. Hindi weekend 'yon. Wala sa usapan n'yo. Nagmamalasakit lang s'ya sa'yo, pero hindi mo pa makita. S'ya rin ang dumadalaw sa'yo sa hospital dahil wala ang mga anak mo. Wala lang contact dahil inabandona ka na nila. S'ya ang tumayong guardian mo sa stay mo sa ospital. Alam mo, kaya ka siguro iniwan ng pamilya mo dahil sa ugali mo." Namutla na rin si Mang Tiburcio. Natameme s'ya. Napakabrutal ng mga sinabi sa kanya nito. Tumagos ang sakit sa dibdib n'ya dahil totoo ang mga sinabi ng dalaga.

Hinila ni Angel palabas ang tulala pang si Clyde. "Babalik kami tanda." Sigaw ni Angel.

Simula sa engkwentrong 'yon nangingilag na ang matanda sa dalaga.