webnovel

TP: 39

Now playing: Cause You Have To - LANY

Felicia POV

*** One year later ***

Hindi naging madali sa akin 'yung paghihiwalay namin ni Skyler noong araw na iyon. Pakiramdam ko araw-araw akong pinapatay dahil sa sobrang heart broken.

Bawat araw naaalala ko ang mga sinabi niya. Hindi mawala sa isip ko kung paano niya ako tinalikuran noong araw na iyon habang inihahakbang ang kanyang mga paa palayo mula sa akin.

I couldn't eat or sleep well. All I think about is her.

How I wish we didn't end up in that situation, that something different happened in our story. Perhaps we wouldn't have to repeatedly part ways and hurt each other.

I can't blame her. I betrayed her and hurt her. I manipulated the love she had for me, and that led us to part ways.

Pinili ko noong iwan siya at sumama kay Marsha dahil iyon ang tama. Sinabi kong kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang deserve niya dahil ako mismo ay hindi buo. Akala ko mapagtatakpan ko ang sariling nararamdaman ko sa pagpapakasal kay Lucka, na sa pamamagitan nito'y magagawa kong takasan ang dapat na ayusin ko sa aking sarili pero alam kong mali ako.

I hired Taylor sa pag-aakalang sa pamamagitan niya ay mas mapapabilis ang pag-move onni Skyler, pero mali pa rin ako...dahil doon ay mas lalo ko lamang nasaktan 'yung babaeng mahal na mahal ko at lahat ng iyon ay dahil sa pagiging hindi ko pa rin buo. Sa pagiging magulo kong tao.

I messed up big time.

I hurt the people who did nothing but love me. Sky was right; I am selfish.

Gusto ko lang ay mag-take ng mag-take at i-keep lahat ng taong gustong mahalin ako, but I didn't do anything to reciprocate the love they gave me.

Just like what I did to Lucka, because I know she loves me and she can't hurt me, kaya ang pakasalan siya ang isa sa naging paraan ko para i-keep siya kahit hindi ko naman talaga siya gusto.

And Sky, I love her so much, but I can't be the right person for her. I can't choose her even though I can, because I'm selfish! I can't do what she deserves. All I want is for her to love me without me having to reciprocate those efforts.

Gosh! I hate myself so much.

Kaya tama lang talaga ang desisyon ni Skyler na iwanan ako para magising ako sa katotohanan at mahimasmasan.

To the point na takot na takot akong harapin ang araw-araw na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Hindi ako makapag-isip ng maayos na halos kulang na lang mabaliw ako.

Kahit naging madali ang pag-process ng divorce namin ni Lucka naging mahirap at mabigat iyon para sa akin dahil sobrang kinakain ako ng konsensya ko, na makita siyang sobrang nasasaktan.

Ni hindi ko siya magawang tignan sa mga mata niya habang umiiyak during our trial.

Wala akong narinig na kahit anong masasakit na salita sa kanya noong ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Para bang hinihintay niya lamang din akong sabihin sa kanya ang buong katotohanan.

"I know the truth." Iyan ang sabi ni Lucka sa akin noong ipinagtapat ko sa kanya ang lahat.

"I know about your issues with yourself and other things. The only reason I got angry and went to your hacienda was because I wanted to trigger your ex-girlfriend. Because I know she's the key. Because I can't confront you; I'm too scared of hurting you. And that woman, Sky. I admire her courage and boldness to tell you upfront about things you don't see and the mistakes you need to fix."

Minsan talaga hindi natin nakikita 'yung mga bagay na mali sa ating mga sarili kaya kailangan natin ng ibang tapat na tao na magsasabi noon sa atin. Iyong mga taong totoong concern at nagmamahal sa atin, iyong may lakas ng loob na sabihin sa atin kung ano ang mali sa mga ginagawa natin para maitama.

And yes, Lucka was also right. Si Skyler nga ang naging susi para magising ako at makita ko ang mga mali sa sarili ko. Dahil sa dami ng mga pagkakamaling nagawa ko, hindi ko alam kung paano at saan mag-uumpisa. Ngunit sinimulan ko iyon sa pagtatama ng mali ko kay Lucka.

Our court trial for our divorce took 8 months. They said it was the fastest case they've handled because Lucka and I both agreed to the separation right away.

