webnovel

A Late-night Visitor

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 64: Isang Bisita sa Hatinggabi

Parang sanay na sanay si Jiang Muye na inayos ang mga game equipment, kumuha rin siya ng ilang bags ng jelly, chips, at tuyo kung sa'n man 'yun galing. Naglabas din siya ng bote ng wine mula sa wine cellar habang masayang humuhuni.

Handa na ang lahat at naupo na si Jiang Muye sa sahig habang excited na pinagkikiskis ang mga kamay. Gusto na sana niyang maging pamilyar sa laro nang biglang nag-ring ang doorbell.

Nandilim bigla ang mukha ni Jiang Muye. Imbis na sagutin ang pinto, tumawag siya kay Lei Ming at inis na inis, "Itigil mo na nga 'yang pag-ring ng doorbell! Nag-promise naman ako 'di ba na on time ako bukas ng umaga, 'di pa ba sapat 'yun? Araw araw mo na akong inuuutus-utusan na parang aso, 'di mo pa ako hahayaang magenjoy maglaro ng games, 'di ka ba naniniwalang mag-quit ako 'pag nasakal na 'ko?"

"Uh? Ring ng ano?" gulat na sagot ni Lei Ming mula sa kabilang linya.

Parang nabilaukan si Jiang Muye at tumigil. "Wala ka ba sa labas at ring nang ring ng doorbell ko?"

"Malayo-layo na 'ko mula sa villa, saka nagdadrive ako!" inosente si Lei Ming.

"Eh sino kaya 'yun…'di naman marami'ng nakakaalam na dito ako nakatira…" Bulong ni Jiang Muye sa sarili habang nagtataka.

"Naku 'wag mong sabihing na-leak ang addresss mo? Mag-ingat ka, 'wag mong bubuksana 'yung pinto, pa'no 'pag media 'yan! Nandiyan pa si Ning Xi!" biglang naging alerto si Lei Ming

Nagpabuntong-hininga lang si Jiang Muye na palang walang pakialam, "Ano naman kung media nga! Ano naman kung makita nila dito si Ning Xi?"

Nakiusap si Lei Ming na parang walang magawa, "Muye, 'di sa nilelecturan kita pero kung gusto mo siyang tulungan, kailangan muna niya tanggapin 'yung tulong mo! Malinaw namang ayaw ni Ning Xi sumakay sa pirate ship mo…"

Bigla namang sumabog si Jiang Muye. "Anong pirate ship! Sino'ng tinatawag mong pirate ship?"

Nag-riring pa rin ang doorbell nang may pauulit-ulit na limang segundong pagitan.

"'Di na kita kakausapin, bubuksan ko na 'yung pinto! Disoras na ng gabi, sino kaya 'to…" ibinaba na ni Jiang Muye ang telepono at padabog na naglakad papuntang drawing room.

Maingat na chineck ni Jiang Muye ang electronic monitor para makita muna kung sino'ng nasa labas at sa gulat niya, para siyang nakakita ng multo.

"F*ck! Lu Tingxiao!!! Bakit siya nandito…"

Nakasuot ng kulay gray na pambahay at nakatsinelas lang ang lalaki sa labas habang may dalang mga bagay. Kahit na sobrang simple lang ng suot nito, sa 'di malamang dahilan, para kay Jiang Muye nakakapanginig pa ring makita siya dahil parang may ihip ng hangin mula sa glacier.

Parang isang rabbit na nakakita ng lobo, natatarantang nagpaikot-ikot si Jiang Muye. Pagkaraan ng dalawa pang ring ng doorbell, huminga siyang malalim bago binuksan ang pinto.

Pagkabukas ng pinto, naging maingat at magalang ang nakapinta sa mukha niya. "Uh, bakit ka nandito…"

"Para bisitahin ka," walang emosyong sagot ng kausap niyang lalaki.

"Oh… sige! Pasok ka, pasok ka…" masiglang pag-aaya ni Jiang Muye.

Nakita ni Lu Tingxiao ang game controllers sa sahig pati ang snacks at wine bago siya naupo sa sofa.

Nang mapansin kung saan nakatingin si Lu Tingxiao, napaubo si Jiang Muye at nagpaliwanag, "Ahem, nakakapagod kasi 'yung trabaho, bihira lang ako magkaro'n ng oras mag-relax."

'Di na 'to pinakialaman ni Lu Tingxiao. Kaswal lang siyang nagtanong, "Kailan ka pa dumating?"

"Nito lang," ilang minuto ring naghahanap si Jiang Muye nang sa wakas may nakita rin siyang pouch ng tsaa, kaya lang walang mainit na tubig, kaya bot eng mineral water lang galing sa ref ang inilabas niya. "'Di pa ako nakakapagpainit ng tubig, okay na ba 'to?"

"'Di mo kailangan mag-abala, 'di ako magtatagal," itinuro ni Lu Tingxiao ang mga kahong dala niya. "Galing sa mom mo 'yang mga 'yan."

"Pwede naman sanang ibang tao na lang 'yung pinagdala niya ng mga 'yan bakit ikaw pa inabala niya para dalhin 'yan ngayong gabi!" sa isip ni Jiang Muye, halos isang daang beses na niyang pinagalitan ang nanay niya. Bakit naman, ni walang malinaw na dahilan, si Lu Tingxiao pa'ng pinagdala niya ng mga 'yan! 'Di niya ba alam na siya ang pinakakinattaakutan ni Jiang Muye?... Fine, halata naman, alam ng nanay niya, kaya sinadya nitong si Lu Tingxiao talaga ang papuntahin…