webnovel

(Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 95 - Havoc Training Part 2

Tinzel Zacha Point Of View

"Hahahahahahaha..." Hindi ko mapigilan na tumawa ng malakas.

Sa totoo lang nakaka-tarantado ang libro patungkol sa Mana Techniques at Iron Magic na binabasa ko dahil hinaluan ito ng may akda ng ilang mga maiikling kwento na nakakatawa.

Ilang araw na ang lumipas mula nang makita ko ang libro na ito. Sa mga araw na lumipas, natutunan ko kung paano magpalabas ng aking Mana at siyempre, gumawa ng Magic Circle. Hindi ko parin matutunan na gamitin ang Aura Perception.

I will only be able to detect an Aura coming from a person if that person is in my sight and that person is releasing a strong Aura itself. That's not a Aura Perception Mana Technique, that's just a simple Magus instinct...it's useless in deadly battles.

I was about to flip the current page of the book into the next one, nang nagulat akong si Alena ay nagpunta sa lugar na kinaroroonan ko.

Malapad ang ngite nito sa akin.

"Mukhang masaya ka, Tinzel." Sabi niya.

"What are you doing here? Hindi ba't dapat nagti-training ka?"

"Nagti-training ako ng maigi. I just check up on you, baka kasi kung ano-anong kalokohan ang inaatupag mo imbis na magsanay ka."

"Ano ka nanay ko?" Angal ko agad sa kaniya. Sinarado ko ang libro, lumakad ako papunta sa mesa na nasa gitna na silid na ito at ipinatong ito roon.

"May kwarto palang ganito sa dating palasyo, este ito pala ang itsura ng misteryong silid ng lumang palasyo...mukhang nabuksan mo na din at nalaman ang misteryo nito."

"Anong kailangan mo, Alena?"

"You really hate women don't you? Sinabi ko na kanina na I just want to check up on you, if you're doing your training, my best friend!!" Madiin na sabi naman niya.

"Kilala mo ako, ayoko ng abala."

"Then, let's battle."

My body was frozen for a moment from what I heard from her. (Battle?) Sabi ko sa aking sarile.

"What? Anong..."

"You and I, let's fight. Clash of Mana...no Magic involved." Paliwanag niya sa akin. She's challenging me.

The nerve Alena got.

"Ganiyan pala ang naging resulta na matrain ng isang dating gangster at adventurer na mga magulang." Reaksyon ko. "Fine. Let's do it." Pumayag ako sa kaniyang pahayag na labanan namin ng mana.

"Thank you, Tinzel..." Hindi ko inaasahan na bigla niya akong sinunggaban ng yakap. Agad ko naman inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"What do you think you were doing just now?" Sabi ko.

Nag-pout siya.

"Sungit mo...anyways, tara na." Sabi niya at naglakad palayo. Sumunod naman ako sa kaniya. Lumabas kami sa dating palasyo, nasa harapan kami ngayon nito, isa itong maluwag na plaza.

"Walang nakakita sayo na pumasok ka dito sa bakuran namin, Alena?" Tanong ko kay Alena na naninigurado. Ayokong magawan ng issue ng mga mamamayan ang pagpunta ni Alena sa kinamumuhian na lugar na ito.

"Wala...huwag kang masyadong segurista!" Sabi niya naman. Lumakad siya papunta sa nag-iisang nabubuhay na puno dito sa bakuran namin, pumutol siya ng sanga, binali niya ito kaya nagkaroon siya ng dalawang hawak na sanga na aabot sa 1 metro ang haba. Lumapit siyang muli sa akin at hinagis ang isa na sanga. Sinalo ko naman ito. "Ang mga sanga na hawak natin ang gagamitin natin." She announce.

"I see...kung ganon, pwede na tayong mag-umpisa?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at sumeryoso ang itsura ng kaniyang mukha.

"Start!" Sabi niya na nagbigay ng hudyat sa paguumpisa ng labanan na aming gagawin.

Binalutan ko ng mana ang hawak kong sanga. Ganito din ang ginawa ni Alena sa hawak niyang sanga. Sabay kaming tumakbo pasugod sa isat-isa. Winasiwas ang mga espada namin ng sabay, kaya sabay na naggitgitan ang mga mana namin.

