webnovel

Prinsesa Arkee POV

"Mitsi, kukunin ko muna ang anak mong si Kumiko a?" paghingi ko ng pahintulot sa alaga kong lobo sa kaniyang panglimang anak dahil nanghihina ito.

"Pagalingin niyo po ang aking bunsong anak mahal na prinsesa." pagsagot nito.

Kung sa iba ay para itong umuugol sa pandinig. Salita naman sa akin. Kaya kung intindihin lahat ng mga sinasabi ng mga hayop kaya halos lahat na ng klase ng hayop ay mayroon ako pero ang mga pwede lang sa kwarto ko ang meron at lahat na ay narito sa kagubatan tulad ng alaga kong si Mitsi.

Nalaman kong kailangan niya ako dahil sa pagtawag sa akin ni Unima, ang pinagkakatiwalaan kong mag-alaga at maghahatid sa akin ng balita patungkol sa mga alaga kong hayop na nasa kagubatan.

Mabuti nalang din at saktong lumabas ang Hari at Reyna ng Surkando habang kumakain kami kani at nakapaglakas loob siyang lumapit sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagpaalam agad sa aking papang at mamang na lalabas muna ako at titignan si Mitsi na naintindihan naman nila agad dahil alam nilang hindi pupunta rito ang mga alaga ko kung walang nangyaring hindi maganda.

"Sige magpahinga ka na at pakainin mo muna ang mga anak mo at ako na ang bahala kay Kumiko. Ibabalik ko din siya mamaya" at saka ako umalis sa nakapasadyang bahay nito malapit lang sa likod ng palasyo namin.

"Kumiko, maghintay ka lang ha at gagawa muna ako ng gamot mo." pag-usap ko sa kaniya habang tinatahak ko ang papasok ng palasyo namin. Halos hindi na rin ito gumagalaw at nakamulat nalang.

Siya pa lang ang nabibigyan ko ng pangalan sa kanilang magkakapatid.

Ako ang nagpangalan at nagpapangalan sa lahat ng mga alaga kong hayop.

Nasa loob na ako ng palasyo at kahit gaano pa kalawak ang mansyon ay dinig na dinig ko ang tuwaan nila papang sa salas kaya mas maiging sa kabilang hagdanan nalang ako dadaan paakyat ng silid ko at baka makita pa nila ako. Ang hindi lang maganda ay mas malayo ang lalakarin ko at iikot pa ako.

Malapit na ako sa hagdanan para sana tumaas ng marinig kong may palabas sa kabilang daanan papunta sa hardin  at alam kong si ate Zaria ito dahil alam ko ang boses nito.

Pinagwalang bahala ko nalang ito at umakyat nalang.

"Arkne! Kumusta ang alaga mong si Mitsi?" Nasa ika-pitong hakbang pa lang ako ay tinawag na agad ako.

Heto na naman tayo sa peke nitong ugali. Akala mo naman may pakialam talaga. Ngayon nga lang ulit ako kausapin. Nagbabait baitan na naman dahil lang sa mga kasama nito.

Humarap nalang ako, pero hindi ko siya sinagot at inangat ng konti ang buhat kong si Kumiko para ipakita ito na kitang kita naman na kahit hindi ko pa ito itaas. Tumalikod na ako at hahakbang na sana pero tinawag ulit ako.

"Arknee. Hindi ka man lang nagpakilala sa mga bisita natin. Sila ang mga prinsipe ng Surkando. Hindi lang mga negosyante ang kaharap mo. Mga prinsipe na magiging hari pagdating ng panahon." nakatalikod pa rin ako habang sinasabi niya ang mga ito. Nag-uutos ang boses nito na magbigay ako ng galang sa kanila.

Pumikit nalang ako ng matiim at saka humarap ulit sa kaniya dahil kung hindi lang sila papang at mamang ang mapapasama kung aalis nalang ako at 'wag na siyang pansinin ay ginawa ko na kanina pa.

"Natutuwa akong makabisita kayo sa aming palasyo mga prinsipe. Ako pala si prinsesa Arkne." Taliwas sa sinabi ko ang reaksyon ng mukha ko dahil wala man lang itong kabuhay buhay kong sinabi.

Alam kong apat ang prinsipe ng Surkando pero tatlo lang ang narito.

Ngayon ko lang binaling ang tingin ko sa kanila at tignan sila isa-isa sa mga mata.

Magkamukha ang dalawang prinsipe na magkatabi na nasa kaliwa ni ate at napakaganda ang ngiti nila habang nakatingin sa akin. Parang ka edad ko lang sila. Sa sobrang tamis ng mga ngiti nila ay parang wala ng bukas. Kambal sila pero kitang kita ang pagkakaiba nila. Hindi ako magaling sa pagbibigay larawan sa tao pero masasabi kong nakakahawa ang mga ngiti nila, kung makatingin sila sakin pabalik ay parang hindi na sila makapagtimpi at gusto na nila akong lapitan.

Bago pa nila gawin yun ay inalis ko na ang tingin ko sa kanila at dumako naman ang mata ko sa kanan ni ate.

Kumpara sa dalawa nitong kapatid ay kitang mas matanda ito, pero kung gaano kaganda ang ngiti ng mga kapatid niya ay ganun naman ang galit ng mga nito na kahit anong oras ay parang gusto akong saktan. Napakaseryoso ng mga tingin nito, pero kahit ganun ay natutuwa akong makita siyang galit dahil pakiramdam ko parang may magandang rason kung bakit siya galit sakin.

Napakatangkad niya at aaminin ko, mas malayong nakakakuha siya ng atensyon sa kahit sino mang babae ang tumingin sa kaniya. At maging sina ate at Laski ay siguradong pag-uusapan nila at pagpapantasyahan ang prinsipeng ito.

Sa tingin niya sakin ay parang galit na parang ang laki ng kasalanan ko. Hindi ko alam pero sa binibigay niyang tingin na kahit parang nag-aapoy na ang tingin nito sakin ay gusto kong ngumiti.

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya dahil baka makapagbigay pa ako ng maling kahulugan sa kanila. Tumagal man ang tingin ko sa kaniya, hindi nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko kahit ang dami ng sinabi ng utak ko patungkol sa kaniya.

Naputol din talaga ang tingin ko sa kaniya dahil dumating si Laski at kasama ang isa pang prinsipe.