Chapter 1415: Mahal Ko, Genes Mo Iyon
Nang makita nila sa scoreboard ang 9.2 points, nagbago ang ekspresyon nina Zhuang LIaoyuan at Zhuang Zongren, pero hindi pa rin sapat para kay Zhuang Rongguang.
"Swerte ka lang! Natamaan mo yung 9.2! Pero hindi mo matatamaan yung 10 points dahil lang sa swerte!"
Pagkatapos ng pangungusap niya…"Bang!" 10 points!
Bang!
10 points ulit!
Muntik na niyang makagat ang sarili niyang dila nang makita niya ang sunud-sunod na fullscore shots. Nautal siya, "A-ang swerte mo, ano?"
Bang!
Natamaan ni Little Treasure ang pangatlong 10-point shot niya.
Hindi nakaimik si Zhuang Rongguang.
Tatlong magkakasunod na 10-pointers? 'Di ba masyado na… ang swerte niya?
Bang!
Isa pang 10 pints— ang pang-apat na asintadong putok.
Pagkatapos, nagpaputok pa ito nang ilang bala, at bawat isa 10-pointer, ang perfect score.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com