Nagawa kong maitulak si Alena, at sumugod muli sa kaniyang inatrasan. Akmang hahampasin ko siya sa kaniyang ulo pero nagawa niyang ipansangga ang kaniyang sanga na hawak.

Nagpalitan kami ng paghampas na aming ginagawa, kaliwa-kanan at taas-baba na paghampas pero ang mga sanga na hawak lang namin ang natatamaan naming dalawa.

"As expected from the child of a former Gangster and a former Adventurer...you're trained well..." Papuri ko kay Alena nang dumistansya kami mula sa isat-isa dahil medyo nangangalay ang kamay ko kakahampas. Siguro ganoon din si Alena kaya siya hindi sumusugod sa akin.

"Nakaka-bilib ka, Tinzel. Mag-isa ka lang na nage-ensayo eh... lumakas ka na. Handang-handa kana na makipaglaban sa mga malalakas na kalaban."

"Don't go overestimating my capabilities... I'm not done yet." Sabi ko naman.

"Kahit kailan talaga, hindi ka naging masyadong honest sa mga sinasabi mo."

"Saan naman nanggaling ang sinabi mo na mga 'yan?"

"Malamang sa bibig ko? Duh, Tinzel."

"TSK! Whatever. Let's just continue this battle."

"May ipapakita ako sayo na astig." Sabi niya.

"Ano naman 'yun?"

"Just see for yourself..." Kinilig pang sabi niya. Binalutan niya ng mana ang kaniyang mga paa at nagsimula na lumutang sa ere. Nagpalipat-lipat siya ng posisyon sa himpapawid.

"Ang galing, hindi ko pa nasubukan na gawin ang bagay na iyan, Alena." Namangha na sabi ko naman.

"Hindi ito ang tinutukoy ko." Sabi naman niya.

"Hah? Edi kung ganon, ano?"

"Ito..."

Naramdaman ko ang kaniyang Aura na pinalabas. Nakaka-tindig balahibo.

Nakita ko kung paano lumaki ang Mana na nakabalot sa sanga ng kahoy na hawak ni Alena.

"Mana Blast, Alena Beam!!" Kumawala ang Mana na nakabalot sa sanga ng kahoy na hawak ni Alena. Sumugod ito pababa sa direksyon ko na parang isang beam.

Sa paglapit nito sa akin, napilitan akong gumamit ng magic ko upang protektahan ang aking sarile.

Sa lakas ng pagsabog na naidulot ng ginawa ni Alena, hindi parin ako nakaligtas. Nagtamo parin ako ng pinsala sa katawan.

Sa paglaho ng pagsabog, napaluhod ako sa aking kinatatayuan at naglaho ang aking bakal na balat na ibinalot sa aking buong katawan. Nasa isang hukay ako, na resulta ng pagsabog. Ang harapan ng dating palasyo ay ginawa ni Alena na parang isang malaking balon, dahil ang tubig mula sa lupa, ay unti-unting sumibol.

"T-Tinzel.... p-pasensya na...napalakas ang ginawa kong atake." Nataranta na sabi naman ni Alena na agad akong pinuntahan at inalalayan na umalis sa hukay.

"Ang lakas mo na Alena. Ibang klase, Advance Mana Visualization Sub-Technique ang ginamit mo. Napilitan akong gumamit ng magic, pasensya kana."

"Salamat." Sabi naman niya sa akin. Namula pa nga ang mukha niya.

"Talo ako." I quickly admitted my defeat.

Hinawakan ko ang kaniyang ulo at tinapik-tapik ng mahina lang. I smiled sweetly.

"I'm glad for you, best friend..." Sabi ko.

"Tinzel, I see a sparkling lights, surrounding you. What are those?" Sabi niya naman bigla. Agad ko naman inalis ang kamay ko sa ulo niya.

"Anong pinagsasabi mo? Huwag kang magpadala agad sa pantasya na lumalabas sa isipan mo. TSK." Angal ko kaniya. Ngumuso naman siya at naging dismayado ang mukha nito.

