webnovel

IKAWALONG KABANATA:

Bago humiga para matulog si Zyra, parang kakaiba ang pakiramdam niya.Hindi niya masabi kung nilalamig ba siya o naiinitan akala naman niya ay pagod lang siguro sa mga ginawa nitong nakaraan.

Kinaumagahan, mataas na ang sikat ng araw ng makabangon si Zyra, agad niyang naramdaman na mas mabigat ang katawan niya at sobrang sakit na ng ulo niya.

"Bakit ganito ako?"daing niya, dahil parang hindi na niya kayang tumayo.

Pinilit niya pa ding bumangon para maghilamos at magsipilyo sa kusina. Pagkatapos ay mabilis din siyang bumalik sa kwarto dahil parang umiikot na ang nakikita niya.

Sakto naman na sa mga oras na iyon ay papasok ang kaniyang kapatid galing sa pagjo-jogging sa labas.Pagkakita pa lang niya sa ate ay may napansin na ito na may kakaiba.

"Are you okay ate,"tanong niya dito dahil hindi sa mga oras na iyon na nakatayo na ito.

"Of course,"sagot ni Zyra,hindi naman nakumbinsi ang kapatid kaya nilapitan niya ito para siguraduhin na maayos siya.

Nang akmang hahawakan na siya ni Raphael ay bigla niya itong pinigilan.

"Ano ba?"pagalit na tanong ni Zyra."Baka magka-virus ako ang dirty kaya ng kamay mo."

Pero hindi pa din nagpapigil itong si Raphael kaya pinilit niyang hawakan ito sa noo.Nang mahawakan niya ito ay parang nagliliyab na apoy ang balat niya.

"Ang init mo ate!"napalakas na sambit ni Raphael sa kapatid, at tama ang kaniyang hinala na may sakit ito.

Tumakbo agad siya palabas na sinubukan namang na pigilan ni Zyra pero hindi niya nagawa.Nang makalapit ito sa kaniyang tita ay agad niyang sinabi sa tita na may lagnat ang kaniyang ate.Nang malaman iyon ng tita ay nagmadali itong pumunta sa kwarto at nilapitan siya para tignan.

"Ang init nga,"sabi nito, agad niyang inutusan si Raphael na magpainit ng tubig at ilagay ito sa isang planggana at makikuka na din ito ng maliit na tuwalya.

Lumabas naman agad ito ng kwarto para kunin ang mga ito.At pagbalik niya ay dala na niya lahat ng pinapakuha sa kaniya at ini-abot ito sa tabi ng kaniyang tita.

Kinuha agad ng tita ang tuwalya at isinasaw ito sa mainit na tubig at piniga ito saka naman niya ipinahid sa buong katawan ni Zyra.Pagkatapos niyang ipahid sa buong katawan ay ipinatong niya ito sa noo para masipsip nito ang init.

Matapos iyon at umalis na din ang kanilang tita dahil madami pa daw itong gagawin sa labas.

"Ikaw talaga ang kulit mo,"sabi niya sa kapatid, sinisisi ito kung bakit sinabi niyang may sakit ito.

"If you want medicine mero ako diyan sa cabinet,"sambit nito at saka itinuro kung saan banda ito nakalagay.

"Sabi ng walang akong sakit!"sigaw nito na todo deny pa din."Bakit ba napaka-oa mo ha?"

Hinayaan na nga lang ito ng kapatid sa sinasabi nito kaya lumabas na lang siya sa kwarto kaysa makipagtalo sa kaniyang ate. Paglabas naman ay nakasalubong niya itong si James papasok sa kwarto.

"Ohh anyare bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni James ng makita nito ang itsura na naiinis.

"Basta,"maikling tugon nito at dumiretso na papunta sa labas.Pagpasok sa kwaryo ay saka niya nakita si Zyra na nakahiga at may bimpo sa noon kaya alam na nito kung napano ito.

"Zy..."hindi natapos na sabi ni James dahil inunahan na siya ni Zyra na kung itatanong niya lang kung may sakit siya ang huwag na niyang ituloy pa.

Kaya naman tumahimik na lang ito at hindi na sinabi pa ang kaniyang sasabihin.Bigla namang napadaan si Ethan at nakita ang dalawa sa kwarto nag-uusap.Hindi niya pinansin iyon at mabilis lang siya naglakad papunta sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?"tanong ni James sa kay Zyra dahil hindi pa ito naka-kakain simula kanina.

Umiling lang ito bilang tugon, wala itong ganang kumain dahil mapait ang panlasa nito.Ngunit hindi naman pumayag si James na hindi ito kakain kaya sinabi niya na ipagluluto niya na lang ito ng lugaw.

Tumayo siya at nagpunta ng kusina sakto naman at nadatnan niya na nandoon si Ethan kaya nagtanong na din ito kung nasaan ang mga gamit nila at mga pangsangkap.

"Hindi ko alam, humanap ka na diyan," matamlay na sagot nito.

"Ahh sige, thank you na lang,"sabi nitong si James at saka na nagsimulang buksan isa-isa ang mga cabinet.

Halos nakalkal niya na ang mga ito pero hindi niya makita kung nasaan ang ibang mga gamit.Napasakto naman na dumating si Aling Lara kaya sa kaniya na ito nagtanong.

Bigla na lang tumayo si Ethan at lumabas ng bahay na hindi alam kung saan ito pupunta.

Hindi nagtagal ay natapos na sa pagluluto itong si James.Sumandok na agad siya para idala kay Zyra.

"Ito na yung lugaw,"sabi niya kay Zyra. Nilapitan niya ito at tinulungang makatayo sa pagkakahiga.

"I don't want to eat,"medyo masungit na sabi niya.

"Sungit mo pa din kahit na may sakit ka na," biro naman sa kaniya ni James.

Zyra just rolled her eyes.

Nang nakita iyon ni James ay kinuha niya ang lugaw para subuan siya.Bigla naman dumating si Ethan at may dala itong mga dahon-dahon.

"Ohh ayan ilaga mo at ipainom sa kaniya," padabog na sabi niya at binagsak sa mesa ang mga halaman gamot at saka na mabilis na lumabas.

"Ano kayang nangyari dun, kanina pa siya ganon?"tanong ni James habang sinusubuan si Zyra.

"Ano bang bago?"pilosopong sabi ni Zyra na medyo paos ang boses."Ganoon naman talaga lagi 'yon."

Hindi na nagsalita pa si James at patuloy na lang niyang pinakain si Zyra.At nang matapos ay siya na din ang naglipit para hugasan.Sinabay na niyang dinala ang mga halamang gamot para mapakuluan na din at magamit na ni Zyra.

Pagsapit ng tanghali ay bumalik na sa kubo itong si Raphael at dumiretso agad ito sa kwarto para tignan kung maayos na ba ang kaniyang ate.

"Okay ka na ba ate?"tanong nito.

"Medyo nahihilo na lang,"sagot naman nito.

"Di inamin mo din,"sabi ni Raphael."Todo deny ka kanina ha,"biro pa nito.

"Oo na,"pag-amin niya."Oh ngayon ano masaya ka na may sakit ako?"

"Syempre hindi,"naka-pangising sagot nito. "Kainip kasi wala akong kaaway,"pabiro pang hirit niya kasabay ng mahinang tawa.

"Stop talking!"nairitang sabi ni Zyra.