webnovel

Her Secretary is a Billionaire (Tagalog, English)

Anong gagawin ng isang mayamang babae kung matuklasan niyang niloloko siya ng taong sobrang importante sa buhay niya? Is she can forgive that person? Paano kung ang taong ito ang siyang nakatadhana para sa kanya, handa ba siyang magpatawad at mag mahal ulit? She's the CEO of their company, pero hindi man lang niya napansin na may nakapasok na palang kontrabida sa kompanya niya. Tanga ba siya sa paningin ninyo o sadyang nagtiwala lang siya ng lubusan kaya hindi niya napansin ang taong ito? Ano nga ba ang gagawin niya? Her Secretary Is A Billionaire by: Maryixxx

Maryixxx · perkotaan
Peringkat tidak cukup
36 Chs

Chapter seven

"Out of the night that covers me, black as the pit from pole to pole. I thank whatever Gods maybe for my unconquerable soul."

---William Ernest Henley

"Dad, wake up." Tawag ni Mlaire sa kanyang papa na natutulog.

"Were here at the house na." Pagdadagdag pa nito. Isang Mmmmh lamang ang sinagot ng kanyang daddy at hinay hinay na minulat ang mga mata.

Tinawag ni Donya Maire si Emma upang tulungan ito sa pagbibitbit ng gamit ng asawa at siya na lamang ang nagdala ng sariling gamit.

"Madam saan ko po ito ilalagay?" Tanong ni Emma sa mabait na amo. "Diyan na lang iha sa kama, ako nalang mag aayos ng mga 'yan mamaya." Sabi ni Madam Maire.

Habang ang daddy at mommy ni Mlaire ay agad na humiga sa kama, pagod na pagod ang mga ito kaya sinabi niya sa mga ito na magpahinga muna at magpapadala na lang siya ng meryenda.

Tumango lamang ang mga ito at hinagkan siya bago lumabas sa kwarto ng kanyang magulang, napangisi siya dahil umuwi na sa wakas ang kanyang mga magulang kahit ilang buwan palang ang nakakalipas.

Sabi pa nga ng iba, "I can't live without my family."

Pumunta na lamang siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang orasan, alas tres na pala ng hapon, di manla niya napansin ito. Nag shower ang dalaga at magmuni muni habang nakalubog ang katawan sa malamig na tubig.

Pagkatapos ay nag palit ng damit at bumaba. Kakain muna siya dahil di pa ito kumakain ng lunch, buti na lamang at sumabay sa kanya si Manang Edes kaya mas marami ang kanyang makakain.

"Iha mag ingat ingat ka naman, okay? Tingnan mo yang braso mo may sugat na."

Napatingin naman si Mlaire sa kanyang braso at hindi rin niya alam kung saan galing ang sugat na iyon. Mabuti at maliit na gasgas lang ito at di naman masyadong mapapansin ng iba.

"Manang, okay lang po, ang liit liit nga nito." Sabay turo sa sugat. "Iha kahit na, mag iingat ka pa rin. Sige na kain na." Paalala sa kanya ng matanda.

*Kring *kring*

"Hello, okay I'll be there. Give me 30 minutes. Okay?" Nagmamadaling lumabas ng bahay si Mlaire dahil tumawag ang kanyang sekretarya at may gusto daw na makausap ang may ari ng Villachin Company.

Nang maka park ang dalaga sa parking lot agad itong pumasok sa building.

May nakikita pa naman siyang ibang empleyado ngunit nag liligpit na ito ng sariling gamit. Uuwi na ang mga iyon.

Nang makarating ang dalaga sa office niya agad naman siyang binati ni Anton, private investigator niya ito. Akala niya sino nang tao ang gustong kumausap sa kanya, hindi ito kilala ni Shelley kaya naman labis ang kanyang pag alala na baka may masamang plano ito.

"So, anong balita Anton?" Sabi ng dalaga.

"Mlaire may bagong tao na gusto kang pabagsakin at base sa investigation ng mga tauhan ko kilala at sikat ito. Malaki ang kompanyang pinapatakbo sa ibang bansa at marami ang branch ng kanyang kompanya sa Europe at america. Kilalang kilala ang lalaking ito sa mga bansang 'yan at marami pa."

"Filipino lang ba ito Anton? Pangalan?" Tanong ng dalaga.

"Yes, half Brazilian and half Filipino. Pasensya na Mlaire masyadong private ang taong ito, kahit sa Google hindi Basta bastang makikita ang personal information nito. Pero kapag malaman namin agad tatawag ako sayo para mapag usapan natin."

"Mag iingat ka Mlaire sapagkat may taglay itong kagwapuhan at baka ito pa ang gamiting pan laban sayo. Huwag mong kalilimutan na marami pa ang gustong makuha ang kompanyang pinaghirapan mo at ng pamilya mo."

"Thanks Anton and I will pay you triple if mabigay mo ang full name ng lalaking 'yan. You can go now."Nag nod lamang ito at lumabas na kaagad. Napaisip si Mlaire, bakit kaya gustong makuha ng ibang tao ang kanyang kompanya.

Hinding hindi niya hahayaan na mawala lahat ng pinaghirapan ng kanyang daddy. She will do her very best para talunin ang mga ito.

Nagtagal siya sa sariling opisina ng mahigit dalawang oras dahil sa pag iisip. Sumasakit lamang ang kanyang ulo dahil sa impormasyong binigay ni Anton sa kanya, nang maalala ang kanyang mga magulang, tinawagan niya muna ito at sinabing uuwi na siya.

Buti na lamang at gising na si Donya Maire at ito ang sumagot sa tawag ng anak. Mag aala syete na ng gabi ng maka uwi si Mlaire sa kanilang bahay, hindi pa siya nagugutom dahil naparami ang kain niya kanina.

Pinark muna ang kanyang Ferrari at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. "Good evening iha." Bati sa kanya ni Donya Maire sabay halik sa pisngi ng anak. Ngumiti lamang si Mlaire dahil napagod ito sa kaiisip kanina.

"Mom, where's dad? Still sleeping?" Parang batang nagtatanong Kay Donya Maire. "Yes baby, tulog pa daddy mo." Pagod na pagod talaga Si Don Marth dahil sa biyahe.

"Mom, shower lang po ako sa taas." Paalam ni Mlaire sa ina.

"Okay, wag mag tagal kakain na tayo." Sagot nito.

"Aye aye captain." Patakbong tinungo ang cr ng kanyang silid at nag shower agad, nakakailang shower na siya ngayong araw, ganon talaga pag negosyante ka.

After 10 minutes, bumaba na si Mlaire at sabay sabay silang kumain, nagkwentuhan lamang sila sa hapagkainan at ng matapos na sila ay niligpit ang mga ito.

Nag good night ang dalaga sa dad niya at mom niya, matutulog na ito dahil sa pagod. Bukas naman, mas marami pa ang magpapasakit sa kanyang ulo. Humiga na siya at nag isip ng mabuting gawin upang masimulan ang kanyang project.

Sa ngayon, ito muna ang kanyang proproblemahin at saka na ang iba. Alas otso na ng gabi at naisipan munang tingnan ni Mlaire ang kanyang cellphone. May unknown number ang tumawag sa kanya, nagtaka naman ang dalaga dahil tanging pamilya, kaibigan at ibang kliyente lamang ang kanyang binibigyan ng number.

Hindi na lamang niya ito pinansin at pinikit na lamang kanyang mga mata.

"Goodnight Papa God, please guide us every second, evey minute, every hour, and everyday." Nanalangin ito bago makatulog.