webnovel

(Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 96 - Alena's Resolve

Alena Waiters Point Of View

Sumapit ang malamig na gabi. Napagdesisyunan ko nang umuwi sa amin, dahil baka nakauwi na galing sa important na ginawa nila ang aking mga magulang.

Nagpaalam ako sa dedma lamang sa akin na si Tinzel. Nakakainis talaga ang lalaking 'to.

Sa aking pag-dating sa palasyo namin, dumiretso ako agad sa kwarto ko. Dahil iniwasan ko ang mga tagapagsilbi namin, kaya ako nakarating agad sa aking kwarto ng walang aberya. Wala pa ang aking mga magulang, dahil hindi nararamdaman ang mga aura nila.

Lumapit ako sa mesa sa kwarto ko. Kinuha ko ang ipinatong kong Contact Orb na ibinigay sa akin ni Zayn noong isang araw. Kasama niyang nagpunta dito sa amin sina Gemmalyn at Johnbhel.

Dahil kami lang ni Zayn ang hindi nagpupunta sa Palkia City para mag-ensayo, pinabigyan kami ni boss Shannon ng Contact Orb. Para kapag mayroong gagawin na misyon ang Havoc Gang, matatawagan nila kami at makakapunta agad kami, nang kami ay makatulong.

Hindi sila nagtagal, umalis din agad silang tatlo, dahil may mga negosyo sila at sa tuwing gabi, nag-eensayo sila ng matindi.

I was about to lay on my bed when I felt the aura of my parents. Ibinalik ko sa ibabaw ng mesa ang Contact Orb at lumabas ng kwarto ko. Sinalubong ko ang mga magulang ko.

Seryoso silang nakatingin sa akin nang madatnan ko sila sa hallway.

"We need to talk..." Sabi ni mama sa akin.

"Tungkol po saan, mahal na reyna?" Tanong ko naman agad sa kaniya.

"Let's talk about it in the Throne Room." Sabi naman ni papa sa akin.

"Masusunod po, mahal na hari." Sabi ko naman.

Nagtungo kaming tatlo sa Throne Room ng palasyo namin.

Umupo sina mama at papa sa magkatabi na trono nila.

"Alena, the queen of Ezteb is getting more and more impatient. She wants to make you and her son married." Sabi ni papa sa akin. Napatapik siya sa kaniyang noo.

"Mahal, hindi naman importante ang sasabihin mo sa kaniya. Huwag mo na lang ipagpatuloy. Pabayaan mong mamatay kakahintay ang gold digger na reyna ng Ezteb." Sabi naman ni mama na iritado. Mukhang hindi pareho ang mga importanteng bagay na ginawa nila.

"Baby...sinabi mo noon sa akin na Havoc Gang ay layunin na ibigay ang pagkakapantay-pantay ng lahat 'diba? Kaya dapat lang na ang targetin ng Gang niyo ay ang mga Dons na silang mga nangungunang mga salot sa lupain ng Vlade...pero, mukhang malabo na mapabagsak ang mga Dons...si Celestial Mañokaw, alam ng lahat na mahina pa siya kumpara sa ibang mga Dons, pero talagang hindi maitatanggi na isa siyang Don. Ang apat na ibang mga Dons, mga halimaw silang lahat. Maaari kang mamatay sa pinasok mong gulo anak." Nakita ko sa mga mata ni mama ang lungkot at pagaalala.

"Mahal na reyna..." Tanging nasabi ko.

"I went to the place of a former friend of mine... ang mga koneksyon na mayroon ang taong 'yun ay pambihira...hindi ako makapaniwala na isang Adventurer ang tulad niyang kapwa ko Gangster noon..." Tumayo si mama sa trono niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Para matapatan ang lakas ng apat na mga halimaw na Dons, kailangan ng dalawang Celestial Mañokaw. Bago ko paman makilala ang papa mo, nakatagpo ko na noon si Celestial Mañokaw. If I'm not mistaken that was around 21 years ago. I witnessed and experience personally how strong he was, though that time, pareho lang kaming Stage 1. Tignan mo kung gaanong lumakas ang katulad ni Don Celestial Mañokaw...habang ako, noong tagpo na iyon, iyon na pinaka-hangganan ng potensyal na mayroon ako. Alena, hindi kana lalakas pa...iyon ang katotohanan. Nag-aalala ako para sayo, anak." Napapikit ako sa sinabi na ito ni mama sa akin.

