webnovel

TP: 40

Now playing: Umaasa lang sa'yo - Six Part Invention

Felicia POV

Ilang araw na akong nandito sa Pilipinas ngunit kahit isang beses ay hindi ko pa rin nakikita si Skyler. Gustong-gusto ko na siyang makita muli. Pero kahit yata sa loob ng kanilang mansyon ay ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana.

Dahil sa paggising ko pa lang sa umaga ay umaalis na raw ito patungong opisina. At kapag uuwi siya ay tulog naman na ako o kung lumalabas naman ako eh siya iyong maagang natutulog dahil sa pagod.

Nagsisimula na raw kasi si Mrs. Aerin na i-turn over sa kanilang anak ang mga kompanya na hawak niya.

Naalala ko 'yung mga sinabi sa akin ng mga kaibigan niya. Na magmula noong makabalik siya ng Pilipinas galing Prague ay naging workaholic na ito at hindi na rin masyadong lumalabas katulad ng nakasanayan niya.

I miss her. I really wanted to talk to her, to talk about us pero sa nakikita ko mukhang hindi iyon mangyayari kung maghihintay lang ako.

Kailangan kong gumawa ng paraan.

Kaya naisipan ko na ngayong araw ay puntahan na lamang siya sa kanyang opisina. By all means necessary gagawin ko ang lahat makausap ko lamang siya.

At lihim na hinihiling na sana ay pagbigyan ako ng tadhana.

Ngunit ang hindi ko maintindihan, kanina pa ako nandito sa labas ng gusali ng kanyang opisina ay hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko papasok sa loob.

Para akong siraulo na pumaparoon at parito at hindi malaman kung itutuloy ko pa ba itong plano ko.

Kinakabahan ako.

Paano kapag pinagtabuyan niya ako?

Paano kapag ayaw na niya akong makita o makausap? Lalo pa at malinaw na malinaw na tinapos niya na ang lahat ng ugnayan naming dalawa.

Hays! Kung anu-anong mga bagay ang naiisip ko.

Pero nandito na rin naman ako. Right? Ba't hindi ko pa subukan. Isa pa, tama ang mga kaibigan niya. Kaysa magkaroon ako ng maraming what ifs, ba't hindi ko subukan. Wala namang mawawala eh.

Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga.

Bahala na. Sabi ko sa aking sarili bago tuluyang ihakbang ang aking mga paa.

Ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang makita kong papalabas na rin si Skyker ng gusali. At sumakto pa talaga ang kanyang mga mata sa akin habang nagsasalita ito kausap ang kanyang assistant na nakasunod sa likuran niya.

Gustuhin ko man ang magtago upang hindi niya makita eh huli na.

Dahan-dahan na itinigil niya ang kanyang mga hakbang. Muling nagbaling siya ng tingin sa kanyang assistant na akala ko eh aalis na pagkatapos na may sabihin sa kanya si Skyler, pero nanatili ito sa kanyang tabi.

Habang siya naman ay parang slow motion na nagpatuloy sa paglakad patungo sa akin.

"What are you doing here?" Plain lamang ang mukha na tanong nito sa akin.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panggiginaw sa paraan kung paano niya ako tignan ngayon.

Napakalamig. Walang kaemo-emosyon.

Wala man lang "Oh, you're back!" Tss! Well, ano pa nga bang dapat na asahan ko. Ni hindi na nga siya nagulat na makita akong muli eh. Of course, expected na niyang mangyayari ito.

Malamang alam na niyang nandito ako para sa kanya, dahil sa kanya.

At isa pa, sa mansyon nila ako nanunuluyan ngayon na dapat ay hindi naman talaga. Pero dahil sa napakamakulit niyang kaibigan nahiya naman akong hakutin pa at ilabas ang mga gamit ko. Argh!

Napalunok ako bago sumulyap sa kanyang assistant na kunwaring abala sa pagkalikot ng kanyang Ipod ngunit ang totoo ay nakikinig rin naman.

