webnovel

Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish)

MysteryTeen#6 Krishiana Marie Lorenzo is a girl who have the ability of a silent shooter. She's the one of the six girls archer in the world. And she's observer and have an active senses of the people she only met. But when in the middle of the situation, Lexord noticed that Krisha wanted to find the solution of her unresolve problem and pretending to help her but truely will trapped her and abonded. When Krishiana will find her own life without being inside of the Jail? Is there will come into her life and find her freedom of her own without him?

ItsMeJulie · Sejarah
Peringkat tidak cukup
55 Chs

Chapter 24

"Pumapayag akong makipag inom dahil gusto nang isa dyan magliwaliw. Pagbibigyan ko kayo ngayon dahil gusto kong damayan si Krisha. Ang ayoko lang iyong ako pa mag aasikaso sainyo, kapag nalasing kayo." Daldal ni Desiree kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Oo na, hindi naman kami magiging pabigat sa inyo kaya wag kang mag alala." Sambit ko sa kanya kaya tumango na sya at kinuha ang mga bote at pinagbubuksan iyon isa isa.

Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang to. Minsanan ko lang makita si Desiree at ngayon na lang ulit pero pangaral naman ang sinalubong sa amin ni Irish.

"Oh nasaan ang chips, may bumili ba?" Singit ni Nicole kaya tumango ako at kinuha ang plastik.

"Nandyan na yung favorite na pic-a mo." Sambit ko pa sa kanya at binuksan naman nya yon.

"Cheers for the broken heart!" Sigaw ni Irish sa dorm nang boyfriend nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Cheers!" Sigaw nang dalawa at pinili ko na lang manahimik.

Nakailang kain at shots pa kami bago ako magsimulang mag kwento sa kanila. Ramdam kong nakikinig sila. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako mabilis tamaan ng alak kahit hard pa yan.

"Iyon na nga, masaya kami tapos biglang boom!" Pag aksyon ko pa. "Bigla na lang bula na nawala. Ewan ko ba! Hindi ko na nga alam gagawin ko at kung sino ba talaga sa amin ang nagkamali e. Parang gago lang. Ang saya saya na namin tapos ang dami nya pang sinasabi na wag ko syang iwanan, pero ano itong nangyayari sakin ngayon diba? I am now devastated and broken because of him! Daig ko pa ang totoong broken hearted dahil sa sakit na ibinigay nya."

"Maybe because he tired of waiting for you to answer him? So you two would be official?" Tanong ni Desiree sakin kaya sa kanya ako napatingin.

Nakaka tatlong bote na kami ng beer at uminom pa muna ako bago mag salita. "Malabo e." Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam, nanghuhula na lang kasi ako." Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil nangingibabaw ang sakit sa akin. "Palagi nya akong binibigyan ng assurance e, kaya alam kong hindi rin iyon ang rason. Maaring naguguluhan ako, pero ginagawa ko naman ang lahat para samin. Para mas makilala namin ang isa't isa nang tuluyan. Alam ko sa sarili ko na wala akong pagkukulang sa kanya. Pinaninindigan ko lahat ng sinasabi ko, alam nyo yan." Pigil ang emosyon sambit ko at napahilamos nang mukha sa init ng nararamdaman ko.

"Iyan yung mahirap kasi. Feel ko lang ha, mas masakit pa yan sa totoong magkarelasyon na talaga." Singit ni Irish kaya sa kanya naman kami napatingin. "Kasi para sakin sa ganyang sitwasyon mo ay iyong mahirap dahil parang wala kapa din karapatang masaktan o paliwanag nung tao dahil lang hindi naging kayo? Alam nyo yon. Iyon din yung wala na ngang kayo pero hindi kapa binigyan nang dahilan o rason kung bakit ka iniwan nung tao? Ang gago lang diba?" Iiling iling na sabi nya.

Naiintindihan ko ang pinupunto nya dahil tumatama iyon sa akin. Halos tumulala na lang ako habang naka upo kami sa carpet ng sahig.

"Nakita ko sya kanina." Naramdaman ko ang tingin nilang tatlo sakin. "Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang torture sakin yung makita ko sya ulit sa harap ko. Lalo na nung nakabangga ko sya at nagawa pang kausapin ako ng normal lang."

"Na para bang walang nangyari?" Napatingin ako kay Nicole. "Maaring galit ka ngayon dahil nasasaktan ka. Hindi kita masisisi doon, hindi din tayo pwedeng magalit agad sa tao nang dahil lang sa nasaktan tayo. Malay mo, may dahilan din pala ang lahat kung bakit nya ginawa yon sayo."