"Mahal na reyna...hindi po ako pupunta sa labanan ng mag-isa lang ako. May mga kaibigan po akong makakasama." Madiin na sabi ko sa kaniya.

"Sigurado ka anak? Sa totoo lang plano kong ilayo ka na lang sa Havoc Gang para masiguro ko ang kaligtasan mo." Hirit ni papa pero agad lumingon si mama sa kaniya at binigyan ito ng masamang tingin.

Natahimik si papa. Lumingon din agad si mama sa akin.

"Buo na ang loob mo anak. Kaya naman, hindi na din ako mag-aalangan na ituro sa iyo, ang pinaka-importante at pinakamalakas na bagay patungkol sa mana..." Sa sinabi na ito ni mama. Nakaramdam ako ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil napansin ko din ang pagiging malungkot ng ekspresyon ng papa ko.

Hindi ko alam kung ano itong ituturo sa akin ni mama na bagong kaalaman patungkol sa mana...

*****

*Mini Flashback*

10 years ago...

Madalas akong kwentuhan ng aking mama noon bago ako matulog. Naalala ko noon, minsan niya akong kinwentuhan patungkol sa School Gang na kinabibilangan niya noong estudyante pa siya sa Asteromagus Academy.

"Alam mo ba anak, dati akong miyembro ng pinakasikat na School Gang sa Asteromagus Academy. Ang 'Xebec Petrini Gang'. Hindi basta-basta ang mga miyembro ng School Gang na 'yon, ako nga lang yata sa mga high ranking officers ng Gang na iyon ang hindi na nakausad mula Stage 1 Rank." Masigla na pagkwento ni mama sa akin.

"Mas magaling pa po ba sila keysa kay papa?" Inosente na tanong ko naman sa aking ina.

"Oo naman. Sus, walang sinabi ang papa mo sa kanila."

"Sino-sino po ba sila? Gusto ko pa silang makilala, sa kaarawan ko po, imbitahan niyo sila mama..."

"Hindi maari anak, mga abala na sila gaya ko sa mga buhay nila ngayon."

"Ganon po ba? Pwede po ba na malaman na lang kung sino po sila lahat?"

"Siyempre naman baby... let's see..." Nag-iisip na sabi ng mama ko. "Unahin natin sa President ng Gang, si Xebec Petrini. Walang lumalapit na kaaway sa kaniya dahil sa delikado na magic mayroon ito. Time Magic, kayang manipulahin ni Xebec ang oras."

"Ang lakas naman ng Magic niya mama. Kung ako po mayroon ng magic na ganoon, pahahabain ko po ang oras ng gabi, para hindi po ako kulangan ng oras sa pagtulog." Masaya na sabi ko kay mama sa kalokohan na naisip ko.

"Bata ka...ibang klase ka ding mag-isip."

"Siyempre po mama. Nakakapagod din po kasing nagmamaldita ako sa mga tao sa paligid ko. Araw-araw na lang." Katwiran ko naman.

"Oo na, ikaw na pinaka-maldita sa balat ng lupa." Sumangayon sa aking naisip na sabi ni mama. "Anyways, next is the Vice-president, si Mary Mchavoc!!" Na-excite na sabi ni mama. "The best, strongest woman that I have met. Ahead ako ng tatlong taon sa mga high ranking officers ng Xebec Petrini Gang. 4th Year student na ako ng pumasok sila sa Asteromagus Academy. Si Mary Mchavoc ang super na naka-close ko nang imbitahan ako ni Xebec na maging Advisor ng Gang. Ang galing-galing ni Mary Mchavoc gumamit ng mga Mana Techniques, madalang niya lamang gamitin ang kaniyang Energy Manipulation Magic. Mas malakas pa nga yata siya kay Xebec. Ahh, oo nga pala, kapag dumating ang tamang panahon baby, tuturuan din kitang gumamit ng mga Mana Techniques, kapag gusto mong magpaturo. Kay Mary Mchavoc ako natuto sa totoo lang na gumamit ng mga Mana Techniques." Sabi ni mama sa akin.

Unti-unti naman na napapikit ang aking mga mata. Dumalaw sa akin ang antok.