So, after settling my issues with Lucka, I left her on her own and allowed her to live the life she deserved—free and far from me. Maayos kaming naghiwalay. She even wanted to come with me to the Philippines, but I declined because it was the biggest mistake that I needed to fix on my own.

May ibang mga kinailangan lang akong inayos at inasikaso sa Prague bago tuluyang bumalik sa Pilipinas. Para harapin at itama ang pagkakamali kong nagawa kay Skyler.

Sana lang...sana lang hindi pa huli ang lahat.

"So, mahal mo pa?" Tanong ni Autumn sa akin habang umiinom ng kanyang whiskey.

Hindi ako sumagot.

Siya ang sumundo sa akin sa Airport kanina. I booked a room at a hotel, but knowing Autumn, without hesitation, she took me to Skyler's mansion. Nakatulog kasi ako sa sasakyan dahil sa jetlag kaya nagising na lamang ako na nasa loob na kami ng gate ng bahay nina Skyler.

Of course, hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko na pagkatapos ng lahat eh doon pa rin talaga ako makikituloy sa kanila. Atsaka space ko na rin iyon kay Skyler at sa parents niya na kinagalitan ko rin noon.

Pero ang siste, hindi pa rin talaga nagbabago si Autumn. Pinakamakulit pa rin sa lahat!

Nagulat na lang ako noong sinabi niyang nasa dating room ko na ang mga bagahe ko.

Kaya sa halip na magwala ako sa inis sa kanya eh pinasibad nito kaagad ang kanyang sasakyan and we ended up here at the bar. Sa Baylight.

"Silence means, yes. So, mahal mo pa nga." Tumatango na wika ni Gabby bago napataas baba ng kanyang kilay sa akin.

"Babalik ba 'yan ng Pilipinas kung hindi na?" It's Tabitha na pa-scroll scroll sa kanyang Instagram account.

Kasama rin namin si Sydney. As usual, napakaseryoso at tahimik pa rin ng babaeng ito. Habang si Kezia naman eh para bang walang pakialam sa kanyang paligid.

Yes, kasama ko silang lahat. Except...Skyler.

Hindi ko pa alam kung nasaan siya eh. Ayoko na rin munang itanong sa mga kaibigan niya.

At hindi ko rin alam na pagdating namin ni Autumn dito sa bar kanina eh bubungad at sasalubong sa akin ang mga kaibigan niya. Noong nalaman daw kasi nilang kasama ako ni Autumn at papunta kami ng Baylight ay agad na nagtungo silang lahat rito para makita akong muli.

I really appreciate them, even after everything, they still consider me a friend and their treatment towards me hasn't changed. Masaya ako na isang circle of friends lamang kami ni Sky.

Kasi 'di ba? Wala naman talaga akong kaibigan dito kundi sila lamang.

Wala nga lang si Nicole na abala na ngayon sa kanyang pamilya kaya minsan na lang daw nila ito nakakasama. Yeah, I remember Nicole. Isa rin siya sa kailangan kong makausap. Dahil may malaki akong kasalanan sa kanya noon.

"Alam naman namin na mahal mo pa. Ano bang plano mo?" Tanong muli ni Autumn na muling nagbalik sa akin sa realidad.

"Kahit naman mahal ko pa, pero dahil sa mga nagawa ko---"

"Bakit hindi mo balikan?" Putol sa akin ni Tabitha.

Napalunok ako at yumuko. Kaya nga ako nandito para ayusin 'yung gusot na meron kami ni Sky eh. Pero hindi ko magawang sabihin dahil...

"Sobra ko siyang nasaktan." Sagot ko bago sila tinignan isa-isa.

"Noon 'yun! Edi bumawi ka. Ipakita at iparamdam mo sa kanya na this time it will be different." Maarteng tugon ni Gabby.

"Paano kung hindi pa rin niya ako napapatawad? Paano kung galit pa rin siya?" Tuloy-tuloy na tanong ko sa kanilang lahat.

"Paano kung napatawad ka na." Biglang nagsalita si Sydney na kanina lang ay tahimik lamang na nakikinig sa amin.

"Paano kung..." Huminga ako ng malalim. "Paano kung ayaw na niya? Hindi na niya ako tanggapin ulit?" Nalulungkot at pinanghihinaan ng loob na muling tanong ko.

