webnovel

Ang talas ng paningin mo!

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 31: Ang talas ng paningin mo!

May paghihintay sa mukha ni Director Guo pagkatapos niyang magsalita.

Natural lang na tumingin rin ang mga reporter sa direksyong tinutukoy ni Director Guo. Lahat sila ay namangha.

Nakasuot si Ning Xi ng isang magenta dress na gawa sa lace. Nabigyang-diin ng tabas ng damit ang nakakahumaling na bewang ni Ning Xi maging 'yung neckline talagang naipakita ang matikas na collarbone niya. Mas mahirap dalhin ang kulay na suot niya kaysa sa pula. Kahit na katangi-tangi ang disenyo ng damit, magmumukhang masagwa o nakakatakot kung ibang tao ang may suot.

Pero parang ginawa talaga para kay Ning Xi 'yung damit – lalo siyang gumanda dito at talagang namangha ang lahat.

Pakiramdam ni Ning Xi nung una ay 'di niya mabibigyang hustisya 'yung damit nang piliin 'yun ng stylist, nakumbinsi na lang siya pagkasuot niya nito.

Tulad ng inaasahan sa Godly Hand ng Glory World, napakatalas ng mga mata niya. Isang tingin lang at mas alam pa niya ang babagay kay Ning Xi kasya sa alam ng dalaga para sa sarili niya.

Kahit na first time ni Ning Xi sa ganitong uri ng event, sa kabila ng lahat, aktres pa rin siya. Marami na siyang ginanapang roles at personas at isa na dun ang pagiging celebrity kaya 'di mahirap ang paglakad sa red carpet.

Bawat hakbang, bawat ngiti, at bawat kilos niya ay tama lang. Alam niya rin ang mga pinakabagay na camera angles at naibigay niya ang perfect expression.

Mas matagal kaysa kay Director Guo natigilan ang mga reporter bago nakabalik sa tamang huwisyo.

Ito… ito si Ning Xi, 'yung gaganap na Meng Changge?

Isang baguhang wala pang pangalan o experience na kabanggit-banggit.

'Di…' di ba sobrang ganda niya?

Walang mga salita para mailarawan siya, talagagng nakakamangha siya!

Kanina lang pinipilit nila si Director Guo na sabihin kung sino ang mas maganda kina Jia Qingqing at Ning Xi. Kaya pala may mali sa ekspresyon ni Director Guo, alam na nila ngayon kung gaano katawa-tawa ang tanong nila.

Kung itatabi sa 'di mapapantayang ganda ni Ning Xi, kahit isang magandang celebrity tulad ni Jia Qingqing magmumukhang karaniwang babae lang.

Habang nasa gitna ng red carpet, nag-pose si Ning Xi sa harap ng mga camera bago tumalikod para kunin ang pen mula sa tray para pumirma ng kanyang pangalan sa pader.

Naging dahilan muli ng pagkagulat ng marami ang pag-ikot niya at sunod-sunod bigla ang tunog ng camera shutters.

Backless ang disenyo ng damit na suot niya, nang piliin ito ng stylist, isa itong malaking dahilan ng desisyon niya.

Perpekto maging ang shoulder blades ni Ning Xi; maaari pa nga raw itong ituring na pinaka-sexy na bahagi ng katawan niya at sayang naman kung matatakpan ang mga 'to.

Karamihan ng mga babaeng celebrities na lumalakad sa red carpet ay cleavage ang ipinapakita para maging tawag-pansin, pero ibang paraan ang ginawa ni Ning Xi at dahil dito, mas mataas ang dating niya kaysa sa iba.

Matapos makagamit ng ilang rolyo ng film ng mga camera, oras na para sa interview.

Nakakaawa ang mga reporter ngayong araw.

Ang mga inihanda nilang tanong nung una ay tulad ng: "Sa tingin mo ba bagay ang itsura mo para sa role ng isang vixen tulad ni Meng Changge?", "Sino sa tingin mo ang mas maganda, ikaw o si Jia Qingqing?", "Bali-balita na nakuha mo ang role sa pamamagitan ng unofficial channels, ano ang dahilan para doon?"…

Ngayon 'di nila magagamit ang mga tanong na 'yun…

Kahit sinong may mata at nakakakita ay maniniwala na walang naganap "behind the scenes"– makita lang ang ganda niya, kapani-paniwala na.

Siya na ang pinakanababagay sa role na Meng Changge.

Nagsimula nang magtanong ang mga reporter.

"Miss Ning, if I may ask, 'yang suot mong damit ay design ni Karl Lagerfeld, custom piece ba 'yan?"

Napahinto si Ning Xi.

Si Karl Lagerfeld ang designer ng dress na 'to?

Basta lang siya nagsuot ng damit na nagkakahalaga ng milyon-milyon?

Demon King Lu, pwede bang 'wag kang masyadong tuso!

Pero ang mas nakakatakot ay 'yung sumunod na nangyari. Natanong muli ang reporter, "Miss Ning, si Arthur ba ang nag-style ng outfit na 'to?"

Pati 'yun nakita mo?

Ang talas ng paningin mo!