Chapter 706: Ang Gwapo Ng Anak Ko!
"'Wag kang magpadalos-dalos."
"Hindi ah! Lu TIngxiao, gamit lang isang paa ko, hihingi na ng tawad 'yan!"
Walang magawa si Lu Tingxiao. Kailangan nilang mag-ingat kahit parent-child school activity lang ito. Kung hindi niya siya pipigilan, aasta siyang parang kabayong nakawala...
Umalis na ang mag-ama, naiwan ang guro na umiiyak.
"Teacher, okay lang ba kayo?" lumapit si Ning Xi sa kanya at binigyan ito ng tissue. Bakas ang galit sa kanyang mga mata.
"Ah! Kayo...kayo ang magulang ni Lu Qingyu, hindi ba? Kanina pa siya naghihintay! Okay lang ako. Nakita niyo ba ang nangyari?"
Natatakot ang guro na baka magkaroon ng masama impresyon ang mga magulang sa paaralan kaya agad siyang nagpaliwanag, "Pakiusap, huwag niyo po silang intindihin. Special case po ang magulang na iyon. Karamihan sa mga magulang sa paaralan ay maayos naman."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com