"Paano kung tanggapin ka n'ya ulit." Muling sagot ni Sydney habang diretsong nakatingin lamang sa aking mukha.

"Oo nga!" Napapapalakpak na sang-ayon ni Autumn.

"I agree!" Tumatango ring ani ni Tabitha.

"Atsaka hindi mo pa naman nasusubukan, dude." Dagdag naman ni Gabby. "Try mo lang! Wala namang mawawala. Kung mag-fail ka man, at least sinubukan mo 'di ba?" Pagpapatuloy niya.

"Oo eh! Mahirap kung mabubuhay ka na naman sa puro what if's. Ikaw rin. Kapag pinalagpas mo pa ang pagkakataon na ito baka hindi ka na pagbigyan ulit ni tadhana. Sige ka!" Dagdag naman ni Autumn bago napatango silang lahat.

Hindi ko mapigilan ang matawa ng mahina dahil ang cute nilang tignan habang nag-iisip at sabay-sabay na tumatango ang mga ulo.

"Paano mo naman kasi nagawang iwan 'yung taong iniwan ang lahat para sa'yo?" Natigilan kaming lahat at awtomatikong nawala ang ngiti sa aking labi noong nagsalita na si Kezia.

"You're the one who left her and the first girl who broke her heart and then you expect her to quickly forgive you just like that?" Tanong nitong muli. Napalunok ako.

Ibinaling ko ang aking mga mata sa kanya na ngayon ay seryosong nakatingin lamang sa akin. Makikita sa expression nang kanyang mukha ang pagkadisgusto na makita akong muli.

"Like what the hell? You didn't just hurt her, YOU FCKING FAILED HER!" Galit na singhal nito sa akin.

Good thing na meron sa kanilang magkakaibigan ang galit sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi. Alam kong napakalaki talaga ng pagkakamali ko kay Skyler.

Magsasalita na sana akong muli noong maunahan ako ni Gabby.

"That's why she's here, K." Wika nito. "To fix everything and make it right." Dagdag pa niya.

"Fix?" Tanong ni Kezia bago ibinaling ang mga mata kay Gabby. "Ang hirap kasi sa inyo akala ninyo gano'n lang kadali ayusin 'yung mga bagay-bagay when in fact, mahirap na." Atsaka ito muling tumingin sa akin. "The damage has been done." Giit nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Wag mong idamay si Felicia sa init ng ulo mo sa jowa mo, dude." Kalmadong saway ni Autumn sa kanya.

Wait, may girlfriend na si Kezia? Or boyfriend? Well, ba't pa ba ako magtataka eh saksakan siya ng ganda at nag-uumapaw ang hotness. 

"Hindi ko siya dinadamay." Tipid at mabilis na pagtatanggol nito sa kanyang sarili bago pabagsak na inilapat ang hawak nitong bago sa table.

"Sus! Ang sabihin mo pareho ni Skyler hindi rin siya magawang piliin." Iiling-iling na wika ni Gabby bago inirapan si Kezia.

"Because?" Tanong ni Tabitha na halatang nang-aasar pa lalo.

"She's just a mistress!" Chorus nilang magkakaibigan bago nagtawanan. Habang si Tabitha naman ay pabirong hinila ang buhok ni Kezia.

Isang pamatay na tingin naman ang ibinato ni Kezia sa aming lahat bago siya mabilis na tumayo at nag-walk out. Ngunit pinagtawanan at inasar lamang siya lalo ng kanyang mga kabigan.

Habang ako naman ay naiiling na lang sa kakulitan nilang lahat. It seems that nothing has changed with any of them.

 

Sila pa rin talaga 'yung mga kaibigan ni Skyler na na-meet ko years ago na ubod ng kukulit ngunit punong-puno ng pagmamahalan.

Alam ko, ito 'yung librong pinakamatagal bago ko matapos. Pero sobrang nagpapasalamat pa rin ako sa mga walang sawang naghihintay at sumusubaybay sa bawat update. I really appreciate you guys!

Abangan at 'wag na 'wag palalampasin ang naiiwang apat na kabanata. Malapit na tayo sa katotohanan! Hahaha. I just hope makuha nila ang masayang wakas na inaasahan ng lahat.

Jennexcreators' thoughts