"Anong gusto mong iparating? Na wala akong karapatang masaktan dito kahit na may dahilan sya? Swerte nya naman kung ganoon. Tao lang din naman ako ah? Bakit? Kailangan ko ba hulaan ang plano nya para lang makaiwas ako sa sakit na iniwan nya sakin?" Natawa ako ng sarkastiko at humigpit ang hawak ko sa baso.

"Krisha baka naman hindi lang talaga ikaw. Sa nakikita ko din kasi kay Lexord ay nagpakatotoo sya sayo. Maybe we're not enough close but I feel it. I felt his love and concern to you." Si Desiree.

"Alam ko naman yon, dahil hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi ko naramdaman iyon e. Ang sa akin lang, bakit kailanga pang paabutin nya ng ganito? Kung mahal nya ako, bakit nya ako pinahihirapan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na nang tuluyan sa kanila. "Hirap na hirap na ako kakaisip at kakahanap ng rason na kung ano pa bang kulang para saktan nya ako ng ganito. Kailangan ko pa bang lumuhod sa harap nya at mag maka awang bumalik sya sakin?! Ganoon ba ang gusto nyang iparating?! Para ano? Para mag mukha akong kawawa sa harap nya?!"

"Krisha, tama na, nakainom kana." Kalmadong awat sa akin ni Desiree pero hindi ako nagpatinag.

Tumayo ako at kinuha ang susi nang sasakyan ko. Agad namang nagsi tayuan ang tatlo upang maagaw sa akin ang susi.

"Gusto ko syang kausapin! Dalhin nyo ako sa kanya at isasampal ko lang naman sa kanya ang mga pinag gagawa nya sakin! Samahan nyo ako!"

"Delikado at gabi na." Sambit ni Nicole kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Hindi ako lasing, pagbigyan nyo na ako kahit ngayon lang, please. Huli na to, ayoko na din naman e. Ako lang naman ang nahihirapan saming dalawa, ako na lang yung kumakapit. Gusto ko lang syang maka usap at pagkatapos non ay hindi ko na din naman syang guguluhin. Gusto ko na din maka ahon sa paghihirap na to. Please." Pagmama kaawa ko pa sa tatlo.

Nagkatinginan pa muna sila. "Basta't maghihintay kami sa labas. Ang alam ko ay nasa condo nya sya ngayon, ako na ang pag drive in nyo dahil alam ko kung saan yon." Sambit ni Irish kaya naman binigay ko ang susi sa kanya.

Hindi ako kumibo nang simulang bumyahe kami. Wala pa man ay naiiyak na ako. Ako ang matagal nyang nakasama pero kahit kailan ay hindi ko nalaman ang condo nya.

Mabilis lang din kaming nakarating nang tawagin nila ang paningin ko. Hindi ko namalayan na naka park na kami. Binuksan ko ang pinto at bumaba nang sasakyan. Tiningala ko pa muna ang magandang building noon bago sumunod sa kanila.

"Talaga bang gusto mong ituloy? Pwede ka namang mag back out kung hindi mo pa kayang harapin sya?" Paninigurado sa akin ni Irish kaya tumango ako sa kanya.

Kinausap nila Nicole at Desiree ang tao sa lobby. Narinig ko pa ang pag banggit nang pangalan ni Lexord na syang ikinakaba ko.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko nang makitang kong may tinawagan iyong babae. Naghahalo ang kaba at takot ko nang ipaalam nyang nandito kami. Halos manginig ang mga kamay at tuhod ko kasabay nang paglabo ng paningin ko.

Agad akong inilalayan ni Irish at niyakap para ma balanse ako. "Kaya mo yan, I know it. Danas ko yan kaya alam kong kaya mo." Bulong nya sa akin. "Kapag hindi mo na kaya pagka akyat mo sa floor nya ay tawagan mo lang kami ha? Nandito lang kami para sayo Krisha."

Niyakap nya ulit ako kaya hindi ko naiwasan maiyak sa balikat nya. Pumunta na iyong dalawa sa direksyon namin kaya kumalas na ako at pinunasan ang luha ko.

Lumapit si Nicole sa akin. "Ang sabi mo ay iinom lang tayo, pero umabot tayo dito. Dito lang kami, aabangan ka namin sa lobby dahil hindi daw pwede na tayong apat ang umakyat doon. Ikaw lang ang pinayagan."