"Sky, c-can you give me your spare time? If you don't mind. I just really need to talk to you."

Ngunit tinitigan lamang ako nito ng mataman sa aking mukha. Ni hindi ko rin mabasa ang nasa isip niya. Muling ibinaling niya ang kanyang mga mata sa kanyang assistant bago ako tinignan pagkatapos.

"I'm a busy person, Ms. Dizon. If you want to talk to me you can set an appointment with my Assistant." Pagkatapos ay mabilis na ako nitong tinalikuran.

Napapikit ako ng mariin bago humugot muli ng mas maraming lakas ng loob.

Atsaka hinabol siya at pinigilan. Mabuti na lang at medyo na-gets na ng assistant niya na mukhang kailangan nga namin ni Skyler ng alone time kaya hindi na rin ito sumunod.

"Sky, wait." Pagil ko sa kanya. Tinignan lamang ako nito na para bang bored na bored na siya habang hinihintay ang gusto kong sabihin.

"A-Alam mo naman na siguro kung bakit ako nandito 'di ba?" Tanong ko sa kanya.

Ngunit natawa lamang siya ng mahina bago nailing.

"I don't know. I don't know why you're here and the reason bakit mo'ko gustong kausapin." Mapaklang sabi nito.

Ngunit binigyan ko lamang siya ng isang malungkot na ngiti.

"I'm here to tell you that...t-that I fixed everything with Lucka and me. I-I mean, we're divorce now. And I'm here to tell you na pinagsisisihan ko na lahat ng mga nagawa ko, Sky. Na oo, tama ka. At napakadami kong na-realize nung mga panahon na naiwan ako sa Prague and---"

"Congrats! Good for you." Plain lang ang mukha na putol niya sa akin.

Magsasalita na sana akong muli nang tumunog ang kanyang cellphone at mabilis niya iyong sinagot.

"S-Sky..." Muling pagbanggit ko sa pangalan niya ngunit tinignan lamang niya ako atsaka tuluyan nang nilampasan dahil nasa kanyang kausap na mula sa kabilang linya ang kanyang atensyon.

Walang nagawa na napapahinga na lamang ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Agad din siyang sinundan ng kanyang assistant pagkatapos.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami muling nagkita. Halatang iniiwasan niya ako, halatang maingat siya na magkita kami kahit sa loob pa mismo ng pamamahay niya.

Kung minsan pa nga eh kahit nagkakasalubungan na kami pero hindi niya ako magawang tignan. Halatang ayaw niya akong makita o maging anino ko man.

May minsan pa na gumising talaga ako ng maaga para ipinagluto ko siya ng breakfast at para sabayan na rin sa pagkain.

Ngunit walang imik lamang na tinignan niya ako, tinalikuran ako at pagkatapos ay nagpaluto ito sa mismong chef nila.

Kahit sa mall, may minsang nagkasalubungan kami, sa parking lot o kahit saan pa. Hindi niya pa rin ako pinapansin o kinikibo.

Namimiss ko na siya, 'yung mga ngiti niya para sa akin. Iyong makitang tinitignan niya ako ng may punong-puno ng pagmamahal. Iyong ngingitian niya ako na magbibigay ng bilyon-bilyong paru-paro sa sikmura ko, habang kumikinang ang mga mata niyang tinititigan ako.

Namimiss ko na yung boses niya habang binabanggit o tinatawag ang pangalan ko. Yung mga yakap at haplos niya na tumutunaw at nagbibigay palagi ng warm sa puso ko. Lahat yun namimiss ko na sa kanya.

Siya mismo, miss na miss ko na.

Dahil gusto kong aliwin na muna ang sarili ko nang hindi kailangang lumabas ng mansyon ay naisipan ko na lang muna ang maligo sa pool.

Saktong nakalusong na ang aking katawan sa tubig nang dumating naman bigla si Skyler. Bitbit nito ang kanyang ipod na sa tingin ko ay magpapahangin siya.