Ang huling mga salita na narinig ko kay mama noong gabi na iyon ay, "Ang ibang mga miyembro ay sina Calcheese, Violet, Violat, Lugh at si Dobolpac. At heto ang pinakamalaking destiny na masasabi ko baby. Sa pagiging Adventurer ng papa mo, nakasama niya sa iisang team sina Xebec, Lugh, Violet, Violat at Mary na mga dating ka-gangmates ko."

It's sad knowing that few weeks later, malalaman ni mama sa mababasa niyang newspaper na patay na si Mary Mchavoc. Isang Linggo din na hindi nakakain si mama 'non.

*End Of Mini Flashback*

*****

Gumising ako mula sa aking pag-idlip na pinagawa ni mama sa akin...

"Did you sleep well baby?" Tanong niya sa akin.

Medyo nahihiya akong bumangon at dumistansya kay mama. Sa lap niya kasi ako humiga. Nasa throne room parin kami, si papa naman, kanina pa nagpunta sa kwarto nila ni mama para magpahinga.

"O-okay naman po ang tulog ko."

"Good. Then, let's start immediately the thing I am about to teach you."

"Opo."

*****

Don Nova Chrono Point Of View

Kakabalik ko lang sa aking teritoryo...ako ay nanggaling sa isang matinding labanan. Naramdaman ko ang aura nina Venom sa aking opisina, sa aking pagpasok doon ay nakataas ang kilay ko na tumingin ako sa kanilang tatlo.

Nakaupo sa isang sofa sina Dimen at Spir. Naglalaro ng rubics cube si Dimen habang si Spir naman ay naglalaro ng chess, kalaban niya ang sarile niya. Si Venom naman, sa kabilang sofa nakaupo, mukhang chillax siya sa kaniyang pag-upo.

"Wow! Those scratches and swelling in your body, who did that to you?" Reaksyon agad sa akin ni Dimen Baal nang napansin niya ako at nakita niya ang lagay ko.

"Huwag mong sabihin na natalo ka, Miss Nova?" Tanong naman ni Spir Sol sa akin.

Humalukipkip naman ako. "Nah, the only one who have a chance to beat me are the other Dons and of course, Shannon Petrini." Madiin na sabi ko. "More importantly, bakit kayo nandito sa opisina ko?" Tanong ko sa kanila.

Tumayo naman at lumapit si Venom sa akin. Tinanggal niya ang kaniyang hood na takip sa kaniyang ulo. Ganoon din sina Spir at Dimen na tinanggal ang kanilang mga hood.

"Saan ka nanggaling?" Tanong niya sa akin.

"Curious ka? Well, galing akong Astin Region, sa bayan ng Queros..."

"Astin Region? That's a neighboring Region of our Region... don't tell me that, you wasted your Aura Perception-" Hindi ko pinatapos sa pagsasalita niya si Venom.

"Sinubukan ko lang ulit na gamitin ang buong lakas ng Aura Perception ko. Hindi ko inaasahan na sa Astin Region, may kakaibang aura ako na nasagap. Agad akong nagtungo sa lugar, at masasabi kong, tama lang ang ginawa kong pagpunta doon." Paliwanag ko kay Venom.

"So what did you found out? Miss Nova?" Tanong ni Dimen sa akin, katatapos niya lang mabuo ang isang 8 by 10 na rubics cube.

"Oo nga pala, heto, regalo." Muntik ko nang makalimutan. Pero ini-abot ko din agad kay Venom ang isang ginto na kasinglaki ng kamay ko.

Tinanggap niya naman ito.

"You never disappoint." Natuwa na sabi niya. Kinilatis niya agad ang ginto na ibinigay ko sa kaniya. Dumiretso naman ako sa mesa ko, at umupo sa upuan.

"Well Dimen, isang special na Spacial Magus ang sinaniban ng isang True Spirit. If I'm not mistaken, that bastard called himself Cascade. He used the Spacial Magus to create a 'Biringan Gate'." Tugon ko kay Dimen.

"What the fuck?!" Sabay-sabay na reaksyon naman nilang tatlo.

"D-did a Grandspirit came out of that Biringan Gate?" Tanong ni Spir.