"Here I thought I am witnessing a blissful Tinzel Zacha." Sabi niya.

Napalunok ako. (Idiot. People who sea some sparking lights surrounding a person they see only means that the person who see such lights is starting to fall in love.) Sabi ko sa aking sarile.

Nagbitiw siya ng buntong hininga. "Oo nga pala, Tinzel. Pasensya na at gumawa ng hukay sa harapan ng palasyo niyo ang ginawa kong Mana Blast."

"It's okay. Huwag mong alalahanin 'yan, wala namang nakatira dito."

She suddenly slap me in the face. Gigil much ang loka, nakakagat sa ibabang labi niya sa kaniyang ginawang pag-sampal sa akin.

"You are living here right?! Babawiin mo ang dangal ng Zacha Clan na nawala sa kanila dahil sa paratang ng Guild sa inyo, na kayo ay mga sinungaling at gumagawa-gawa ng kwento para sila ay pataubin." Paliwanag niya.

Agad ko naman siyang ginantihan sa ginawa niya sa akin. I pinched her left cheek. "Bakit ka nananampal?" Tanong ko sa kaniya. Agad namang namuo ang luha sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"Please not my cheek..." Pabebe na sabi niya. Bumitaw ako.

*****

Bumalik ako sa lihim na silid ng palasyo. Sumama si Alena sa akin, na pinakialaman ang mga libro na nasa mga shelf. Nagbasa-basa siya sa mga napili niya. Nakasandal siya sa isang shelf habang nakasalampak siya sa sahig na medyo maalikabok.

Ako naman ay nagpatuloy sa pagbabasa sa libro na patungkol sa Mana Techniques at Iron Magic...'yun nga lang ay hindi ko matiis na makita si Alena na nakaupo sa isang maalikabok na sahig.

"Alena, tumayo ka diyan. Kumuha ka ng upuan doon sa storage room ng palasyo na ito at dalhin mo dito. Mayroon akong nalinis na upuan kahapon na nakalimutan kong dalhin dito. O kaya, umuwi kana sa inyo. Mag-training ka kaysa sinasayang mo ang oras mo dito." Sabi ko sa kaniya.

Padabog na sinarado nito ang libro na kaniyang binabasa. Pabagsak niya din itong inilapag sa sahig. Tumayo siya at hindi nagpagpag na nagsimulang lumakad.

"Okay. Kukuha ako ng upuan sa storage room. Huwag mo akong palayasin, wala akong magagawa ngayon sa bahay namin, may importanteng-importante na gawain ang mga magulang ko ngayon kaya wala ding magti-train sa akin."

"Edi mag-train ka magisa?"

"Shut up...ang dami mong sinasabi, kahit kailan..."

Umalis siya sa silid at nagpunta sa storage room para kumuha ng upuan.

Nagtagal siya ng ilang minuto sa kaniyang pagkuha ng upuan sa storage room.

Sa kaniyang pagbalik sa silid, pabagsak niyang binitawan ang upuan sa kinaroroonan ng mga libro na pinili niya at umupo rito saka kumuha ng isang libro na kaniyang binasa.

"Ang gentleman mo, much appreciated, Tinzel." Nangaasar na sabi niya.

"Ano...? Ikaw ang gagamit ng upuan 'diba? Dapat lang na ikaw ang kumuha at hindi ako 'diba?" Katwiran ko.

"Arg!! Napaka-twisted naman ng reasoning mo!!" Reklamo niya.

"Listen here, I'm kind enough to tell you where the chair is located. And you're not some kind of weakling girl that can't carry a single chair. After all my best friend, you manage to make a large pit hole in front of the palace."

"Ang dami mo talagang nasasabi..."

"Inumpisahan mo eh..."

"Ewan ko sayo." Tumaray siya sa akin at nag-pokus sa binabasa niyang libro.

Nagpokus na din ako sa aking pagbabasa. At talaga namang, nabalot ng katahimikan ang silid na kinaroroonan naming dalawa.

(Did I said too much? Did I hurt her feelings that much?) Nagaalala na sabi ko sa aking sarile patungkol kay Alena.

Itutuloy.