Ngunit noong makita niya ako ay mabilis na tumalikod ito.

"Skyler, wait!" Mabilis na muling umahon ako sa tubig at hinabol siya.

"Sky!" Muling pagtawag ko sa kanyang pangalan pero hindi ito lumilingon na animo'y walang naririnig.

"Sandali sabi eh!" Pwersahang iniharap ko siya sa akin noong mahablot ko ang kanyang braso.

"What?!" Hindi ko mapigilan ang mapaidtad noong sigawan niya ako.

"What do you want from me?!" Magkasalubong ang kilay na tanong nito sa akin.

Hindi ako kaagad nakasagot ngunit lakas loob na tinignan ko pa rin siya sa kanyang mga mata.

Hindi pa ako nakakapagsalita pero nagsisimula nang maglaglagan ang mga luha ko.

Nasasaktan kasi ako kung paano niya ako tignan ngayon. Kung paano niya ako pakitunguhan ngayon. Kung paano niya ako pagtaasan ng boses na dati naman ay hindi siya ganoon.

Alam ko namang nasaktan ko siya ng sobra eh. Kaya hindi ko siya masisisi. Hindi ko siya pwedeng sisihin. Dahil kasalanan ko naman lahat bakit siya nagkakaganito ngayon.

"So, ano? Wala kang sasabihin? Iiyak ka na lang?" Inis pa rin ang boses nito at aalisan na naman sana ako nang tuluyan akong magsalita.

"Wag mo naman akong iwasan na parang hindi ako nag-e-exist oh!" Awtomatiko siyang natigilan. "Na para bang may nakakahawa akong sakit, na para bang invisible lang ako sa paningin mo." Hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko kaya hinayaan ko na lang ito sa pag-agos habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Tinignan ko siyang muli sa kanyang mukha at tinitigan muli ng maigi sa kanyang mga mata. Atsaka dahan-dahan na inabot ang kanyang kamay.

"I miss you. I miss you so much." Nanginginig ang boses at labi na sabi ko sa kanya.

Gustong-gusto ko siyang yakapin. At damhin muli ang init ng katawan niya sa akin. Pero alam ko naman na ipagtutulakan lamang niya ako papalayo.

"Namimiss mo ako? Bakit? Dahil ano?" Natawa ito ng mapakla. "Bored ka? O dahil hiniwalayan mo na 'yung taong pinakasalan mo? Or maybe...wala ka na namang mawala sa buhay mo. Right? Miss mo lang ang dating tayo, 'yun lang 'yun." Sabi nito sa akin sa malamig na boses pa rin.

Naalala ko sinabi ko rin ang mga katagang iyon sa kanya dati, noong sinabi niya sa akin kung gaano niya ako ka-miss at gustong makasama muli.

At ngayon, si Skyker naman ang nagsasabi ng mga iyon sa akin. "Well, sabi nga nila, pwede mong mamiss, pero hindi mo na pwedeng balikan." Sinasabi niya ang mga iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ang sakit sakit na marinig ang mga bagay na iyon sa kanya.

Parang pinupunit ang puso ko sa sakit. Ang dali-dali na lang para sa kanya na bitiwan ang mga salitang iyon ngayon. Kahit na alam niyang masasaktan ako at pwede kong ikadurog iyon.

"Marami nang nagbago---"

"No. Marami mang nagbago pero 'di ba?" Mabilis na putol ko sa kanya. "Ang mahalaga naman eh andito na ulit ako. I wanna fix everything, Sky. I want you back. P-please, ayusin na natin ito." Dagdag na pakiusap ko pa at umaasa na pakinggan nito ang hiling ko.

"Wala na tayong dapat ayusin pa, Feli. We cannot fix this anymore." Umiiling na saad niya habang nakatingin din ng diretso sa aking mga mata. "You will only get hurt more if you try to fix a broken glass." Dagdag pa niya.

