Chapter 921: Nagbago Ang Kanyang Buong Pagkatao!
Tinignan siya ni Jiang Muye ng masama. "Sa galing ko?"
"Ikaw?" sa itsura ni Chen Mian, parang gusto na niyang mamatay. "Hindi mo ba alam na sa loob ng director's circle, ikaw ang artista na pinaka-ayaw maka-collaborate ng mga direktor?
"Huh?! Bakit naman? Bakit ayaw nilang makipag-collaborate sa'kin? Sobrang sikat ko ngayon!" Nanggigil si Jiang Muye.
"Kung hindi ka sikat, tingin mo sino'ng kukuha sa'yo? 'Wag mo nang banggitin kung gaano kahirap ka pakisamahan, ang key ay ang acting mo. Parang 'tang-inang roller coaster, minsan mahusay, minsan napakapangit. Mahirap i-kontrol at lahat nakasalalay sa mood mo, kaya sino'ng direktor ang kukuha sayo!?"
...
Hindi nagtagal, handa na ang lighting at kamera.
Nagsimula ang shoot.
Sa balkonahe na puno ng mga halaman, habang nakaupo ng komportable sa isang hanging circular rattan chair, mahimbing na natutulog si Ji Feixue.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com