webnovel

A Little Young Master Who Likes To Make Fruit Juice

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 49: Ang Little Young Master na mahilig gumawa ng Fruit Juice

Nakahawak sa noo si Ning Xi habang pabalik-balik siyang lumalakad. "Hindi na natin pag-uusapan kung pa'no mo ako pinadalhan ng flowers para i-trap ako, pero alam mo namang nag-leak na 'yung balita tungkol sa pagbalik mo next month; maraming fans mo at media ang nasa aiport nu'n! Gusto mong sunduin kita? Gusto mo ba akong sirain? Jiang Muye, isang beses lang akong nakipag-break at gusto mong gumanti dahil d'un?

"Gusto ko ba? Binibigyan kita ng free pass para sumikat, ang daming maliliit na artista'ng nagdadasal para sa ganitong opportunity and they can't get it."

"NO! NEED!"

"Fine! 'Pag 'di ka dumating, ipapaalam ko sa buong mundo na iniwan mo 'ko! I don't care kung magmukha akong tanga, I want everyone to carry out justice for me!" sagot ng lalaki sa kabilang linya na parang wala talaga siyang pakialam.

"Ikaw talaga…" galit na galit si Ning Xi at pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya. Ang pinakamalking katangahan lang naman niya sa buhay ay i-provoke ang isang delubyong nagngangalang Jiang Muye.

'Tong parang batang 'to, akala mo 'di ko alam pa'no ka pakikisamahan?

Ngumiti si Ning Xi nang mapanghamak. "Fine, susunduin kita, 'di ba? Pupunta ako! 'Wag mo 'tong pagsisisihan ha!"

Sa totoo lang 'di naman mahirap pakitunguhan si Jiang Muye. 'Di lang niya ikinatuwa na, for the first time, may nang-iwan sa kanyang babae kaya gusto niyang gumawa ng gulo para dito – titigil siya kapag kuntento na siya. Ang talagang pinakamalaking sakit sa ulo ni Ning Xi ay 'yung demonyong nagpadala ng diamond.

Bahala na, bahala na, wala na siyang pakialam. Palaging may solusyon sa problema!

"Ning Xi, may naghahanap sa'yo –"

Pagkatapos na pagkatapos niya makipag-usap, narinig ni Ning Xi ang production assistant na si Xiao Li na tinatawag siya – gusto na lang niyang tumakbo palayo.

Sino naman ngayon?

'Di pa rin pala tapos!

Excited lahat ng crew. Mas bongga kaya ang darating ngayon?

Sa isang sulok, nangangasim nanaman ang mukha ni Cui Caijing. "Itong mga matatandang lalaki na 'to ang alam lang magsayang ng pera! Napakababa!"

"Miss Xiao Xi, he… hello!" Isang mahiyaing babae naman ngayon. Mukhang 'di siya masaya at mukhang kabado na parang may nagawa siyang mali.

Sa harap ng ganitong babae, 'di magawang magalit ni Ning Xi kahit na gustuhin niya. "Okay lang. Hinahanap mo raw ako?"

"May ibibigay po ako sa inyo," binuksan ng babae ang isang puting cooler box. Nang maubos ang vapor mula sa malamig na kahon, nakita ni Ning Xi ang tatlong bote na mukhang may lamang red, yellow, at green fruit juices.

"This is…?" napakibit ang labi ni Ning Xi sa pagtataka. Ang dami na niyang napanood na palace drama at ang unang pumasok sa isip niya ay may gustong lumason sa kanya.

"Personally made po 'yan ng Little Young Master namin. Ito po watermelon juice, ito naman po orange juice, saka green bean juice," sagot ng dalaga.

"Sino'ng Little Young Master niyo?" tanong ni Ning Xi ng may paghihinala. Inaalala niya kung may ginalit ba siyang little young master na gumagawa ng fruit juice.

Sinabi ng babaeng nagdala na basahin ni Ning Xi ang note sa bote.

Pagkaalis ng note, isang English word lang ang nakita ni Ning Xi na nakasulat: 'Fighting' at may kasunod na drawing ng puso.

Halos maimagine ni Ning Xi kung paanong nag-blush habang nakatikom ang mga labi ng nagpadala habang idinrawing 'yung puso.

"Si Little Treasure…" Sa isang iglap, naging kaaya-aya ang mga mata ni Ning Xi at kumalma ang maligalig niyang mood kanina.

Nu'ng una, nag-alala siya na magkaroon ng high profile habang nagsisimula ang career niya dahil baka magdulot lang ng hindi kinakailangan gulo at chismis.

Pero ngayon, kapag iniisip niya, bakit niya kailangan isipin masyado ang opinyon ng mga tao na wala naman pakialam sa kanya? Kung patuloy siyang mag-aalala sa iniisip ng mga tao sa industriya, 'di ba mapapagod lang siya?

Dati, dahil sa sobrang pagpansin niya sa iniisip ng mga matapobreng mayayaman tungkol sa kanya, sa pagtingin ng mga maguang niya, sa mga iniisip ni Su Yan, unti-unting nawala ang kumpyansa niya sa sarili at ang kanyang pagkatao…

Naiintindihan na niya ngayon pero hinayaan niya pa ring guluhin siya ng isang pagkakataon.

Kailangan lang niyang maging siya at siguraduhing malinis ang konsensiya niya, isang araw, mapapatunayan din niya ang halaga niya gamit ang sariling lakas niya.

Mga taong nag-aalaga na lang sa kanya ang ipinaglalaban niya ngayon.