Pero matigas na napailing ako.

"Please, sabihin mo lang...sabihin mo na gusto mo pa ring ayusin ito. Na gusto mo ring bumalik ako, 'yung---yung dating tayo." Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Humihikbi na rin ako sa harapan niya ngayon.

Nararamdaman kong nanghihina na ang mga tuhod ko na halos kulang na lang lumuhod ako. Sabihin niya lang na tulad ko' y gusto niya pa rin ako sa buhay niya.

Tahimik na napalunok lamang si Sky atsaka ito mabilis na napaiwas ng tingin mula sa akin.

Tumingala siya sa kalangitan habang napapakagat sa kanyang labi. Nagpipigil sa pagpatak ng kanyang luha.

"A-Ano na namang magiging kapalit nito kapag bumalik ako sa'yo?" Hindi makatingin sa aking mga mata na tanong nito. "Trauma na naman? Heartbreaks? Unending relapses na hindi ko alam kung paano at kailan matatapos? Ganun ba?" Dagdag pa niya at napiyok pa sa dulo bago nito muling ibinalik ang kanyang mga mata sa akin.

"Kapag ba pinili kong bumalik ka sa buhay ko at pagbuksan muli ng pinto, sigurado ka bang kaya mo na akong panindigan this time?" Pagpapatuloy niya hanggang sa tuluyang bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Kasi hindi ko alam. H-Hindi ko na kakayanin pa, Felicia. Baka ikamatay ko na rin."

"It will be different this time, Sky." Marahan na inabot ko ang kanyang pisngi at hinaplos iyon.

Thank God. Kahit ngayon lang hinayaan niya akong mahawakan siyang muli ng ganito.

"Sabihin mo lang na gusto mo pa ring ayusin ito. Hinding-hindi na ako aalis pa sa tabi mo. Pangako." Dagdag ko pa.

Ngunit tinignan lamang niya ako sa aking mga mata.

"I don't know, Feli. I don't know." Umiiling na sagot nito sa akin kaya lalo akong napaiyak.

Parang kinukurot yung puso ko sa mga sagot niya.

"Please!" Muling pakiusap ko.

"Miss na miss na kita!" Dagdag kong muli bago siya tuluyang niyakap.

Tatanggalin pa sana nito ang pagyapos ko sa kanya kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap.

"I missed you too. So much." Nanginginig ang katawan na sabi niya sa akin. Noong marinig ko iyon ay tuluyan na akong kumalas.

Tinignan ako ni Sky sa aking mga mata na may punong-puno ng pananabik. Tingin na maraming ibig sabihin na tanging siya lamang ang nakakaalam.

Hinawakan niya ako sa aking pisngi, hinaplos niya iyon kaya napapikit ako habang dinadama ang init ng palad niya.

Hanggang sa tuluyang naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Iyong yakap na hinahanap-hinap ko palagi. Iyong yakap na tanging nagpapakalma sa akin.

Hindi iyon nagtagal nang muling kumalas siya.

"We'll fix this. Just...give me a little more time, okay?" Mahinahon ang boses na sabi nito sa akin. Napatango ako.

Binigyan niya ako ng isang mabagal ngunit may lungkot na ngiti bago hinalikan ang aking noo. Atsaka ako nito tuluyang tinalikuran at hindi na muling nilingon pa.

Time...

and space.

That's all she need. Kaya iyon ang ibibigay ko sa kanya. Hanggang sa tuluyang maayos naming dalawa ang mga bagay na dapat naming maayos ng magkasama.

Katulad ng hindi niya pagsuko sa akin noon, this time, ako na naman ang hindi susuko sa kanya. This time, ako naman ang maghihintay.

Sabi ko mag-u-update ako kahapon kaso super busy ng inyong inang. Pasensya na at ngayon lang nakapag-edit ng drafts. Huhu!

Jennexcreators' thoughts