"Yes...but to that Cascade's surprise, it's not the Grandspirit he's expecting to come out of the Biringan Gate. It's a different Grandspirit that immediately attacked Cascade who possessed the Spacial Magus's body. Sa pagkamatay ng Spacial Magus, nawala ang Biringan Gate. Hindi ko alam kung pati yung Cascade na iyon ay namatay na din. Ang importante ay naglaho ang Biringan Gate at isang Grandspirit lang ang nakapunta dito sa mundo na ito, puta ng walang aberya." Pagpatuloy ko sa aking kwento.

"So you faught a Grandspirit and still survive? That's impressive Nova." Sabi ni Venom sa akin.

"Anong nangyayari sa mga True Spirit kapag sila ay napapaslang sa mundo na ito?" Tanong ko sa kanila. Napa-isip naman sina Dimen at Spir habang si Venom ay napatawa.

Damn this guy, mukhang nahulaan niya ang nangyari.

"I see...mukhang ganoon ang nangyari. Kung walang pangwasak ng kaluluwa ang mga atake na ginawa mo laban sa isang True Spirit, babalik itong muli sa Espiri World pero mag-uumpisa ulit ito bilang isang mahinang nilalang."

Napapukpok naman ako sa mesa ko. "Sabi ko na!! Sinadya ng Grandspirit na nakalaban ko na siya ay matalo ko."

"What?!" Sigaw naman nina Dimen at Spir.

"Sinabi ba niya sayo ang dahilan niya?" Tanong ni Venom.

"TSK. Narinig ko na sinabi sa akin ng Grandspirit na sa pagkamatay niya laban sa akin, babalik siya bilang mahinang nilalang sa Espiri World. Hindi na siya isang Grandspirit at hindi na siya magiging isang Great-grandspirit. Mukhang mayroong sitwasyon na malalang nangyayari sa shadow nilang tinitirhan." Paliwanag ko naman.

"Mukhang inenjoy naman nung Grandspirit ang pakikipaglaban sayo..." Sabi ni Venom. "More importantly, now that you've return, I would like to ask permission from you."

"Alam kong may gusto kang gawin kaya ka nandito kasama ang mga teammates mo." Sabi ko naman.

"You really know us very well...pupunta kami sa Palkia City."

"Hah?! Bakit kayo pupunta 'don? Noong mga nakaraan na mga Linggo, sinubukan ko kayong papuntahin doon para paslangin niyo yung Archspirit na napadpad doon!?"

"That Archspirit has nothing to do with us...that Archspirit incident in Palkia didn't even happened to any of the timelines we three came from...sorry about that."

"Talking about being unreasonable." Reaksyon ko naman sa sinabi ni Venom. "State your purpose of going into Palkia City?"

"I'm going to treat an idiot who have a weak body." Sabi niya.

"Kanino mo nalaman ang patungkol sa bagay na iyan?"

"Sheina Barsley informed me. Noong isang araw, wait... siguro ilang Linggo na din 'yun, habang abala ka sa pagbabad mo sa pool, at ako naman ay mayroong kinuhang libro dito sa opisina mo para basahin ko, tumawag sa Contact Orb mo si Sheina. Sinabi niyang may problema sa kaniyang katawan ang Finnes Clan Legendary Ace. Mukhang hindi sinabi ni Sheina sayo na sinabi niya din sa akin ang inulat niyang balita patungkol kay Senju Finnes!!"

"Ang daldal talaga ni Sheina..."

"Namarkahan na ni Dimen noon paman ang Palkia City. Babalik din kami agad dito kapag na-solusyunan na ang problema kay Senju Finnes."

Itutuloy.

Author's Note; Character Profile 2 - Venom Unit/Team.

Venom Astaroth

-Green long straight hair, black round asian eyes, black eyelashes, black curved eyebrows, droopy nose, wrinkled lips, ducktail facial hair, rectangle shaped-head, golden natural skin tone.

Dimen Baal

-yellow curly hair, yellow droopy eyes, yellow eyelashes, yellow small circle eyebrows, grecian nose, full lips, walrus facial hair, heart shaped head, natural skin tone.

Spir Sol

-Light blue straight hair, black roundish-almond eyes, black eyelashes, black straight eyebrows, droopy nose, uneven lips, inverted-triangle shaped head, warm beige skin tone.