"Nasa 5th floor, room 218 ang unit ni Lexord. Ikaw nang bahala. Good Luck na lang and stay strong. Don't show him that you're weak. Know your worth, okay?" Malambing ang tono ni Desiree na syang ikinataka ko.

Tumango na lang ako sa kanila. "Salamat."

Naglakad na ako paalis at pinindot pataas ang button ng elevator. Maya maya pa ay bumukas na iyon at pumasok na ako. Ma swerte ako at walang tao kaya malaya akong gawin ang gusto ko sa loob niyon.

Pinindot ko ang 5 at pinanood ang pag angat. Halos kainin ako nang kaba sa dibdib ko nang mag bukas iyon. Dahan dahan akong lumabas at kasabay nang pagsara nang elevator ay ikina doble nang kaba ko.

"Kaya mo yan Krisha, matatapos din to. At kapag natapos mo ito at naka usap mo na sya ay hindi mo na kailangan pang maghabol ulit sa kanya ng ganito." Pakiki usap ko sa sarili ko hanggang tumapat ako sa 218 room.

Huminga pa ako nang malalim bago kinatok ang pinto nang tatlong beses. Inilagay ko pa ang tenga ko sa pinto at nakarinig ako nang yabag. Dali dali akong umayos ng tayo at handa nang harapin ang nag bukas nyon.

Bumukas ang pinto at nagtama ang paningin namin. Hindi sya nagulat nang makita ako dahil nalaman na din naman nya. Pinagkatitigan ko pa muna sya at naluha nang makitang maayos at maaliwalas ang mukha nya na para bang may magagandang nangyayari sa buhay nya ngayon.

"Bilisan mo na kung may sasabihin ka, mahal ang oras ko." Malamig na sambit nya at nagising ang diwa ko mula sa pagkatitig sa kanya.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko nang dahan dahan kong inangat ang kamay ko. Nagsimulang kumunot ang noo nya nang hawakan ko ang mag ka bilang pisngi nya.

"Alam mo ba na.." Huminga ako ng malalim at tinignan sya. "Mahal na mahal kita?"

"Don't even touch me, I don't care about you. Loving me." He greeted his teeth like he will lost his temper at kinuha ang kamay ko upang isalag iyon.

Natawa ako nang sarkastiko. Oo nga naman Krisha, ano nga bang pakielam nya kung masaktan ka at umiyak sa harap nya? Kahit yata lumuhod ka ay titignan ka lang nya nang parang tanga e.

Alam kong nagtaka sya sa reaksyon ko. Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang luha ko at maayos na humarap sa kanya.

"Alam ko, kaya nga nandito ako para makipag usap e. Para na din sa closure." Sambit ko at tinignan sya mula sa mata.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako ng makita ko ang takot mula sa mata nyang agad din na nawala.

"Hindi ko alam kung paano ko u umpisahan pero dahil mahal ang oras mo, bibilisan ko na lang. Pasensya kana sa istorbo ha? Sino nga ba ako sa buhay mo para umiyak at humingi nang atensyon sayo?" Matapang kong hinarap sya. "Siguro nga, dapat ko nang alisin itong nararamdaman ko sayo, alam mo kung bakit? Kasi sobrang sakit na. Ultimong ikaw ang nang gago pero ako ang naghirap? Nangako ka din naman at sinabi mong ikaw ang magiging kakampi ko sa lahat, pero nasaan na?" Natawa ako nang sarkastiko at hindi naman sya nakapag salita.

"I need to fix this our relationship of ours." Binigyan ko sya nang matamis na ngiti. Lumuwag ang paghawak nya sa door knob. "I'm sorry to say this, maybe this will be the last to see each other. I've done to you and I promise you that you won't see me again."

Hindi pa din sya nakapag salita. Aalis na ako nang hawakan nya ang braso ko upang pigilan ako.

"Krisha.." Mahinang bulong nya at tinignan ako sa mga mata.

"Who am I to you? Just a piece of trash. That's me, in your life right? Lalo na yung mga pinangako mo? Na you will tell me na nahihirapan ka kapag nakikita akong nahihirapan? That's bull**it!" Pigil na sabi ko. "Don't worry, I'll never bothered you anymore. Wait for the consequences of yours. I'll be the one happy if you chase me, right away."

Iyon lang ang sinabi ko at nilayasan sya.

To be continued...